Kidlat ng Silanganan—Pagbigkas ng Diyos | Pagpapanumbalik sa Normal na Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa Isang Kamangha-manghang Hantungan
Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Sa oras na ang gawain ng panlulupig sa tao ay makumpleto na, ang tao ay dadalhin sa isang magandang mundo. Ang buhay na ito ay magiging, walang duda, sa mundo pa rin, ngunit ito ay ganap na hindi magiging kagaya ng buhay ng tao sa ngayon. Ito ang buhay na kakamtin ng sangkatauhan matapos na ang sangkatauhan ay ganap nang malupig, ito ay magiging bagong simula ng tao sa mundo, at para sa sangkatauhan na magkaroon ng gayong buhay ay magiging katibayan na ang sangkatauhan ay nakapasok na sa isang bago at magandang kaharian. Ito ang magiging simula ng buhay ng tao at Diyos sa lupa. Ang saligan ng gayong kagandang buhay ay marahil, matapos ang tao ay malinis at malupig, siya ay susuko sa harap ng Lumikha. At kaya, ang gawain ng panlulupig ay ang huling yugto ng gawain ng Diyos bago pumasok ang tao sa kamangha-manghang hantungan.