Kidlat ng Silanganan|Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (3)
Ang unang pagkakataon na naging tao ang Diyos ay sa pamamagitan ng paglilihi ng Banal na Espiritu, at ito ay may kaugnayan sa gawain na nilayon Niyang gawin. Ang pangalan ni Jesus ang nagtanda ng pagsisimula ng Kapanahunan ng Biyaya. Nang nagsimula si Jesus na gampanan ang Kanyang ministeryo, ang Banal na Espiritu ay nagsimulang magpatotoo sa pangalan ni Jesus , at ang pangalan ni Jehova ay hindi na pinag-uusapan, at sa halip ay paunang sinimulan ng Banal na Espiritu ang bagong gawain sa ilalim ng pangalan ni Jesus. Ang patotoo ng mga naniniwala sa Kanya ay inilahad para kay Hesu-Cristo, at ang gawain na kanilang isinagawa ay para rin kay Hesu-Cristo. Ang konklusyon ng Kapanahunan ng Kautusan sa Lumang Tipan ay nangangahulugan na ang gawain na paunang isinagawa sa ilalim ng pangalan ni Jehova ay matatapos na rin. Pagkatapos nito, ang pangalan ng Diyos ay hindi na Jehova; sa halip Siya ay tinawag na Jesus, at mula rito ay sinimulan ng Banal na Espiritu ang gawain una sa lahat sa ilalim ng pangalan ni Jesus.