Ang Isa na Kataas-taasan sa Ibabaw ng Lahat

12

12 Nobyembre 2017

Kidlat ng Silanganan | Ang Diwa ng Katawang-tao na Tinirhan ng Diyos

Jesus, Diyos, katotohanan, buhay, Paniwala

Kidlat ng Silanganan | Ang Diwa ng Katawang-tao na Tinirhan ng Diyos


    Ang unang pagkakatawang-tao ng Diyos ay nanirahan sa mundo sa loob ng tatlumpu’t-tatlo at kalahating taon, gayon pa man ginawa Niya ang Kanyang ministeryo sa loob lamang ng tatlo at kalahating taon sa mga taong iyon. Sa parehong oras ng Kanyang paggawa, at bago Niya sinimulan ang Kanyang gawain, Siya ay nagtaglay ng karaniwang katauhan. Tinirhan Niya ang Kanyang karaniwang katauhan sa loob ng tatlumpu’t-tatlo at kalahating taon. Sa buong huling tatlo at kalahating taon ipinakita Niya ang Kanyang sarili bilang nagkatawang-taong Diyos. Bago Niya sinimulang gawin ang Kanyang ministeryo, nagpakita Siya sa ordinaryo, karaniwang katauhan, hindi Siya nagpapakita ng tanda ng Kanyang pagka-Diyos, at ito’y pagkatapos lamang nang sinimulan Niyang pormal na gawin ang Kanyang ministeryo nang ang Kanyang pagka-Diyos ay nahayag. Ang Kanyang buhay at gawain noong panahon ng mga unang dalawampu’t siyam na taon ay nagpakita lahat na Siya ay isang tunay na tao, isang anak ng tao, isang katawang-tao; sapagka’t ang Kanyang ministeryo ay nagsimula lamang umalab matapos ang edad na dalawampu’t-siyam. Ang kahulugan ng pagkakatawang-tao ay na ang Diyos ay nagpapakita sa katawang-tao, at Siya’y naparito upang gumawa sa gitna ng mga tao na Kanyang nilikha sa imahe ng katawang-tao. Kaya, para magkatawang-tao ang Diyos, Siya ay dapat munang magkatawang-tao, katawan na may karaniwang katauhan; ito, sa pinakamababa, ay dapat magkatotoo. Sa katunayan, ang implikasyon ng pagkakatawang-tao ng Diyos ay ang Diyos ay nabubuhay at gumagawa sa katawang-tao, ang Diyos sa Kanyang tunay na diwa ay nagiging laman, nagiging isang tao. Ang Kanyang nagkatawang-tao na buhay at gawain ay maaaring hatiin sa dalawang yugto. Ang una ay ang buhay na Kanyang isinasabuhay bago isagawa ang Kanyang ministeryo. Namumuhay Siya sa isang ordinaryong pantaong pamilya, sa lubos na karaniwang katauhan, sumusunod sa karaniwang mga asal at batas ng buhay ng tao, na may karaniwang mga pangangailangan ng tao (pagkain, damit, tirahan, tulugan), karaniwang mga kahinaan ng tao, at karaniwang mga damdamin ng tao. Sa ibang salita, noong unang yugto Siya ay namuhay bilang