Ang Isa na Kataas-taasan sa Ibabaw ng Lahat

12

23 Enero 2019

Tanong 2: Dahil maraming taon na kaming naniniwala sa Panginoon, nadarama namin na basta’t ang isang tao ay mapagpakumbaba, mapagparaya at mapagmahal sa mga kapatid, at masusunod niya ang halimbawa ni Pablo sa pamamagitan ng paggugol at pagsisikap para sa Panginoon, sinusundan niya ang daan ng Panginoon, at madadala siya sa kaharian ng langit pagbalik ng Panginoon. Tulad ng sabi ni Pablo, “Nakipagbaka ako ng mabuting pakikipagbaka, natapos ko na ang aking takbo, iningatan ko ang pananampalataya: Buhat ngayon ay natataan sa akin ang putong na katuwiran …” (2Timoteo 4:7-8). Pero nasaksihan n’yo na kapag naniniwala tayo sa Panginoon, kailangan nating tanggapin ang gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Kapag tumatanggap tayo ng paglilinis, pupurihin tayo ng Diyos at tatanggapin sa kaharian ng langit. May tanong ako: Naniniwala kami sa Panginoon sa loob ng napakaraming taon, at gumugugol at nagsisikap kami para sa Panginoon; makakapasok ba kami sa kaharian ng langit nang hindi tinatanggap ang gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw?

Sagot: Nadarama ng maraming nananalig sa Panginoon na ang pagsunod sa halimbawa ni Pablo sa pamamagitan ng paggugol at pagsisikap para sa Panginoon ay kapareho ng pagsunod sa daan ng Panginoon at pagkamarapat na tanggapin sa kaharian ng langit pagbalik ng Panginoon. Ito ang pagkaunawa ng maraming tao. Ang pagkaunawa bang ito ay batay sa salita ng Panginoon? Nasisiyahan ba ang puso ng Panginoon kung ganito ang gagawin natin? Talaga bang sinusunod natin ang daan ng Panginoon sa pagsisikap para sa Panginoon na katulad ni Pablo? Magiging karapat-dapat ba tayo para sa kaharian ng langit? Sinabi ng Panginoong Jesus, “Hindi ang bawa’t nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit. Marami ang mangagsasabi sa akin sa araw na yaon, Panginoon, Panginoon, hindi baga nagsipanghula kami sa iyong pangalan, at sa pangalan mo’y naEbanghelyongagpalayas kami ng mga demonio, at sa pangalan mo’y nagsigawa kami ng maraming gawang makapangyarihan? At kung magkagayo’y ipahahayag ko sa kanila, Kailan ma’y hindi ko kayo nangakilala: magsilayo kayo sa akin, kayong manggagawa ng katampalasanan” (Mateo 7:21-23). Napakaliwanag ng pagkasabi rito ng Panginoong Jesus. Iyon lamang mga sumusunod sa kalooban ng Diyos ang makakapasok sa kaharian ng langit. Hindi sinabi ng Panginoong Jesus na yaong mga nagsasakripisyo, gumugugol, at nagsisikap para sa Panginoon ay makakapasok sa kaharian ng langit. Marami sa mga nangangaral, nagpapalayas ng mga diyablo, at gumagawa ng himala sa ngalan ng Panginoon ay mga taong nagsisikap. Hindi lamang sila hindi pinupuri ng Panginoon, ipinapahayag ng Panginoon na sila ay mga manggagawa ng kasamaan. Sabi ni Pablo, “Nakipagbaka ako ng mabuting pakikipagbaka, natapos ko ang aking takbo, iningatan ko ang pananampalataya: Buhat ngayon ay natataan sa akin ang putong na katuwiran …” (2Timoteo 4:7-8). Ang kasabihang ito ay kumokontra sa salita ng Panginoong Jesus. Hindi ito naaayon sa intensyon ng Panginoon. Para madala sa kaharian ng langit, iisa lang ang kumpirmadong paraan, na siyang malinaw na sinabi ng Panginoong Jesus: “Datapuwa’t pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake; Magsilabas kayo upang salubungin siya” (Mateo 25:6). “Narito ako’y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng aking tinig at magbukas ng pinto, ako’y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya’y kasalo ko” (Pahayag 3:20). “Ang makasalo ang Panginoon sa hapunan” ay tumutukoy sa pagtanggap sa gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw. Sa pagtanggap sa paghatol at pagkastigo ng Diyos, nauunawaan natin ang lahat ng katotohanan at nalilnis tayo at ginagawang perpekto, ito ang mga resulta ng pagsalo sa Panginoon sa hapunan. Kaya nakatitiyak tayo na sa pagtanggap lamang ng paglilinis mula sa paghatol at pagkastigo ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw makakapasok ang isang tao sa kaharian ng langit.

