Ang Isa na Kataas-taasan sa Ibabaw ng Lahat

12

15 Nobyembre 2017

Kidlat ng Silanganan | Ang Pagkilala sa Diyos ay ang Landas Tungo sa Pagkatakot sa Diyos at Paglayo sa Kasamaan

Kaalaman, Diyos, tumalima, kaligtasan-pag-ibig

KIDLAT NG SILANGANAN | ANG PAGKILALA SA DIYOS AY ANG LANDAS TUNGO SA PAGKATAKOT SA DIYOS AT PAGLAYO SA KASAMAAN



   Dapat muling suriin ng lahat ang kanyang buhay sa paniniwala sa Diyos upang tingnan kung, sa paghahangad sa Diyos, tunay na nauunawaan niya, tunay na naintindihan niya, at tunay siyang humantong sa pagkilala sa Diyos, kung tunay na nalalaman niya kung ano ang pag-uugali na dinadala ng Diyos sa iba’t ibang uri ng mga taong nilalang, at kung tunay na nauunawaan niya kung ano ang ginagawa ng Diyos sa kanya at paano ipakahulugan ng Diyos ang kanyang bawat kilos. Ang Diyos na ito, na nasa tabi mo, na gumagabay sa direksiyon ng iyong pagsulong, na nagtatakda ng iyong tadhana, at nagtutustos ng iyong mga pangangailangan—gaano mo, sa panghuling pagsusuri, nauunawaan at gaano mo talagang nakikilala Siya? Alam mo ba kung ano ang ginagawa Niya sa iyo sa bawat araw? Alam mo ba ang mga saligan at layunin kung saan ibinabatay Niya ang Kanyang bawat pagkilos? Alam mo ba kung paano kang ginagabayan Niya? Alam mo ba ang mga paraan kung paano ka Niya tinutustusan? Alam mo ba ang mga pamamaraan na ginagamit Niya upang akayin ka? Alam mo ba kung ano ang ninanais Niya na makamit mula sa iyo at kung ano ang ninanais Niya na matamo sa iyo? Alam mo ba ang pag-uugali na ipinakikita Niya sa sari-saring paraan na ikinikilos mo? Alam mo ba kung ikaw ay isang taong iniibig Niya? Alam mo ba ang pinagmumulan ng Kanyang kaligayahan, galit, kalungkutan, at kagalakan, ang mga kaisipan at mga ideya na nasa likod ng mga ito, at ang Kanyang pinakadiwa? Alam mo ba, sa panghuli, kung anong uri ng Diyos ang Diyos na ito na iyong pinaniniwalaan? Ang mga tanong bang ito at iba pang mga tanong na ganito ay mga bagay na hindi mo kailanman naunawaan o naisip? Sa paghahangad ng iyong paniniwala sa Diyos, hinawi mo na ba, sa pamamagitan ng tunay na pagpapahalaga at karanasan sa mga salita ng Diyos, ang mga hindi pagkakaunawaan hinggil sa Kanya? Ikaw ba, pagkatapos tanggapin ang disiplina at pagtutuwid ng Diyos, ay dumating sa tunay na pagpapasakop at pagkalinga? Ikaw ba, sa gitna ng pagkastigo at paghatol ng Diyos, ay humantong upang kilalanin ang mapanghimagsik at satanikong kalikasan ng tao at nagtamo ng