Kidlat ng Silanganan | Ang mga Kautusan ng Bagong Kapanahunan
Kayo ay sinabihan na ihanda ang inyong sarili sa pamamagitan ng salita ng Diyos, hindi alintana kung ano ang inayos para sa inyo, ang lahat ay binalangkas ng sariling kamay ng Diyos, at hindi na kailangan ang inyong masigasig na pananalangin at pagmamakaawa—ang mga ito ay walang silbi. Subalit sa kasalukuyang kalagayan, ang mga praktikal na suliraning inyong kinakaharap ay di-maubos maiisip para sa inyo. Kapag hinintay ninyo lamang ang pagbabalangkas ng Diyos, ang inyong pagsulong ay magiging labis na mabagal, at sa mga hindi alam kung paano makaranas magkakaroon ng pagsasakawalang-kibo. Kaya, kung hindi mo kayang lubos na maaninag ang mga bagay na ito, ikaw ay nalalabuan at hangal sa iyong dinaranas. Kung ikaw ay walang katotohanan at puro mga salita lamang, hindi ba’t ito ay tanda ng kamalian? Maraming kamalian ang makikita sa inyo, sa kalipunang ito. Ngayon, kayo ay hindi makalalampas sa mga pagsubok na katulad ng “mga tagapaglingkod”, na walang kakayahang mag-isip o makalampas sa ibang kapinuhan na may kaugnayan sa mga salita ng Diyos. Karamihan sa nangangailangan ng inyong pagsasagawa ay nangangailangan din ng inyong pagsunod. Ibig sabihin, ang mga tao ay dapat sumunod sa mga tungkulin na kailangan nilang gampanan. Ito ang dapat sundin ng mga tao, at kung ano ang dapat nilang isagawa. Hayaan ninyong gawin ng Banal na Espiritu ang kailangang gawin ng Banal na Espiritu: walang bahagi ang tao rito. Ang tao ay dapat umayon sa kung ano ang kailangang gawin ng tao, na walang kaugnayan sa Banal na Espiritu. Ito ay wala ngunit isang kailangang gawin ng tao, at dapat sundin dahil ito ay iniutos, katulad ng pagsunod sa kautusan ng Lumang Tipan. Bagaman hindi ngayon ang Kapanahunan ng kautusan, mayroon pa ring mga salita sa Kapanahunan ng Kautusan na kailangang sang-ayunan, at ang mga ito ay hindi lamang naisasagawa sa pamamagitan ng pag-asa sa paghipo ng Banal na Espiritu, ngunit kailangang sang-ayunan ng tao. Halimbawa: Huwag mong hatulan ang gawain ng praktikal na Diyos. Huwag mong labanan ang taong pinatotohanan ng Diyos. Sa harapan ng Diyos, panatilihin mo ang iyong lugar at huwag maging talipandas. Maging mahinahon sa iyong pananalita, at ang iyong mga salita at kilos ay dapat sinusunod ang pagsasaayos ng taong pinatotohanan ng Diyos. Igalang mo ang patotoo ng Diyos. Huwag mong bale-walain ang gawain ng Diyos at ang mga salita na nagmumula sa Kanyang labi. Huwag mong gayahin ang himig at mga hangad ng pananalita ng Diyos. Sa panlabas, huwag kang gumawa ng kahit na anong nagpapahayag ng pagsalungat sa taong pinatotohanan ng Diyos. Ito, at ang marami pang iba, ay mga dapat sundin ng bawat tao. Sa bawat panahon, maraming tuntunin ang tinutukoy ng Diyos na katulad ng mga kautusan na kailangang sundin ng tao. Sa pamamagitan nito, pinaghihigpitan Niya ang disposisyon ng tao, at inaalam ang kanilang katapatan. Ang mga salitang “Igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina” sa Lumang Tipan, halimbawa. Ang mga salitang ito ay hindi na akma ngayon; sa panahong iyon, pinaghigpitan lamang nila ang ilan sa mga panlabas na disposisyon ng tao, ginamit ang mga ito upang ipakita ang katapatan ng paniniwala ng tao sa Diyos, at tanda ng mga naniniwala sa Diyos. Bagaman ngayon sa Kapanahunan ng Kaharian, mayroon pa ring mga tuntunin na dapat sundin ang tao. Ang mga tuntunin sa nakaraan ay hindi na akma; ngayon, marami, ang mas angkop na kasanayan para isagawa ng tao, at mga kinakailangan. Hindi nila isinasama ang gawain ng Banal na Espiritu sa kailangang isagawa ng tao.