di-banal, ganap na karaniwang katauhan, nakikisalamuha sa lahat ng mga karaniwang gawain ng tao. Ang pangalawang yugto ay ang buhay na Kanyang isinasabuhay matapos simulang gawin ang Kanyang ministeryo. Siya ay naninirahan pa rin sa karaniwang katauhan na may isang karaniwang anyo ng tao, hindi nagpapakita ng panlabas na palatandaan ng higit sa karaniwan. Ngunit Siya ay namumuhay nang dalisay para sa kapakanan ng Kanyang ministeryo, at sa panahong ito ang Kanyang karaniwang katauhan ay umiiral nang ganap sa paglilingkod sa normal na gawain ng Kanyang pagka-Diyos; at sa panahong iyon ang Kanyang karaniwang katauhan ay naging ganap hanggang sa puntong kaya na Niyang isagawa ang Kanyang ministeryo. Kaya ang ikalawang yugto ng Kanyang buhay ay upang isagawa ang Kanyang ministeryo sa Kanyang karaniwang katauhan, ay isang buhay na parehong karaniwang katauhan at ganap na pagka-Diyos. Ang dahilan na, sa panahon ng unang yugto ng Kanyang buhay, Siya ay nabubuhay sa ganap na karaniwang pagkatao na ang Kanyang katauhan ay hindi pa katumbas ng kabuuan ng banal na gawa, ay hindi pa ganap; matapos lamang na ang Kanyang pagiging tao ay maging ganap, magkaroon ng kakayahang pasanin ang Kanyang ministeryo, maaari Niyang simulan ang Kanyang ministeryo. Dahil Siya, bilang tao, ay kailangang lumago at maging ganap, ang unang yugto ng Kanyang buhay ay karaniwang pagkatao, samantalang sa pangalawang yugto, dahil ang Kanyang pagkatao ay may kakayahang isabalikat ang Kanyang gawain at gawin ang Kanyang ministeryo, ang buhay ng pagkakatawang-tao ng Diyos na tinatahanan Niya sa panahon ng Kanyang ministeryo ay isa sa parehong pagkatao at ganap na pagka-Diyos. Kung mula sa sandali ng Kanyang kapanganakan ang nagkatawang-taong Diyos ay sinimulan ang Kanyang ministeryo nang maalab, gumagawa ng higit sa karaniwan na mga senyales at mga himala, sa gayon Siya ay maaaring walang panlupang diwa. Samakatuwid, ang Kanyang pagiging tao ay umiiral para sa kapakanan ng Kanyang panlupang diwa; walang laman kung walang katauhan, at ang isang tao na walang katauhan ay hindi isang tao. Sa ganitong paraan, ang katauhan ng laman ng Diyos ay tunay na pagmamay-ari ng katawang-taong laman ng Diyos. Sa pagsabi na “kapag ang Diyos ay nagiging laman Siya ay ganap na banal, ay hindi talaga tao,” ay isang kalapastangan sa Diyos, dahil ito ay isang imposibleng makuhang paninindigan, isa na lumalabag