kakaunting pagkaunawa sa kabanalan ng Diyos? Ikaw ba, sa ilalim ng patnubay at pagliliwanag ng mga salita ng Diyos, ay nagsimulang magtaglay ng bagong pananaw sa buhay? Ikaw ba, sa gitna ng pagsubok na ipinadala ng Diyos, ay nakadama ng Kanyang kawalan ng pagpaparaya para sa mga pagkakasala ng tao pati kung ano ang kinakailangan Niya sa iyo at paano ka Niya inililigtas? Kung hindi mo nalalaman kung ano ang magkamali ng pang-unawa sa Diyos, o kung paano hawiin ang hindi pagkakaunawaan na ito, samakatwid maaaring sabihin ng sinuman na hindi ka kailanman pumasok sa tunay na pakikipag-isa sa Diyos at hindi kailanman naunawaan ang Diyos, o kahit papaano maaaring sabihin ng sinuman na hindi mo kailanman ninais na maunawaan Siya. Kung hindi mo nalalaman kung ano ang disiplina at pagtutuwid ng Diyos, samakatwid tiyak na hindi mo nalalaman ang pagpapasakop at pagkalinga, o kahit paano hindi ka kailanman tunay na nagpasakop at kumalinga para sa Diyos. Kung hindi mo kailanman naranasan ang pagkastigo at paghatol ng Diyos, samakatwid tiyak na hindi mo nalalaman kung ano ang Kanyang kabanalan, at lalong hindi magiging malinaw sa iyo kung ano ang paghihimagsik ng tao. Kung hindi mo kailanman tunay na taglay ang tamang pananaw sa buhay, o tamang layunin sa buhay, ngunit ikaw ay nasa kalagayan ng pagkalito at kawalan ng pagpapasiya sa iyong landas sa hinaharap sa buhay, kahit sa punto na nag-aatubili na tumuloy pasulong, samakatwid tiyak na hindi ka kailanman tunay na nakatanggap ng pagliliwanag at patnubay ng Diyos, at maaari ring sabihin ng sinuman na ikaw ay hindi kailanman tunay na natustusan o napunang muli ng mga salita ng Diyos. Kung hindi ka pa dumaan sa pagsubok ng Diyos, samakatwid hindi na kailangang banggitin na tiyak na hindi mo nalalaman kung ano ang kawalan ng pagpaparaya ng Diyos sa mga pagsama ng loob ng tao, ni mauunawaan mo kung ano ang panghuling kinakailangan sa iyo ng Diyos, at lalong hindi kung ano, sa panghuli, ang Kanyang gawain sa pamamahala at pagliligtas ng tao. Ilang taon man na naniniwala ang isang tao sa Diyos, kung hindi siya kailanman nakaranas o nahiwatigan ng anuman sa mga salita ng Diyos, samakatwid tiyak na hindi siya lumalakad sa landas tungo sa kaligtasan, ang kanyang pananampalataya sa Diyos ay tiyak na walang tunay na nilalaman, ang kanyang kaalaman sa Diyos din ay tiyak na wala, at hindi kailangang banggitin na wala siyang ideya ng kahit na ano kung paano igalang ang Diyos.