|
"Mga mahal na kapatid, umaasa akong makita ninyo ang pagpapakita ng Diyos sa mga salitang ito, at umpisahang sundan ang Kanyang mga yapak tungo sa bagong kapanahunan, at tungo sa isang magandang bagong langit at bagong lupa na inihanda para sa mga naghihintay sa pagpapakita ng Diyos." Mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
16 Oktubre 2017
Kidlat ng Silanganan | Ang mga Kautusan ng Bagong Kapanahunan
15 Oktubre 2017
Kidlat ng Silanganan | Ang Diyos at Tao ay Papasok sa Kapahingahan na Magkasama
lahat-ng-bagay-sundin
Kidlat ng Silanganan | Ang Diyos at Tao ay Papasok sa Kapahingahan na Magkasama
Sa simula, ang Diyos ay nagpapahinga. Walang mga tao o anumang bagay sa ibabaw ng lupa nang panahon na iyon, at wala pang nagagawa ang Diyos kahit anong gawain pa man. Sinimulan lamang ng Diyos ang Kanyang gawaing pamamahala sa sandaling umiral ang sangkatauhan at sa sandaling ang sangkatauhan ay naging tiwali. Mula sa puntong ito, ang Diyos ay hindi na nagpahinga ngunit sa halip ay nagsimulang gawing okupado ang Kanyang sarili sa gitna ng sangkatauhan. Ang Diyos ay naalis mula sa Kanyang kapahingahan dahil sa katiwalian ng sangkatauhan, at dahil din sa paghihimagsik ng arkanghel kaya naalis ang Diyos mula sa Kanyang kapahingahan. Kung hindi tatalunin ng Diyos si Satanas at iligtas ang sangkatauhan, na naging tiwali, ang Diyos ay hindi na muling makapapasok sa kapahingahan. Kung ang tao ay kulang sa pahinga, ganoon din ang Diyos. Kapag ang Diyos ay muling pumasok sa kapahingahan, ang tao ay papasok din sa kapahingahan. Ang buhay na nasa kapahingahan ay yaong walang digmaan, walang dumi, walang patuloy na kalikuan. Ito ang sinasabi na kulang ang panliligalig ni Satanas (dito ang “Satanas” ay tumutukoy sa salungat na mga puwersa), katiwalian ni Satanas, pati na rin sa pagsalakay ng anumang puwersang tutol sa Diyos. Lahat ng bagay ay sumusunod sa sarili nitong uri at sumasamba sa Panginoon ng paglikha. Ang langit at lupa ay ganap na payapa. Ito ang matahimik na buhay ng sangkatauhan. Kapag pumasok ang Diyos sa kapahingahan, wala nang kalikuan ang magpapatuloy sa ibabaw ng lupa, at wala nang pagsalakay ng anumang salungat na mga puwersa. Ang sangkatauhan ay papasok din sa isang bagong kaharian; sila ay hindi na maging isang sangkatauhan na ginawang tiwali ni Satanas, ngunit sa halip ay isang sangkatauhan na iniligtas pagkatapos ng pagiging tiwali sa pamamagitan ni Satanas. Ang araw ng kapahingahan ng sangkatauhan ay araw din ng kapahingahan ng Diyos. Naiwala ng Diyos ang Kanyang kapahingahan dahil sa kawalan ng kakayahan ng sangkatauhan na pumasok sa kapahingahan; hindi iyon dahil sa Siya ay dati nang hindi makapagpahinga. Ang pagpasok sa kapahingahan ay hindi nangangahulugan na ang lahat ng mga bagay ay titigil sa pag-galaw, o na ang lahat ng bagay ay titigil sa pagbuo, o ang