Kidlat ng Silanganan|Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (3)
Kapag ipinatutupad ng Diyos ang Kanyang gawain, Siya ay dumarating hindi upang makibahagi sa anumang pagtatayo o mga pagkilos; Siya ay dumarating upang tuparin ang kanyang ministeryo. Sa bawat pagkakataon na Siya ay nagiging katawang-tao, ito ay para lamang maisakatuparan ang isang yugto ng gawain at magbukas ng isang bagong kapanahunan. Ngayon ay Kapanahunan ng Kaharian, at ang tao ay pumasok sa pagsasanay ng kaharian. Ang yugtong ito ng gawain ay hindi gawain ng tao o para gawing ganap ang tao sa isang partikular na antas; ito ay para buuin ang isang bahagi ng gawain ng Diyos. Ang Kanyang gawain ay hindi ang gawain ng tao at hindi upang gawing ganap ang tao sa isang partikular na antas bago Niya lisanin ang lupa; ito ay upang lubos na tuparin ang Kanyang ministeryo at tapusin ang gawain na kailangan Niyang gawin, na gumawa ng angkop na pagsasaayos para sa Kanyang gawain sa lupa, sa gayon ay magiging maluwalhati. Ang gawain ng nagkatawang-tao na Diyos ay hindi tulad ng mga ginamit ng Banal na Espiritu.