14 Nobyembre 2017

Kidlat ng Silanganan | Sa Pagkakatawang-tao Lamang ng Diyos Magiging Katiwala Niya Ang Tao


Kidlat ng Silanganan | Sa Pagkakatawang-tao Lamang ng Diyos Magiging Katiwala Niya Ang Tao


Kapag ibinibaba ng Diyos ang sarili Niya,Siya'y nagkakatawang-tao't nananahan sa tao,saka lang sila maaring maging,kanyang katiwala't matalik na kaibigan.Paano magiging katiwala ng Diyos ang taokung ang Diyos ay espiritu, angat at mahirap arukin?Tanging sa pagkakatawang-tao lamang ng Diyosmauunawaan ng tao ang kalooban Niya at matamo Niya.

Diyos nagwiwika't gumawa sa katawang-tao,
kabahagi sa tuwa, dusa ng tao,buhay sa mundo nila, tanggol at gabay nila,nilinis sila, nang kaligtasan Niya'y matamo nila.Paano magiging katiwala ng Diyos ang taokung ang Diyos ay espiritu, angat at mahirap arukin?Tanging sa pagkakatawang-tao lamang ng Diyosmauunawaan ng tao ang kalooban Niya at matamo Niya.

Sa gayon, kalooban ng Diyos ay mabatid ng tao
at nagiging katiwala N'ya; ito lamang ay praktikal.Kung Diyos ay di-nakikita't nahahawakan ng tao,p'anong tao'y katiwala N'ya? 'Di ba't walang saysay ang doktrinang ito?Paano magiging katiwala ng Diyos ang taokung ang Diyos ay espiritu, angat at mahirap arukin?Tanging sa pagkakatawang-tao lamang ng Diyosmauunawaan ng tao ang kalooban Niya at matamo Niya.Sa pagkakatawang-tao lamang ng Diyos magiging katiwala Niya ang tao.mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Rekomendasyon:Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal na bumalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw

13 Nobyembre 2017

Kidlat ng Silanganan | Ang Pagmamahal Lamang sa Diyos ang Tunay na Pananampalataya sa Diyos

pag-ibig,  Diyos, matapat, katotohanan, tumalima

Kidlat ng Silanganan | Ang Pagmamahal Lamang sa Diyos ang Tunay na Pananampalataya sa Diyos

