Ang Isa na Kataas-taasan sa Ibabaw ng Lahat

12

06 Mayo 2019

Tagalog Worship Songs | "Alam Mo ba ang Iyong Misyon" (Tagalog song)


Tagalog Christian Songs | "Alam Mo ba ang Iyong Misyon" (Tagalog song)


I
Alam mo ba ang pasanin,
ang tungkulin at ang komisyon sa iyong balikat? 
Nasaan ang iyong makasaysayang diwa ng misyon?
Paano ka magiging isang mabuting panginoon
sa susunod na kapanahunan?
Matatag ba ang 'yong diwa ng pagka-puno?
Paano mo maipapaliwanag ang panginoon ng lahat?
Ito ba ang talagang panginoon ng lahat ng nabubuhay,
o panginoon ng lahat ng materyal na mundo?
Anong plano mo sa sunod na hakbang ng gawa? 
Gaano karami ang naghihintay sa iyo na iyong papastulan?
Hindi ka ba nabibigatan sa iyong gawain?

Salita ng Buhay | "Minamasdan ang Pagpapakita ng Diyos sa Kanyang Paghatol at Pagkastigo"


Salita ng Buhay | "Minamasdan ang Pagpapakita ng Diyos sa Kanyang Paghatol at Pagkastigo"


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Walang sinuman maliban sa Kanya ang maaaring makaalam sa lahat ng ating iniisip, o maunawaan ang ating kalikasan at diwa, o hatulan ang pagiging mapaghimagsik at katiwalian ng sangkatauhan, o kausapin tayo at gumawa sa ating kalagitnaan sa ngalan ng Diyos ng langit. Walang sinuman maliban sa Kanya ang maaaring magkamit ng awtoridad, karunungan at karangalan ng Diyos; ang disposisyon ng Diyos at kung anong mayroon at kung ano ang Diyos ay bumubukal, sa kabuuan, mula sa Kanya. Walang sinuman maliban sa Kanya ang may kakayanang ipakita sa atin ang daan at magbigay ng kaliwanagan. Walang sinuman maliban sa Kanya ang kayang ibunyag ang mga hiwaga na hindi ipinaaalam ng Diyos sa mga nilikha hanggang ngayon.

05 Mayo 2019

Tagalog Christian Movie "Mapalad ang Mapagpakumbaba" | The Lord Has Come Back


Tagalog Dubbed Movies "Mapalad ang Mapagpakumbaba" | The Lord Has Come Back


Si Cho Yeonghan ay pastor sa isang iglesia sa South Korea. Malugod siyang naglingkod sa Panginoon nang ilang dekada at nakamtan ang matinding paggalang ng kanyang kapwa mananampalataya.  Sa nagdaang mga taon, ang iglesia niya ay naging mas mapanglaw araw-araw. Ang masasamang gawa ay naging pangkaraniwan na lamang, at kahit siya, madalas niyang natatagpuan ang sarili niya na nagkakasala. Bilang resulta, naging masyado siyang miserable at nakadama ng labis na pagkalito. Pagkatapos niyang pag-isipan ang lahat, maayos niyang ibinigay ang kanyang posisyon bilang pastor at iniwan ang kanyang denominasyon, naghanap ng isang iglesya na may gawain ng Banal na Espiritu, umaasa na matatagpuan ang landas na mag-aalis ng kanyang kasalanan.

03 Mayo 2019

Yaong Mga Hindi Katugma ni Cristo ay Tiyak na Mga Kalaban ng Diyos



Inaasam ng lahat ng mga tao na makita ang totoong mukha ni Jesus at lahat ay nagnanasang makapiling Niya. Ako ay naniniwala na wala ni isa sa mga kapatiran ang magsasabi na hindi siya sang-ayon na makita o makapiling si Jesus. Bago ninyo nakita si Jesus, iyan ay, bago ninyo nakita ang nagkatawang-taong Diyos, malámáng na binibigyang-pagkakataon ninyo ang lahat ng mga uri ng mga ideya, halimbawa, tungkol sa pagpapakita ni Jesus, sa Kanyang paraan ng pagsasalita, sa Kanyang paraan ng pamumuhay, at iba pa. Gayunpaman, sa sandaling nakikita ninyo talaga Siya, ang inyong mga ideya ay mabilis na nagbabago. Bakit ganito? Nais ba ninyong malaman? Samantalang ito ay totoo na ang pag-iísíp ng tao ay hindi nalalampasan, lalo pa itong mas hindi mahahayaan na baguhin ng tao ang substansya ni Cristo.

Tagalog Christian Songs | Punuin ang Iyong Buhay ng Salita ng Diyos



Tagalog Christian SongsPunuin ang Iyong Buhay ng Salita ng Diyos


I
Magmula sa araw na ito, kapag kayo ay nagsalita,
sabihin ang mga salita ng Diyos.
Kapag kayo ay nagtipon-tipon,
hayaan itong maging pagbabahagi ng katotohanan,
sabihin ang iyong nalalaman
tungkol sa salita ng Diyos,
sabihin kung ano ang iyong isinasagawa
at kung paano gumagawa ang Espiritu.
Kapag ikaw ay may panahon,
talakayin ang salita ng Diyos.
Huwag mag-usap ng walang kuwenta!

Makapangyarihang Diyos, ang Puso Ko'y Sa'Yo

 I Kaninong mga salita ang pinakamatamis, at pinalakas ang aking espiritu?