"Tamis sa Kahirapan" Mga Pelikula tungkol sa Pang-uusig sa Relihiyon
Malinaw na sinusuportahan ng Konstitusyon ng Komunistang pamahalaan ng Tsina ang kalayaan ng relihiyon at pagsamba, ngunit tahasan naman nitong ipinatutupad ang pagkalaban at pag-atake sa relihiyon at pagsamba. Itinuring na mga pangunahing kriminal ang mga mananampalataya ng Diyos at isinagawa ang mga mararahas na paraan para pigilan, ikulong, pahirapan at patayin silang lahat. Ginagamit ng Komunistang pamahalaan ng Tsina ang Konstitusyon para sa katanyagan sa pamamagitan ng panlilinlang sa publiko pero anu-ano nga ba ang mga sikreto sa likod ng mga pangyayari na itinatago sa kaalaman ng mga tao? Bakit pilit pa ring itinuturing ng Komunistang pamahalaan ng Tsina ang mga nananalig kay Cristo bilang mga kaaway, bakit hindi nila magawang makipagkasundo sa mga nananampalataya kay Cristo?