   
   Ngayon, sa inyong paghanap sa pag-ibig at pagkilala sa Diyos, sa isang banda dapat ninyong tiisin ang hirap at pagpipino, at sa ibang banda, kailangan ninyong magbigay ng kabayaran. Walang leksiyon na mas malalim kaysa sa turo ng maibiging Diyos, at maaaring sabihing ang leksiyong natututunan ng mga tao sa panghabambuhay na paniniwala ay kung paano mahalin ang Diyos. Na ang ibig sabihin, kung naniniwala ka sa Diyos dapat mong mahalin ang Diyos. Kung ikaw lamang ay naniniwala sa Diyos ngunit hindi mo Siya minamahal, hindi pa nakamtan ang pagkilala sa Diyos, at hindi kailanman nagmahal sa Diyos nang tunay na pagmamahal na mula sa loob ng iyong puso, sa gayon ang iyong paniniwala sa Diyos ay walang saysay; kung, sa iyong paniniwala sa Diyos, hindi mo mahal ang Diyos, ikaw ay nabubuhay nang walang kabuluhan, at ang iyong buong buhay ay ang pinakamababa sa lahat ng mga buhay. Kung, sa kabuuan ng iyong buong buhay, hindi mo kailanman inibig o napasaya ang Diyos, sa gayon ano ang saysay ng iyong pamumuhay? At ano ang saysay ng iyong paniniwala sa Diyos? Hindi ba iyon isang pag-aaksaya ng pagsisikap? Na ang ibig sabihin, kung ang mga tao ay maniniwala sa at iibigin ang Diyos, dapat silang magbigay kabayaran. Sa halip na subuking kumilos sa isang tiyak na paraang panlabas, dapat nilang hanapin ang tunay na pag-unawa sa kailaliman ng kanilang mga puso. Kung ikaw ay masigasig tungkol sa pag-awit at pagsayaw, ngunit hindi maisagawa ang pagpapatupad ng katotohanan, maaari bang sabihing ikaw ay umiibig sa Diyos? Ang pag-ibig sa Diyos ay nangangailangan ng paghahanap sa kalooban ng Diyos sa lahat ng mga bagay, at iyong siyasating mabuti sa kalooban kapag may anumang nangyari sa iyo, subukang maunawaan ang kalooban ng Diyos, at subukang makita kung ano ang kalooban ng Diyos sa bagay na ito, kung ano ang nais Niya na iyong makamit, at kung paano ka dapat palaisip sa Kanyang kalooban. Halimbawa: May nangyaring kailangan mong pagtiisan ang hirap, sa panahong dapat mong maunawaan kung ano ang kalooban ng Diyos, at kung paano ka dapat umunawa sa Kanyang kalooban. Hindi ka dapat magpakasasa ng iyong sarili: Isantabi muna ang iyong sarili. Wala nang mas kasukla-suklam kaysa sa katawang-tao. Kailangan mong magsikap na mapasaya ang Diyos, at dapat tumupad sa iyong tungkulin. Sa gayong saloobin, ang Diyos ay magdadala ng espesyal na kaliwanagan sa inyo sa bagay na ito, at ang inyong puso ay makakahanap din ng kaginhawaan. Ito man ay malaki o maliit, kapag may isang bagay na nangyayari sa inyo, dapat ninyo munang ilagay ang inyong sarili sa isang tabi at ituring ang katawang-tao bilang pinakamababa sa lahat ng bagay. Sa higit mong pagbibigay kasiyahan sa iyong katawang-tao, mas higit na pagpapalaya ang kailangan; kung ito ay iyong bibigyang kasiyahan sa oras na ito, ito ay hihingi nang higit pa sa susunod na pagkakataon, at habang ito ay nagpapatuloy, lalo mong gugustuhin ang katawang-tao. Ang katawang-tao ay laging mayroong labis na pagnanais, ito ay palaging naghahangad na masiyahan, at ito ay iyong binibigyang kasiyahang panloob, maging ito man ay sa mga bagay na iyong kinakain, iyong mga sinusuot, o sa labis na pagtustos nang higit sa kaya, o pagbuyo sa iyong sariling mga kahinaan at katamaran.… Ang lalo mong pagbibibigay kasiyahan sa katawang-tao, mas lalong lumalaki ang pagnanais nito, at mas nagpapakasasa ang katawang-tao, hanggang sa ito ay dumating sa punto na ang katawang-tao ay magkimkim ng mas malalim na mga paniniwala, at sumuway sa Diyos, at purihin ang kanyang sarili, at maging mapagduda tungkol sa gawa ng Diyos. Ang lalo mong pagbibigay kasiyahan sa katawang-tao, mas lumalaki ang kahinaan ng katawang-tao; palagi mong mararamdaman na walang sinumang nakikisimpatiya sa iyong mga kahinaan, lagi kang maniniwalang sumusobra na ang Diyos, at sasabihin mong: Paano ba naging sobrang malupit ang Diyos? Bakit hindi Niya bigyang espasyo ang mga tao? Kapag ang mga tao ay masyadong nahumaling sa katawang-tao, at minahal ito nang sobra, doon ay pinatatalo nila ang kanilang mga sarili. Kung ikaw ay tunay na umiibig sa Diyos, at hindi pinasasaya ang katawang-tao, makikita mo roon na ang lahat ng bagay na ginagawa ng Diyos ay karapat-dapat, at