"Mga mahal na kapatid, umaasa akong makita ninyo ang pagpapakita ng Diyos sa mga salitang ito, at umpisahang sundan ang Kanyang mga yapak tungo sa bagong kapanahunan, at tungo sa isang magandang bagong langit at bagong lupa na inihanda para sa mga naghihintay sa pagpapakita ng Diyos." Mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Banal na kasulatan. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Banal na kasulatan. Ipakita ang lahat ng mga post
02 Enero 2019
Kidlat ng Silanganan | Mga Movie Clip | Ibunyag ang Misteryo Tungkol sa Biblia (2) "Natuklasan: Ang Kaugnayan ng Diyos sa Biblia"
25 Disyembre 2018
Tanong 1: Sabi sa Biblia, “Sapagka’t ang tao’y nanampalataya sa pamamagitan ng puso;at naghayag ng kaligtasan gamit ang bibig” (Roma 10:10). Naligtas na tayo ng ating pananampalataya kay Jesus. Pag naligtas na tayo, magpasawalang-hanggan na ‘yon. Pagdating ng Panginoon tiyak na makakapasok tayo sa kaharian ng langit.
Sagot: Pag naligtas na tayo, magpakailanman na ‘yon at makakapasok tayo sa kaharian ng langit, ideya at imahinasyon lang ‘yan ng tao. Ni hindi ito ayon sa mga salita ng Diyos. Hindi sinabi ng Panginoong Jesus kailanman na makakapasok ang mga tao sa kaharian ng langit kapag naligtas siya sa pamamagitan ng pananampalataya. Sabi ng Panginoong Jesus, ang mga gumagawa lang ng kalooban ng Ama sa langit ang makakapasok sa kaharian ng langit. Ang mga salita lang ng Panginoong Jesus ang may awtoridad at katotohanan. Ang imahinasyon ng tao'y hindi katotohanan at hindi rin pamantayan para makapasok sa kaharian ng langit. Tungkol sa “kaligtasan sa pamamagitan ng pananampalataya” na pinag-uusapan natin, ang “kaligtasang” ito ay ang mapatawad lang ang mga kasalanan ng tao, hindi ang mahatulan o maparusahan ng kamatayan ayon sa batas. Hindi nito ibig sabihin na ang taong “naligtas” ay makakatahak sa landas ng Diyos, napawalang-sala, at naging banal na. Hindi nito ibig sabihin na makakapasok siya sa kaharian ng langit. Kahit napatawad na ang ating kasalanan sa pamamagitan ng pananampalataya, may kasalanan pa rin tayo. Puwede pa rin tayong magkasala nang madalas at kalabanin ang Diyos.
29 Oktubre 2017
Kidlat ng Silanganan | Hinggil sa mga Pangalan at Pagkakakilanlan
Kidlat ng Silanganan | Hinggil sa mga Pangalan at Pagkakakilanlan
Kung nais mong maging karapat-dapat magamit ng Diyos, nararapat mong malaman ang gawain ng Diyos; nararapat mong malaman ang gawain na Kanyang isinagawa noon (sa Bago at Lumang Tipan), at, higit sa lahat, nararapat mong malaman ang Kanyang gawain ngayon. Ang ibig sabihin, nararapat mong malaman ang tatlong yugto ng gawain ng Diyos sa loob ng 6,000 na taon. Kung ikaw ay inatasang magpalaganap ng ebanghelyo, sa gayon hindi ninyo ito magagawa kung hindi ninyo alam ang gawain ng Diyos. Magtatanong sa iyo ang mga tao tungkol sa Biblia, at ang Lumang Tipan, at kung ano ang sinabi at ginawa ni Jesus sa panahong iyon. Sasabihin nila, “Hindi ba kayo sinabihan ng Diyos ninyo tungkol dito? Kung hindi Niya (Diyos) masabi sa inyo ang mga tunay na nagaganap sa Biblia, Siya ay hindi Diyos; kung kaya Niya, kami ay maniniwala.” Sa simula, nangusap si Jesus tungkol sa Lumang Tipan sa Kanyang mga disipulo. Ang lahat ng kanilang nabasa ay mula sa Lumang Tipan; ang Bagong Tipan ay nasulat lamang ilang dekada pagkatapos ng pagkakapako sa krus ni Jesus. Upang mapalaganap ang ebanghelyo, nararapat ninyong unahing maunawaan ang katotohanan ng Biblia, at ang gawain ng Diyos sa Israel, na ang ibig sabihin ay ang gawaing isinagawa ni Jehovah. At nararapat din ninyong maintindihan ang gawaing isinagawa ni Jesus. Ito ang mga isyung ipinag-aalala ng lahat ng tao, at sila ay hindi nagtataglay ng pang-unawa[a] sa dalawang yugto ng gawain na ito. Sa pagpapalaganap ng ebanghelyo, isantabi muna ang usapan tungkol sa gawain ng Banal na Espiritu ngayon. Ang yugto ng gawaing ito ay hindi abot ng kanilang kakayanan, dahil ang inyong hinahanap ay ang pinakamatayog sa lahat: ang kaalaman ng Diyos, at ang kaalaman sa gawain ng Banal na Espiritu, at walang higit na itinataas maliban sa dalawang ito. Kung una mong pag-uusapan kung ano ang matayog, ito ay magiging labis para sa kanila, dahil walang sinuman sa kanila ang nakaranas sa ganoong gawain ng Banal na Espiritu; wala itong pamamarisan, at hindi madali para sa tao na ito ay tanggapin. Ang kanilang mga karanasan ay mga lumang bagay mula sa nakaraan, na mayroong mga paminsan-minsang gawain ng Banal na Espiritu. Ang naranasan nila ay hindi ang gawain ng Banal na Espiritu ngayon, o ang kalooban ng Diyos ngayon. Sila ay kumikilos pa rin ayon sa mga lumang pagsasagawa, na walang bagong liwanag, o bagong mga bagay.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)
Makapangyarihang Diyos, ang Puso Ko'y Sa'Yo
I Kaninong mga salita ang pinakamatamis, at pinalakas ang aking espiritu?
-
Tagalog church songs | Tabernakulo ng Diyos Nasa Mundo na Ⅰ Pagbalik ng Diyos , mga bansa'y nahati-hati na ng ha...
-
Dumadaloy ang Tubig ng Buhay Mula sa Trono | "Paano Hahanapin ang mga Yapak ng Gawain ng Diyos " Kapag nahaharap sa kalun...
-
Mga Mapagpanggap Upang ganap na maipagbawal ang paniniwala sa relihiyon at magawang isang bansang walang Diyos ang Tsina, ginaga...