Ang Isa na Kataas-taasan sa Ibabaw ng Lahat

12

16 Pebrero 2019

Q&A tungkol sa Ebanghelyo | 3. Paano dapat maranasan ng mga tao ang paghatol at pagkastigo ng Diyos para maligtas?

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Ang tunay na pananampalataya sa Diyos ay nangangahulugan ng pagdanas sa mga salita at gawain ng Diyos na batay sa isang paniniwala na ang Diyos ang may tangan ng kapangyarihan sa lahat ng mga bagay. Sa gayon ikaw ay mapapalaya mula sa iyong masamang disposisyon, makakatupad sa ninanasa ng Diyos at makakakilala sa Diyos. Tanging sa pamamagitan ng ganoong paglalakbay maaaring masabing ikaw ay naniniwala sa Diyos.

mula sa “Punong Salita” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang kasalukuyang paraan ng pagsasalita ay ang paraan ng paglupig. Paano ba talaga dapat makipagtulungan ang mga tao? Sa pamamagitan ng mabisang pagkain at pag inom ng mga salitang ito at pag-unawa sa mga ito.
Hindi maaaring malupig ang mga tao ng kanilang mga sarili lamang. Dapat, sa pagkain at pag-inom ng mga salitang ito, ay makilala nila ang kanilang kasamaan at karumihan, ang kanilang pagkamapaghimagsik at kalikuan, at magpatirapa sa harap ng Diyos. Kung kaya mong unawain ang kalooban ng Diyos at gayon isabuhay ito at, bukod pa rito, magkaroon ng pananaw, at kung kaya mong lubos na sundin ang mga salitang ito at hindi tutuparin ang kahit na alin sa iyong mga sariling napili, gayon ka masasabing nalupig na. At itong mga salitang ito ang nakapaglupig sa iyo.
mula sa “Ang Lihim na Katotohanan sa Mapanlupig na Gawa (1)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Una, dapat munang isantabi ng isa ang kanyang mga layunin, di-wastong mga paghahangad, at maging ang kanyang sambahayan at lahat ng mga bagay ukol sa kanyang sariling laman. Dapat siyang maging buong-puso na nagtatalaga, iyon ay, ganap na itatalaga ang kanyang puso tungo sa Diyos, magtuon ng pansin sa pagkain at pag-inom sa salita ng Diyos, magtuon ng pansin sa paghahanap para sa katotohanan, ang paghahanap para sa layunin ng Diyos sa Kanyang mga salita, at subukang unawain ang kalooban ng Diyos sa lahat ng bagay. Ito ang pinakapangunahin at ang pinakamahalagang paraan ng pagsasagawa. Ito ang ginawa ni Pedro pagkatapos niyang makita si Jesus, at sa pamamagitan lamang ng pagsasagawa sa ganitong paraan nakakamit ng isa ang pinakamahusay na mga resulta. Ang buong pusong pagtatalaga sa mga salita ng Diyos ay pangunahing nangangahulugan ng paghahangad sa katotohanan, paghahangad sa layunin ng Diyos sa loob ng Kanyang mga salita, pagtutuon ng pansin sa pagkaunawa sa kalooban ng Diyos, at pagkaunawa at pagkakamit ng mas maraming katotohanan mula sa mga salita ng Diyos. Kapag binabasa ang Kanyang mga salita, hindi nag-uukol ng pansin si Pedro sa pagkaunawa sa mga doktrina at siya ay hindi masyadong nagtuon ng pansin sa pagkakamit ng kaalamang pangteolohiya; sa halip, siya ay nag-ukol ng pansin sa pagkaunawa sa katotohanan at pag-unawa sa kalooban ng Diyos, at pagtatamo ng isang pagkaunawa ng Kanyang disposisyon at ang Kanyang kagandahan. Sinubukan din niyang maunawaan ang iba't ibang tiwaling mga kalagayan ng tao mula sa mga salita ng Diyos, at nauunawaan ang tiwaling kalikasan ng tao at ang tunay na mga pagkukulang ng tao, pagtatamo sa lahat ng mga aspeto ng mga kahilingan na ginagawa ng Diyos ukol sa tao upang mapalugod Siya. Nagkaroon siya ng napakaraming wastong mga pagsasagawa sa loob ng mga salita ng Diyos; karamihan nito ay naaayon sa kalooban ng Diyos, at ito ang pinakamahusay na pakikipagtulungan ng tao sa kanyang karanasan sa gawain ng Diyos.