sa alituntunin ng pagkakatawang-tao. Kahit pagkatapos Niyang simulang gawin ang Kanyang ministeryo, ang Kanyang pagka-Diyos ay naninirahan pa rin sa panlabas na balat ng tao kapag ginagawa Niya ang Kanyang trabaho; ito lamang ay na sa oras na iyon, ang Kanyang pagkatao ay naglilingkod sa tanging layunin nang nagpapahintulot sa Kanyang pagka-Diyos upang maisagawa ang gawain sa normal na laman. Kaya ang kumakatawan ng gawain ay ang pagka-Diyos na nagpapatira sa Kanyang katauhan. Ang Kanyang pagka-Diyos, hindi ang Kanyang pagkatao, ang nasa trabaho, datapwat ito ay isang pagka-Diyos na nakatago sa loob ng Kanyang pagkatao; ang Kanyang gawain sa diwa ay tinatapos sa pamamagitan ng Kanyang ganap na pagka-Diyos, hindi sa pamamagitan ng Kanyang pagkatao. Ngunit ang tagagawa ng trabaho ay ang Kanyang pagkatao. Maaaring sabihin ng isa na Siya ay isang tao at isa ring Diyos, sapagkat ang Diyos ay nagiging isang Diyos na namumuhay sa laman, may balat ng tao at diwa ng tao ngunit mayroon ding diwa ng Diyos. Sapagkat Siya ay isang tao na may diwa ng Diyos, Siya ay nasa itaas ng sinumang nilikhang tao, sa itaas ng sinumang tao na kayang gawin ang gawain ng Diyos. Kaya, sa lahat ng may balat ng taong kagaya Niya, sa lahat ng nagmamay-ari ng katauhan, tanging Siya lang mismo ang nag-aanyong Diyos Mismo—lahat ng iba pa ay nilikha bilang tao. Kahit lahat sila ay may katauhan, ang mga nilikhang tao ay walang iba kundi tao, habang ang Diyos na nagkatawang-tao ay naiiba: Sa Kanyang laman hindi lamang katauhan ang mayroon Siya kundi higit pang mas mahalaga ay ang pagka-Diyos. Ang Kanyang pagkatao ay makikita sa panlabas na anyo ng Kanyang laman at sa Kanyang araw-araw na buhay, ngunit ang Kanyang pagka-Diyos ay mahirap makita. Dahil ang Kanyang pagka-Diyos ay naipapahayag lamang kapag Siya ay may katauhan, at hindi bilang higit sa karaniwan na naiisip ng tao na maging, ito ay lubhang mahirap para sa mga tao na makita. Kahit ngayon ito ay lubos na mahirap para sa mga tao na unawain ang totoong diwa ng pagkakatawang-tao ng Diyos. Sa katunayan, kahit pagkatapos Kong magsalita tungkol dito nang ganoong katagal, umaasa Akong misteryo pa rin ito sa karamihan sa inyo. Ang isyu na ito ay napaka-simple: Yamang ang Diyos ay naging laman, ang Kanyang diwa ay isang kombinasyon ng pagkatao at pagka-Diyos. Ang kumbinasyon na ito ay tinatawag na Diyos Mismo, ang Diyos Mismo sa lupa.

