Kidlat ng Silanganan|Ang Layunin ng Pamamahala sa Sangkatauhan
Kung maaari lamang na talagang lubos na maunawaan ng mga tao ang tamang landas ng buhay ng tao pati na din ang layunin ng pamamahala ng Diyos sa sangkatauhan, hindi nila panghahawakan ang kanilang indibidwal na kinabukasan at kapalaran bilang isang kayamanan sa kanilang puso. Hindi na nila nanaising magsilbi sa kanilang mga magulang na mas masahol pa sa mga baboy at mga aso. Ang kinabukasan ba at kapalaran ng tao ay hindi talaga ang kasalukuyang inaakala na “mga magulang” ni Pedro? Sila ay katulad lamang ng sariling laman at dugo ng tao. Ang destinasyon, ang kinabukasan ba ng laman ay ang makita ang Diyos habang nabubuhay, o para sa kaluluwa na makita ang Diyos pagkatapos ng kamatayan? Matatapos ba ang laman sa hinaharap sa isang malaking pugon tulad ng sa mga kapighatian, o ito ba ay sa nasusunog na apoy?