Ang Isa na Kataas-taasan sa Ibabaw ng Lahat

12

27 Agosto 2017

Kidlat ng Silanganan | Ang Ikadalawampu’t-pitong Pagbigkas

Kidlat ng Silanganan , Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos , Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos,Pag-asa,kaligtasan

Kidlat ng Silanganan | Ang Ikadalawampu’t-pitong Pagbigkas

Hindi kailanman nahipo ng pag-uugali ng tao ang Aking puso, ni hindi Ko kailanman naisip bilang mahalaga. Sa mata ng tao, laging mahigpit ang pagtrato Ko sa kanya, at lagi Kong pinapatupad ang awtoridad sa kanya. Sa lahat ng mga gawain ng tao, babahagyang bagay lamang ang nagawa para sa Akin, halos walang anumang nakatayong matatag sa Aking harapan. Sa huli, guguho sa harapan Ko nang hindi nahahalata ng lahat ng mga bagay na nauukol sa tao, at magiging maliwanag lamang sa ganoong panahon ang Aking mga gawain, makikilala Ako ng lahat ng tao dahil sa sarili nilang kabiguan. Ang kalikasan ng tao ay nananatiling hindi nagbabago. Kung ano ang nasa kaibuturan ng kanilang puso ay hindi alinsunod sa kalooban Ko— hindi ito ang kinakailangan Ko. Ang pinakakinamumuhian Ko sa lahat ay ang kasuwailan ng tao at ang kanyang pagbabalik sa dati, ngunit ano kayang kapangyarihan ang nag-uudyok sa kanila para magpatuloy sa pagiging banyaga sa Akin, upang manatiling nasa malayo, para hindi makakilos ng alinsunod sa Aking kalooban sa harapan Ko at sa halip tutulan Ako sa Aking likuran? Ito ba ang kanilang katapatan? Ito ba ang pag-ibig nila para sa Akin? Bakit hindi sila magsisi at maisilang na muli? Bakit magpakailanmang ginugusto ng mga tao ang mabuhay sa ilat sa halip na sa isang lugar na walang putik? Maaari kayang trinato Ko sila ng masama? Maaari kayang ipinahamak Ko lamang sila? Maaari kayang inakay Ko sila sa impiyerno? Lahat ay nagnanais manirahan sa “impiyerno.”

26 Agosto 2017

Kidlat ng Silanganan | Ang Panaghoy ng Makapangyarihan sa Lahat

Kidlat ng Silanganan , Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos , Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos,Pag-asa,magsisi
Kidlat-ng-Silanganan-magsisi



