Kidlat ng Silanganan|Ang Lihim na Katotohanan sa Mapanlupig na Gawa (2)
Dati kayong naghangad na maghari bilang mga hari, at ngayon hindi pa rin ninyo ganap itong isinasantabi; nais pa rin ninyong mamahala bilang hari, upang hawakan ang langit at tumulong sa lupa. Ngayon, pag-isipan ito: Iyo bang taglay ang mga nasabing kwalipikasyon? Hindi ka ba nawawalan ng pakiramdam? Makatotohanan ba ang bagay na inyong hinahanap at pinagtutuunan ng pansin? Hindi man lang ninyo taglay ang normal na pagkatao—hindi ba ito kahabag-habag? Kaya, ngayon binanggit Ko lang ang pagiging nalupig, pagtaglay ng pagpapatotoo, pagpapabuti ng iyong kakayahan, at pagpasok sa landas ng pagiging perpekto, at wala nang ibang sasabihin. Pagod na ang ilang tao sa purong katotohanan, at kapag nakita nila ang lahat ng pag-uusap ng karaniwang normal na pagkatao at pagpapabuti ng kakayahan ng mga tao, sila ay nag-aatubili.
Ang mga hindi nagmamahal sa katotohanan ay hindi madaling gawing perpekto. Kung kayo ay papasok ngayon, at kikilos ayon sa kalooban ng Diyos, sa bawat hakbang, maaari ka bang maalis? Matapos ang labis na gawain sa lupain ng Tsina—ang naturang napakalaking gawain—at matapos ng napakaraming salitang binigkas, maaari bang magpaubaya ang Diyos? Ihahatid ba Niya ang mga tao paibaba sa hukay na hindi maarok? Ang mahalaga ngayon ay dapat ninyong malaman ang kahalagahan ng tao, at dapat malaman kung ano ang dapat ninyong pasukin; dapat kang magsalita ng pagpasok sa buhay, at mga pagbabago sa katangian, kung paano ba talaga ang malupig, at kung paanong ganap na sumunod sa Diyos, na magdala ng huling pagpapatotoo sa Diyos, at makamit ang pagsunod hanggang kamatayan. Kailangan mong tumuon sa mga bagay na ito, at ang mga hindi makatotohanan o mahalaga ay kinakailangan munang isantabi at hindi isinasaalang-alang. Ngayon, dapat mong mabatid kung paano malupig, at kung paano ikilos ng mga tao ang kanilang sarili matapos na sila ay malupig. Maaaring ikaw ay siya nang nalupig, ngunit maaari ka bang sumunod hanggang kamatayan? Kailangan mong magawang sumunod hanggang sa pinakasukdulan hindi alintana kung mayroong anumang tagumpay, at hindi ka dapat mawalan ng pananampalataya sa Diyos sa kahit ano mang larangan. Sa huli, kailangan mong matamo ang dalawang aspeto ng pagpapatotoo: ang patotoo ni Job—pagtupad hanggang kamatayan—at ang patotoo ni Pedro—ang kataas-taasang pagmamahal ng Diyos. Sa isang banda, kailangan mong maging gaya ni Job: Siya ay walang ari-ariang materyal, at siyang pinahirapan ng sakit ng katawang-tao, nguni't hindi niya tinalikuran ang pangalan ng Jehovah. Ito ang testimonya ni Job. Nagawang mahalin ni Pedro ang Diyos hanggang kamatayan. Noong siya ay namatay—noong siya ay ipinako sa krus—nanatili ang kanyang pagmamahal sa Diyos; hindi niya inisip ang kanyang sariling mga inaasam o maghanap ng maluwalhating pag-asa o maluhong saloobin, at ninais lamang niya na mahalin ang Diyos at sundin ang lahat ng mga pagsasa-ayos ng Diyos. Iyan ang batayan na dapat mong makamit bago ka ituring na nagpatotoo, bago ka maging isang tao na ginawang perpekto matapos na malupig. Ngayon, kung tunay na batid ng mga tao ang kanilang sariling kahalagahan at estado, maghahanap pa ba sila ng mga inaasam at pag-asa? Ito ang dapat mong malaman: Hindi alintana