Kidlat ng Silanganan|Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (1)
Si Juan ay gumawa para kay Jesus saloob ng pitongtaon, at inihandana ang daannangsi Jesus ay dumating. Bago ito, ang ebanghelyo ng kaharian ng langit na ipinangara lni Juan ay narinig sa lahat ng dako ng bayan, kaya ito ay lumaganap sa kabuuan ng Judea, at tinawag siya ng lahat na isang propeta. Sa panahong iyon, nais ni Haring Herodes na patayin si Juan, ngunit hindi siya nangahas, sapagkat mataas ang pagtingin ng mga tao kay Juan, at natatakot si Herodes na kapag pinatay niya si Juan sila ay mag-aalsa laban sakanya. Ang gawaing ginawa ni Juan ay nagsimula ng lumago sa gitna ng mga karaniwang tao, at ginawa niyang mananampalataya ang mga Judio. Sa loob ng pitong taon inihanda niya ang daan para kay Jesus, hanggang sa panahong sinimulan ni Jesus nagampanan ang Kanyang ministeryo. At kaya, si Juan ang pinakadakila sa lahat ng mga propeta.