Ang Isa na Kataas-taasan sa Ibabaw ng Lahat

12

16 Setyembre 2018

Ang Kabuluhan ng Pagliligtas sa Mga Inápó ni Moab

Mga Aklat, Mga Pagbigkas ni Cristo

Kidlat ng SilangananAng Kabuluhan ng Pagliligtas sa Mga Inápó ni Moab

Sa dalawa hanggang tatlong taon ng gawaing ito, ang dapat sanang nakamit sa gawain ng paghatol na ginawa sa inyo ay pangunahing nagawa na. Karamihan sa mga tao ay isinantabi ang kanilang panghinaharap na mga pagkakataon at kapalaran. Gayunpaman, kapag binabanggit na kayo ang mga inápó ni Moab, marami ang hindi ito matagalan—ang inyong mukha ay tumatabingi, ang inyong bibig ay ngumingiwî, at ang inyong mga mata ay nagiging walang-sigla.

15 Setyembre 2018

Mga Aklat, Mga Pagbigkas ni Cristo


Ang Pagpapabuti ng Kakayahan ay para Matanggap ang Kaligtasan ng Diyos

Ang pagpapabuti sa kakayahan ng mga tao ay nangangailangan na pagbutihin ninyo ang inyong kakayahang tumanggap. Ang pinakapangunahing pangangailangan sa inyo ay ang matanggap ninyo nang malinaw ang mga salita na sinasabi sa inyo. Hindi ba ito nakalilitong pananampalataya kung susundin mo Ako nang hindi nauunawaan kung ano ang Aking sinasabi? Ang inyong kakayahan ay napakababa. Ito ay dahil hindi ninyo taglay ang kakayahan na tumanggap na wala man lamang kayo ni katiting na pagkaunawa sa kung ano ang ipinahahayag. Dahil dito, napakahirap na makamit ang inaasam na mga resulta. Maraming mga bagay ang hindi maaaring sabihin sa inyo nang tuwiran at ang dating epekto ay hindi maaaring matamo.

14 Setyembre 2018

Maglingkod Kagaya ng Ginawa ng Mga Israelita

Mga Aklat, Mga Pagbigkas ni Cristo, maglingkod


Kidlat ng Silanganan|Maglingkod Kagaya ng Ginawa ng Mga Israelita

Sa kasalukuyan maraming mga tao ang hindi nag-uukol ng pansin sa kung anong mga aral ang dapat na matutuhan sa panahon ng pakikipagtulungan sa iba. Aking natuklasan na marami sa inyo ang hindi kayang matutuhan ang mga aral sa anumang paraan sa panahon ng pakikipagtulungan sa iba. Karamihan sa inyo’y nananatili sa inyong sariling mga pananaw, at kapag gumagawa sa iglesia, sinasabi mo ang iyong bahagi at sinasabi niya ang kanya, isa na walang kaugnayan sa iba, hindi nakikipagtulungan sa anumang paraan. Kayo ay abalang-abala sa pakikipagtalastasan lamang sa inyong panloob na mga pananaw, abalang-abala sa pagpapalaya lamang sa inyong “mga pasanin” sa loob ninyo, hindi naghahangad ng buhay sa anumang paraan.

13 Setyembre 2018

Paano Magbubunga Ang Ikalawang Hakbang ng Gawain ng Panlulupig

Mga Aklat, Mga Pagbigkas ni Cristo, Katotohanan

Kidlat ng Silanganan|Paano Magbubunga Ang Ikalawang Hakbang ng Gawain ng Panlulupig
Ang hakbang ng gawain ng mga taga-serbisyo ay ang unang hakbang ng gawain ng panlulupig; ito ang kasalukuyang ikalawang hakbang ng gawain ng panlulupig. Bakit tinatalakay ang pagka-perpekto sa gawain ng panlulupig? Pagtatayo ito ng isang saligan para sa hinaharap—ito ang kasalukuyang huling hakbang sa gawain ng panlulupig, at pagkatapos nito, sila ay sasailalim sa malaking kapighatian, at sa panahong iyon ang gawain sa pagperpekto sa mga tao ay opisyal na magsisimula. Ang pangunahing bagay ngayon ay paglupig; gayunman, ito rin ang unang hakbang ng pagperpekto, pagperpekto sa pagkaunawa at pagkamasunurin ng mga tao, na syempre ay pagtatatag pa rin ng isang saligan para sa gawain ng panlulupig.

12 Setyembre 2018

Bakit Hindi Ka Handang Maging Isang Hambingan?

Mga Aklat, Mga Pagbigkas ni Cristo, Katotohanan

Kidlat ng Silanganan|Bakit Hindi Ka Handang Maging Isang Hambingan?

Yaong mga nalupig ay mga hambingan, at pagkatapos lamang na magawang perpekto na sila ay mga huwaran at mga halimbawa ng gawain ng mga huling araw. Bago magawang ganap sila ay mga hambingan, mga kasangkapan, gayundin ay mga gamit para sa serbisyo. Yaong mga lubusang nalupig ng Diyos ay ang pagbubuo gayundin ay mga huwaran at mga halimbawa ng Kanyang plano sa pamamahala. Itong ilang mabababang “mga titulo” lamang para sa mga tao ay nagpapakita ng maraming nakalilibang na “mga kwento”. Yaong mga kasama ninyo na may maliit na pananampalataya ay palaging magtatalo tungkol sa isang hindi-mahalagang titulo hanggang ang inyong mukha ay mamula, at sa ilang mga pagkakataon ay hahayaan pa itong makaapekto sa ating ugnayan. Kahit ito ay isang munting titulo lamang, sa inyong pag-iisip, sa inyong paniniwala, ito ay hindi isang maliit na pangalan lamang, kundi ito ay isang mahalagang bagay patungkol sa inyong kapalaran.

Makapangyarihang Diyos, ang Puso Ko'y Sa'Yo

 I Kaninong mga salita ang pinakamatamis, at pinalakas ang aking espiritu?