Ang Isa na Kataas-taasan sa Ibabaw ng Lahat

12

23 Agosto 2018

Tungkol sa Biblia (1)

Kidlat ng Silanganan|Tungkol sa Biblia (1)

Paano dapat lapitan ang Biblia tungkol sa paniniwala sa Diyos? Ito ay isang tanong ng prinsipyo. Bakit natin pinag-uusapan ang tanong na ito? Dahil sa hinaharap ay ikakalat mo ang ebanghelyo at palalawakin ang gawain ng Kapanahunan ng Kaharian, at hindi sapat na pag-usapan lamang ang gawain ng Diyos ngayon. Upang palawakin ang Kanyang gawa, mas mahalaga na maayos moang mga lumang paniniwala sa relihiyon ng tao at lumang paraan ng paniniwala, at iwan ang mga ito na lubos na kumbinsido—at ang pagtungo sa puntong ito ay nagsasangkot sa Bibilia. Sa maraming taon, ang mga kinaugalian na paraan ng paniniwala ng mga tao (ng Kristiyanidad, ang isa sa tatlong pangunahing relihiyon ng mundo) ay ang basahin ang Biblia;

22 Agosto 2018

Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (3)

 Ang Pagbabalik ng Panginoong Jesus,Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos,Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (3)

Kidlat ng Silanganan|Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (3)


Ang unang pagkakataon na naging tao ang Diyos ay sa pamamagitan ng paglilihi ng Banal na Espiritu, at ito ay may kaugnayan sa gawain na nilayon Niyang gawin. Ang pangalan ni Jesus ang nagtanda ng pagsisimula ng Kapanahunan ng Biyaya. Nang nagsimula si Jesus na gampanan ang Kanyang ministeryo, ang Banal na Espiritu ay nagsimulang magpatotoo sa pangalan ni Jesus , at ang pangalan ni Jehova ay hindi na pinag-uusapan, at sa halip ay paunang sinimulan ng Banal na Espiritu ang bagong gawain sa ilalim ng pangalan ni Jesus. Ang patotoo ng mga naniniwala sa Kanya ay inilahad para kay Hesu-Cristo, at ang gawain na kanilang isinagawa ay para rin kay Hesu-Cristo. Ang konklusyon ng Kapanahunan ng Kautusan sa Lumang Tipan ay nangangahulugan na ang gawain na paunang isinagawa sa ilalim ng pangalan ni Jehova ay matatapos na rin. Pagkatapos nito, ang pangalan ng Diyos ay hindi na Jehova; sa halip Siya ay tinawag na Jesus, at mula rito ay sinimulan ng Banal na Espiritu ang gawain una sa lahat sa ilalim ng pangalan ni Jesus.

21 Agosto 2018

Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (2)


Kidlat ng Silanganan,Mga Pagbigkas ni Cristo,Salita ng Diyos

Kidlat ng Silanganan |Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (2)


Ipinangaral ng Kapanahunan ng Biyaya ang ebanghelyo ng pagsisisi, at kapag ang tao ay naniwala, kung gayon siya ay maliligtas. Sa kasalukuyan, kahalili ng kaligtasan ay mayroon lamang pag-uusap ukol sa paglupig at pagka-perpekto. Hindi kailanman sinabi na kapag nananampalataya ang isang tao, ang kanilang buong sambahayan ay pagpapalain, o ang kaligtasan ay minsanan lamang. Sa kasalukuyan, walang sinuman ang nagsasabi sa mga salitang ito, at ang gayong mga bagay ay lipas na. Sa panahong iyon ang gawain ni Jesus ay ang pagtubos sa buong sangkatauhan. Ang mga kasalanan ng yaong mga naniwala sa Kanya ay napatawad; hangga’t ikaw ay naniwala sa Kanya, ikaw ay Kanyang tutubusin; kung ikaw ay naniwala sa Kanya, hindi ka na isang makasalanan, ikaw ay hinalinhan sa iyong mga kasalanan. Ito ang kahulugan ng pagiging ligtas, at mapangatwiranan sa pamamagitan ng pananampalataya. Ngunit sa yaong mga naniwala, mayroon pa ring nanatiling mga mapanghimagsik at sumalungat sa Diyos, at mga kailangang dahan-dahang alisin.

20 Agosto 2018

Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (1)

Kidlat ng Silanganan,Mga Pagbigkas ni Cristo


Kidlat ng SilangananAng Pananaw ng Gawain ng Diyos (1)

Si Juan ay gumawa para kay Jesus saloob ng pitongtaon, at inihandana ang daannangsi Jesus ay dumating. Bago ito, ang ebanghelyo ng kaharian ng langit na ipinangara lni Juan ay narinig sa lahat ng dako ng bayan, kaya ito ay lumaganap sa kabuuan ng Judea, at tinawag siya ng lahat na isang propeta. Sa panahong iyon, nais ni Haring Herodes na patayin si Juan, ngunit hindi siya nangahas, sapagkat mataas ang pagtingin ng mga tao kay Juan, at natatakot si Herodes na kapag pinatay niya si Juan sila ay mag-aalsa laban sakanya. Ang gawaing ginawa ni Juan ay nagsimula ng lumago sa gitna ng mga karaniwang tao, at ginawa niyang mananampalataya ang mga Judio. Sa loob ng pitong taon inihanda niya ang daan para kay Jesus, hanggang sa panahong sinimulan ni Jesus nagampanan ang Kanyang ministeryo. At kaya, si Juan ang pinakadakila sa lahat ng mga propeta.

19 Agosto 2018

Gawa at Pagpasok (1)

work-and-entry-1


Gawa at Pagpasok (1)

Mula pa nang ang tao ay nagsimulang yumapak sa tamang landas ng buhay, nagkaroon ng maraming bagay na nananatiling hindi malinaw. Sila ay ganap pa rin ang kalabuan tungkol sa gawain ng Diyos at kung gaano karaming trabaho ang dapat nilang gawin. Ito ay dahil, sa isang banda, pagkalihis ng kanilang mga karanasan at ang mga limitasyon sa kanilang kakayahang tumanggap; sa kabila, ito ay dahil ang gawain ng Diyos ay hindi pa nadala ang mga tao sa yugtong ito. Kaya, hindi maliwanag sa lahat ang tungkol sa pinaka-espirituwal na mga bagay. Hindi lamang na hindi malinaw sa inyo ang inyong dapat pasukan; mas lalo kayong mangmang tungkol sa gawain ng Diyos.

Makapangyarihang Diyos, ang Puso Ko'y Sa'Yo

 I Kaninong mga salita ang pinakamatamis, at pinalakas ang aking espiritu?