Ang Isa na Kataas-taasan sa Ibabaw ng Lahat

12

17 Disyembre 2018

Kidlat ng Silanganan | Ang Gawain ng Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ay Ang Gawain Din ng Pagliligtas ng Tao



Kidlat ng SilangananAng Gawain ng Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ay Ang Gawain Din ng Pagliligtas ng Tao


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Sa pangwakas na kapanahunang ito, dadakilain ang Aking pangalan sa mga bansang Gentil, dahilan upang makita ng mga Gentil ang Aking mga gawa, na maaari nila Akong tawaging ang Makapangyarihan sa lahat dahil sa Aking mga gawa, at magawa ito upang ang Aking mga salita ay maaaring malapit nang matupad. Gagawin Kong malaman ng lahat ng tao na hindi lamang Ako ang Diyos ng mga Israelita, kundi ang Diyos rin ng lahat ng mga bansa ng mga Gentil, kahit na iyong Aking isinumpa.

16 Disyembre 2018

Ebangheliyong pelikula "Paggising Mula sa Panaginip" | The Mystery of Entering the Kingdom of Heaven


Ebangheliyong pelikula "Paggising Mula sa Panaginip" | The Mystery of Entering the Kingdom of Heaven


Si Yu Fan ay kagaya lang ng maraming iba na nananalig sa Panginoong Jesus—ipinalagay niya na nang ipako sa krus ang Panginoong Jesus, pinatawad na Niya ang sangkatauhan sa kanilang mga kasalanan, na nagtamo na siya ng katuwiran sa pamamagitan ng kanyang pananampalataya, at na basta’t isuko lang niya ang lahat at naglingkod siya nang husto sa Panginoon, pagbalik ng Panginoong Jesus tiyak na papasok siya sa kaharian ng langit. Pero nagduda ang kanyang mga kapanalig: Napatawad na tayo sa pananalig sa Panginoon at makapagsasakripisyo tayo at makapaglilingkod sa Panginoon, pero madalas tayong magkasala at nilalabanan natin ang Panginoon.

15 Disyembre 2018

Kidlat ng Silanganan | Mga Pagsasalaysay | "Ang Kapanahunan ng Kaharian ay ang Kapanahunan ng Salita" (Ikalawang Bahagi)


Kidlat ng SilangananMga Pagsasalaysay   | "Ang Kapanahunan ng Kaharian ay ang Kapanahunan ng Salita" (Ikalawang Bahagi)


    Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Sa Kapanahunan ng Kaharian, ginagamit ng Diyos ang salita upang ihatid ang isang bagong kapanahunan, upang baguhin ang paraan ng Kanyang gawain, at upang gawin ang gawain para sa buong kapanahunan. Ito ang panuntunan ng paggawa ng Diyos sa Kapanahunan ng Salita. Siya ay nagkatawang-tao upang magsalita mula sa iba’t-ibang pananaw, binibigyang-kakayahan ang tao na tunay na makita ang Diyos, na Siyang Salita na nagpapakita sa katawang-tao, at ang Kanyang karunungan at himala.

14 Disyembre 2018

Kidlat ng Silanganan | Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | "Ang Diyos ay nasa Langit at Nasa Lupa Rin"


Kidlat ng Silanganan | Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | "Ang Diyos ay nasa Langit at Nasa Lupa Rin"


I
Ang Diyos ay praktikal sa puso ng mga tao,
kapag Siya'y nasa lupa.
Sa langit,
ang Diyos ang Tagapamahala ng lahat ng mga nilalang.
Minsang naglakbay ang Diyos sa mga bundok at sa mga tubig,
marahan Siyang lumakad kasama ng sangkatauhan.
Sinong mangangahas labanan sa publiko
ang praktikal na Diyos Mismo?
Sinong mangangahas na lumabas
sa pamamahala ng Makapangyarihan?
Sinong mangangahas na magsabi
nang walang pagdududa na ang Diyos ay nasa langit?
At sinong mangangahas na magsabing ang Diyos
ay siguradong nasa lupa?
Walang siguradong makapagsasabi kung
nasaan talaga Yang Diyos.
Walang siguradong makapagsasabi kung nasaan ang Diyos.

13 Disyembre 2018

Ang mga Hindi Kaayon kay Kristo ay Tiyak na Kalaban ng Diyos

Mga Pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos Ang mga Hindi Kaayon kay Kristo ay Tiyak na Kalaban ng Diyos_compressed

Kidlat ng Silanganan—Pagbigkas ng Diyos | Ang mga Hindi Kaayon kay Kristo ay Tiyak na Kalaban ng Diyos


Ang lahat ng tao ay nais na makita ang tunay na mukha ni Jesus at nagnanais na makasama Siya. Naniniwala ako na wala sa mga kapatid na lalaki o kapatid na babae ang magsasabi na hindi niya gustong makita o makasama si Jesus. Bago ninyo nakita si Jesus, iyon ay, bago niyo pa nakita ang nagkatawang-taong Diyos, magkakaroon kayo ng maraming mga saloobin, halimbawa, tungkol sa hitsura ni Jesus, ang Kanyang paraan ng pagsasalita, ang Kanyang paraan ng pamumuhay, at iba pa. Gayunman, kapag nakita niyo na Siya, ang inyong mga saloobin ay mabilis na magbabago. Bakit ganoon? Nais ninyo bang malaman? Bagaman hindi maaaring balewalain ang pag-iisip ng tao, mas hindi maaaring kunsitihin ng tao na baguhin ang sangkap ni Kristo. Isinaalang-alang ninyo si Kristo bilang isang imortal, isang pantas, ngunit walang kumikilala kay Kristo bilang isang mortal na may maka-Diyos na sangkap. Samakatuwid, marami sa mga taong nananabik nang araw at gabi upang makita ang Diyos ay talagang kaaway ng Diyos at hindi kaayon sa Diyos. Hindi ba ito isang kamalian sa parte ng tao? Kahit ngayon, iniisip niyo pa rin na ang inyong paniniwala at katapatan ay magsisilbing karapat-dapat na makita ang mukha ni Kristo, ngunit pinapayuhan ko kayong sangkapan ang inyong sarili sa mas konkretong mga bagay!

Makapangyarihang Diyos, ang Puso Ko'y Sa'Yo

 I Kaninong mga salita ang pinakamatamis, at pinalakas ang aking espiritu?