Ang Isa na Kataas-taasan sa Ibabaw ng Lahat

12

23 Hulyo 2020

Alam mo ba kung ano ang Ugat ng Kapanglawan ng mga Simbahan?

Narito, ang mga araw ay dumarating, sabi ng Panginoong Dios, na ako’y magpapasapit ng kagutom sa lupain, hindi kagutom sa tinapay, o kauhawan man dahil sa tubig, kundi sa pagkarinig ng mga salita ng Panginoon.

-Amos 8:11

Mga Saloobin na Talata sa Linggong ito…

Ang talatang ito ay nagsasabi sa atin kung bakit ang ating Espirituwal ay uhaw at gutom, at namumuhay sa estado ng pagka-negatibo at panghihina, at kung bakit ang simbahan ay naging mapanglaw. Ito ay dahil sa hindi natin hinahanap ang mga salita at gawain ng Diyos, lalong hindi tayo nakikinig sa Kanyang mga salita. Bilang resulta, nawalan tayo ng mga probisyon ng mga salita ng Diyos at dumaranas ng taggutom. Tulad lang ng pagtatapos ng Kapanahunan ng Kautusan, nang ang templo ay naging mapanglaw.. Ito ay dahil ang Diyos ay umalis mula sa templo at ang Panginoong Jesus ay nagpahayag ng mga salita at inilunsad ang gawain ng pagtubos sa labas ng templo.

22 Hulyo 2020

Ang mga Salita ni Jesus sa Kanyang mga Disipulo Pagkatapos ng Kanyang Pagkabuhay na Mag-uli



Juan 20:26–29 At pagkaraan ng walong araw ay muling nasa loob ng bahay ang Kaniyang mga alagad, at kasama nila si Tomas. Dumating si Jesus, nang nangapipinid ang mga pinto, at tumayo sa gitna, at sinabi, Kapayapaan ang sumainyo. Nang magkagayo’y sinabi Niya kay Tomas, idaiti mo rito ang iyong daliri, at tingnan mo ang Aking mga kamay; at idaiti mo rito ang iyong kamay, at isuot mo siya sa Aking tagiliran: at huwag kang di mapanampalatayahin, kundi mapanampalatayahin. Sumagot si Tomas, at sa Kaniya’y sinabi, Panginoon ko at Diyos ko. Sinabi sa kaniya ni Jesus, Sapagka’t Ako’y nakita mo ay sumampalataya ka: mapapalad yaong hindi nangakakita, at gayon ma’y nagsisampalataya.

21 Hulyo 2020

Sino ang may-akda ng Bibliya? Ano ang relasyon sa pagitan ng Bibliya at ng Diyos?

Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

“Saliksikin ninyo ang mga kasulatan, sapagka’t iniisip ninyo na sa mga yaon ay mayroon kayong buhay na walang hanggan; at ang mga ito’y siyang nangagpapatotoo tungkol sa akin. At ayaw kayong magsilapit sa akin, upang kayo’y magkaroon ng buhay” (Juan 5:39–40).

“Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay: sinoman ay di makaparoroon sa Ama, kundi sa pamamagitan ko” (Juan 14:6).

20 Hulyo 2020

Pagkilala sa Diyos ang Landas tungo sa Pagkakaroon ng Takot sa Diyos at Pag-iwas sa Kasamaan


Bawa’t isa sa inyo ay dapat magsuring muli ng inyong buhay-pananampalataya sa Diyos para makita kung, sa paghahabol sa Diyos, ay tunay na naunawaan mo, tunay na naintindihan, at tunay na nakilala mo ang Diyos, kung tunay na alam mo kung anong saloobin ang tinitiis ng Diyos sa iba’t ibang uri ng tao, at kung tunay na nauunawaan mo kung ano ang ginagawa ng Diyos sa iyo at ano ang pakahulugan ng Diyos sa bawa’t kilos mo. Ang Diyos na ito, na nasa tabi mo, gumagabay sa direksyon ng pag-unlad mo, nagtatakda ng tadhana mo, at nagtutustos ng mga pangangailangan mo—sa katapus-tapusan, gaano ang nauunawaan mo at gaano ang totoong pagkakakilala mo tungkol sa Kanya?

19 Hulyo 2020

Sinabi ng Panginoong Jesus na Siya ay babalik, at ano ang paraan ng Kanyang pagbabalik?

Ang Sagot mula sa Salita ng Diyos:

Sa loob ng libong mga taon, inasam ng tao na masaksihan ang pagdating ng Tagapagligtas. Inasam ng tao na makita si Jesus na Tagapagligtas na nasa puting ulap habang Siya ay bumababa, sa Kanyang pagkatao, sa mga taong nanabik at naghangad sa Kanya sa loob ng libong mga taon. Hinangad ng tao na bumalik ang Tagapagligtas at muling makiisa sa mga tao, yan ay, na si Jesus na Tagapagligtas ay bumalik sa mga tao na napahiwalay sa Kanya sa loob ng libong mga taon. At umaasa ang tao na muli Niyang isasagawa ang gawain ng pagtubos na ginawa Niya sa mga Hudyo, magiging mahabagin at mapagmahal sa tao, magpapatawad sa mga kasalanan ng tao, dadalhin ang mga kasalanan ng tao, at papasanin na pati lahat ng mga paglabag ng tao, at ililigtas ang tao mula sa kasalanan. Hangad nila na si Jesus na Tagapagligtas na maging katulad dati—isang Tagapagligtas na kaibig-ibig, magiliw at kagalang-galang, na hindi kailanman mabagsik sa tao, at na hindi kailanman sinisisi ang tao. Ang Tagapagligtas na ito ay nagpapatawad at pinapasan ang lahat ng mga kasalanan ng tao, at namatay rin muli sa krus para sa tao.

Makapangyarihang Diyos, ang Puso Ko'y Sa'Yo

 I Kaninong mga salita ang pinakamatamis, at pinalakas ang aking espiritu?