ibig sabihin na ang Diyos ay titigil sa paggawa o ang tao ay titigil na mabuhay. Ang tanda ng pagpasok sa kapahingahan ay katulad ng gayon: Si Satanas ay nawasak; ang mga masamang tao na sumapi kay Satanas sa kanyang masamang gawain ay naparusahan at naalis na; lahat ng mga puwersa laban sa Diyos ay tumigil sa pag-iral. Ang pagpasok ng Diyos sa kapahingahan ay nangangahulugan na hindi na Niya gagawin ang Kanyang gawain sa kaligtasan ng sangkatauhan. Ang pagpasok ng sangkatauhan sa kapahingahan ay nangangahulugan na ang lahat ng sangkatauhan ay mabubuhay sa loob ng liwanag ng Diyos at sa ilalim ng Kanyang mga pagpapala; wala ang katiwalian ni Satanas, o hindi mangyayari ang anumang bagay na liko. Ang sangkatauhan ay mabubuhay nang normal sa lupa, at tatahan sila sa ilalim ng pangangalaga ng Diyos. Kapag ang Diyos at ang tao ay pumasok na sa kapahingahan na magkasama, ito ay nangangahulugan na ang sangkatauhan ay nailigtas at na si Satanas ay nawasak, na ang gawain ng Diyos sa tao ay ganap na natapos. Hindi na magpapatuloy na gagawa ang Diyos sa mga tao, at ang tao ay hindi na tatahan sa ilalim ng sakop ni Satanas. Samakatuwid, ang Diyos ay hindi na magiging abala, at ang tao ay hindi na magmamadali; ang Diyos at tao ay sabay na papasok sa kapahingahan. Ang Diyos ay babalik sa Kanyang orihinal na posisyon, at ang bawat tao ay babalik sa kani-kanyang lugar. Ito ang mga hantungan na ang Diyos at ang tao ay buong galang na maninirahan sa katapusan ng buong pamamahala ng Diyos. Ang Diyos ay may hantungan ng Diyos, at ang tao ay may hantungan ng tao. Habang nagpapahinga, ang Diyos ay patuloy na gagabay sa lahat ng sangkatauhan sa kanilang mga buhay sa lupa. Habang nasa liwanag ng Diyos, ang tao ay sasamba sa isang tunay na Diyos sa langit. Ang Diyos ay hindi na mananahan kasama ng sangkatauhan, at ang tao ay hindi magagawang manahan kasama ng Diyos sa hantungan ng Diyos. Ang Diyos at tao ay hindi maaaring mamuhay sa loob ng parehong kaharian; sa halip, kapwa ay may sariling mga kaukulang mga paraan ng pamumuhay. Ang Diyos ay ang Siyang gumagabay sa lahat ng sangkatauhan, habang ang lahat ng sangkatauhan ay ang pagbubuo-buo ng gawaing pamamahala ng Diyos. Ang sangkatauhan ay inakay; sa pagsasaalang-alang ng kakanyahan, ang sangkatauhan ay hindi katulad ng Diyos. Ang ibig-sabihin ng pagpapahinga ay ang bumalik sa isang orihinal na lugar. Samakatuwid, kapag pumasok ang Diyos sa kapahingahan, nangangahulugan ito na ang Diyos ay babalik sa Kanyang orihinal na lugar. Ang Diyos ay hindi na mananahan sa ibabaw ng lupa o makikibahagi sa kagalakan at paghihirap habang kasama ng sangkatauhan. Kapag ang sangkatauhan ay pumasok sa kapahingahan, ito ay nangangahulugang naging isang tunay na nilalang ang tao; ang sangkatauhan ay sasamba sa Diyos mula sa ibabaw ng lupa at magkaroon ng mga normal na buhay