kung ginawa akong perpekto ng Diyos, dapat akong sumunod sa Diyos; ang lahat ng Kanyang ginagawa ngayon ay mabuti, at para sa ating kapakanan, at upang ang ating disposisyon ay maaaring magbago at maaari nating tanggalin sa ating sarili ang impluwensya ni Satanas, upang hayaan tayong mamuhay sa lupain ng mga marurumi at ngunit maaari natin pawalan ang ating sarili sa karumihan, ipagpag ang dumi at impluwensiya ni Satanas, upang magawa nating iwanan ang impluwensiya ni Satanas. Siyempre, ito ang kinakailangan sa iyo, ngunit para sa Diyos ito ay isa lamang paglupig, upang ang mga tao ay magkaroon ng matatag na kapasyahan na tumalima, at maaring sumailalim sa lahat ng Pagtutugma ng Diyos, na siya lamang kinakailangan. Ngayon, karamihan sa mga tao ay nalupig na, ngunit sa loob nila ay marami pa ring mga paghihimagsik at pagsuway. Ang totoong estado ng mga tao ay masyadong maliit, at sila ay bumabangon lamang kung may mga pag-asa at pagkakataon; kung wala, sila ay nagiging negatibo, at nag-iisip pa na lisanin ang Diyos. At ang mga tao ay walang matinding pagnanais upang hanapin ang pagsasabuhay ng normal na pagkatao. Hindi iyon maaari! Kaya, dapat Ko pa rin pag-usapan ng paglupig. Sa katunayan, nangyayari ang kasakdalan kasabay ng paglupig: Kung ikaw ay nalupig, ang unang epekto ng pagiging perpekto ay nakamit. Kung saan mayroong pagkakaiba sa pagitan ng pagka-lupig at kasakdalan, ito ay ayon sa antas ng pagbabago sa mga tao. Ang pagkalupig ay ang unang hakbang ng pagiging perpekto, at hindi nangangahulugang sila ay lubusang ginawang perpekto, o napatotohanang sila ay ganap nang nahimok ng Diyos. Matapos lupigin ang tao, may ilang mga pagbabago sa kanilang katangian, ngunit ang mga nasabing pagbabago ay lubhang kaunti kaysa sa mga tao na ganap nang makamtan ng Diyos. Ngayon, ang nagawa na ay ang paunang gawain upang gawing perpekto ang mga tao—nilulupig sila—at kung hindi mo makamit ang panlulupig, walang paraan upang ikaw ay gawing perpekto at lubusang makamtan ng Diyos. Ikaw ay makakukuha lamang ng ilang salita ng pagpaparusa at paghatol, ngunit hindi nila ganap na mapagbabago ang iyong puso. Kaya ikaw ay isa sa mga maaalis; ito ay hindi naiiba mula sa pagtingin sa isang katakam-takam na kapistahan sa ibabaw ng mesa ngunit hindi kinakain ito. Hindi ba ito trahedya? At kaya dapat kang humanap ng mga pagbabago: Ito man ay paglupig o ginawang perpekto, parehong kaugnay ito kung mayroong pagbabago sa’yo, at kung ikaw man o hindi masunurin—at ito ay tumutukoy kung ikaw man ay maaaring makamtan ng Diyos o hindi. Tandaan na ang "pagkalupig" at "kasakdalan" ay simpleng nakabatay sa hangganan ng pagbabago at pagsunod, pati na rin sa kung gaano kalinis ang iyong pag-ibig sa Diyos. Ang kinakailangan ngayon ay gawin kang ganap na perpekto, ngunit sa simula ay dapat kang malupig—dapat ay mayroon kang sapat na kaalaman sa kaparusahan at paghatol ng Diyos, dapat ay mayroong kang pananampalataya na sumunod, at maging isang tao na naglalayon ng pagbabago at para magkaroon ng mga epekto. Doon ka lamang magiging isang tao na naghahangad maging perpekto. Dapat mong maunawaan na sa kurso ng kasakdalan kayo ay malulupig, at sa kurso ng panlulupig kayo ay gagawing perpekto. Ngayon, maaari mong hangaring magawang perpekto o humanap ng