11 Nobyembre 2017

Kidlat ng Silanganan | Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Ministeryo ng Nagkatawang-taong Diyos at ng Tungkulin ng Tao

Kidlat ng Silanganan, Kaalaman, katotohanan, praktikal, Diyos, Jesus


Kidlat ng Silanganan | Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Ministeryo ng Nagkatawang-taong Diyos at ng Tungkulin ng Tao



    Dapat kayong makarating sa pagkakaalam sa pangitain ng gawain ng Diyos at matarok ang pangkalahatang tunguhin ng Kanyang gawain. Ito ay pagpasok sa isang positibong paraan. Sa sandaling makabisado ninyo nang tumpak ang mga katotohanan ng pangitain, ang iyong pagpasok ay magiging ligtas; paano man nagbabago ang Kanyang gawain, ikaw ay mananatiling matatag sa iyong puso, magiging malinaw tungkol sa pangitain, at ikaw ay magkakaroon ng isang tinutumbok para sa iyong pagpasok at iyong paghahabol. Sa gayong paraan, ang lahat ng karanasan at kaalaman sa loob mo ay lalalim at magiging mas pino. Sa sandaling matarok mo ang mas malaking larawan sa kabuuan nito, hindi ka magdurusa ng mga kawalan sa buhay, at hindi ka mawawala. Kung hindi mo malalaman ang mga hakbang na ito ng gawain, magdurusa ka ng kawalan sa bawa’t isa sa mga iyon. Hindi ka makababawi sa loob lamang ng ilang araw, at hindi ka makatatahak sa tamang landas kahit sa loob ng ilang linggo. Hindi ba ito nakapipigil sa iyo? Mayroong napakarami sa pagpasok sa isang positibong paraan at ganoong mga pagsasagawa na dapat mong makabisa, at ganoon din dapat mong tarukin ang maraming punto hinggil sa pangitain ng Kanyang gawain, katulad ng kahalagahan ng Kanyang gawain ng paglupig, ang landas sa pagiging pineperpekto sa hinaharap, ano ang dapat makamtan sa pamamagitan ng karanasan sa mga pagsubok at mga paghihirap, ang kahalagahan ng paghatol at pagkastigo, ang mga prinsipyo ng gawain ng Banal na Espiritu, at ang mga prinsipyo ng pagkaperpekto at ng paglupig. Ang mga ito ay lahat mga katotohanan ng pangitain. Ang iba pa ay ang tatlong yugto ng gawain ng Kapanahunan ng Kautusan, Kapanahunan ng Biyaya at Kapanahunan ng Kaharian, gayundin ang patotoo sa hinaharap. Ang mga ito ay mga katotohanan din patungkol sa pangitain, at ang mga pinakapangunahin, gayundin ay pinakamahalaga. Sa kasalukuyan, may napakarami na dapat ninyong pasukin at isagawa, at ito ngayon ay higit na susun-suson at mas detalyado. Kung ikaw ay walang kaalaman sa mga katotohanang ito, ito ay patunay na hindi ka pa nakapapasok. Kadalasan, ang kaalaman ng tao sa katotohanan ay masyadong mababaw; hindi kayang isagawa ng tao ang ilang mga pangunahing katotohanan at hindi alam kung papaano gampanan kahit ang mga di-gaanong mahahalagan bagay. Ang dahilan kung bakit hindi makayang isagawa ng tao ang katotohanan ay dahil sa kanyang disposisyon ng pagiging suwail, at dahil ang kanyang kaalaman sa mga gawain ng kasalukuyan ay masyadong mababaw at may-pinapanigan. Sa gayon, hindi madaling gawain na ang tao ay gawing perpekto. Ang iyong pagiging-suwail ay masyadong matindi, at napakalaki ng iyong dating sarili ang nananatili sa iyo; hindi ka makapanindigan sa panig ng katotohanan, at hindi mo makayang isagawa kahit ang pinakamaliwanag sa mga katotohanan. Ang ganoong mga tao ay hindi maililigtas at ang mga yaong hindi pa nalulupig. Kung ang iyong pagpasok ay walang detalye ni mga layunin, magiging mabagal ang dating ng paglago para sa iyo. Kung ang iyong pagpasok ay wala ni kaunti mang reyalidad, kung gayon ang iyong paghahabol ay masasayang lamang. Kung ikaw ay hindi nakakamalay sa nilalaman ng katotohanan, ikaw ay mananatiling hindi-nababago. Ang paglago sa buhay ng tao at mga pagbabago sa kanyang disposisyon ay nakakamtang lahat sa pamamagitan ng pagpasok tungo sa reyalidad at, higit sa rito, sa pamamagitan ng pagpasok sa detalyadong mga karanasan. Kung ikaw ay maraming detalyadong mga karanasan sa panahon ng iyong pagpasok, at ikaw ay maraming tunay na kaalaman at pagpasok, ang iyong disposisyon ay mabilis na magbabago. Kahit na sa kasalukuyan ay hindi ka pa masyadong naliliwanagan sa pagsasagawa, ikaw ay dapat na maliwanagan man lamang tungkol sa pangitain ng gawain. Kung hindi, ikaw ay hindi makapapasok, at hindi mo ito magagawa malibang magkaroon ka muna ng kaalaman sa katotohanan. Tangi lamang kung liliwanagan ka ng Banal na Espiritu sa iyong karanasan magkakamit ka ng mas malalim na pang-unawa sa katotohanan at makapapasok nang mas malalim. Dapat mong malaman ang gawain ng Diyos.

