Kidlat ng Silanganan | Ang Diwa ng Katawang-tao na Tinirhan ng Diyos
Ang unang pagkakatawang-tao ng Diyos ay nanirahan sa mundo sa loob ng tatlumpu’t-tatlo at kalahating taon, gayon pa man ginawa Niya ang Kanyang ministeryo sa loob lamang ng tatlo at kalahating taon sa mga taong iyon. Sa parehong oras ng Kanyang paggawa, at bago Niya sinimulan ang Kanyang gawain, Siya ay nagtaglay ng karaniwang katauhan. Tinirhan Niya ang Kanyang karaniwang katauhan sa loob ng tatlumpu’t-tatlo at kalahating taon. Sa buong huling tatlo at kalahating taon ipinakita Niya ang Kanyang sarili bilang nagkatawang-taong Diyos. Bago Niya sinimulang gawin ang Kanyang ministeryo, nagpakita Siya sa ordinaryo, karaniwang katauhan, hindi Siya nagpapakita ng tanda ng Kanyang pagka-Diyos, at ito’y pagkatapos lamang nang sinimulan Niyang pormal na gawin ang Kanyang ministeryo nang ang Kanyang pagka-Diyos ay nahayag. Ang Kanyang buhay at gawain noong panahon ng mga unang dalawampu’t siyam na taon ay nagpakita lahat na Siya ay isang tunay na tao, isang anak ng tao, isang katawang-tao; sapagka’t ang Kanyang ministeryo ay nagsimula lamang umalab matapos ang edad na dalawampu’t-siyam. Ang kahulugan ng pagkakatawang-tao ay na ang Diyos ay nagpapakita sa katawang-tao, at Siya’y naparito upang gumawa sa gitna ng mga tao na Kanyang nilikha sa imahe ng katawang-tao. Kaya, para magkatawang-tao ang Diyos, Siya ay dapat munang magkatawang-tao, katawan na may karaniwang katauhan; ito, sa pinakamababa, ay dapat magkatotoo. Sa katunayan, ang implikasyon ng pagkakatawang-tao ng Diyos ay ang Diyos ay nabubuhay at gumagawa sa katawang-tao, ang Diyos sa Kanyang tunay na diwa ay nagiging laman, nagiging isang tao. Ang Kanyang nagkatawang-tao na buhay at gawain ay maaaring hatiin sa dalawang yugto. Ang una ay ang buhay na Kanyang isinasabuhay bago isagawa ang Kanyang ministeryo. Namumuhay Siya sa isang ordinaryong pantaong pamilya, sa lubos na karaniwang katauhan, sumusunod sa karaniwang mga asal at batas ng buhay ng tao, na may karaniwang mga pangangailangan ng tao (pagkain, damit, tirahan, tulugan), karaniwang mga kahinaan ng tao, at karaniwang mga damdamin ng tao. Sa ibang salita, noong unang yugto Siya ay namuhay bilang di-banal, ganap na karaniwang katauhan, nakikisalamuha sa lahat ng mga karaniwang gawain ng tao. Ang pangalawang yugto ay ang buhay na Kanyang isinasabuhay matapos simulang gawin ang Kanyang ministeryo. Siya ay naninirahan pa rin sa karaniwang katauhan na may isang karaniwang anyo ng tao, hindi nagpapakita ng panlabas na palatandaan ng higit sa karaniwan. Ngunit Siya ay namumuhay nang dalisay para sa kapakanan ng Kanyang ministeryo, at sa panahong ito ang Kanyang karaniwang katauhan ay umiiral nang ganap sa paglilingkod sa normal na gawain ng Kanyang pagka-Diyos; at sa panahong iyon ang Kanyang karaniwang katauhan ay naging ganap hanggang sa puntong kaya na Niyang isagawa ang Kanyang ministeryo. Kaya ang ikalawang yugto ng Kanyang buhay ay upang isagawa ang Kanyang ministeryo sa Kanyang karaniwang katauhan, ay isang buhay na parehong karaniwang katauhan at ganap na pagka-Diyos. Ang dahilan na, sa panahon ng unang yugto ng Kanyang buhay, Siya ay nabubuhay sa ganap na karaniwang pagkatao na ang Kanyang katauhan ay hindi pa katumbas ng kabuuan ng banal na gawa, ay hindi pa ganap; matapos lamang na ang Kanyang pagiging tao ay maging ganap, magkaroon ng kakayahang pasanin ang Kanyang ministeryo, maaari Niyang simulan ang Kanyang ministeryo. Dahil Siya, bilang tao, ay