Kidlat ng Silanganan | Ang Panaghoy ng Makapangyarihan sa Lahat


Mayroong napakalaking lihim sa iyong puso. Hindi mo alam na naroroon ito dahil ikaw ay tumitira sa isang mundong walang nagniningning na liwanag. Ang iyong puso at ang iyong espiritu ay kinuha na ng masamang nilalang. Ang iyong mga mata ay nilukuban na ng kadiliman; hindi mo makita ang araw sa kalangitan, at pati na rin ang kumikislap na bituin sa gabi. Ang iyong mga tainga ay nababarahan na ng mga mapanlinlang na mga salita at hindi mo naririnig ang madagundong na tinig ni Jehovah, pati na rin ang tunog ng dumadaloy na tubig mula sa trono. Nawala mo na ang lahat ng bagay na dapat ay pag-aari mo at lahat ng bagay na ipinagkaloob sa iyo ng Makapangyarihan sa lahat. Ikaw ay pumasok sa isang walang katapusang dagat ng kapaitan, na walang lakas ng isang pagliligtas, walang pag-asa ng kaligtasan, naiwan lamang upang makibaka at magmadali. ... Mula sa sandaling iyon, ikaw ay tiyak na mapapahamak sa kapighatian sa pamamagitan ng masamang nilalang, inilayo mula sa mga pagpapala ng Makapangyarihan sa lahat, hindi maabot ng mga probisyon ng Makapangyarihan sa lahat, at ikaw ay pumasok sa isang daan na wala nang balikan. Hindi na magawang pukawin ng milyong mga tawag ang iyong puso at espiritu. Natutulog ka nang mahimbing sa mga kamay ng masamang nilalang, na tinukso ka papunta sa walang hanggang kaharian, na walang direksyon, na walang mga palatandaan ng daanan. Kung kaya, nawala ang iyong orihinal na kadalisayan, kainosentehan, at nagsimulang magtago mula sa pag-aalaga ng Makapangyarihan sa lahat. Ang masamang nilalang ang naglalayo sa iyong puso sa lahat ng bagay at nagiging iyong buhay. Hindi ka na takot sa kanya, hindi na siya iniiwasan, hindi na rin siya pinagdududahan. Sa halip, itinuturing mo na rin siya bilang isang Diyos sa iyong puso. Sinisimulan mo na siyang gawan ng altar, sambahin siya, hindi ka mahiwalay na para bang kanyang anino, at kapwa nangako sa isa’t isa sa buhay at kamatayan. Wala kang palagay kung saan ka nagmula, bakit ka umiiral, o kung bakit ka mamamatay. Ang tingin mo sa Makapangyarihan sa lahat ay isang estranghero; hindi mo alam ang Kanyang pinagmulan, pati na rin ang lahat ng Kanyang ginawa para sa iyo. Ang lahat ng galing sa Kanya ay naging kamuhi-muhi para sa iyo. Hindi mo man lamang minamahal ang mga ito ni hindi man alam ang kanilang mga halaga. Ikaw ay naglalakad kasama ang masamang nilalang, mula noong parehong araw na nagsimula kang tumanggap ng mga probisyon mula sa Makapangyarihan sa lahat. Ikaw at ang masamang nilalang ay tumahak sa loob ng libu-libong taon ng bagyo at unos. Kasama siya, kumukontra ka sa Diyos, na pinagmulan ng iyong buhay. Hindi ka nagsisisi, lalo na nang malaman mong ikaw ay patungo sa punto ng pagkapahamak. Nakalimutan mo na ang masamang nilalang ay tinukso ka, pinahirapan ka; nakalimutan mo na ang iyong pinagmulan. Ganoon lang, ang masamang nilalang ay namiminsala sa iyo unti-unti, hanggang sa ngayon. Ang iyong puso at ang iyong espiritu ay hindi na sensitibo at nabubulok na. Hindi ka na nagrereklamo tungkol sa pagdurusa ng mundo, hindi na naniniwala na ang mundo ay hindi makatarungan. Hindi mo na rin pinahahalagahan ang tungkol sa pag-iral ng Makapangyarihan sa lahat. Ito ay dahil itinuturing mo ang masamang nilalang bilang iyong tunay na ama, at hindi ka na maaaring mapahiwalay mula sa kanya. Ito ang lihim sa iyong puso.

25 Agosto 2017

Kidlat ng Silanganan | Diyos ang Namumuno sa Kapalaran ng Buong Sangkatauhan

Kidlat ng Silanganan,Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos,Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos, soberanya, kapalaran

Kidlat ng Silanganan -Kristyano

Kidlat ng Silanganan | Diyos ang Namumuno sa Kapalaran ng Buong Sangkatauhan


Bilang mga miyembro ng sangkatauhan at tapat na mga Kristiyano, pananagutan at obligasyon nating lahat na ialay ang ating mga isipan at katawan para sa katuparan ng kautusan ng Diyos, dahil ang ating buong pagkatao ay nagmula sa Diyos, at ito ay umiiral salamat sa kapangyarihan ng Diyos. Kung ang ating mga isip at katawan ay hindi para sa kautusan ng Diyos at hindi para sa matuwid na dahilan ng sangkatauhan, sa gayon ang ating mga kaluluwa’y hindi magiging karapat-dapat sa mga taong naging martir para sa kautusan ng Diyos, mas hindi karapat-dapat sa Diyos, na naglaan sa atin ng lahat ng bagay.

24 Agosto 2017

Kidlat ng Silanganan | Ang Ikadalawampu’t-anim na Pagbigkas

Kidlat ng Silanganan,Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos,Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos,panalangin, Kaharian, Langit