10 Nobyembre 2017

Kidlat ng Silanganan | Purihin ang Katuparan ng Gawain ng D’yos


Kidlat ng Silanganan | Purihin ang Katuparan ng Gawain ng D’yos


Gawain ng D'yos, kaybilis mabago; 'di maarok, dalá ang tao.Paligid mo'y tingnan, 'di na 'yong dati, pawang kayganda't bago.Isa't isa'y nabuhay, nabago, nadalisay.D'yos pinupuri, kaysaya, mga awit ng papuri pailanglang sa Kanya.S'ya'y purihin! Ngala'y l'walhatiin! Lahat ng tao D'yos ay taos-pusong purihin.S'ya'y purihin! Ngala'y l'walhatiin! Lahat ng tao D'yos ay taos-pusong purihin.
Kahanga-hanga N'yang gawa'y purihin, Kanyang dunong walang pagkabigo,matuwid Niyang disposisyo'y purihin, purihin Siya pagka't Siya ay D'yos na tapat.Gawa N'yang tunay, binago aking pagkamasuwayin.Karangalan ko maitakdang saksi sa dakila N'yang mga gawa.S'ya'y purihin! L'walhatiin Kanyang pangalan!Umaawit ng papuri sa Kanya mula sa ating mga pusong may galak.S'ya'y purihin! L'walhatiin Kanyang pangalan!Umaawit ng papuri sa Kanya mula sa ating mga pusong may galak.
Silang umi'big sa D'yos, lagi S'yang sundin, at Salita Niya ay isabuhay.Sala't dumi'y iwinaksi, silang lahat naging banal.Saksi sa banal N'yang pangalan, dahil puso N'ya'y nasiyahan.Pagkamat'wid at kabanalan pumuno sa mundong ito,saanman ay kayganda't bago.S'ya'y purihin! L'walhatiin Kanyang pangalan!Umaawit ng papuri sa Kanya mula sa ating mga pusong may galak.S'ya'y purihin! L'walhatiin Kanyang pangalan!Umaawit ng papuri sa Kanya mula sa ating mga pusong may galak.
Purihin katuparan ng gawain ng D'yos, S'ya'y naluwalhating lubos,Lahat at bawa't isa ay sumusunod, bawa't isa ay may huling hantungan.Bayan ng D'yos, lalong banal, purihin ang tunay na Diyos.Kasama N'ya, sila'y puspos ng ligaya.Sila'y puspos ng ligaya.Purihin Siya! Sama-sama nating purihin S'ya!Ating mga awit ng papuri ay 'di magwawakas.Purihin Siya! Sama-sama nating purihin S'ya!Ating mga awit ng papuri ay walang wakas, walang wakas.
mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Rekomendasyon:

Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal na bumalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw

09 Nobyembre 2017

Kidlat ng Silanganan | Ang Kaligayahan sa Mabuting Lupain ng Canaan


Kidlat ng Silanganan | Ang Kaligayahan sa Mabuting Lupain ng Canaan


Balik sa pamilya ng Diyos, sabik at masaya.Makilala Ka'y karangalan ko, puso ko'y alay sa 'Yo tunay na Diyos, ibinigay ko ang aking puso sa Iyo.Lambak ng Luhang ma'y dinaanan, rikit ng Diyos kita.Pag-ibig sa Diyos lumalago, galak ko'y galing Sa 'Yo.Ganda ng Diyos, at likha Niya, puso'y kapit sa Kanya.Pag-ibig ko sa Diyos di-sapat, awit sa puso ko'y umigkas.
Pinagpalang lupain ng Canaan, ang lahat ay sariwa, ang lahat ay may buhay. Makapangyarihang Diyos Kanyang tinig, inakay tayo sa Kapanahunan ng Kaharian.Sa Kanyang salita landas ay mahanap, makikita ang landas na dapat tao'y lumakad.Pangarap na langit ngayo'y tunay, di na hahanapin, papangarapin.
Mga bit'win sa langit ay ngumingiti sa akin, araw tumatango, sa sikat n'ya, ula't hamog, buhay namu'nga ng hinog.Salita ng Diyos, malago't mayaman, dala'y matamis na piging sa atin.Sapát at punóng tustos ng Diyos tayo'y nasiyahan.Lupain ng Canaan, sa mundo ng mga salita ng Diyos;Kanyang pag-ibig ay nagdulot sa amin ng walang-hanggang kagalakan. Samyo ng mga prutas ay pumupuno sa hangin.Kung ika'y andirito para sa ilang araw, ito'y mamahalin mo higit sa kahit ano.
Buwang pilak kay liwanag. Ang buhay laging masaya.Ikaw ay laging nasa puso ko, habambuhay ako'y kapiling Mo.Puso'y laging sabik sa'Yo; kay sayang ibigin Ka araw-araw.O sinisinta sa puso ko! Sa 'Yong lahat pag-ibig ko.Nag-iisa Ka sa aking puso, iyong kagandahan ay lampas sa lahat ng mga salita.Puso'y umiibig lamang sa Iyo, di-mapigilang sa tuwa'y mapalukso.
Makita ang Diyos ng mukhaan, gaya ng isang kagalakan, maunawaan ang kalooban ng Diyos sa Kanyang mga salita.Malaman na tapat ang Diyos at matuwid, disposisyon ng Diyos, masyadong kaibig-ibig.Sinisinta kong kayganda! Iyong kagandahan ay nabihag ng aking puso. mula sa Sundan ang Kordero at Umawit ng Bagong mga Awit