ng tao. Ang mga tao ay hindi na magiging mga suwail sa Diyos o lalaban sa Diyos; sila ay babalik sa orihinal na buhay ni Adan at Eba. Ito ang mga kanya-kanyang mga buhay at mga hantungan ng Diyos at sangkatauhan pagkatapos nilang pumasok sa kapahingaan. Ang pagkatalo ni Satanas ay isang hindi maiiwasang pangyayari sa digmaan sa pagitan ng Diyos at ni Satanas. Sa ganitong paraan, ang pagpasok ng Diyos sa kapahingahan pagkatapos sa pagkumpleto ng Kanyang gawaing pamamahala at ganap na kaligtasan ng tao at ang pasukan sa kapahingahan din ay hindi maiiwasang pangyayari. Ang lugar ng kapahingahan ng tao ay nasa lupa, at ang lugar ng kapahingahan ng Diyos ay nasa langit. Habang nagpapahinga ang tao, sasambahin niya ang Diyos at mananahan din sa lupa, at habang nagpapahinga ang Diyos, aakayin Niya ang natitirang bahagi ng sangkatauhan; aakayin Niya sila mula sa langit, hindi mula sa lupa. Ang Diyos ay ang Espiritu pa rin, habang ang tao ay laman pa rin. Ang Diyos at tao ay kapwa may kanya-kanyang mga paraan ng pagpapahinga. Habang nagpapahinga ang Diyos, Siya ay darating at magpapakita sa tao; habang nagpapahinga ang tao, siya ay aakayin ng Diyos upang bisitahin ang langit at upang masiyahan din sa buhay sa langit. Matapos na ang Diyos at tao ay pumasok sa kapahingahan, si Satanas ay hindi na iiral pa, at tulad ni Satanas, ang mga taong masasama ay hindi na rin iiral. Bago pumasok ang Diyos at tao sa kapahingahan; yaong mga masasamang mga indibidwal na minsan ay umusig sa Diyos sa ibabaw ng lupa at ang mga kaaway na mga suwail sa Kanya sa lupa ay nawasak na; sila ay nawasak na sa pamamagitan ng dakilang mga kalamidad ng mga huling araw. Pagkatapos ang mga masasamang indibidwal ay ganap nang nawasak, hinding-hindi na muling malalaman ng lupa ang panliligalig ni Satanas. Matatamo ng sangkatauhan ang ganap na kaligtasan, at dito pa lamang ganap na magtatapos ang gawain ng Diyos. Ito ang mga kinakailangan para ang Diyos at ang tao ay makapasok sa kapahingahan. |
14 Oktubre 2017
Kidlat ng Silanganan | Ang Kapanahunan ng Kaharian ay ang Kapanahunan ng Salita
praktikal-Kaharian
Kidlat ng Silanganan | Ang Kapanahunan ng Kaharian ay ang Kapanahunan ng Salita
Sa Kapanahunan ng Kaharian, ginagamit ng Diyos ang salita upang ihatid ang isang bagong panahon, upang baguhin ang paraan ng Kanyang gawain, at upang gawin ang Kanyang tungkulin sa buong panahon. Ito ang alituntunin kung saan gumagawa ang Diyos sa Kapanahunan ng Salita. Siya ay nagkatawang-tao upang magsalita sa iba’t-ibang pananaw, upang makitang mabuti ng tao ang Diyos, na Siyang Salita na nagkatawang-tao, at ang Kanyang karunungan at himala. Ang ganoong gawain ay ginagawa upang mas makamit ang mga layunin ng panlulupig sa tao, gawing perpekto ang tao, at pag-alis sa tao. Ito ang tunay na kahulugan ng paggamit sa salita upang gumawa sa