napakabuti, at ang Kanyang sumpa sa iyong paghihimagsik at pasya sa iyong kabaluktutan ay naaangkop. Magkakaroon ng panahon na ikaw ay parurusahan at didisiplinahin ng Diyos, at bubuo ng kapaligiran na magpapakumbaba sa iyo, pipilit sa iyo na lumuhod sa Kanya—at lagi mong mararamdamang ang ginagawa ng Diyos ay kahanga-hanga. Kaya iyong mararamdamang parang hindi masyadong masakit, at ang Diyos ay talagang kaibig-ibig. Kung ikaw ay matatangay sa mga kahinaan ng katawang-tao, at sabihing sumusobra na ang Diyos, ikaw ay laging makararamdam nang nasasaktan, at palaging malulumbay, at ikaw ay malalabuan sa lahat ng gawa ng Diyos, at mukhang ang Diyos ay hindi man lang nakikiramay sa mga kahinaan ng tao, at hindi batid ang mga paghihirap ng tao. At sa gayon ikaw ay makakaramdam ng kalungkutan at pag-iisa, na para bang ikaw ay nagdurusa nang higit na kawalang-katarungan, at sa oras na ito ikaw ay magsisimulang magreklamo. Ang iyong higit na pagpapabuyo sa mga kahinaan ng katawang-tao sa paraang ito, lalo mong mararamdaman na sumusobra ang Diyos, hanggang sa ito ay lumala at iyo nang itanggi ang gawa ng Diyos, at magsimulang sumalungat sa Diyos, at maging puno ng pagsuway. Kaya, dapat mong labanan ang laman, at hindi magpatangay dito: Ang iyong asawang lalaki, asawang babae, mga anak, mga inaasam, pag-aasawa, pamilya—walang mahalaga sa kanila! Kailangan mo ng ganitong kapasyahan: “Sa aking puso ay may isang Diyos lamang, at aking marapat na subukan ang aking pinakamahusay upang masiyahan ang Diyos, at hindi sumunod sa katawang-tao.” Kung iyo palaging taglay ang nasabing pasya, at kapag isinabuhay mo ang katotohanan, at inilagay ang iyong sarili sa isang tabi, magagawa mo ito nang may kaunting pagsisikap. Nasabi na noon ay may isang magsasakang nakakita ng ahas sa kalsada na matigas na matigas. Pinulot ito ng magsasaka at inilagay ito sa ng dibdib, at matapos na mabuhay ang ahas ay tinuklaw nito ang magsasaka hanggang mamatay. Ang katawang-tao ay tulad ng ahas: Ang diwa nito ay upang makapinsala sa kanilang buhay—at kapag ganap na nitong makuha ang gusto, naiwala mo ang iyong buhay. Ang katawang-tao ay pagmamay-ari ni Satanas. Sa loob nito ay mga napakaluhong pagnanais, iniisip lamang nito ang kanyang sarili, nais nitong magtamasa ng kaginhawaan, at magsaya sa paglilibang, magumon sa kakuparan at katamaran, at matapos itong mapasaya sa isang tiyak na yugto, kakainin kayo nito sa bandang huli. Na ang ibig sabihin, kung iyo itong pasasayahin sa oras na ito, sa susunod ito ay hihingi pa nang mas marami. Ito ay laging may mga napakaluhong pagnanais at mga bagong hiling, at nagsasamantala sa iyong pagkabuyo sa katawang-tao at mas lalo mong pahalagahan ito at mamuhay kasama ng mga ginhawa nito—at kung hindi mo ito madadaig, sa bandang huli maiwawala mo ang inyong sarili. Kung ikaw ay magkakamit ng buhay sa harap ng Diyos, at kung ano man ang iyong magiging sukdulang pagtatapos, ay nakasalalay sa kung paano mo isasagawa ang iyong paghihimagsik laban sa laman. Iniligtas ka ng Diyos, at pinili at ikaw ay itinalaga, ngunit kung ngayon ikaw ay walang kagustuhang pasayahin Siya, ikaw ay walang kagustuhang isabuhay ang katotohanan, ikaw ay walang nais na maghimagsik laban sa iyong katawang-tao na may pusong tunay na nagmamahal sa Diyos, sa bandang huli iyong ipapahamak ang iyong sarili, at kaya ikaw ay magtitiis sa sobrang paghihirap. Kung lagi kang nagpapabuyo sa katawang-tao, dahan-dahan kang lalamunin ni Satanas sa kalooban, at iiwanan kang walang buhay, o pakiramdam ng Espiritu, hanggang sa dumating ang araw na ikaw ay ganap nang may madilim na kalooban. Kapag ikaw ay namumuhay sa kadiliman, ikaw ay bihag ni Satanas, ikaw ay mawawalan na ng Diyos, at sa panahong iyon iyong pabubulaanan na kilala mo ang Diyos at iiwanan Siya. Kaya, kung nais mong ibigin ang Diyos, dapat mong pagbayaran ang sakit at magtiis sa hirap. Hindi na kailangan ang panlabas na pagkataimtim at paghihirap, higit na pagbasa at dagdag na pagtakbo; sa halip, dapat mong isang-tabi ang mga bagay sa iyong kalooban: ang magarbong pag-iisip, mga personal na interes, at ang iyong sariling mga konsiderasyon, mga paniniwala at layunin. Iyon ang kalooban ng Diyos.