Rekomendasyon:Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal na bumalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw

08 Nobyembre 2017

Kidlat ng Silanganan | Kung 'Di Ako Iniligtas ng D'yos


Kidlat ng Silanganan | Kung 'Di Ako Iniligtas ng D'yos


Kung 'di ako iniligtas ng Diyos, palaboy pa rin hanggang ngayon,
naghihirap, nagkakasala; bawa't araw walang pag-asa.
Kung 'di ako iniligtas ng Diyos, niyuyurakan pa rin ng d'yablo,
nabitag sa sala't layaw nito, mangmang sa kahihinatnan ng buhay ko.
Makapangyarihang Diyos ang nagliligtas sa akin, salita N'ya'y dinadalisay ako.
Sa paghatol at pagkastigo ng Diyos, tiwaling disposisyon ko'y nabago.
Lahat ng katotohanang binibigkas ng Diyos bigay sa 'ki'y bagong buhay.
Diyos nakita ko nang harapan, tunay N'yang pag-ibig naranasan.
Sa wakas natanto kong mapagmahal na kamay ng Diyos ang nanguna sa akin,
na marinig boses N'ya't maitaas sa harap ng trono N'ya,
makadalo sa piging ni Kristo't matamo, kadalisaya't pagkaperpekto. 
Ang inaasam ng ilang taon ay natupad din, ang kaligtasan ng Diyos ay akin.
Makapangyarihang Diyos ang nagliligtas sa akin, salita N'ya'y dinadalisay ako.
Sa paghatol at pagkastigo ng Diyos, tiwaling disposisyon ko'y nabago.
Lahat ng katotohanang binibigkas ng Diyos bigay sa 'ki'y bagong buhay.
Diyos nakita ko nang harapan, tunay N'yang pag-ibig naranasan.
Sa wakas natanto kong mapagmahal na kamay ng Diyos ang nanguna sa akin,
na marinig boses N'ya't maitaas sa harap ng trono N'ya,
makadalo sa piging ni Kristo't matamo, kadalisaya't pagkaperpekto. 
Ang inaasam ng ilang taon ay natupad din, ang kaligtasan ng Diyos ay akin.
Ang inaasam ng ilang taon ay natupad din, ang kaligtasan ng Diyos ay akin.
mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin
Promosyonal na MV para sa Bata, "Umuwi ka na!
Hindi na ako muling maglalaro ng kompyuter!
Sa ika-pito ng gabing ito magtataas ako ng aking lansungan.
Ngunit ako ay nanalangin na sa Diyos 
at sinabi na hindi na ako maglalaro ng kompyuter.

Rekomendasyon:Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal na bumalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw

Makapangyarihang Diyos, ang Puso Ko'y Sa'Yo

 I Kaninong mga salita ang pinakamatamis, at pinalakas ang aking espiritu?