Sagot: Dahil sa pagkakaiba ng diwa ng Diyos na nagkatawang-tao sa diwa ng mga propeta, dumarating ang Diyos na nagkatawang-tao para gawin ang gawain ng Diyos samantalang ginampanan lang ng mga propeta ang tungkulin ng tao. Kaya likas na magkaiba ang kanilang gawain. Tingnan natin kung paano ito sinabi ng Makapangyarihang Diyos. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Ang mga propeta ng Lumang Tipan ay nagsipanghula, at katulad nito, kaya rin ni Jesus. Bakit ganito? Ang pagkakaiba rito ay batay sa kalikasan ng gawain. Upang maarok ang bagay na ito, hindi mo maaaring isaalang-alang ang kalikasan ng laman at hindi mo dapat isaalang-alang ang kalaliman o kababawan ng salita ninuman. Lagi mong dapat unang isaalang-alang ang kanyang gawain at ang mga bunga na nagagawa nito sa tao. Ang mga hula na sinalita ni Isaias sa panahong iyon ay hindi nagtustos ng buhay ng tao, at ang mga mensahe na natanggap niyaong gaya ni Daniel ay mga hula lamang at hindi ang paraan ng pamumuhay. Kung hindi dahil sa tuwirang pagbubunyag ni Jehovah, walang makagagawa ng gawaing yaon, dahil ito ay hindi posible para sa mga mortal. Si Jesus, din, ay maraming sinalita, nguni’t ang gayong mga salita ay ang paraan ng pamumuhay kung saan mula rito ang tao ay makahahanap ng isang landas upang magsagawa. Ibig sabihin, una, makapagtutustos Siya ng buhay ng tao, sapagka’t si Jesus ay buhay; ikalawa, maaari Niyang baligtarin ang mga paglihis ng tao; ikatlo, ang Kanyang gawain ay maaaring sumunod roon sa kay Jehovah upang ipagpatuloy ang kapanahunan; ikaapat, natatarok Niya ang mga pangangailangan ng tao sa loob at nauunawaan kung ano ang pagkukulang ng tao; ikalima, kaya Niyang maipasok ang isang bagong kapanahunan at wakasan ang dati. Iyan ang dahilan kung bakit Siya ay tinatawag na Diyos at Cristo; hindi lamang Siya iba kay Isaias kundi gayundin mula sa lahat ng iba pang mga propeta” (“Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Ministeryo ng Nagkatawang-taong Diyos at ng Tungkulin ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Mula sa salita ng Makapangyarihang Diyos, natatanto natin na ginagampanan ng Diyos na nagkatawang-tao ang Kanyang sariling ministeryo at ginagawa ang gawain sa ilalim ng pamamahala ng Diyos na kumakatawan sa gawain ng isang panahon, at ang salitang ipinapahayag Niya ay para sa buong sangkatauhan. Gayunman, mga propeta ang ginamit ng Diyos para gawin ang tungkulin ng tao nang gumawa Siya sa Kapanahunan ng Kautusan. Inihatid lang ng mga propeta ang salita ng Diyos sa pamamagitan ng inspirasyon ng Diyos na si Jehova sa paglalahad ng ilang propesiya, pagbibigay ng ilang babala sa mga tao o paggawa ng ilang manaka-nakang gawain.
"Mga mahal na kapatid, umaasa akong makita ninyo ang pagpapakita ng Diyos sa mga salitang ito, at umpisahang sundan ang Kanyang mga yapak tungo sa bagong kapanahunan, at tungo sa isang magandang bagong langit at bagong lupa na inihanda para sa mga naghihintay sa pagpapakita ng Diyos." Mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
17 Enero 2019
16 Enero 2019
Kidlat ng Silanganan | "Bilangguang Walang Pader" | The CCP's Tracking Service for Christians
Kidlat ng Silanganan | "Bilangguang Walang Pader" | The CCP's Tracking Service for Christians
Ang crosstalk na Bilangguang Walang Pader ay nagsasalaysay ng kuwento ni Han Mei, nangibang-bansa at nagbalik-tanaw sa mapait niyang karanasan bilang isang Kristianong namumuhay noon sa ateistang Tsina. Si Han Mei ay inaresto ng mga pulis ng CCP dahil sa pangangaral niya ng ebanghelyo, pero kahit matapos siyang palayain, hindi pa rin niya nagawang takasan ang masamang kamay ng pamahalaan ng CCP. Sa kagustuhan nilang isuko niya ang kanyang pananampalataya, hindi sila tumigil sa pagbabantay at pagkontrol sa kanya: sinusubaybayan siya ng mga surveillance device, bugs, at biglaang pagdalaw, pagbuntot ng mga naka-sibilyang pulis, at sinusundan siya hanggang sa labas ng bayan niya.