Kidlat ng Silanganan -Kaharian, 


Kidlat ng Silanganan | Ang Ikadalawampu’t-anim na Pagbigkas

    Sino ang nanirahan sa Aking bahay? Sino ang nanindigan para sa Aking kapakanan? Sino ang nagdusa sa Aking ngalan? Sino ang nangako ng kanyang salita sa Aking harapan? Sino ang sumunod sa Akin hanggang sa kasalukuyan at gayon ay hindi nawalan ng malasakit? Bakit lahat ng mga tao ay malamig at walang pakiramdam? Bakit Ako ay iniwan ng sangkatauhan? Bakit napagod sa Akin ang sangkatauhan? Bakit walang kasiyahan sa mundo ng tao? Habang nasa Zion, nalasap ko ang kasiyahang nasa langit, at habang nasa Zion Ako ay nagtamasa ng pagpapalang nasa langit. Muli, Ako’y namuhay sa gitna ng sangkatauhan, nalasap Ko ang kapaitan sa mundo ng tao, nakita Ko sa Aking sariling mga mata ang lahat ng mga iba’t ibang mga kalagayan na umiiral sa gitna ng mga tao. Walang kamalay-malay, ang tao ay nagbago kasabay ng Aking pagbabago, at sa ganitong paraan lamang siya ay dumating sa kasalukuyang panahon. Ako ay hindi humihiling na gawin ng tao ang anumang bagay para sa Akin, at hindi Ko rin kinakailangan ang kanyang pagpaparami sa Aking pangalan. Nais ko lamang sa kanya ay maayon sa Aking plano, na hindi sumusuway sa Akin o nagdudulot ng marka ng kahihiyan sa Akin, at upang madala ng umaalingawngaw na pagpapatotoo sa Akin. Sa mga tao, mayroong mga taong nagdala sa Akin ng mahusay na patotoo at niluwalhati Ang Aking pangalan, ngunit paano ang mga gawain ng tao, ang pag-uugali ng tao ay posibleng makapag pasaya sa Aking puso? Paano niya posibleng matugunan ang Aking pagnanais o matupad ang Aking kalooban? Sa mga bundok at tubig sa ibabaw ng lupa, at ang mga bulaklak, damo, at mga puno sa lupa, walang sinuman ang nagpapakita ng mga gawa ng Aking mga kamay, wala ni isang umiiral para sa Aking pangalan. Ngunit bakit hindi maabot ng tao ang mga pamantayan ng Aking hinihiling? Maaari bang dahil ito sa kanyang kasuklam-suklam na kababaan? Maaari bang dahil ito sa Aking pagpapa-angat sa kanya? Maaari bang masyado Akong malupit sa kanya? Bakit ang tao ay laging sobrang natatakot sa Aking mga hinihiling? Ngayon, bukod sa napakaraming tao sa kaharian, bakit ba kayo ay nakikinig lamang sa Aking tinig ngunit hindi nais na makita ang Aking mukha? Bakit tumitingin lamang kayo sa Aking mga salita na hindi sinusubukang itugma ang mga ito sa Aking Espiritu? Bakit patuloy niyo Akong pinaglalayo sa ibabaw ng langit at sa ibaba ng lupa? Maaari bang Ako, kapag Ako ay nasa lupa, ay hindi ang parehong Ako kapag ako ay nasa langit? Maaari bang Ako, kapag Ako ay nasa langit, ay hindi makababa sa lupa? Maaari bang Ako, kapag Ako ay nasa lupa, ay hindi karapat-dapat na dalhin sa langit? Tila bang Ako, kapag Ako ay nasa lupa, ay isang mababang-loob na nilalang, na parang Ako, kapag ako ay nasa langit, ay dinakilang nilalang, at para bang mayroong namamalagi sa pagitan ng langit at lupa na isang hindi matawirang bangin. Ngunit sa mundo ng mga tao tila sila ay walang nalalaman sa mga pinagmulan ng mga bagay na ito, ngunit ang lahat ay nagsama-sama upang sumalungat sa Akin, na tila ang Aking mga salita ay may tunog lamang at walang kahulugan. Ang lahat ng tao ay gumugol ng pagsisikap sa Aking mga salita, nagsasagawa ng pagsisiyasat sa kanilang sarili sa Aking panlabas na anyo, ngunit lahat sila ay humantong sa pagkabigo, nang walang anumang mga resulta na maipakita, ngunit sa halip ay pinabagsak ng Aking mga salita at hindi na maglakas-loob na muling tumayo.