mga pagbabago sa iyong panlabas na pagkatao at mga pag-unlad sa iyong kakayahan, nguni’t ang pinakamahalaga ay iyong nauunawaan na ang lahat ng ginagawa ngayon ng Diyos ay may kahulugan at kapaki-pakinabang: Hinahayaan ka nito, ikaw na nakatira sa lupain ng karumihan, na makatakas sa karumihan at maipagpag ito, hinahayaan ka nitong mapagtagumpayan ang impluwensiya ni Satanas, at iwanan ang madilim na impluwensiya ni Satanas—at sa pagtutok sa mga bagay na ito, ikaw ay iniingatan dito sa lupain ng karumihan. Sa kahuli-hulihan, anong patotoo ang hihingin sa iyong ibigay? Ikaw ay nakatira sa lupain ng karumihan nguni’t nagawang maging banal, at hindi na magiging marumi at may-bahid, ikaw ay nakatira sa ilalim ng nasasakupan ni Satanas nguni’t inaalis sa iyong sarili ang impluwensiya ni Satanas, at hindi pagmamay-ari o ginigipit ni Satanas, at ikaw ay nakatira sa mga kamay ng Makapangyarihan-sa-lahat. Ito ang patotoo, at katibayan ng tagumpay sa pakikipaglaban kay Satanas. Nagagawa mong iwaksi si Satanas, kung ano ang iyong pagsasabuhay ay hindi nagbubunyag kay Satanas, kundi yaong kinailangan ng Diyos na abutin ng tao noong nilikha Niya ang tao: normal na pagkatao, normal na pagkamakatwiran, normal na pananaw, normal na paninindigang mahalin ang Diyos, at katapatan sa Diyos. Ganyan ang patotoo na taglay ng isang nilalang ng Diyos. Sabi mo, “Tayo ay nakatira sa isang lupain ng burak, ngunit dahil sa pag-iingat ng Diyos, dahil sa Kanyang pamumuno, at dahil nilupig Niya tayo, naalis natin ang ating mga sarili sa impluwensiya ni Satanas. Na angkakayahan nating sumunod ngayon ay epekto rin ng paglupig ng Diyos, at ito ay hindi dahil tayo ay mabuti, o dahil natural nating iniibig ang Diyos. Ito ay dahil pinili tayo ng Diyos, at itinalaga tayo, na tayo ay nalupig ngayon, na magagawang magpatotoo sa Kanya, at makapaglingkod sa Kanya; kaya, pati, ito ay dahil pinili Niya tayo, at protektado, na tayo ay nailigtas at nabawi mula sa ilalim ng nasasakupan ni Satanas, at maaaring nang iwanan ang dumi at maging malinis sa bayan ng dakilang pulang dragon. Dagdag pa rito, kung ano ang iyong isinasabuhay ay magpapakita na taglay mo ang normal na pagkatao, mayroong pagkamakatuwiran sa iyong sinasabi, at ikaw ay kahalintulad ng isang normal na tao. Kapag nakikita kayo ng iba hindi nila dapat sabihin, Hindi ba ito ang imahe ng dakilang pulang dragon? Ang pag-uugali ng kapatid na babae ay hindi angkop sa pagiging isang kapatid na babae, ang pag-uugali ng kapatid na lalaki ay hindi angkop sa pagiging isang kapatid na lalaki, at wala silang anumang asal ng mga santo. Hindi sila dapat sumambit, Hindi nakakapagtaka na sinabi ng Diyos na sila ay mga inapo ni Moab, Siya ay ganap na tumpak! Kung titingnan kayo at sasabihin sa inyo ng mga tao, “Kahit na sinabi ng Diyos na ikaw ay inapo ni Moab, kung paano ka mamuhay ay nagpapatotoong iniwan mo ang impluwensiya ni Satanas; bagaman ang mga bagay na iyon ay naka paloob sa iyo, nagawa mong tumalikod sa kanila,” sa gayon ito ay nagpapakita na ikaw ay ganap na nalupig. Ikaw na nalupig at nailigtas ay magsasabi, “Tunay na kami ang mga inapo ni Moab, ngunit kami ay nailigtas ng Diyos, at bagaman ang mga inapo ni Moab noong nakalipas ay pinabayaan at sinumpa, at iwinaksi kasama ng mga Hentil ng mga tao ng