Ang Isa na Kataas-taasan sa Ibabaw ng Lahat

12

08 Setyembre 2018

Ang Lihim na Katotohanan sa Mapanlupig na Gawa (2)

Mga Aklat, Mga Pagbigkas ni Cristo, Paghuhukom


Kidlat ng SilangananAng Lihim na Katotohanan sa Mapanlupig na Gawa (2)

Dati kayong naghangad na maghari bilang mga hari, at ngayon hindi pa rin ninyo ganap itong isinasantabi; nais pa rin ninyong mamahala bilang hari, upang hawakan ang langit at tumulong sa lupa. Ngayon, pag-isipan ito: Iyo bang taglay ang mga nasabing kwalipikasyon? Hindi ka ba nawawalan ng pakiramdam? Makatotohanan ba ang bagay na inyong hinahanap at pinagtutuunan ng pansin? Hindi man lang ninyo taglay ang normal na pagkatao—hindi ba ito kahabag-habag? Kaya, ngayon binanggit Ko lang ang pagiging nalupig, pagtaglay ng pagpapatotoo, pagpapabuti ng iyong kakayahan, at pagpasok sa landas ng pagiging perpekto, at wala nang ibang sasabihin. Pagod na ang ilang tao sa purong katotohanan, at kapag nakita nila ang lahat ng pag-uusap ng karaniwang normal na pagkatao at pagpapabuti ng kakayahan ng mga tao, sila ay nag-aatubili.

07 Setyembre 2018

Ang Lihim na Katotohanan sa Mapanlupig na Gawa (1)

Mga Aklat, Mga Pagbigkas ni Cristo, Katotohanan


Kidlat ng Silanganan |Ang Lihim na Katotohanan sa Mapanlupig na Gawa (1)

Ang sangkatauhan, labis nang sini-ra ni Satanas, ay hindi alam na may-roong Diyos at huminto na sa pag-samba sa Diyos. Sa simula, nang si Adan at Eba ay nilikha, ang kalu-walhatian ni Jehovah at ang patotoo ni Jehovah ay laging naririto. Ngunit matapos silang masira, ang tao ay nawalan ng kaluwalhatian at patotoo sapagkat ang lahat ay naghimagsik laban sa Diyos at sabay-sabay na huminto sa paggalang sa Kanya. Ang mapanlupig na gawa ngayon ay upang maibalik ang lahat ng patotoo at ka-luwalhatian, at ang lahat ng tao ay pasambahin sa Diyos, upang may-roong patotoo sa mga nilalang. Ito ang dapat na matapos sa hakbang na ito ng gawain. Paano ba talagang malulupig ang sangkatauhan? Ito ay magagawa sa pamamagitan ng mga ginawang salita upang lubos na mahikayat ang tao; sa pamamagitan ng paghahayag, paghatol, pagparusa, at ang walang-awang sumpa upang siya ay lubos na masupil; at sa pama-magitan ng paghayag ng pagkama-paghimagsik ng tao at paghatol sa kanyang paglaban upang malaman niya ang kasamaan at karumihan ng sangkatauhan, na gagamitin upang mabigyang-diin ang matuwid na ka-tangian ng Diyos.

06 Setyembre 2018

Umiiral ba ang Trinidad (Ikalawang bahagi)

Mga Aklat, Mga Pagbigkas ni Cristo, tatlong beses


Kidlat ng SilangananUmiiral ba ang Trinidad?(Ikalawang bahagi)


Maaari itong maging paalala para sa karamihan ng mga tao ang mga salita ng Diyos mula sa Genesis: “Lalangin natin ang tao sa ating larawan, ayon sa ating wangis”. Ipagpalagay na sinasabi ng Diyos na lalangin “natin” ang tao sa “ating” larawan, kung gayon ang “natin” ay nagpapakita ng dalawa o higit pa; yamang sinabi Niyang “natin,” kung gayon hindi lang iisa ang Diyos. Sa ganitong paraan, ang tao ay nagsimulang mag-isip nang pangkalahatan ukol sa magkakaibang mga persona, at mula sa mga salitang ito nagkaroon ng ideya ng Ama, ng Anak, at ng Banal na Espiritu.

05 Setyembre 2018

Umiiral ba ang Trinidad (Unang Bahagi)

Mga Aklat, Mga Pagbigkas ni Cristo, tatlong beses


Kidlat ng SilangananUmiiral ba ang Trinidad? (Unang Bahagi)


Noon lamang pagkatapos ng katotohanan na si Jesus ay maging tao saka naisip ito ng tao: Hindi lamang ang Ama sa langit, pati ang Anak din, at maging ang Espiritu. Ito ang karaniwang paniwala ng tao, na mayroong isang ganitong Diyos sa langit: isang Trinidad na yaon ang Ama, ang Anak, at ang Banal na Espiritu, lahat nasa isa. Ang lahat ng sangkatauhan ay may ganitong mga paniwala: Ang Diyos ay isang Diyos, ngunit binubuo ng tatlong mga bahagi, ang lahat ng mga ito ay matinding nakatanim sa karaniwang mga paniwala na ipinalalagay na ito ang Ama, ang Anak, at ang Banal na Espiritu. Yaong tatlong mga bahagi na pinag-isa ay ang kabuuan ng Diyos. Kung wala ang Banal na Ama, ang Diyos ay hindi magiging buo.

04 Setyembre 2018

Binubuo ng Dalawang Pagkakatawang-tao ang Kabuluhan ng Pagkakatawang-tao

Binubuo ng Dalawang Pagkakatawang-tao ang Kabuluhan ng Pagkakatawang-tao

Ang bawa’t yugto ng gawaing ginagawa ng Diyos ay may sariling praktikal na kabuluhan. Noong una, nang pumarito si Jesus, Siya ay lalaki, nguni’t sa pagkakataong ito Siya ay babae. Mula rito, makikita mo na nilikha ng Diyos ang kapwa lalaki at babae para sa kapakanan ng Kanyang gawain, at sa Kanya ay walang pagkakaiba ang kasarian. Kapag dumarating ang Kanyang Espiritu, maaari Niyang kunin ang anumang uri ng katawang-tao na gusto Niya at maaari Siyang katawanin ng katawang yaon. Maging lalaki man o babae, maaari nitong katawanin ang Diyos hangga’t ito ay Kanyang nagkatawang-taong lamán. Kung si Jesus ay nagpakita bilang isang babae nang Siya ay dumating, sa madaling salita, kung isang sanggol na babae, at hindi isang lalaki, ang ipinaglihi sa pamamagitan ng Banal na Espiritu, ang yugtong yaon ng gawain ay kapareho ding natapos.

Makapangyarihang Diyos, ang Puso Ko'y Sa'Yo

 I Kaninong mga salita ang pinakamatamis, at pinalakas ang aking espiritu?