23 Agosto 2017

Kidlat ng Silanganan | Ang Ikadalawampu’t-apat na Pagbigkas


,Kidlat ng Silanganan,Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos,Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos,panalangin, pag-ibig, buhay


Kidlat ng Silanganan -Kaligtasan


Kidlat ng Silanganan | Ang Ikadalawampu’t-apat na Pagbigkas
Dumarating ang Aking pagkastigo sa lahat ng mga tao, gayon pa man ay nananatili rin itong malayo mula sa lahat ng mga tao. Bawa’t buhay ng bawat tao ay puno ng pag—ibig at pagkamuhi sa Akin, at wala kahit isa ang kailanma’y nakakilala sa Akin-kung kaya sala sa lamig at sala sa init ang saloobin ng tao sa Akin, at wala itong kakayahan sa pagiging-normal. Gayunman ay parati Kong inalagaan at iningatan ang tao, at mapurol lamang ang kanyang isipan kaya wala siyang kakayahang makita ang lahat ng Aking mga gawa at maunawaan ang masigasig Kong mga hangarin. Ako ang nangungunang Isa sa gitna ng lahat ng mga bansa, at ang pinakamataas sa gitna ng lahat ng mga tao; hindi lamang talaga Ako kilala ng tao. Sa maraming taon, nanirahan Ako sa kalagitnaan ng tao at naranasan ang buhay sa mundo ng tao, gayon pa man lagi niya Akong ipinagsawalang-bahala at itinuring Akong katulad ng isang nilalang na nagmula sa kalawakan. Bunga nito, itinuturing Ako ng mga tao na katulad ng isang banyaga sa daan dahil sa mga pagkakaiba sa disposisyon at wika. Ang damit Ko rin ay tila masyadong kakaiba, at bilang resulta, walang lakas ng loob ang tao para lapitan Ako. Diyan Ko lamang nararamdaman ang kalungkutan ng buhay sa kalagitnaan ng tao, at diyan Ko rin lamang nararamdaman ang kawalan-ng-hustisya sa mundo ng tao. Lumalakad Ako sa kalagitnaan ng mga dumadaan, pinagmamasdan ang lahat ng kanilang mga mukha. Ito ay parang nabubuhay sila sa kalagitnaan ng isang karamdaman, bagay na nagpupuno ng kalungkutan sa kanilang mga mukha, at sa gitna ng pagkastigo, na pumipigil sa kanilang paglaya. Iginagapos ng tao ang kanyang sarili, at ibinababa ang kanyang sarili. Sa harapan Ko, karamihan sa mga tao ay lumilikha ng maling palagay tungkol sa kanilang mga sarili sa gayon ay maaring mapuri Ko sila, sadyang nag-aanyong kahabag-habag sa harap Ko ang karamihan sa mga tao sa gayon ay maaring makakuha sila ng tulong mula sa Akin. Sa Aking likuran, nililinlang at sinusuway Ako ng lahat ng mga tao. Hindi ba tama Ako? Hindi ba ito ang diskarte ng tao para manatiling buhay? Sino na ang kahit kailan ay nabuhay ng mas matagal kaysa sa Akin? Sino na ang kahit kailan ay nagtaas sa Akin sa gitna ng iba? Sino na ang kahit kailan ay nagapos sa harapan ng Espiritu? Sino na ang kahit kailan ay naging matatag sa kanilang patotoo sa Akin sa harapan ni Satanas? Sino na ang kahit kailan ay nagdagdag ng pagiging-totoo sa “katapatan” nila sa Akin? Sino na ang kahit kailan ay inalis ng malaking pulang dragon dahil sa Akin? Sumapi na ang mga tao kay Satanas, mga bihasa sila sa pagsuway sa Akin, sila ang mga may-likha ng pagsalungat sa Akin, at sila ay mga nagsipag-tapos sa pakikipagtawaran sa Akin. Para sa kapakanan ng sarili niyang tadhana, naghahanap ang tao dito at doon sa lupa; kapag kinakawayan Ko siya, nananatili siyang walang-pandama sa Aking pagiging-napakahalaga at patuloy siya sa “pananampalataya” sa kanyang pagsandig sa kanyang sarili, ayaw niyang maging isang “pasanin” sa iba. Mahalaga ang mga hangarin ng tao, gayunman walang kaninumang mga hangarin ang kailanman ay ganap na nakamit: Gumuguho silang lahat sa harapan Ko, bumabagsak nang tahimik.

Makapangyarihang Diyos, ang Puso Ko'y Sa'Yo

 I Kaninong mga salita ang pinakamatamis, at pinalakas ang aking espiritu?