Ang Isa na Kataas-taasan sa Ibabaw ng Lahat

12

21 Pebrero 2019

Mga Pagbigkas ng Bumalik na Panginoong Jesus | Kabanata 86

Sinasabi ng mga tao na Ako ay mahabaging Diyos at sinasabi nila na magsasabatas Ako ng pagliligtas para sa lahat na Aking nalikha—ang mga ito ay sinasabing lahat batay sa mga pagkaunawa ng sangkatauhan. Ang pagtukoy sa Akin bilang isang mahabaging Diyos ay nakatuon tungo sa Aking mga panganay ng anak at Aking bayan. Dahil Ako ay marunong na Diyos, malinaw sa Aking isip kung sino yaong minamahal Ko at sino yaong kinamumuhian Ko. Para sa yaong mga minamahal Ko, palagi Ko silang mamahalin hanggang sa pinakadulo at ang pag-ibig na iyan ay hindi kailanman magbabago. Para sa yaong mga kinamumuhian Ko, hindi maaantig ang puso Ko kahit kaunti gaano man sila kabait. Dahil ito sa hindi sila ipinanganak sa Akin at hindi nila taglay ang Aking mga katangian at hindi nila angkin ang Aking buhay. Ibig sabihin, hindi sila naitadhana at napili Ko, dahil hindi Ako nagkakamali. Ibig sabihin na lahat ng ginagawa Ko ay tinatawag na banal at kagalang-galang at hindi Ako kailanman nagkaroon ng anumang pagsisisi. Sa paningin ng mga tao, masyado Akong walang-puso; pero hindi mo ba alam na Ako ang matuwid at makaharing Diyos Mismo? Lahat ng Akin ay tama; yaong mga kinamumuhian Ko ay talagang tatanggap ng Aking mga sumpa at yaong mga minamahal Ko ay talagang tatanggap ng Aking mga pagpapala. Ito ang Aking banal at di-malalabag ng disposiyon at walang tao ang makababago nito; walang pasubali ito!

20 Pebrero 2019

Ang Bumalik na Mga Salita ng Panginoong Jesus | Kabanata 85

Gumagamit Ako ng iba’t ibang tao upang makamit ang Aking kalooban: Natutupad ang Aking mga sumpa sa mga kinakastigo Ko at natutupad ang Aking mga pagpapala sa mga minamahal Ko. Ang mga nakakasumpong na ng Aking mga pagpapala at nagdurusa ng Aking mga sumpa ay sumasandig sa isang salita at pagbigkas Ko. Alam mo na sa sinumang mabuti Ako sa kasalukuyan ay tiyak na masusumpungan ang Aking mga pagpapala sa lahat ng panahon (ibig sabihin, yaong mga unti-unting nakakakilala sa Akin, mga unti-unting nagiging mas sigurado tungkol sa Akin, mga may bagong liwanag at pagbubunyag at mga nakakasabay sa bilis ng Aking gawain). Sinumang kinasusuklaman Ko (ito ay isang bagay na nasa Aking loob na hindi natutukoy ng mga tao mula sa panlabas) ay tiyak na magdurusa ng Aking mga sumpa, at walang duda na sila ay kasama sa mga supling ng malaking pulang dragon, kaya madadamay sila sa Aking pagsumpa sa malaking pulang dragon. Yaong mga hindi Ko kayang tiisin, yaong sa tingin Ko ay kulang ang katangian at hindi Ko maaaring perpektuhin o gamitin, magkakaroon pa rin sila ng pagkakataong maligtas at mabibilang sila sa Aking mga anak na lalaki. Kung hindi nagtataglay ang isang tao ng anuman sa Aking katangian, hindi nakakaintindi ng mga espiritwal na usapin at hindi Ako nakikilala, ngunit may pusong masigasig, maitatalaga sila kung gayon bilang isa sa Aking bayan. Itinuturing Ko yaong kabahagi sa Aking mga sumpa na hindi abot ng pagliligtas at sila yaong mga nasaniban ng masasamang espiritu. Nasasabik Akong tadyakan sila palabas. Isinilang sila ng malaking pulang dragon at sila ang pinaka-kinasusuklaman Ko. Mula sa puntong ito, hindi Ko sila kailangan upang magbigay ng serbisyo sa Akin—talagang ayaw Ko sa kanila! Ayaw Ko kahit na sinuman sa kanila! Kahit ang pag-iyak at pagngangalit ng kanilang ngipin sa Aking harapan ay walang epekto sa Akin, hindi Ko pinapansin ang kahit na sino sa kanila, kundi tinatadyakan Ko sila palayo—anong mga bagay ka? Nararapat ka bang nasa Aking harapan? Karapat-dapat ka ba?