Kapanahunan ng Salita. Sa pamamagitan ng salita, nalalaman ng tao ang gawain ng Diyos, ang disposisyon ng Diyos, ang kakanyahan ng tao, at kung ano ang kailangang pasukin ng tao. Sa pamamagitan ng salita, ang lahat ng gawain na nais isagawa ng Diyos sa Kapanahunan ng Salita ay natupad. Sa pamamagitan ng salita, nahayag ang tao, naalis at sinubukan. Nakita ng tao ang salita, narinig ang salita, at nabuksan ang kamalayan patungkol sa pag-iral ng salita. Ang bunga nito, naniniwala ang tao sa pag-iral ng Diyos; naniniwala ang tao sa kapangyarihan at karunungan ng Diyos, gayundin ang puso ng Diyos para sa pagmamahal sa tao at ang Kanyang pagnanais na iligtas ang tao. Bagaman ang salitang “salita” ay payak at karaniwan, ang salita mula sa bibig ng Diyos ay naging tao at niyanig ang langit at lupa; ang Kanyang salita ay binabago ang puso ng tao, ang paniniwala at ang lumang disposisyon ng tao, at ang lumang anyo ng mundo. Sa pagdaan ng panahon, tanging ang Diyos ngayon ang gumagawa sa ganoong paraan, at Siya ang tanging nagsasalita at nagliligtas sa tao. Pagkatapos noon, namumuhay ang tao sa ilalim ng Kanyang patnubay sa salita, inaakay at tinutustusan ng salita; sila ay namumuhay sa mundo ng salita, namumuhay sa gitna ng mga sumpa at pagpapala ng salita ng Diyos, at higit pa rito sila ay namumuhay sa ilalim ng paghatol at pagkastigo ng salita. Ang mga salita at gawain ay para sa kapakanan ng kaligtasan ng tao, pagkamit sa kalooban ng Diyos, at binabago ang orihinal na anyo ng unang nilikhang mundo. Nilikha ng Diyos ang mundo sa pamamagitan ng salita, pinamunuan ang mga tao sa buong daigdig sa pamamagitan ng salita, nilulupig at inililigtas sila sa pamamagitan ng salita. Sa wakas, nararapat Niyang gamitin ang salita upang tapusin ang nakaraang mundo. Doon lamang matatapos ang buong plano sa pamamahala. Sa buong Kapanahunan ng Kaharian, ginagamit ng Diyos ang salita upang isagawa ang Kanyang gawain at makamit ang bunga ng Kanyang gawain; hindi Siya gumagawa ng kababalaghan at hindi Siya nagsasagawa ng mga himala: isinasagawa lamang Niya ang Kanyang mga gawain sa pamamagitan ng salita. Dahil sa salita, ang tao ay pinalusog at tinustusan; dahil sa salita, nagtamo ang tao ng kaalaman at tunay na karanasan. Ang tao sa Kapanahunan ng Salita ay tunay na nagkamit ng mga bukod-tanging pagpapala. Ang tao ay hindi nagdusa dahil sa sakit ng laman at nagtamasa lamang ng saganang pagtustos ng salita ng Diyos; hindi nila kinailangang maghanap o maglakbay, at walang kahirap-hirap nakita nila ang anyo ng Diyos, narinig nila Siyang magsalita sa kanilang sarili, nakamit ang Kanyang panustos, at nakita nila sa kanilang sarili na magsagawa Siya ng Kanyang mga gawain. Ang tao sa mga nakaraang Kapanahunan ay hindi kayang masiyahan sa mga ganoong bagay, at ito ang mga pagpapala na hindi nila kailanman makakamit.