Israel, ngayon iniligtas tayo ng Diyos. Tunay na kami ang pinakatiwali sa lahat ng tao—ito ay itinalaga ng Diyos, ito ay katotohanan, at ito ay hindi maikakaila ng lahat. Ngunit ngayon kami ay nakatakas na sa nasabing impluwensiya. Kinamumuhian namin ang aming mga ninuno, handa kaming tumalikod sa aming mga ninuno, upang lubusan itong talikuran at sundin ang lahat ng mga pag-aayos ng Diyos, kumikilos ayon sa kalooban ng Diyos at nakakamit ang Kanyang kahilingan sa amin, at nakukuha ang kasiyahan ng kalooban ng Diyos. Ipinagkanulo ni Moab ang Diyos, hindi siya kumilos ayon sa kalooban ng Diyos, at siya ay kinasusuklaman ng Diyos. Ngunit tayo ay dapat mangalaga sa puso ng Diyos, at ngayon, dahil nauunawaan natin ang kalooban ng Diyos, hindi natin maaaring ipagkanulo ang Diyos, at dapat talikuran ang ating mga nakatatandang ninuno!” Noong nakaraan Aking binanggit ang pagtalikod sa dakilang pulang dragon—at ngayon, iyon ang pangunahing pagtiwalag ng mga tao sa nakatatandang ninuno. Ito ay isang patotoo ng paglupig sa mga tao, at hindi alintana kung paano ka pumasok ngayon, ang iyong pagpapapatotoo sa bagay na ito ay hindi dapat nagkukulang.
Ang kakayahan ng tao ay masyadong mababa, sila ay labis na nagkukulang sa normal na pagkatao, mabagal ang kanilang reaksyon, masyadong mabagal, iniwan sila ng korapsyon ni Satanas na manhid at mangmang, at bagaman hindi nila magawang ganap na magbago sa isa o dalawang taon, dapat silang makapagpasya na makipagtulungan. Maaaring sabihing ito ay isa ring patotoo sa harap ni Satanas. Ang patotoo ngayon ay ang epekto na nakakamit ng kasalukuyang gawa ng panlulupig, pati na rin bilang isang ispesimen at modelo ng mga tagasunod sa hinaharap. Sa hinaharap, ito ay kakalat sa lahat ng bansa; kung ano ang ginawa sa Tsina ay kakalat sa lahat ng bansa. Ang mga inapo ni Moab ang pinaka-mababa sa lahat ng mga tao sa buong mundo. Nagtatanong ang ilang tao, Hindi ba ang mga inapo ni Ham ang pinaka-mababa sa lahat? Ang mga supling ng dakilang pulang dragon at ang mga inapo ni Ham ay kumakatawan sa iba't ibang mga bagay, at ang mga inapo ni Ham ay ibang bagay: Hindi alintana kung paano sila sinumpa, sila pa rin ay mga inapo ni Noe; ang mga pinagmulan ng Moab, samantala, hindi puro, siya ay nagmula sa masamang pamumuhay, at dito nagkakaiba. Kahit parehong isinumpa, ang kanilang mga katayuan ay hindi pareho, at kayà ang mga inapo ni Moab ang pinakamababa sa lahat ng mga tao—at walang katotohanan ang mas kapani-paniwala kaysa sa panlulupig ng pinakamababa sa lahat ng mga tao. Ang gawain ng mga huling araw ay sumisira sa lahat ng mga patakaran, at ikaw man ay sinumpa o pinarusahan, hangga’t ikaw ay tumutulong sa Aking gawa, at siyang biyaya sa gawain ng paglupig ngayon, at kung ikaw man ay inapo ni Moab o supling ng dakilang pulang dragon, hangga’t ginagawa mo ang iyong tungkulin bilang isang nilalang ng Diyos sa yugtong ito ng gawain, at ginagawa ang pinakamahusay ng iyong kaya, sa gayon ang hinahangad na epekto ay makakamit. Ikaw ay supling ng dakilang pulang dragon, at ikaw ay isang inapo ni Moab; sa kabuuan, lahat tayo ay laman at dugo ng mga nilalang ng Diyos, at tayo ay ginawa ng Lumikha. Ikaw ay isang nilalang ng Diyos, wala kang dapat anumang pagpipilian, at ito ang iyong tungkulin. Mangyari