19 Pebrero 2019

Kidlat ng Silanganan | Mga Movie Clip | Nagsimula Na ang Paghatol sa Harap ng Malaking Tronong Puti



Kidlat ng Silanganan | Mga Movie Clip | Nagsimula Na ang Paghatol sa Harap ng Malaking Tronong Puti


Alam mo ba kung paano natupad ang paghatol ng malaking luklukang maputi na ipinropesiya sa Pahayag? Sa langit ba gagawin ang paghatol ng malaking luklukang maputi, o sa lupa? Ginagawa ba ito ng Diyos na nagkatawang-tao, o ng Espiritu? Isa-isang sasagutin ng maikling videong ito ang iyong mga tanong.

  Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw. Binubuo ito ng lahat ng mga taong tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nilupig at niligtas ng Kanyang mga salita. Lubos itong itinatag nang personal ng Makapangyarihang Diyos at pinamumunuan Niya bilang Pastol.

18 Pebrero 2019

Mga Artikulong Patotoo sa Karanasan sa Buhay | Buhay Kristiyano: 4 na Puntos upang Turuan Kang Makipag-ugnayan sa Iba Alinsunod sa mga Layunin ng Diyos

Ni Wang Zihan, Lalawigan ng Shanxi

Ang pakikipag-ugnayan sa ibang tao ay isang usaping nagdudulot ng sakit ng ulo para sa maraming tao. Ito ay isa ring paksa na madalas kaharapin ng isang tao sa kanyang buhay bilang Kristiyano. Hinihingi ng Panginoong Jesus na magsamahan tayo nang may pagkakasundo at magmahalan tulad ng pagmamahal natin sa ating mga sarili. Maraming debotong Kristiyano ang handang isagawa ang mga aral ng Panginoon. Bagamat, sa katotohanan, kapag nakikipag-ugnayan tayo sa iba, madalas ay nakasasagupa tayo ng mga salungatan, mga hindi pagkakaintindihan, na nagiging dahilan kung bakit nagiging matigas at nasisira ang ating mga kaugnayan. Ito ay nagdudulot ng pagdurusa para sa lahat. Ngayon, ano ang dahilan kung bakit hindi tayo nakakapamuhay nang may pagkakasundo sa isat-isa? Tayong mga Kristiyano, paano tayo dapat nakikipag-ugnayan sa iba sa ating buhay alinsunod sa mga layunin ng Panginoon? Ito rin ay naging problema ko dati. Salamat sa Panginoon para sa Kanyang patnubay! Matapos nito, nahanap ko ang kasagutan sa isang aklat na nakalutas sa aking mga paghihirap. Dito, ibabahagi ko nang kaunti ang tungkol sa aking karanasan at pagkaunawa!

17 Pebrero 2019

Kidlat ng Silanganan | Mga Movie Clip | Ang Hindi Kapani-paniwalang mga Sagot ng mga Kristiyano sa mga Sabi-sabi at Paninira ng CCP



Kidlat ng SilangananMga Movie Clip | Ang Hindi Kapani-paniwalang mga Sagot ng mga Kristiyano sa mga Sabi-sabi at Paninira ng CCP



Para malinlang ang mga Kristiyano na magtaksil sa Diyos at talikuran ang kanilang pananampalataya, hayagang nilapastangan ng CCP kapwa si Cristo ng mga huling araw at ang Panginoong Jesus, na sinasabing kapwa Sila karaniwang tao at hindi Diyos na nagkatawang-tao. Siniraan ng CCP ang mga Kristiyano na nananalig lang sila sa isang tao, at hindi sa Diyos. Nagkalat din ito ng tsismis na ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay likha ng isang tao dahil lang sa ang taong ginagamit ng Diyos ang namamahala sa lahat ng gawaing administratibo ng iglesia. Ano ba talaga ang pagkakatawang-tao? Paano nabuo ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, at sino ang nagtatag nito?

Makapangyarihang Diyos, ang Puso Ko'y Sa'Yo

 I Kaninong mga salita ang pinakamatamis, at pinalakas ang aking espiritu?