Ang Isa na Kataas-taasan sa Ibabaw ng Lahat

12

31 Agosto 2019

Pelikulang Kristiano | Ang Tiwaling Sangkatauhan ay Higit na Nangangailangan ng Kaligtasan ng Diyos na Naging Katawang-tao


Pelikulang Kristiano | Ang Tiwaling Sangkatauhan ay Higit na Nangangailangan ng Kaligtasan ng Diyos na Naging Katawang-tao (Unang Bahagi)


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Nagkatawang-tao ang Diyos dahil ang pakay ng Kanyang gawain ay hindi ang espiritu ni Satanas, o anumang walang materyal na katawan, kundi ang tao, na may laman at nagawang tiwali na ni Satanas. Ito ay tiyak na dahil ang laman ng tao ay naging tiwali kaya nagawa ng Diyos ang taong maka-laman na pakay ng Kanyang gawain; bukod dito, sapagka’t ang tao ay ang pakay ng katiwalian, nagawa Niya ang tao na tanging layon ng Kanyang gawain sa lahat ng yugto ng Kanyang gawain ng pagliligtas. Ang tao ay isang nilalang na may kamatayan, na may laman at dugo, at ang Diyos lamang ang tanging Isa na maaaring magligtas sa tao. Sa ganitong paraan, ang Diyos ay dapat maging isang katawang-tao na nagtataglay ng parehong mga katangian bilang tao upang gawin ang Kanyang gawain, upang makamit ng Kanyang gawain ang mas mahusay na mga epekto. Kailangang maging katawang-tao ang Diyos upang gawin ang Kanyang gawain dahil ang tao ay sa laman, at hindi kayang pagtagumpayan ang kasalanan o alisin ang kanyang sarili sa laman.”

Manood ng higit pa:Salita ng Diyos

28 Agosto 2019

Tagalog praise and worship Songs | "Pinupuno ng Gawa ng Diyos ang Malawak na Kalawakan ng Sansinukob"


Tagalog Christian Songs | "Pinupuno ng Gawa ng Diyos ang Malawak na Kalawakan ng Sansinukob"

I
Tanaw ng Diyos ang lahat ng bagay mula sa taas,
at nangingibabaw sa lahat mula sa taas.
Kaligtasa'y ipinadala din ng Diyos sa mundo.
Nakamasid lagi ang Diyos mula sa lihim Niyang dako,
bawat kilos ng tao, sinasabi't ginagawa.
Tao'y kilala ng Diyos gaya ng palad N'ya.
Lihim na dako'y tahanan ng Diyos, 
kalawaka'y higaan Niya.
Kampon ni Satanas 'di abot ang Diyos,
puspos S'ya ng kamahalan, katuwiran, at paghatol.
II
Niyapakan ng Diyos ang lahat,
tanaw N'ya umaabot sa sansinukob.
At lumakad ang Diyos sa gitna ng tao,
tinikman ang tamis at pait, lahat ng lasa ng mundo ng tao;
pero tao'y 'di kailanman tunay nakilala ang Diyos, 
ni napansin nila Kanyang paglakad sa ibayo.
Dahil tahimik ang Diyos, 
at 'di gumawa nang kamangha-mangha,
kaya, walang tunay na nakakita sa Kanya.
Mga bagay ngayo'y 'di tulad nang dati: 
gagawa ang Diyos ng mga bagay 
na 'di pa nakita ng mundo sa buong panahon,
magsasalita ang Diyos
na 'di kailanman narinig ng tao sa buong panahon,
dahil gusto Niyang makilala ng sanlibutan
ang Diyos sa katawang-tao.

24 Agosto 2019

Tagalog church songs | "Ang Diyos na Nagkatawang-tao ay Pinaka-kaibig-ibig"


Tagalog church songs | "Ang Diyos na Nagkatawang-tao ay Pinaka-kaibig-ibig"


I

Matapos maging tao ang Diyos, at namuhay kasama ng tao,

nakita Niya kasamaan at kalagayan ng buhay nila.

Sa katawang-tao'y nadama Niya

ang kawalang kakayahan ng tao,

20 Agosto 2019

Tagalog Christian Song With Lyrics | "Pinagpapala ng Diyos Yaong Tapat"


Tagalog Christian Song With Lyrics | "Pinagpapala ng Diyos Yaong Tapat"


I

Pag 'binibigay mo 'yong puso sa Diyos lang

at 'di magbulaan sa Kanya,

pag 'di mo kailanman ginagawa ang panlilinlang

sa mga nasa itaas mo o sa ibaba,

kapag ikaw ay bukas sa Diyos sa lahat ng bagay,

kapag 'di mo ginagawa ang mga bagay

para lang sarili'y magmagaling sa Diyos,

ito'y pagiging tapat.

19 Agosto 2019

Awit ng papuri | Nakita Ko Na ang Pag-ibig ng Diyos



Awit ng papuri | Nakita Ko Na ang Pag-ibig ng Diyos

I
Makapangyarihang Diyos,
Ikaw ang nagmamahal sa 'kin.
Mula sa maruming mundo ay napili Mo ako!
Kaya ako ay nagbalik na sa harap Mo,
oo, ako ay nagbalik na sa harap Mo,
namumuhay ng buhay-iglesia,
nasisiyahan sa 'Yong salita.

Makapangyarihang Diyos, ang Puso Ko'y Sa'Yo

 I Kaninong mga salita ang pinakamatamis, at pinalakas ang aking espiritu?