Ang Isa na Kataas-taasan sa Ibabaw ng Lahat

12

30 Oktubre 2018


Tagalog Christian Song | Ang Gawain ng Paghatol sa mga Huling Araw ay Upang Wakasan ang Kapanahunan


I
Ang mga huling araw 'di tulad ng Kapanahunan ng Biyaya't
Kapanahunan ng Kautusan.
Ang gawain sa huling araw ay hindi ginagawa sa Israel,
kundi sa mga Hentil.
Ito'y pagsakop ng lahat ng bansa sa harap ng trono ng Diyos.
L'walhati ng Diyos pupunuin ang kalawakan.

29 Oktubre 2018


Salita ng Buhay | "Ang Sangkap ni Cristo ay Pagtalima sa Kalooban ng Ama sa Kalangitan"


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ang nagkatawang-taong Diyos ay tinatawag na Cristo, at si Cristo ay ang katawang-tao na isinuot ng Espiritu ng Diyos. Ang laman na ito ay hindi katulad ng kahit sinong taong galing sa laman. Ang pagkakaibang ito ay dahil si Cristo ay hindi nagmula sa laman at dugo kundi Siya ang pagkakatawang-tao ng Espiritu. Siya ay may kapwa normal na pagkatao at ganap na pagka-Diyos.

28 Oktubre 2018

Tagalog Christian Movie-Bakit Nagkakatawang-Tao ang Diyos para Gawin ang Kanyang Gawain sa mga Huling Araw


Tagalog Christian Movie-Clip ng Pelikulang Umabot sa Huling Tren Caught the Last Train - Bakit Nagkakatawang-Tao ang Diyos para Gawin ang Kanyang Gawain sa mga Huling Araw

Sa mga huling araw, muling nagkatawang-tao ang Panginoon para ipahayag ang katotohanan at gawin ang Kanyang gawain ng paghatol simula sa mag-anak ng Diyos. Gayunman, maraming kapatid sa Panginoon ang patuloy na naniniwala na gumawa si Jehova bilang Espiritu sa Lumang Tipan at sa mga huling araw ay ipagpapatuloy ng Diyos ang gawain sa anyo ng Espiritu nang hindi na kailangan pang magkatawang-tao. Kaya bakit nagiging tao ang Diyos para gawin ang Kanyang gawain sa mga huling araw? Ano ang kaibhan ng gawain ng Diyos na nagkatawang-tao sa gawain ng Espiritu?

Rekomendasyon:Kristiyanismo tagalog

27 Oktubre 2018

Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VIII Ang Diyos ang Pinagmumulan ng Buhay ng Lahat ng Mga Bagay (II) (Unang bahagi)


Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VIII Ang Diyos ang Pinagmumulan ng Buhay ng Lahat ng Mga Bagay (II) (Unang bahagi)


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Nilikha ng Diyos ang lahat ng bagay at ginamit ang Kanyang mga sariling pamamaraan upang itakda ang mga kautusan ng paglago para sa lahat ng mga bagay, pati na rin ang kanilang pagpapatuloy sa paglago at mga parisan, at itakda din ang mga pamamaraan ng lahat ng bagay na nabubuhay sa mundong ito, upang maaari silang patuloy na mamuhay at dumepende sa isa’t isa.

26 Oktubre 2018

Kidlat ng Silanganan | Dapat Kang Mamuhay sa Katotohanan Dahil Naniniwala Ka sa Diyos


Kidlat ng Silanganan | Dapat Kang Mamuhay sa Katotohanan Dahil Naniniwala Ka sa Diyos

Ang karaniwang problema na umiiral sa lahat ng tao ay nauunawaan nila ang katotohanan ngunit hindi nila ito kayang isagawa. Ang isang sanhi ay ayaw magbayad ng halaga ang tao, at ang isa pa, masyadong di-sapat ang pang-unawa ng tao; hindi niya kayang makita ang nakalipas na mga paghihirap na umiiral sa tunay na buhay at hindi alam kung paano ang wastong pagsasagawa. Sa dahilang ang tao ay may maliit na karanasan, mahinang kakayahan, at limitadong pang-unawa ng katotohanan, hindi niya kayang malutas ang mga kahirapan na kanyang nararanasan sa buhay. Siya ay naglilingkod sa salita lamang sa kanyang pananampalataya sa Diyos , gayunpaman hindi nakikita ang Diyos sa kanyang araw-araw na buhay.

Makapangyarihang Diyos, ang Puso Ko'y Sa'Yo

 I Kaninong mga salita ang pinakamatamis, at pinalakas ang aking espiritu?