mula sa “Paano Tahakin Ang Landas ni Pedro” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo

Kapag isinasagawa na ng tao ang salita ng Diyos saka pa lamang tunay na mamumukadkad ang kanyang buhay; hindi ito lalago sa pamamagitan lamang ng pagbasa sa salita ng Diyos. Kung ito ang iyong sinasampalatayan na ang pagkaunawa sa salita ng Diyos ay ang tanging kailangan upang magkaroon ng buhay, upang magkaroon ng katayuan, kung gayon ang iyong pagkaunawa ay baluktot. Ang tunay na pagkaunawa sa salita ng Diyos ay nangyayari kapag isinasagawa mo ang katotohanan, at dapat mong maunawaan na “sa pagsasagawa lamang sa katotohanan ito kailanman maaaring maintindihan.”

mula sa “Isagawa ang Katotohanan Sa Sandaling Inyong Maunawaan Ito” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sa kanyang pananampalataya sa Diyos, sumumpong si Pedro na mapasaya ang Diyos sa lahat ng kanyang ginawa, at sumumpong na sumunod ang lahat ng nagmula sa Diyos. Wala ni kaunting reklamo, kinaya niyang tanggapin ang pagkastigo at paghatol, pati na rin ang pagpipino, masaklap na karanasan, at ang kakulangan sa kanyang buhay, wala sa nabanggit ang kayang baguhin ang kanyang pag-ibig sa Diyos. Hindi ba ito ang sukdulang pag-ibig ng Diyos? Hindi ba ito ang katuparan ng tungkulin ng isang nilalang ng Diyos? Ang pagkastigo, paghatol, at masaklap na karanasan—may kakayanan kang makamit ang pagsunod hanggang kamatayan, at ito ay ang dapat na makamit ng isang nilalang ng Diyos, ito ang kabusilakan ng pagmamahal ng Diyos. Kung kaya ng tao na magkamit ng ganito kahigit, kung gayon siya ay isang angkop na nilalang ng Diyos, at walang mas makapagpapasaya sa kalooban ng Lumikha.

mula sa “Ang Tagumpay o Pagkabigo ay Depende sa Daan na Tinatahak ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Kung ang isa ay tunay na makapapasok sa realidad ng mga salita ng Diyos mula sa mga usapin at mga salita na Kanyang kinakailangan, kung gayon siya ay magiging isang tao na ginawang perpekto ng Diyos. Maaaring sabihin na ang gawain at mga salita ng Diyos ay lubos na mabisa para sa taong ito, na ang mga salita ng Diyos ay nagiging kanyang buhay, nakakamit niya ang katotohanan, at maaari siyang mabuhay alinsunod sa mga salita ng Diyos. Pagkatapos nito ang kalikasan ng kanyang laman, iyon ay, ang saligan ng kanyang katutubong pag-mayayanig, mauuga at mabubuwal. Pagkatapos taglayin ng isa ang mga salita ng Diyos bilang kanilang buhay sila ay nagiging isang bagong tao. Ang mga salita ng Diyos ay nagiging kanyang buhay; ang pananaw ng gawain ng Diyos, ang Kanyang mga kinakailangan ukol sa tao, ang Kanyang pagbubunyag sa tao, at ang mga pamantayan para sa isang tunay na buhay na kinakailangan ng Diyos na matamo ng tao na maging kanyang buhay-siya ay nabubuhay alinsunod sa mga salitang ito at sa mga katotohanang ito, at ang taong ito ay nagiging perpekto sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos. Nakakaranas siya ng muling-pagsilang at nagiging isang bagong tao sa pamamagitan ng Kanyang mga salita.

mula sa “Paano Tahakin Ang Landas ni Pedro” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo

Rekomendasyon:

Saan Nagmumula ang Kidlat ng Silanganan?

Makapangyarihang Diyos, ang Puso Ko'y Sa'Yo

 I Kaninong mga salita ang pinakamatamis, at pinalakas ang aking espiritu?