Alam nating lahat na ang Panginoong Jesucristo lamang ang katotohanan, ang daan at ang buhay. Kaya ang pagpasok ng isang tao sa kaharian ng langit ay dapat ganap na ibatay sa salita ng Panginoong Jesus. Si Pablo ay isang apostol lamang na nagpalaganap ng ebanghelyo. Hindi siya makakapagsalita para sa Panginoon. Ang daan na kanyang pinili ay hindi kailangang ang daan patungo sa kaharian ng langit dahil hindi pinatotohanan ng Panginoong Jesus na tama ang daan ni Pablo. Bukod pa riyan, hindi sinabi ng Panginoong Jesus sa mga tao na sundan ang halimbawa ni Pablo. Kung paniniwalaan lang natin ang salita ni Pablo sa pagpili ng ating daan patungo sa kaharian ng langit, madali tayong maliligaw ng landas. Sinabi ng Panginoong Jesus, “… kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit.” Sinasabi sa atin ng pahayag na ito na kailangan nating maniwala sa salita ng Panginoon. Ang tanging daan patungo sa kaharian ng langit ay sa pagsunod sa kalooban ng Diyos. Pagbalik ng Panginoong Jesus sa mga huling araw para gawin ang gawain ng paghatol simula sa tahanan ng Diyos, kung didinggin natin ang tinig ng Diyos, tatanggapin ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, at kakayanin nating tanggapin ang paglilinis at magagawa tayong perpekto ng paghatol at pagkatigo ng Diyos, tayo ay magiging uri ng mga tao na sumusunod sa kalooban ng Diyos at karapat-dapat na pumasok sa kaharian ng langit. Tiyak na tiyak ‘yan. Yaong mga umaasa lang sa kasigasigang mangaral para sa Panginoon, magpalayas ng mga diyablo at maghimala sa ngalan ng Panginoon, ay hindi nagtutuon ng pansin sa pagsunod sa salita ng Panginoon ni naghahangad na matanggap ang gawain ng Diyos sa ngayon. Makikilala ba ng mga taong ito ang Panginoon? Sinusunod ba nila ang kalooban ng Diyos? Bakit sinabi ng Panginoong Jesus na, “Kailan ma’y hindi ko kayo nangakilala: magsilayo kayo sa akin, kayong manggagawa ng katampalasanan” (Mateo 7:23). Talagang pinag-iisip tayo ng talatang ito! Alam nating lahat na noong lakbayin ng mga Fariseo ng Judaismo ang buong lupain at karagatan para ipangaral ang ebanghelyo, nagtiis sila ng napakaraming paghihirap at sakripisyo. Sa tingin, mukhang tapat sila sa Diyos, pero ang totoo ay binigyang-diin lang nila ang pagiging abala sa mga relihiyosong ritwal at pagsunod sa mga regulasyon sa halip na sundin ang salita ng Diyos. Hindi nila sinunod ang mga utos ng Diyos. Pinawalang-bisa pa nila ang mga utos ng Diyos. Ang ginawa nila ay lubos na kontra sa kalooban ng Diyos at hilis sa daan ng Diyos. Kaya pinarusahan at isinumpa sila ng Panginoong Jesus: “Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! sapagka’t inyong nililibot ang dagat at ang lupa sa paghanap ng isa ninyong makakampi, at kung siya’y magkagayon na, ay inyong ginagawa siyang makaibayo pang anak ng impierno kay sa inyong sarili” (Mateo 23:15). Makikita ito sa ating pag-aakala na: “Basta’t nagsusumikap ang isang tao para sa Panginoon, madadala siya sa kaharian ng langit pagdating ng Panginoon.” Ang pananaw na ito ay lubos na pagkaintindi at imahinasyon ng tao na hindi talaga sang-ayon sa salita ng Panginoon. Tama tayo sa paghahangad na maligtas at makapasok sa kaharian ng langit, pero kailangan nating gawin ito nang ganap na ayon sa salita ng Panginoong Jesus. Kung babalewalain natin ang mga salita ng Panginoon, pero gagawin nating batayan ang mga sinasabi at ginagawa ni Pablo bilang ating layunin sa buhay, paano natin matatamo ang papuri ng Panginoon?