12 Nobyembre 2017

Kidlat ng Silanganan | Ang Diwa ng Katawang-tao na Tinirhan ng Diyos

Jesus, Diyos, katotohanan, buhay, Paniwala

Kidlat ng Silanganan | Ang Diwa ng Katawang-tao na Tinirhan ng Diyos


    Ang unang pagkakatawang-tao ng Diyos ay nanirahan sa mundo sa loob ng tatlumpu’t-tatlo at kalahating taon, gayon pa man ginawa Niya ang Kanyang ministeryo sa loob lamang ng tatlo at kalahating taon sa mga taong iyon. Sa parehong oras ng Kanyang paggawa, at bago Niya sinimulan ang Kanyang gawain, Siya ay nagtaglay ng karaniwang katauhan. Tinirhan Niya ang Kanyang karaniwang katauhan sa loob ng tatlumpu’t-tatlo at kalahating taon. Sa buong huling tatlo at kalahating taon ipinakita Niya ang Kanyang sarili bilang nagkatawang-taong Diyos. Bago Niya sinimulang gawin ang Kanyang ministeryo, nagpakita Siya sa ordinaryo, karaniwang katauhan, hindi Siya nagpapakita ng tanda ng Kanyang pagka-Diyos, at ito’y pagkatapos lamang nang sinimulan Niyang pormal na gawin ang Kanyang ministeryo nang ang Kanyang pagka-Diyos ay nahayag. Ang Kanyang buhay at gawain noong panahon ng mga unang dalawampu’t siyam na taon ay nagpakita lahat na Siya ay isang tunay na tao, isang anak ng tao, isang katawang-tao; sapagka’t ang Kanyang ministeryo ay nagsimula lamang umalab matapos ang edad na dalawampu’t-siyam. Ang kahulugan ng pagkakatawang-tao ay na ang Diyos ay nagpapakita sa katawang-tao, at Siya’y naparito upang gumawa sa gitna ng mga tao na Kanyang nilikha sa imahe ng katawang-tao. Kaya, para magkatawang-tao ang Diyos, Siya ay dapat munang magkatawang-tao, katawan na may karaniwang katauhan; ito, sa pinakamababa, ay dapat magkatotoo. Sa katunayan, ang implikasyon ng pagkakatawang-tao ng Diyos ay ang Diyos ay nabubuhay at gumagawa sa katawang-tao, ang Diyos sa Kanyang tunay na diwa ay nagiging laman, nagiging isang tao. Ang Kanyang nagkatawang-tao na buhay at gawain ay maaaring hatiin sa dalawang yugto. Ang una ay ang buhay na Kanyang isinasabuhay bago isagawa ang Kanyang ministeryo. Namumuhay Siya sa isang ordinaryong pantaong pamilya, sa lubos na karaniwang katauhan, sumusunod sa karaniwang mga asal at batas ng buhay ng tao, na may karaniwang mga pangangailangan ng tao (pagkain, damit, tirahan, tulugan), karaniwang mga kahinaan ng tao, at karaniwang mga damdamin ng tao. Sa ibang salita, noong unang yugto Siya ay namuhay bilang di-banal, ganap na karaniwang katauhan, nakikisalamuha sa lahat ng mga karaniwang gawain ng tao. Ang pangalawang yugto ay ang buhay na Kanyang isinasabuhay matapos simulang gawin ang Kanyang ministeryo. Siya ay naninirahan pa rin sa karaniwang katauhan na may isang karaniwang anyo ng tao, hindi nagpapakita ng panlabas na palatandaan ng higit sa karaniwan. Ngunit Siya ay namumuhay nang dalisay para sa kapakanan ng Kanyang ministeryo, at sa panahong ito ang Kanyang karaniwang katauhan ay umiiral nang ganap sa paglilingkod sa normal na gawain ng Kanyang pagka-Diyos; at sa panahong iyon ang Kanyang karaniwang katauhan ay naging ganap hanggang sa puntong kaya na Niyang isagawa ang Kanyang ministeryo. Kaya ang ikalawang yugto ng Kanyang buhay ay upang isagawa ang Kanyang ministeryo sa Kanyang karaniwang katauhan, ay isang buhay na parehong karaniwang katauhan at ganap na pagka-Diyos. Ang dahilan na, sa panahon ng unang yugto ng Kanyang buhay, Siya ay nabubuhay sa ganap na karaniwang pagkatao na ang Kanyang katauhan ay hindi pa katumbas ng kabuuan ng banal na gawa, ay hindi pa ganap; matapos lamang na ang Kanyang pagiging tao ay maging ganap, magkaroon ng kakayahang pasanin ang Kanyang ministeryo, maaari