"Mga mahal na kapatid, umaasa akong makita ninyo ang pagpapakita ng Diyos sa mga salitang ito, at umpisahang sundan ang Kanyang mga yapak tungo sa bagong kapanahunan, at tungo sa isang magandang bagong langit at bagong lupa na inihanda para sa mga naghihintay sa pagpapakita ng Diyos." Mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Naniniwala ang karamihan sa mga pastor at elder ng relihiyosong mundo na kinakatawan ng Biblia ang Panginoon, at ang paniniwala sa Panginoon ay paniniwala sa Biblia, at ang paniniwala sa Biblia ay paniniwala sa Panginoon.
"Tamis sa Kahirapan" Mga Pelikula tungkol sa Pang-uusig sa Relihiyon
Malinaw na sinusuportahan ng Konstitusyon ng Komunistang pamahalaan ng Tsina ang kalayaan ng relihiyon at pagsamba, ngunit tahasan naman nitong ipinatutupad ang pagkalaban at pag-atake sa relihiyon at pagsamba. Itinuring na mga pangunahing kriminal ang mga mananampalataya ng Diyos at isinagawa ang mga mararahas na paraan para pigilan, ikulong, pahirapan at patayin silang lahat. Ginagamit ng Komunistang pamahalaan ng Tsina ang Konstitusyon para sa katanyagan sa pamamagitan ng panlilinlang sa publiko pero anu-ano nga ba ang mga sikreto sa likod ng mga pangyayari na itinatago sa kaalaman ng mga tao? Bakit pilit pa ring itinuturing ng Komunistang pamahalaan ng Tsina ang mga nananalig kay Cristo bilang mga kaaway, bakit hindi nila magawang makipagkasundo sa mga nananampalataya kay Cristo?
Alam ng maraming tao na ang Kristiyanismo ay isa sa tatlong pangunahing relihiyon sa mundo, ngunit hindi nila alam ang kahulugan ng Kristiyanismo. Kung nais mong malaman ang higit pa tungkol sa katotohanan tungkol sa Kristiyanismo, mangyaring panoorin: Ano ang Kristiyanismo?
"Tamis sa Kahirapan" Clip 2 - Bakit Walang-awang Inuusig ng Partido Komunista ng Tsina ang Pananampalataya ng Relihiyon?
Matagal na panahon nang walang-awang pinigil, inatake at pinagbawalan ng Partido Komunista ng Tsina ang pananampalataya ng relihiyon. Tinawag nilang mga pangunahing kriminal ng estado ang mga Kristiyano. Hindi sila nag-aalinlangang gumamit ng mga mararahas na paraan para pigilan, hulihin, pahirapan at paslangin silang lahat. Anong dahilan at ginagawa nila ang mga bagay na ito? Kinikilala ng mga nananampalataya ang Diyos bilang dakila. Iginagalang nila ang Diyos at nakatuon sila sa paghahanap sa katotohanan at sa pagtahak sa tamang landas ng buhay. Bakit itinuturing ng Partido Komunista ng Tsina ang mga Kristiyano bilang mga kaaway? Bakit salungat sila sa mga taong nananalig sa Diyos? Sisiyasatin ng video na ito ang mga dahilan kung bakit inuusig ng Partido Komunista ng Tsina ang pananampalataya ng relihiyon.
Kidlat ng Silanganan | "Bilangguang Walang Pader" | The CCP's Tracking Service for Christians
Ang crosstalk na Bilangguang Walang Pader ay nagsasalaysay ng kuwento ni Han Mei, nangibang-bansa at nagbalik-tanaw sa mapait niyang karanasan bilang isang Kristianong namumuhay noon sa ateistang Tsina. Si Han Mei ay inaresto ng mga pulis ng CCP dahil sa pangangaral niya ng ebanghelyo, pero kahit matapos siyang palayain, hindi pa rin niya nagawang takasan ang masamang kamay ng pamahalaan ng CCP. Sa kagustuhan nilang isuko niya ang kanyang pananampalataya, hindi sila tumigil sa pagbabantay at pagkontrol sa kanya: sinusubaybayan siya ng mga surveillance device, bugs, at biglaang pagdalaw, pagbuntot ng mga naka-sibilyang pulis, at sinusundan siya hanggang sa labas ng bayan niya.
Kidlat ng Silanganan | "Bantayan ang Bahay na Ito" | Why Are Christians Treated Like This?
Sa China, inuusig ng CCP ang mga Kristiyano hanggang sa mahirapan na silang umuwi, kaya madalas ay kung saan-saan na lang sila nakatira. Sa dulang ito, isang mag-asawang Kristiyano, na nainis na sa pag-monitor sa kanila sa nayon nila dahil sa paniniwala sa Diyos, ang nagpasiyang lumipat sa lungsod at mangupahan sa apartment, pero hindi nagtagal, ang pulis ng CCP, miyembro ng neighborhood committee, security guard, at isang walang-modong kapitbahay ang nagsimulang bumisita nang sunod-sunod para "tulungan ang matandang mag-asawa na bantayan ang apartment nila."