Katunayan, bago tanggapin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, ang pagkaintindi at imahinasyon nating lahat ay na basta’t ipinaglalaban natin ang pangalan ng Panginoon, gumugugol, nangangaral at nagsisikap tayo para sa Kanya, sinusunod natin ang salita ng Panginoon at ang Kanyang daan, at madadala tayo sa kaharian ng langit pagdating ng Panginoon. Kalaunan, tinanggap ko ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nakita ang Kanyang mga salita. Babasahin ko ang mga ito. “Kapag binabanggit ang gawa, naniniwala ang tao na ang gawa ay tumakbo paroo’t parito sa Diyos, nangangaral sa lahat ng lugar, at gumugugol para sa Diyos. Kahit na ang paniniwalang ito ay tama, ito ay masyadong may kinikilingan; ang hinihiling ng Diyos sa tao ay hindi lamang sa paglalakbay paroo’t parito sa Diyos; ito ay mas tungkol sa ministeryo at panustos sa loob ng espiritu. … Ang gawa ay hindi pagtakbo paroo’t parito sa Diyos; tumutukoy ito sa kung ang buhay ng tao at kung ano ang isinasabuhay ng tao ay para matamasa ng Diyos. Tumutukoy ang gawa sa paggamit ng tao ng katapatang mayroon sila sa Diyos at sa kaalamang mayroon sila sa Diyos upang magpatotoo sa Diyos at maglingkod sa tao. Ito ang responsibilidad ng tao at kung ano ang dapat mapagtanto ng lahat ng tao. Sa ibang salita, Ang inyong pagpasok ay ang inyong gawa; humahanap kayong makapasok sa panahon ng inyong kurso ng gawa para sa Diyos. Hindi lamang sa pagkakaroon ng kakayahang kumain at uminom ng Kanyang salita mararanasan ang Diyos; ang mas mahalaga, kaya ninyo dapat magpatotoo sa Diyos, maglingkod sa Diyos, at maglingkod at magbigay sa tao. Ito ang gawa, at ang inyo ring pagpasok; ito ang dapat ganapin ng bawat tao. Marami ang mga nakatuon lamang sa paglalakbay paroo’t parito sa Diyos, at nangangaral sa lahat ng dako, ngunit hindi makita ang kanilang personal na karanasan at kapabayaan sa kanilang pagpasok sa espirituwal na buhay. Ito ang sanhi kung bakit yaong mga naglilingkod sa Diyos ay nagiging yaong mga lumalaban sa Diyos” (“Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (2)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Nang makita ko ang salita ng Makapangyarihang Diyos, natanto ko na ang ipinagagawa ng Diyos sa tao ay hindi lamang tumutukoy sa pagdurusa, pagparoo’t parito, at paggugol para sa Diyos. Tumutukoy ito talaga sa ating kakayahang sundin at maranasan ang salita ng Diyos, sa ating kakayahang ipaliwanag ang ating pagkaunawa sa salita ng Diyos mula sa ating praktikal na karanasan, at sa paggabay natin sa mga kapatid na pasukin ang realidad ng salita ng Diyos. Ang ganitong klaseng gawain lamang ang magbibigay ng kasiyahan sa kalooban ng Diyos. Sa paggunita sa aking pananalig sa Panginoon nang maraming taon, bagama’t nakapangaral ako sa lahat ng dako sa ngalan ng Panginoon sa unos at ulan, natiis ko ang ilang paghihirap at nagsakripisyo ako, hindi ko pa nabibigyan ng pansin ang pagsunod at pagdanas sa salita ng Panginoon, kaya hindi ako makapagsasalita tungkol sa mga karanasan at patotoo kung paano ko sinunod ang salita ng Panginoon. Sa aking pangangaral, nakaya ko lang banggitin ang ilang salita at doktrinang walang kabuluhan mula sa Biblia, at turuan ang mga kapatid na sundin ang ilang relihiyosong ritwal at panuntunan. Paano nito naakay ang mga kapatid sa realidad ng salita ng Diyos? Hindi lang ‘yan, nang mangaral ako, madalas akong magyabang para purihin ako ng mga tao, at madalas kong suwayin ang mga ipinagagawa ng Panginoon sa pamamagitan ng pagkilos ayoon sa sarili kong mga ideya. Sa pagsasakripisyo ng isang bagay, pagtitiis ng kaunting paghihirap, at pagsasakripisyo nang kaunti para sa Panginoon, akala ko ako na ang taong labis na nagmahal at pinakamatapat sa Panginoon. Napakawalanghiya ko para humingi ng mga pagpapala ng kaharian ng langit mula sa Diyos habang mas itinataas ko ang aking sarili sa iba at inaaba ang mga kapatid na walang kibo at mahihina. Dahil nagtuon lang ako sa pag-asa sa kasigasigang magsikap para sa Panginoon pero hindi ko binigyang-pansin ang pagsunod at pagdanas sa salita ng Panginoon, matapos manalig sa Panginoon nang maraming taon, sa huli ay wala akong pinakamaliit na kaalaman tungkol sa Panginoon at ng takot sa Diyos sa aking puso, maliban pa sa pagbabago ng disposisyon ko sa buhay. Dahil nanalig ako sa Panginoon nang maraming taon, at matagal akong gumugol at nagtiis ng hirap, lalo akong naging mayabang at suwail sa lahat. Nalulong pa ako sa panloloko at panlilinlang, na nagpapakita ng disposisyon ni Satanas sa lahat ng aspeto. Ang paraan ng aking pagsisikap ay totoong walang kinalaman sa realidad ng pagsunod sa salita ng Panginoon at pagsunod sa Panginoon. Paano ito nauwi sa pag-unawa sa Panginoon? Para sa isang taong katulad ko na walang realidad ng katotohanan at pag-unawa sa Panginoon, hindi ba nakakahiya at paglaban sa Panginoon ang lahat ng ginawa ko? Paano ito naging pagpuri at pagpapatotoo sa Panginoon? Matapos maranasan ang gawain ng Makapangyarihang Diyos, natanto ko na ilang taon mang nanalig ang isang tao sa Panginoon, gaano man siya nagsumikap, kung hindi niya naranasan ang paghatol at pagkastigo ng Diyos sa mga huling araw, imposible siyang maging isang tao na sumusunod sa kalooban ng Diyos at maging isang taong tunay na sumusunod at sumasamba sa Diyos. Totoo talaga ‘yan.

