Ang Isa na Kataas-taasan sa Ibabaw ng Lahat

12

20 Setyembre 2018

Paano Mo Dapat Lakaran Ang Huling Bahagi ng Landas


Mga Aklat, Mga Pagbigkas ni Cristo, kaligtasan


Kidlat ng Silanganan|Paano Mo Dapat Lakaran Ang Huling Bahagi ng Landas

Kayo ngayon ay nasa huling bahagi ng landas, at ito ay isang kritikal na bahagi nito. Marahil ay nabata mo ang di-kakaunting pagdurusa, gumawa ng napakaraming gawain, nilakbay ang maraming daan, at nakinig sa maraming mga sermon, at hindi naging madali na magawa ito hanggang sa ngayon. Kung hindi mo matiis ang pagdurusa na nasa harap mo at kung magpapatuloy ka kagaya nang ginawa mo noong nakaraan, kung gayon hindi ka maaaring gawing perpekto. Ito ay hindi para takutin ka—ito ay isang katunayan. Pagkatapos sumailalim ni Pedro sa di-kakaunting gawain ng Diyos, nagkamit siya ng ilang kabatiran at ng napakaraming pagkilatis.

18 Setyembre 2018

Ang mga Karanasan ni Pedro: Ang Kanyang Kaalaman sa Pagkastigo at Paghatol

Kidlat ng Silanganan|Ang mga Karanasan ni Pedro: Ang Kanyang Kaalaman sa Pagkastigo at Paghatol

Noong siya ay kinakastigo ng Diyos, nanalangin si Pedro, “O Diyos! Ang aking laman ay masuwayin, at kinakastigo Mo ako at hinahatulan ako. Ako ay nagagalak sa Iyong pagkastigo at paghatol, at kahit hindi Mo ako nais, sa Iyong paghatol ay nakikita ko ang Iyong banal at matuwid na disposisyon. Kapag hinahatulan Mo ako, upang makita ng iba ang Iyong matuwid na disposisyon sa Iyong paghatol, ako ay nasisiyahan.

17 Setyembre 2018

Tagalog Christian Skit | "Ang Pagmamatyag" | Why Are Christians Unable to Return Home?


Maikling Dula | "Ang Pagmamatyag" | Why Are Christians Unable to Return Home?


Si Xu Huilin at ang kanyang asawang si Zhiyong ay mga lider sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Tumakas sila mula sa kanilang bayang sinilangan matapos malaman na tinutugis sila ng pamahalaan ng China dahil sa kanilang mga paniniwala. Ang kaisa-isa nilang anak na si Lingling ay nakitira sa lola niya, at umaasa sila sa isa’t isa.

16 Setyembre 2018

Ang Kabuluhan ng Pagliligtas sa Mga Inápó ni Moab

Mga Aklat, Mga Pagbigkas ni Cristo

Kidlat ng SilangananAng Kabuluhan ng Pagliligtas sa Mga Inápó ni Moab

Sa dalawa hanggang tatlong taon ng gawaing ito, ang dapat sanang nakamit sa gawain ng paghatol na ginawa sa inyo ay pangunahing nagawa na. Karamihan sa mga tao ay isinantabi ang kanilang panghinaharap na mga pagkakataon at kapalaran. Gayunpaman, kapag binabanggit na kayo ang mga inápó ni Moab, marami ang hindi ito matagalan—ang inyong mukha ay tumatabingi, ang inyong bibig ay ngumingiwî, at ang inyong mga mata ay nagiging walang-sigla.

15 Setyembre 2018

Mga Aklat, Mga Pagbigkas ni Cristo


Ang Pagpapabuti ng Kakayahan ay para Matanggap ang Kaligtasan ng Diyos

Ang pagpapabuti sa kakayahan ng mga tao ay nangangailangan na pagbutihin ninyo ang inyong kakayahang tumanggap. Ang pinakapangunahing pangangailangan sa inyo ay ang matanggap ninyo nang malinaw ang mga salita na sinasabi sa inyo. Hindi ba ito nakalilitong pananampalataya kung susundin mo Ako nang hindi nauunawaan kung ano ang Aking sinasabi? Ang inyong kakayahan ay napakababa. Ito ay dahil hindi ninyo taglay ang kakayahan na tumanggap na wala man lamang kayo ni katiting na pagkaunawa sa kung ano ang ipinahahayag. Dahil dito, napakahirap na makamit ang inaasam na mga resulta. Maraming mga bagay ang hindi maaaring sabihin sa inyo nang tuwiran at ang dating epekto ay hindi maaaring matamo.

Makapangyarihang Diyos, ang Puso Ko'y Sa'Yo

 I Kaninong mga salita ang pinakamatamis, at pinalakas ang aking espiritu?