kailangang lumago at maging ganap, ang unang yugto ng Kanyang buhay ay karaniwang pagkatao, samantalang sa pangalawang yugto, dahil ang Kanyang pagkatao ay may kakayahang isabalikat ang Kanyang gawain at gawin ang Kanyang ministeryo, ang buhay ng pagkakatawang-tao ng Diyos na tinatahanan Niya sa panahon ng Kanyang ministeryo ay isa sa parehong pagkatao at ganap na pagka-Diyos. Kung mula sa sandali ng Kanyang kapanganakan ang nagkatawang-taong Diyos ay sinimulan ang Kanyang ministeryo nang maalab, gumagawa ng higit sa karaniwan na mga senyales at mga himala, sa gayon Siya ay maaaring walang panlupang diwa. Samakatuwid, ang Kanyang pagiging tao ay umiiral para sa kapakanan ng Kanyang panlupang diwa; walang laman kung walang katauhan, at ang isang tao na walang katauhan ay hindi isang tao. Sa ganitong paraan, ang katauhan ng laman ng Diyos ay tunay na pagmamay-ari ng katawang-taong laman ng Diyos. Sa pagsabi na “kapag ang Diyos ay nagiging laman Siya ay ganap na banal, ay hindi talaga tao,” ay isang kalapastangan sa Diyos, dahil ito ay isang imposibleng makuhang paninindigan, isa na lumalabag sa alituntunin ng pagkakatawang-tao. Kahit pagkatapos Niyang simulang gawin ang Kanyang ministeryo, ang Kanyang pagka-Diyos ay naninirahan pa rin sa panlabas na balat ng tao kapag ginagawa Niya ang Kanyang trabaho; ito lamang ay na sa oras na iyon, ang Kanyang pagkatao ay naglilingkod sa tanging layunin nang nagpapahintulot sa Kanyang pagka-Diyos upang maisagawa ang gawain sa normal na laman. Kaya ang kumakatawan ng gawain ay ang pagka-Diyos na nagpapatira sa Kanyang katauhan. Ang Kanyang pagka-Diyos, hindi ang Kanyang pagkatao, ang nasa trabaho, datapwat ito ay isang pagka-Diyos na nakatago sa loob ng Kanyang pagkatao; ang Kanyang gawain sa diwa ay tinatapos sa pamamagitan ng Kanyang ganap na pagka-Diyos, hindi sa pamamagitan ng Kanyang pagkatao. Ngunit ang tagagawa ng trabaho ay ang Kanyang pagkatao. Maaaring sabihin ng isa na Siya ay isang tao at isa ring Diyos, sapagkat ang Diyos ay nagiging isang Diyos na namumuhay sa laman, may balat ng tao at diwa ng tao ngunit mayroon ding diwa ng Diyos. Sapagkat Siya ay isang tao na may diwa ng Diyos, Siya ay nasa itaas ng sinumang nilikhang tao, sa itaas ng sinumang tao na kayang gawin ang gawain ng Diyos. Kaya, sa lahat ng may balat ng taong kagaya Niya, sa lahat ng nagmamay-ari ng katauhan, tanging Siya lang mismo ang nag-aanyong Diyos Mismo—lahat ng iba pa ay nilikha bilang tao. Kahit lahat sila ay may katauhan, ang mga nilikhang tao ay walang iba kundi tao, habang ang Diyos na nagkatawang-tao ay naiiba: Sa Kanyang laman hindi lamang katauhan ang mayroon Siya kundi higit pang mas mahalaga ay ang pagka-Diyos. Ang Kanyang pagkatao ay makikita sa panlabas na anyo ng Kanyang laman at sa Kanyang araw-araw na buhay, ngunit ang Kanyang pagka-Diyos ay mahirap makita. Dahil ang Kanyang pagka-Diyos ay naipapahayag lamang kapag Siya ay may katauhan, at hindi bilang higit sa karaniwan na naiisip ng tao na maging, ito ay lubhang mahirap para sa mga tao na makita. Kahit ngayon ito ay lubos na mahirap para sa mga tao na unawain ang totoong diwa ng pagkakatawang-tao ng Diyos. Sa katunayan, kahit pagkatapos Kong magsalita tungkol dito nang ganoong katagal, umaasa Akong misteryo pa rin ito sa karamihan sa inyo. Ang isyu na ito ay napaka-simple: Yamang ang Diyos ay naging laman, ang Kanyang diwa ay isang kombinasyon ng pagkatao at pagka-Diyos. Ang kumbinasyon na ito ay tinatawag na Diyos Mismo, ang Diyos Mismo sa lupa.