Ang Isa na Kataas-taasan sa Ibabaw ng Lahat

12

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Espiritu. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Espiritu. Ipakita ang lahat ng mga post

14 Agosto 2018

"Ang Hiwaga ng Kabanalan: Ang Karugtong" (3) - Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Normal na Pagkatao ni Cristo at ng Pagkatao ng Tiwaling Sangkatauhan


"Ang Hiwaga ng Kabanalan: Ang Karugtong" (3) - Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Normal na Pagkatao ni Cristo at ng Pagkatao ng Tiwaling Sangkatauhan 


Ang Diyos ay nagkakatawang-tao para iligtas ang tao at, mula sa labas, ang Diyos na nagkatawang-tao ay nagpapakita bilang karaniwang tao. Ngunit alam mo ba ang mahalagang pagkakaiba ng normal na pagkatao ng Diyos na nagkatawang-tao at ng pagkatao ng tiwaling sangkatauhan? Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos, "Ang laman na sinuot ng Espiritu ng Diyos ay ang sariling laman ng Diyos. Ang Espiritu ng Diyos ay kataas-taasan; Siya ay makapangyarihan, banal at matuwid. Gayon din naman, ang Kanyang laman ay kataas-taasan, makapangyarihan, at matuwid din. ... sa kabila ng katotohanang ang tao at si Cristo ay nananahan sa loob ng parehong espasyo, tanging ang tao lamang ang siyang nadomina, nagamit at nabitag ni Satanas. Sa kabaligtaran, si Cristo ay magpasawalang-hanggang hindi tinatablan ng katiwalian ni Satanas, sapagkat si Satanas ay kailanman hindi makakayanang umakyat sa lugar ng kataas-taasan, at hindi kailanman maaaring makalapit sa Diyos" (Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-Tao).

13 Agosto 2018

Paano pinadadalisay at inililigtas ng gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw ang sangkatauhan?

Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

  “At kung ang sinomang tao'y nakikinig sa aking mga pananalita, at hindi ingatan, ay hindi ko siya hinahatulan: sapagka't hindi ako naparito upang humatol sa sanglibutan, kundi upang iligtas ang sanglibutan. Ang nagtatakuwil sa akin, at hindi tumatanggap sa aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kaniya: ang salitang aking sinalita, ay siyang sa kaniya'y hahatol sa huling araw” (Juan 12:47-48).

  “Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni't ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma'y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan: sapagka't hindi siya magsasalita ng mula sa kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na kaniyang marinig, ang mga ito ang kaniyang sasalitain: at kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating” (Juan 16:12-13).

06 Agosto 2018

Ipinropesiya ng Panginoong Jesus Mismo na magkakatawang-tao ang Diyos sa mga huling araw at magpapakita bilang Anak ng tao para gumawa ng gawain.

krus, Langit, Espiritu, Jesus, Biblia



Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

  “Kayo rin naman ay mangagsihanda: sapagka't sa oras na hindi ninyo iniisip, ang Anak ng tao ay darating” (Lucas 12:40).

  “Sapagka't gaya ng kidlat, na pagkislap buhat sa isang panig ng silong ng langit, ay nagliliwanag hanggang sa kabilang panig ng silong ng langit; gayon din naman ang Anak ng tao sa kaniyang kaarawan” (Lucas 17:24-25).

  “Datapuwa't pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin siya” (Mateo 25:6).

  “Narito ako'y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng aking tinig at magbukas ng pinto, ako'y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya'y kasalo ko” (Pahayag 3:20).

  “Narito, ako'y pumaparitong gaya ng magnanakaw. Mapalad siyang nagpupuyat, at nagiingat ng kaniyang mga damit, na baka siya'y lumakad na hubad, at makita nila ang kaniyang kahihiyan” (Pahayag 16:15).

  “At ako'y lumingon upang makita ang tinig na nagsasalita sa akin. At nang ako'y lumingon ay nakita ko ang pitong kandelerong ginto: At sa gitna ng mga kandelero ay may isang katulad ng isang anak ng tao, na may suot na damit hanggang sa paa, at may bigkis ang dibdib na isang pamigkis na ginto. At ang kaniyang ulo at ang kaniyang buhok ay mapuputing gaya ng balahibong maputi ng tupa, gaya ng niebe; at ang kaniyang mga mata ay gaya ng ningas ng apoy; At ang kaniyang mga paa ay katulad ng tansong binuli, na gaya ng dinalisay sa isang lutuang-bakal; at ang kaniyang tinig ay gaya ng lagaslas ng maraming tubig. At sa kaniyang kanang kamay ay may pitong bituin: at sa kaniyang bibig ay lumabas ang isang matalas na tabak na may dalawang talim: at ang kaniyang mukha ay gaya ng araw na sumisikat ng matindi” (Pahayag 1:12-16).

13 Hulyo 2018

Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw | "Pagdating sa Diyos, Ano ang Iyong Pagkakaunawa"

 


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ang Diyos ay hindi lamang ang Banal na Espiritu, ang Espiritung iyon, pitong beses na pinatinding Espiritu, ang sumasaklaw ng lahat sa Espiritu, kundi isa ring tao, isang ordinaryong tao, isang napakakaraniwang tao. Hindi lamang Siya lalaki, kundi pati na rin babae.

24 Mayo 2018

Mga Pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos | Ang Pag-alam sa Tatlong mga Yugto ng Gawain ng Diyos ay ang Daan Patungo sa Pagkilala sa Diyos (Unang Bahagi)




Mga Pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos | Ang Pag-alam sa Tatlong mga Yugto ng Gawain ng Diyos ay ang Daan Patungo sa Pagkilala sa Diyos (Unang Bahagi)



Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ang tatlong mga yugto ng gawain ay nasa puso ng buong pamamahala ng Diyos, at sa mga ito ay ipinahayag ang disposisyon ng Diyos at kung ano Siya. Yaong mga hindi nakaaalam tungkol sa tatlong mga yugto ng gawain ng Diyos ay walang kakayanang tantuin kung paano ipinahahayag ng Diyos ang Kanyang disposisyon, hindi rin nila alam ang karunungan ng gawain ng Diyos, at nananatili silang mangmang tungkol sa maraming mga paraan ng Kanyang pagliligtas sa sangkatauhan, at sa Kanyang kalooban para sa buong sangkatauhan.

28 Abril 2018

Mamamasdan Mo ang Espirituwal na Katawan ni Jesus Kapag Napanibago Na ng Diyos ang Langit at Lupa

         



Kidlat ng Silanganan | Mamamasdan Mo ang Espirituwal na Katawan ni Jesus Kapag Napanibago Na ng Diyos ang Langit at Lupa



Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ang pagbalik ni Jesus ay isang dakilang kaligtasan para sa mga tao na kayang tanggapin ang katotohanan, ngunit para sa mga tao na hindi kayang tanggapin ang katotohanan, ito’y tanda ng paghuhusga. Dapat ninyong piliin ang sarili ninyong landas, at hindi ninyo dapat lapastanganin ang Banal na Espiritu at itakwil ang katotohanan. Hindi kayo dapat maging isang mangmang at mayabang na tao, kundi isang taong sumusunod sa patnubay ng Banal na Espiritu at nananabik at naghahanap sa katotohanan; sa ganitong paraan lamang kayo makikinabang.

Makapangyarihang Diyos, ang Puso Ko'y Sa'Yo

 I Kaninong mga salita ang pinakamatamis, at pinalakas ang aking espiritu?