15 Enero 2019
Mga Pagsasalaysay | Ang Diyos Mismo, ang Natatangi II Ang Matuwid na Disposisyon ng Diyos (Ikaapat na bahagi)
Mga Pagsasalaysay | Ang Diyos Mismo, ang Natatangi II Ang Matuwid na Disposisyon ng Diyos (Ikaapat na bahagi)
Ang mga salita ng Diyos sa video na ito ay mula sa librong "Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao" Ang nilalaman ng video na ito: Ang Tunay na Pagsisisi sa Puso ng mga Taga-Ninive ang Nagdulot sa Kanila ng Awa ng Diyos at Nagpabago sa Kanilang Sariling Kahihinatnan Ang Awa at Pagpaparaya ng Diyos ay Hindi Bihira—Ang Totoong Pagsisisi ng Tao ang Ganoon Ang Matuwid na Disposisyon ng Manlilikha ay Tunay at Malinaw Ang Tapat na Damdamin ng Manlilikha sa Sangkatauhan Ipinapahayag ng Manlilikha ang Kanyang Tunay na Nararamdaman sa Sangkatauhan
14 Enero 2019
Tagalog Christian Movies | Clip ng Pelikulang (4) "Talaga Bang Kinasihan ng Diyos ang Buong Biblia?"
Tagalog Christian Movies | Clip ng Pelikulang (4) "Talaga Bang Kinasihan ng Diyos ang Buong Biblia?"
Halos lahat ng tao sa mga relihiyon ay naniniwala na "ang buong kasulatan ay ibinigay sa pamamagitan ng inspirasyon ng Diyos," at lahat ng nasa Biblia ay salita ng Diyos. Umaayon ba sa mga tunay na pangyayari ang ganitong klaseng pahayag? Ang Biblia ay patotoo lamang tungkol sa Diyos, isang talaan ng Kanyang gawain, at hindi ganap na binubuo ng Kanyang mga binigkas. Sa loob ng Biblia, tanging ang mga salita ng Diyos na si Jehova, mga salita ng Panginoong Jesus, mga propesiya ng Pahayag at mga salita sa mga propeta na ibinigay sa pamamagitan ng inspirasyon ng Diyos, ang salita ng Diyos.
13 Enero 2019
Tagalog praise and worship Songs | “Sinusundan Mo Ba ang Kasalukuyang Gawain ng Diyos”
Awit at Papuri | “Sinusundan Mo Ba ang Kasalukuyang Gawain ng Diyos”
I
Kung hindi mo kayang sundan ang liwanag ngayon,
kung gayon may agwat sa pagitan mo at ng Diyos,
ang ugnayang iyon ay maaaring naputol na,
ikaw ay walang normal na espirituwal na buhay.
Ang normal na relasyon sa Diyos ay naitatatag
sa pagtanggap sa mga salita ng Diyos ngayon.
Ikaw ba'y may normal na espirituwal na buhay
at tamang relasyon sa Diyos?
Sinusundan mo ba ang daloy ng Banal na Espiritu?
Nakalabas ka na ba mula sa kalagayang walang pag-unlad?
Kung hindi mo kayang sundan ang liwanag ngayon,
kung gayon may agwat sa pagitan mo at ng Diyos,
ang ugnayang iyon ay maaaring naputol na,
ikaw ay walang normal na espirituwal na buhay.
Ang normal na relasyon sa Diyos ay naitatatag
sa pagtanggap sa mga salita ng Diyos ngayon.
Ikaw ba'y may normal na espirituwal na buhay
at tamang relasyon sa Diyos?
Sinusundan mo ba ang daloy ng Banal na Espiritu?
Nakalabas ka na ba mula sa kalagayang walang pag-unlad?
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)
Makapangyarihang Diyos, ang Puso Ko'y Sa'Yo
I Kaninong mga salita ang pinakamatamis, at pinalakas ang aking espiritu?
-
Tagalog church songs | Tabernakulo ng Diyos Nasa Mundo na Ⅰ Pagbalik ng Diyos , mga bansa'y nahati-hati na ng ha...
-
Dumadaloy ang Tubig ng Buhay Mula sa Trono | "Paano Hahanapin ang mga Yapak ng Gawain ng Diyos " Kapag nahaharap sa kalun...
-
Mga Mapagpanggap Upang ganap na maipagbawal ang paniniwala sa relihiyon at magawang isang bansang walang Diyos ang Tsina, ginaga...