pa, ang gawa ng Tagapaglikha ay nakatuon sa buong sansinukob. Hindi alintana kung saan ka man nagmula, higit sa lahat kayo ay isa sa mga nilalang ng Diyos, kayo—mga inapo ni Moab—ay bahagi ng mga nilalang ng Diyos, iyon nga lang, kayo ay nasa mas mababang pagpapahalaga. Simula, sa ngayon, ang gawain ng Diyos ay ipinatupad sa lahat ng mga nilalang, at nakatuon sa buong sansinukob, ang Tagapaglikha ay malayang pumili ng sinumang tao, mga bagay, o mga gamit upang gawin ang Kanyang gawain. Hindi Niya isinasaalang-alang kung kanino ka nagmula; hangga’t ikaw ay isa sa Kanyang mga nilikha, at hangga’t ikaw ay kapaki-pakinabang sa Kanyang gawain—ang gawaing panlulupig at pagpapatotoo—ipapatupad Niya ang Kanyang gawain sa iyo nang walang anumang pagdududa. Winawasak nito ang mga tradisyonal na mga pagkaintindi ng mga tao, na ang Diyos ay hindi kikilos kasama ng mga Hentil, lalong hindi sa mga taong isinumpa at napakababa; para sa mga taong isinumpa, ang kanilang mga susunod na henerasyon ay magpakailanman ding isusumpa, hindi kailanman sila magkakaroon ng kaligtasan; hindi kailanman bababa ang Diyos at gagawa sa lupain ng Hentil, at hindi kailanman tatapak sa lupain ng burak, sapagka’t Siya ay banal. Tandaan na ang Diyos ay Diyos ng lahat ng nilalang, hawak Niya ang pamamahala sa langit at lupa at lahat ng mga bagay, at hindi lamang Diyos ng bayan ng Israel. Kaya, malaking kabuluhan ang gawaing ito sa Tsina, at hindi ba ito kakalat sa lahat ng mga bansa? Ang malaking pagpapatotoo sa hinaharap ay hindi limitado sa Tsina; kung kayo lamang ay nalupig ng Diyos, maaari bang makumbinsi ang mga demonyo? Hindi nila nauunawaan ang malupig, o ang dakilang kapangyarihan ng Diyos, at kapag lamang ang mga napiling tao ng Diyos sa buong daigdig ang nakakita sa pinakahuling epekto ng gawang ito malulupig ang lahat ng mga nilalang. Wala nang mas paatras o tiwali kaysa sa mga inapo ni Moab. Kung maaari lamang malupig ang mga taong ito—sila na lubhang napakatiwali, na hindi kinilala ang Diyos o naniniwala na may Diyos na lumulupig, at kumikilala sa Diyos sa kanilang mga bibig, pinupuri Siya, at nagagawa Siyang mahalin—ito ba ang magiging patotoo ng panlulupig. Kahit na hindi kayo si Pedro, kayo ay namumuhay sa imahe ni Pedro, kayo ay maaaring magtaglay ng patotoo ni Pedro, at ni Job, at ito ay ang pinakadakilang patotoo. Sa huli sasabihin mo: Kami ay hindi mga Israelita, ngunit ang mga tinalikdan na inapo ni Moab, kami ay hindi si Pedro, na hindi kaya ng aming kalibre, hindi rin si Job, at hindi kami maaring ihambing sa pasya ni Pablo upang magdusa para sa Diyos at ialay ang kanyang sarili sa Diyos, at kami ay napaka-makaluma, at kaya, kami ay hindi karapat-dapat na magtamasa sa pagpapala ng Diyos. Itinataas pa rin kami ng Diyos hanggang ngayon; kaya kailangan nating bigyang-kasiyahan ang Diyos, at bagaman wala tayong sapat na kakayahan o mga kwalipikasyon, handa nating pasayahin ang Diyos—tayo ay may ganitong kapasyahan. Tayo ay mga inapo ni Moab, at tayo ay isinumpa. Ito ay itinalaga ng Diyos, at tayo ay walang kakayanang baguhin ito, ngunit ang ating pagsasabuhay at ating kaalaman ay maaaring magbago, at tayo ay nagpasyang pasiyahin ang Diyos. Kapag ikaw ay may ganitong kapasyahan, ito ay magpapatunay na ikaw ay nagpatotoo sa paglupig.