Ang Isa na Kataas-taasan sa Ibabaw ng Lahat

12

03 Marso 2018

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Alaga ng Diyos ang bawat tao sa lahat ng paraan

              


Kidlat ng Silanganan | Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Alaga ng Diyos ang bawat tao sa lahat ng paraan


I
Kadakilaan, kabanalan, dakilang kapangyariha't pag-ibig,
mga detalye ng kakanyahan at disposisyon ng Diyos
naibubunyag sa tuwing Siya'y nagpapatupad ng Kanyang gawain,
nakita sa Kanyang kalooban para sa tao,
natupad sa buhay ng sangkatauhan.
II
Hindi alintana kung ano ang naramdaman mo sa 'yong buhay,
alaga ng Diyos ang bawat tao sa lahat ng paraan.
Nang may katapatan, karunungan sa maraming paraan,
puso'y pinaiinit Niya, pinupukaw ang kaluluwa.
Ito'y isang 'di matututulang katunayan.

Kanta ng Papuri (Tagalog) | Ang Tunay na Pag-ibig ng Diyos

              


Kidlat ng Silanganan | Kanta ng Papuri (Tagalog) | Ang Tunay na Pag-ibig ng Diyos


I
Ngayon ako'y muling humaharap sa aking Diyos.
Puso ko'y mangungusap
pag makita ang mukha Niyang kalugod-lugod.
Iniwan ko na ang halaghag na nakaraan.
Biyaya Niyang Salita'y pinupuno ako ng kalugura't kaligayahan.
Mahabaging salita ng Diyos
ang kumandili't dumilig sa'king pagsibol.
Kanyang mahigpit na Salita
ang nagpalakas sa'kin upang muling bumangon.
Diyos, kami ngayo'y umaawit sa Iyo
nang dahil sa'Yong pagpapala.
Kami ngayo'y nagpupuri sa'Yo sapagkat kami'y iyong inangat.
Makapangyarihang tunay na Diyos na umibig sa amin!
Iniibig Ka namin! O Diyos! Talagang iniibig ka namin!

Sa mga Huling Araw Pangunahing Tinutupad ng Diyos ang Lahat sa Pamamagitan ng Salita

                


Kidlat ng Silanganan | Sa mga Huling Araw Pangunahing Tinutupad ng Diyos ang Lahat sa Pamamagitan ng Salita



 I

Sa mga huling araw, Diyos ay nagiging-tao.
Sa salita Niya tinutupad lahat,
Sa salita Niya inihahayag lahat.
Tanging sa salita makikita ang ganap na Siya, na mismong Siya ay Diyos.
Pumaparito sa lupa ang naging-taong Diyos
tanging upang ihayag ang Kanyang salita.
Kaya, wala nang tanda, sapat na ang salita ng Diyos.

02 Marso 2018

Cristianong Kanta | "Kung 'Di Ako Iniligtas ng D'yos" | Binigyan Ako ng Diyos ng Bagong Buhay

          

 Kidlat ng Silanganan | Cristianong Kanta | "Kung 'Di Ako Iniligtas ng D'yos" | Binigyan Ako ng Diyos ng Bagong Buhay


I

Kung 'di ako iniligtas ng Diyos, palaboy pa rin hanggang ngayon,
naghihirap, nagkakasala; bawa't araw walang pag-asa.
Kung 'di ako iniligtas ng Diyos, niyuyurakan pa rin ng d'yablo,
nabitag sa sala't layaw nito, mangmang sa kahihinatnan ng buhay ko.
Makapangyarihang Diyos ang nagliligtas sa akin, salita N'ya'y dinadalisay ako.
Sa paghatol at pagkastigo ng Diyos, tiwaling disposisyon ko'y nabago.
Lahat ng katotohanang binibigkas ng Diyos bigay sa 'ki'y bagong buhay.
Diyos nakita ko nang harapan, tunay N'yang pag-ibig naranasan.

Sa wakas natanto kong mapagmahal na kamay ng Diyos ang nanguna sa akin,
na marinig boses N'ya't maitaas sa harap ng trono N'ya,
makadalo sa piging ni Kristo't matamo, kadalisaya't pagkaperpekto.
Ang inaasam ng ilang taon ay natupad din, ang kaligtasan ng Diyos ay akin.

26 Pebrero 2018

Ang mga Nagmamahal sa Diyos ay Magpakailanmang Mamumuhay sa Loob ng Kanyang Liwanag

Kidlat ng Silanganan | Ang Kalooban ng DiyosAng mga Nagmamahal sa Diyos ay Magpakailanmang Mamumuhay sa Loob ng Kanyang Liwanag





    Ang substansya ng paniniwala sa Diyos ng karamihan ng tao ay ang paniniwala sa relihiyon: Ang mga ito ay hindi kayang umibig sa Diyos, at maaari lamang sundin ang Diyos tulad ng isang robot, hindi magawang tunay na maghangad para sa Diyos o sambahin Siya. Sila ay sumusunod lamang sa Kanya nang tahimik. Maraming tao ang naniniwala sa Diyos, ngunit kaunti lamang ang mga umiibig sa Diyos; iginagalang lamang nila ang Diyos dahil takot sila sa sakuna, o kaya hinahangaan nila ang Diyos dahil Siya ay mataas at makapangyarihan—ngunit sa kanilang paggalang at paghanga ay walang pag-ibig o tunay na matinding paghangad. Sa kanilang mga karanasan kanilang hinahanap ang mga detalye ng katotohanan, o kaya ibang hindi gaanong mahalagang misteryo. Karamihan ng tao ay sumusunod lamang, nangingisda sila sa maburak na tubig upang makatanggap lamang ng mga biyaya; hindi nila hinahanap ang katotohanan, at hindi rin sila tunay na sumunod sa Diyos upang makatanggap ng mga biyaya ng Diyos. Ang buhay ng lahat ng paniniwala ng tao sa Diyos ay walang kahulugan, ito ay walang halaga, at sa loob nito ay ang kanilang mga pansariling pag-iintindi at paghahangad; hindi sila naniniwala sa Diyos upang ibigin ang Diyos, ngunit para sa kapakanan ng pagiging mapalad.

Makapangyarihang Diyos, ang Puso Ko'y Sa'Yo

 I Kaninong mga salita ang pinakamatamis, at pinalakas ang aking espiritu?