Niyang simulan ang Kanyang ministeryo. Dahil Siya, bilang tao, ay kailangang lumago at maging ganap, ang unang yugto ng Kanyang buhay ay karaniwang pagkatao, samantalang sa pangalawang yugto, dahil ang Kanyang pagkatao ay may kakayahang isabalikat ang Kanyang gawain at gawin ang Kanyang ministeryo, ang buhay ng pagkakatawang-tao ng Diyos na tinatahanan Niya sa panahon ng Kanyang ministeryo ay isa sa parehong pagkatao at ganap na pagka-Diyos. Kung mula sa sandali ng Kanyang kapanganakan ang nagkatawang-taong Diyos ay sinimulan ang Kanyang ministeryo nang maalab, gumagawa ng higit sa karaniwan na mga senyales at mga himala, sa gayon Siya ay maaaring walang panlupang diwa. Samakatuwid, ang Kanyang pagiging tao ay umiiral para sa kapakanan ng Kanyang panlupang diwa; walang laman kung walang katauhan, at ang isang tao na walang katauhan ay hindi isang tao. Sa ganitong paraan, ang katauhan ng laman ng Diyos ay tunay na pagmamay-ari ng katawang-taong laman ng Diyos. Sa pagsabi na “kapag ang Diyos ay nagiging laman Siya ay ganap na banal, ay hindi talaga tao,” ay isang kalapastangan sa Diyos, dahil ito ay isang imposibleng makuhang paninindigan, isa na lumalabag sa alituntunin ng pagkakatawang-tao. Kahit pagkatapos Niyang simulang gawin ang Kanyang ministeryo, ang Kanyang pagka-Diyos ay naninirahan pa rin sa panlabas na balat ng tao kapag ginagawa Niya ang Kanyang trabaho; ito lamang ay na sa oras na iyon, ang Kanyang pagkatao ay naglilingkod sa tanging layunin nang nagpapahintulot sa Kanyang pagka-Diyos upang maisagawa ang gawain sa normal na laman. Kaya ang kumakatawan ng gawain ay ang pagka-Diyos na nagpapatira sa Kanyang katauhan. Ang Kanyang pagka-Diyos, hindi ang Kanyang pagkatao, ang nasa trabaho, datapwat ito ay isang pagka-Diyos na nakatago sa loob ng Kanyang pagkatao; ang Kanyang gawain sa diwa ay tinatapos sa pamamagitan ng Kanyang ganap na pagka-Diyos, hindi sa pamamagitan ng Kanyang pagkatao. Ngunit ang tagagawa ng trabaho ay ang Kanyang pagkatao. Maaaring sabihin ng isa na Siya ay isang tao at isa ring Diyos, sapagkat ang Diyos ay nagiging isang Diyos na namumuhay sa laman, may balat ng tao at diwa ng tao ngunit mayroon ding diwa ng Diyos. Sapagkat Siya ay isang tao na may diwa ng Diyos, Siya ay nasa itaas ng sinumang nilikhang tao, sa itaas ng sinumang tao na kayang gawin ang gawain ng Diyos. Kaya, sa lahat ng may balat ng taong kagaya Niya, sa lahat ng nagmamay-ari ng katauhan, tanging Siya lang mismo ang nag-aanyong Diyos Mismo—lahat ng iba pa ay nilikha bilang tao. Kahit lahat sila ay may katauhan, ang mga nilikhang tao ay walang iba kundi tao, habang ang Diyos na nagkatawang-tao ay naiiba: Sa Kanyang laman hindi lamang katauhan ang mayroon Siya kundi higit pang mas mahalaga ay ang pagka-Diyos. Ang Kanyang pagkatao ay makikita sa panlabas na anyo ng Kanyang laman at sa Kanyang araw-araw na buhay, ngunit ang Kanyang pagka-Diyos ay mahirap makita. Dahil ang Kanyang pagka-Diyos ay naipapahayag lamang kapag Siya ay may katauhan, at hindi bilang higit sa karaniwan na naiisip ng tao na maging, ito ay lubhang mahirap para sa mga tao na makita. Kahit ngayon ito ay lubos na mahirap para sa mga tao na unawain ang totoong diwa ng pagkakatawang-tao ng Diyos. Sa katunayan, kahit pagkatapos Kong magsalita tungkol dito nang ganoong katagal, umaasa Akong misteryo pa rin ito sa karamihan sa inyo. Ang isyu na ito ay napaka-simple: Yamang ang Diyos ay naging laman, ang Kanyang diwa ay isang kombinasyon ng pagkatao at pagka-Diyos. Ang kumbinasyon na ito ay tinatawag na Diyos Mismo, ang Diyos Mismo sa lupa.

