Pagbubunyag ng Katotohanan | "Isang Kabataang Puno ng Pagdurusa"
Mula noong naluklok sa kapangyarihan sa kalakhang China noong 1949, ang Chinese Communist Party ay walang humpay sa pag-uusig sa relihiyosong pananampalataya. Inaresto at pinatay nito ang mga Kristiyano, pinalayas at inabuso ang mga misyonero na nagtatrabaho sa China, kinumpiska at sinira ang di mabilang na mga kopya ng Biblia, ipinasara at winasak ang mga gusali ng simbahan, at walang tigil sa pagtatangkang alisin ang lahat ng mga bahay-iglesia.