Kidlat ng Silanganan|Umiiral ba ang Trinidad?(Ikalawang bahagi)
Maaari itong maging paalala para sa karamihan ng mga tao ang mga salita ng Diyos mula sa Genesis: “Lalangin natin ang tao sa ating larawan, ayon sa ating wangis”. Ipagpalagay na sinasabi ng Diyos na lalangin “natin” ang tao sa “ating” larawan, kung gayon ang “natin” ay nagpapakita ng dalawa o higit pa; yamang sinabi Niyang “natin,” kung gayon hindi lang iisa ang Diyos. Sa ganitong paraan, ang tao ay nagsimulang mag-isip nang pangkalahatan ukol sa magkakaibang mga persona, at mula sa mga salitang ito nagkaroon ng ideya ng Ama, ng Anak, at ng Banal na Espiritu.