11 Nobyembre 2017

Kidlat ng Silanganan | Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Ministeryo ng Nagkatawang-taong Diyos at ng Tungkulin ng Tao

Kidlat ng Silanganan, Kaalaman, katotohanan, praktikal, Diyos, Jesus


Kidlat ng Silanganan | Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Ministeryo ng Nagkatawang-taong Diyos at ng Tungkulin ng Tao



    Dapat kayong makarating sa pagkakaalam sa pangitain ng gawain ng Diyos at matarok ang pangkalahatang tunguhin ng Kanyang gawain. Ito ay pagpasok sa isang positibong paraan. Sa sandaling makabisado ninyo nang tumpak ang mga katotohanan ng pangitain, ang iyong pagpasok ay magiging ligtas; paano man nagbabago ang Kanyang gawain, ikaw ay mananatiling matatag sa iyong puso, magiging malinaw tungkol sa pangitain, at ikaw ay magkakaroon ng isang tinutumbok para sa iyong pagpasok at iyong paghahabol. Sa gayong paraan, ang lahat ng karanasan at kaalaman sa loob mo ay lalalim at magiging mas pino. Sa sandaling matarok mo ang mas malaking larawan sa kabuuan nito, hindi ka magdurusa ng mga kawalan sa buhay, at hindi ka mawawala. Kung hindi mo malalaman ang mga hakbang na ito ng gawain, magdurusa ka ng kawalan sa bawa’t isa sa mga iyon. Hindi ka makababawi sa loob lamang ng ilang araw, at hindi ka makatatahak sa tamang landas kahit sa loob ng ilang linggo. Hindi ba ito nakapipigil sa iyo? Mayroong napakarami sa pagpasok sa isang positibong paraan at ganoong mga pagsasagawa na dapat mong makabisa, at ganoon din dapat mong tarukin ang maraming punto hinggil sa pangitain ng Kanyang gawain, katulad ng kahalagahan ng Kanyang gawain ng paglupig, ang landas sa pagiging pineperpekto sa hinaharap, ano ang dapat makamtan sa pamamagitan ng karanasan sa mga pagsubok at mga paghihirap, ang kahalagahan ng paghatol at pagkastigo, ang mga prinsipyo ng gawain ng Banal na Espiritu, at ang mga prinsipyo ng pagkaperpekto at ng paglupig. Ang mga ito ay lahat mga katotohanan ng pangitain. Ang iba pa ay ang tatlong yugto ng gawain ng Kapanahunan ng Kautusan, Kapanahunan ng Biyaya at Kapanahunan ng Kaharian, gayundin ang patotoo sa hinaharap. Ang mga ito ay mga katotohanan din patungkol sa pangitain, at ang mga pinakapangunahin, gayundin ay pinakamahalaga. Sa kasalukuyan, may napakarami na dapat ninyong pasukin at isagawa, at ito ngayon ay higit na susun-suson at mas detalyado. Kung ikaw ay walang kaalaman sa mga katotohanang ito, ito ay patunay na hindi ka pa nakapapasok. Kadalasan, ang kaalaman ng tao sa katotohanan ay masyadong mababaw; hindi kayang isagawa ng tao ang ilang mga pangunahing katotohanan at hindi alam kung papaano gampanan kahit ang mga di-gaanong mahahalagan bagay. Ang dahilan kung bakit hindi makayang isagawa ng tao ang katotohanan ay dahil sa kanyang disposisyon ng pagiging suwail, at dahil ang kanyang kaalaman sa mga gawain ng kasalukuyan ay masyadong mababaw at may-pinapanigan. Sa gayon, hindi madaling gawain na ang tao ay gawing perpekto. Ang iyong pagiging-suwail ay masyadong matindi, at napakalaki ng iyong dating sarili ang nananatili sa iyo; hindi ka makapanindigan sa panig ng katotohanan, at hindi mo makayang isagawa kahit ang pinakamaliwanag sa mga katotohanan. Ang ganoong mga tao ay hindi maililigtas at ang mga yaong hindi pa nalulupig. Kung ang iyong pagpasok ay walang detalye ni mga layunin, magiging mabagal ang dating ng paglago para sa iyo. Kung ang iyong pagpasok ay wala ni kaunti mang reyalidad, kung gayon ang iyong paghahabol ay masasayang lamang. Kung ikaw ay hindi nakakamalay sa nilalaman ng katotohanan, ikaw ay mananatiling hindi-nababago. Ang paglago sa buhay ng tao at mga pagbabago sa kanyang disposisyon ay nakakamtang lahat sa pamamagitan ng pagpasok tungo sa reyalidad at, higit sa rito, sa pamamagitan ng pagpasok sa detalyadong mga karanasan. Kung ikaw ay maraming detalyadong mga karanasan sa panahon ng iyong pagpasok, at ikaw ay maraming tunay na kaalaman at pagpasok, ang iyong disposisyon ay mabilis na magbabago. Kahit na sa kasalukuyan ay hindi ka pa masyadong naliliwanagan sa pagsasagawa, ikaw ay dapat na maliwanagan man lamang tungkol sa pangitain ng gawain. Kung hindi, ikaw ay hindi makapapasok, at hindi mo ito magagawa malibang magkaroon ka muna ng kaalaman sa katotohanan. Tangi lamang kung liliwanagan ka ng Banal na Espiritu sa iyong karanasan magkakamit ka ng mas malalim na pang-unawa sa katotohanan at makapapasok nang mas malalim. Dapat mong malaman ang gawain ng Diyos.

Makapangyarihang Diyos, ang Puso Ko'y Sa'Yo

 I Kaninong mga salita ang pinakamatamis, at pinalakas ang aking espiritu?