|
13 Oktubre 2017
Kidlat ng Silanganan | Dumating na ang Milenyong Kaharian
Kidlat ng Silanganan | Dumating na ang Milenyong Kaharian
Nakita na ba ninyo kung ano’ng gawa ng Diyos ang matutupad sa grupo ng mga taong ito? Sinabi ng Panginoon, kahit na sa Milenyong Kaharian ay dapat sundin pa rin ng mga tao ang Kanyang mga salita at magpatuloy, at sa hinaharap ang salita ng Diyos ay direktang pang gagabay sa buhay ng tao patungo sa mabuting lupain ng Canaan. Noong si Moises ay nasa kagubatan, direktang nagtagubilin at nagsalita sa kanya ang Diyos. Mula sa kalangitan nagsugo ang Diyos ng pagkain, tubig, at manna upang ang mga tao ay magtamasa, at ito ay ganito pa rin ngayon: Personal na inilatag ng Diyos ang mga bagay upang makain at inumin ng mga tao upang pagsayahan, at personal Siyang nagpadala ng mga sumpa upang parusahan ang mga tao. At kaya ang bawat hakbang ng Kanyang gawa ay personal na ipinapatupad ng Diyos. Ngayon, hinahanap ng mga tao na muling mangyari ang mga katotohanan, sinusubukan nilang matanaw ang mga palatandaan at kababalaghan, at maaaring pabayaan ang mga taong iyon, dahil ang gawa ng Diyos ay siyang unti-unting napapatotohanan. Walang nakakaalam na ang Diyos ay bumaba mula sa langit, lingid pa rin sa kanilang kaalaman na nagpadala ang Panginoon ng pagkain at inumin mula sa langit—sa gayon, Siya ang tunay na nabubuhay, at ang mga maayang eksena ng Milenyong Kaharian na iniisip ng mga tao ay personal na mga salita din ng Diyos. Ito ay katotohanan, at tanging ito lamang ang umiiral sa Diyos na nasa lupa. Ang pag-iral ng Diyos sa lupa ay tumutukoy sa laman. Yaong hindi ukol sa laman ay wala sa lupa, at sa gayon ang lahat ng mga taong tumutuon sa pagpunta sa ikatlong langit ay kumikilos nang walang kabuluhan. Isang araw, kapag ang buong sansinukob ay nagbalik sa Diyos, ang sentro ng Kanyang gawa sa buong sansinukob ay susunod sa tinig ng Diyos; sa ibang dako, tatawag ang ilan, ang ilan ay gagamit ng eroplano, ang ilan ay gagamit ng bangka sa karagatan, at ang ilan ay gagamit ng mga laser upang makatanggap ng mga pananalita ng Diyos. Ang lahat ay magiging mapagsamba, at mapaghangad, sila lahat ay mapapalapit sa Diyos, at magtitipun-tipon sa Panginoon, at ang lahat ay sasamba sa Panginoon—at ang lahat ng ito ay mga gawa ng Diyos. Tandaan ito! Hindi kailanman muling magsisimula ang Panginoon saanman. Tutuparin ng Panginoon ang katotohanang ito: Gagawin Niya na ang lahat ng sangkatauhan sa buong sansinukob ay magtutungo sa Kanya, at sasamba sa Diyos sa lupa, at ang Kanyang gawa sa ibang lugar ay titigil, at mapipilitan ang mga tao na hanapin ang tunay na landas. Ito ay magiging kahalintulad ni Jose: Ang lahat ay nagsilapit sa kanya para sa pagkain, at yumuko sa Kanya, sapagka’t siya’y mayroong mga pagkain. Upang maiwasan ang tag-gutom, ang mga tao ay mapipilitang hanapin ang tunay na landas. Ang buong relihiyosong pamayanan ay magugutom, at ang tanging ang Diyos nang ngayon ang Siyang bukal ng buhay na tubig, na nagmamay-ari ng patuloy na umaagos na bukal na inilaan para kasiyahan ng tao, at darating ang mga tao at aasa sa Kanya. Iyon ang oras na ang mga gawa ng Diyos ay mahahayag, at ang Diyos ay maluluwalhati; ang lahat ng tao sa buong sansinukob ay sasamba sa kabigha-bighaning “tao.” Hindi ba ito ang magiging araw ng kaluwalhatian ng Diyos? Isang araw, ang mga nakatatandang pastol ay magpapadala ng mga telegrama na humahanap sa tubig mula sa bukal ng tubig na buhay. Sila ay matatanda na, subalit sila ay tutungo