Ang Isa na Kataas-taasan sa Ibabaw ng Lahat

12

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Paglalantad ng mga Tsismis. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Paglalantad ng mga Tsismis. Ipakita ang lahat ng mga post

09 Mayo 2019

"Tamis sa Kahirapan" Mga Pelikula tungkol sa Pang-uusig sa Relihiyon


"Tamis sa Kahirapan" Mga Pelikula tungkol sa Pang-uusig sa Relihiyon


Malinaw na sinusuportahan ng Konstitusyon ng Komunistang pamahalaan ng Tsina ang kalayaan ng relihiyon at pagsamba, ngunit tahasan naman nitong ipinatutupad ang pagkalaban at pag-atake sa relihiyon at pagsamba. Itinuring na mga pangunahing kriminal ang mga mananampalataya ng Diyos at isinagawa ang mga mararahas na paraan para pigilan, ikulong, pahirapan at patayin silang lahat. Ginagamit ng Komunistang pamahalaan ng Tsina ang Konstitusyon para sa katanyagan sa pamamagitan ng panlilinlang sa publiko pero anu-ano nga ba ang mga sikreto sa likod ng mga pangyayari na itinatago sa kaalaman ng mga tao? Bakit pilit pa ring itinuturing ng Komunistang pamahalaan ng Tsina ang mga nananalig kay Cristo bilang mga kaaway, bakit hindi nila magawang makipagkasundo sa mga nananampalataya kay Cristo?

Alam ng maraming tao na ang Kristiyanismo ay isa sa tatlong pangunahing relihiyon sa mundo, ngunit hindi nila alam ang kahulugan ng Kristiyanismo. Kung nais mong malaman ang higit pa tungkol sa katotohanan tungkol sa Kristiyanismo, mangyaring panoorin: Ano ang Kristiyanismo?

17 Pebrero 2019

Kidlat ng Silanganan | Mga Movie Clip | Ang Hindi Kapani-paniwalang mga Sagot ng mga Kristiyano sa mga Sabi-sabi at Paninira ng CCP



Kidlat ng SilangananMga Movie Clip | Ang Hindi Kapani-paniwalang mga Sagot ng mga Kristiyano sa mga Sabi-sabi at Paninira ng CCP



Para malinlang ang mga Kristiyano na magtaksil sa Diyos at talikuran ang kanilang pananampalataya, hayagang nilapastangan ng CCP kapwa si Cristo ng mga huling araw at ang Panginoong Jesus, na sinasabing kapwa Sila karaniwang tao at hindi Diyos na nagkatawang-tao. Siniraan ng CCP ang mga Kristiyano na nananalig lang sila sa isang tao, at hindi sa Diyos. Nagkalat din ito ng tsismis na ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay likha ng isang tao dahil lang sa ang taong ginagamit ng Diyos ang namamahala sa lahat ng gawaing administratibo ng iglesia. Ano ba talaga ang pagkakatawang-tao? Paano nabuo ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, at sino ang nagtatag nito?

Makapangyarihang Diyos, ang Puso Ko'y Sa'Yo

 I Kaninong mga salita ang pinakamatamis, at pinalakas ang aking espiritu?