Kidlat ng Silanganan |Tungkol sa Biblia (2)
Ang Biblia ay tinatawag din na Luma at Bagong Tipan. Alam ninyo ba kung ano ang tinutukoy ng "tipan"? Ang "tipan" sa "Lumang Tipan" ay mula sa kasunduan ni Jehova sa mga tao ng Israel nang patayin Niya ang mga taga-Ehipto at iniligtas ang mga Israelita mula sa Paraon. Siyempre pa, ang patunay ng kasunduang ito ay ang dugo ng tupa na ipinahid sa mga piraso ng kahoy, kung saan nagtatag ang Diyos ng kasunduan sa tao, isa na kung saan ito ay sinabi na ang lahat nang may dugo ng tupa sa itaas at gilid ng katawan ng pintuan ay mga Israelita, sila ang mga piniling tao ng Diyos, at silang lahat ay ililigtas ni Jehova (sapagkat noon ay papatayin ni Jehova ang lahat ng mga panganay na lalaki ng Ehipto at panganay na mga tupa at baka). Ang kasunduang ito ay may dalawang antas ng kahulugan. Wala sa mga tao o mga alagang hayop ng Ehipto ang maihahatid ni Jehovah; papatayin Niya ang lahat ng kanilang panganay na lalaki at panganay na mga tupa at baka.