pa rin upang sumamba sa taong ito, na kanilang itinakwil. Sa kanilang mga bibig kikilalanin nila at sa kanilang mga puso sila ay magtitiwala—at hindi ba ito isang senyales at kababalaghan? Kapag ang buong kaharian ay nagdiriwang, ito ang araw ng kaluwalhatian ng Diyos, at kung sinuman ang lalapit sa inyo at tatanggap sa mabuting balita ng Diyos ay pagpapalain ng Diyos, at ang mga bansang ito at ang mga taong ito ay pagpapalain at aalagaan ng Diyos. Ito ang tinatayang direksyon: Yaong mga tatanggap ng mga salita ng Diyos mula sa kanyang bibig ay magkakaroon ng landas na lalakaran sa mundo, at maging sila man ay mga negosyante o mga siyentipiko, o mga maestro o mga manggagawa, yaong mga walang salita ng Diyos ay mahihirapan kahit na sa unang hakbang, at sila ay mapipilitang hanapin ang tunay na landas. Ito ang ibig sabihin ng, “Sa katotohanan maaabot mo ang buong mundo; sa kawalan ng katotohanan, wala kang mararating.” Ang katotohanan ay: Gagamitin ng Diyos ang Daan (na nangangahulugang lahat ng Kanyang mga salita) upang atasan ang buong sansinukob at pamahalaan at lupigin ang sangkatauhan. Ang mga tao ay laging umaasa sa malaking pagbaling sa mga paraan na isinasagawa ng Diyos. Sa payak na pananalita, sa pamamagitan ng mga salita kinukontrol ng Diyos ang mga tao, at dapat mong gawin ang Kanyang sinasabi[a] naisin niyo man o hindi; ito ay isang tunay na layunin, at dapat na sundin ng lahat, at kaya, pati, ito ay hindi matitinag, at alam ng lahat.
|
12 Oktubre 2017
Kidlat ng Silanganan | Ang Diyos Mismo, ang Natatangi IV
katotohanan-praktikal
Kidlat ng Silanganan | Ang Diyos Mismo, ang Natatangi IV
Ang Kabanalan Ng Diyos (I)
Mayroon tayong ilang karagdagang pagsasama-sama sa awtoridad ng Diyos ngayon, at hindi natin pagsamahan ang tungkol sa pagkamatuwid ng Diyos sa ngayon. Ngayon pag-uusapan natin ang tungkol sa isang buong bagong paksa—ang kabanalan ng Diyos. Ang kabanalan ng Diyos ay iba pang anyo ng natatanging kakanyahan ng Diyos, kung kaya may malaking pangangailangan na pagsamahan ang paksang ito dito. Ang anyong ito ng diwa ng Diyos na aking pagsasamahan, kasama ang dalawang anyo na dati na nating pinag-usapan, ang matuwid na disposisyon ng Diyos at awtoridad ng Diyos—lahat ba iyon ay natatangi? (Oo.) Ang kabanalan ng Diyos ay natatangi rin, sa gayon ang batayan ng kaibahang ito, ang ugat ng kaibahang ito, ay ang tema para sa ating pagsasamahan ngayon. Nauunawaan ninyo ba? Ulitin pagkatapos Ko: ang natatanging diwa ng Diyos—ang kabanalan ng Diyos. (Ang natatanging diwa ng Diyos—ang kabanalan ng Diyos.) Ano ang pakiramdam niyo sa inyong mga puso matapos ulitin ang pariralang ito? Marahil ang ilan sa inyo ay may ilang pagdududa, at nagtatanong, “Bakit pagsasamahan ang kabanalan ng Diyos?” Huwag kayong mag-aalala, dahan-dahan kong ipapaliwanag ito sa inyo. Sa sandaling marinig ninyo ito malalaman ninyo kung bakit lubhang kinakailangan ito para sa Akin na pagsamahan ang paksang ito. |
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)
Makapangyarihang Diyos, ang Puso Ko'y Sa'Yo
I Kaninong mga salita ang pinakamatamis, at pinalakas ang aking espiritu?
-
Tagalog church songs | Tabernakulo ng Diyos Nasa Mundo na Ⅰ Pagbalik ng Diyos , mga bansa'y nahati-hati na ng ha...
-
Dumadaloy ang Tubig ng Buhay Mula sa Trono | "Paano Hahanapin ang mga Yapak ng Gawain ng Diyos " Kapag nahaharap sa kalun...
-
Mga Mapagpanggap Upang ganap na maipagbawal ang paniniwala sa relihiyon at magawang isang bansang walang Diyos ang Tsina, ginaga...