Tingnan natin ang mga relihiyosong pastor at elder na iyon. Bagama’t tinalikuran nila ang lahat para magsumikap para sa Panginoon, anong klaseng gawain ang kanilang ginagawa? Ano ang ginagawa nila? Nananalig sa Panginoon sa loob ng maraming taon, hindi nila hinanap ang katotohanan kailanman. Hindi nila tinanggap ang gawain ng Banal na Espiritu, at ipaliwanag n’yo sa amin kung paano lulutasin ang mga praktikal na problema ng aming pananampalataya at pagpasok sa buhay. Madalas nilang talakayin ang ilang doktrinang walang kabuluhan sa Biblia, para linlangin ang mga nananalig, at sinasamantala ang lahat ng pagkakataong magpatotoo kung gaano kalayo na ang kanilang nalakbay sa pangangaral para sa Panginoon, gaano karami na ang kanilang nagawa, gaanong sakit ang kanilang natiis, ilang iglesia ang kanilang naitayo, atbp., para sambahin at sundin sila ng iba. Dahil dito, matapos magsumikap nang napakaraming taon, hindi lamang sila bigong ipaunawa sa mga kapatid ang katotohanan at ipakikilala ang Diyos, kundi hinayaan nilang sambahin at sundin sila ng mga kapatid, at nagsimula silang sambahin ang tao at itakwil ang Diyos nang walang kamalay-malay. Kaya isipin natin, sinusunod ba ng mga pastor at elder na ito ang daan ng Panginoon sa pagsisikap at paggugol nang gayon? Hindi ba laban sa Panginoon ang ginagawa nilang kasamaan? Lalo na sa paraan ng pagtrato nila sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, karamihan sa mga pastor at elder ay totoong natatanto na ang salitang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos ay ang katotohanan, na ang gawain ng Makapangyarihang Diyos ay ang gawain ng Banal na Espiritu, pero hindi nila ito hinahanap at pinag-aaralan. Para maprotektahan ang kanilang katayuan at kabuhayan, galit na galit na lang silang nag-imbento ng mga tsismis at nagkalat ng lahat ng klase ng kalokohan at kamalian para isumpa at kalabanin ang Makapangyarihang Diyos, at sinarhan nang husto ang komunidad ng mga relihiyon. Hindi nila pinapayagan ang sinuman na hanapin at pag-aralan ang tunay na daan, at pinagbabawalan ang mga tao sa pagpasok sa iglesia para saksihan ang gawain ng Diyos. Nakikipagsabwatan pa sila sa masamang Partido Komunista ng Tsina para hulihin at usigin ang mga taong nagpapatotoo sa Makapangyarihang Diyos. Hindi ba maliwanag na kinakalaban nila ang Diyos? Ang mga kasalanan nila sa Diyos ay mas masahol pa sa mga kasalanan ng mga Fariseo laban sa Panginoong Jesus noong araw. Mas masahol pa! Ayon sa mga pangyayaring ito, masasabi pa ba natin na sinusunod natin ang kalooban ng Diyos kapag gumugugol at nagsisikap tayo sa ngalan ng Panginoon? Masasabi pa ba natin na basta’t nanghahawakan tayo sa pangalan ng Panginoon, sinusundan natin ang daan ng Panginoon, at naglalakbay at gumugugol tayo para sa Panginoon, karapat-dapat pa rin tayong madala sa kaharian ng langit? Higit natin itong mauunawaan matapos basahin ang ilan pang talata ng salita ng Makapangyarihang Diyos.

Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Sinasabi mo na ikaw ay laging nagdurusa habang sumusunod sa Diyos, na nakasunod ka sa Kanya sa anumang kalagayan, at naibahagi sa Kanya ang mabubuting mga panahon at ang masasama, nguni’t hindi mo naisabuhay ang mga salitang winika ng Diyos; ninanais mo lamang na habulin ang Diyos sa bawa’t araw, at kailanma’y hindi naisip na isabuhay ang isang buhay na makahulugan. Sinasabi mo na, sa ano mang katayuan, naniniwala ka na ang Diyos ay matuwid: Nagdusa ka para sa Kanya, gumawa para sa Kanya, at inilaan ang iyong sarili sa Kanya, at masigasig na nakagawa kahit hindi tumatanggap ng anumang pagkilala; tiyak na aalalahanin ka Niya. Totoo na ang Diyos ay matuwid, gayunman ang pagkamatuwid na ito ay walang bahid ng anumang karumihan: Wala itong taglay na pantaong kalooban, at hindi nabahiran ng laman, o pantaong pag-uugnayan. Ang lahat ng mga mapanghimagsik at kasalungat, at hindi nakaayon sa Kanyang daan, ay parurusahan; walang pinatatawad, at walang ititira!” (“Ang mga Karanasan ni Pedro: Ang Kanyang Kaalaman sa Pagkastigo at Paghatol” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Dapat mong malaman kung anong uri ng tao ang Aking nais; silang mga hindi dalisay ay hindi papayagang makapasok sa kaharian, silang mga hindi dalisay ay hindi pahihintulutang dungisan ang banal na lupain. Kahit na marami ka pang nagawa, at gumawa sa loob ng maraming mga taon, sa katapusan kung ikaw pa rin ay kalunos-lunos na marumi— hindi katanggap-tanggap sa batas ng Langit na nais mong pasukin ang Aking kaharian! Mula sa pundasyon ng mundo hanggang ngayon, hindi kailanman Ako nag-alok ng madaling daan sa Aking kaharian para sa mga nanunuyo ng pabor sa Akin. Ito ay isang panlangit na panuntunan, at walang sinuman ang makababali nito! Dapat mong hanapin ang buhay. Ngayon, sila na gagawing perpekto ay katulad ng uri ni Pedro: Sila ay ang mga naghahanap ng mga pagbabago sa kanilang sariling disposisyon, at malugod na maglahad ng testimonya sa Diyos at gawin ang kanilang tungkulin bilang nilalang ng Diyos. Ang mga tao lamang na gaya nito ang gagawing perpekto. Kung ikaw ay tumitingin lamang sa mga gantimpala, at hindi sumusumpong na baguhin ang iyong sariling disposisyon, kung gayon lahat ng iyong mga pagsisikap ay magiging walang saysay—at ito ay isang katotohanang hindi na mababago!” (“Ang Tagumpay o Pagkabigo ay Depende sa Daan na Tinatahak ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Maliwanag na sinabi sa salita ng Makapangyarihang Diyos. Ang Diyos ay banal at matuwid. Lubos na pinagbabawalan ng Diyos ang sinumang marumi at tiwaling mga tao na pumasok sa Kanyang kaharian.


mula sa iskrip ng pelikulang Ang Pangarap Kong Kanharian ng Langit

Rekomendasyon:

Saan Nagmumula ang Kidlat ng Silanganan?

Makapangyarihang Diyos, ang Puso Ko'y Sa'Yo

 I Kaninong mga salita ang pinakamatamis, at pinalakas ang aking espiritu?