Pinakahuli Mga Video | New Tagalog Christian Movie Trailer | "Pagtakas mula sa Yungib ng Diablo" | God Is My Refugee
Ang kanyang pangalan ay Zhang at siya ay isang Kristiyano na kabilang sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Dahil naniniwala siya sa Diyos, siya ay palihim na minanmanan ng pamahalaan ng Komunistang Tsino at nahuli ng kanilang pulisya. Pinilit siya ng pulisya na ipagkanulo ang mga pinuno ng iglesia gayundin ang mga gugulin ng iglesia. Tinangka nilang gamiting sandata ang kanyang mga kaanak upang guluhin ang kanyang isip. Pinalibutan nila siya at hindi siya hinayaang matulog sa loob ng kalahating buwan upang sirain ang kanyang loob. Hinarap niya ang walang tigil na pagpapahirap ng pulisya ng Komunistang Partido ng Tsino. Siya ay nagpatuloy sa isang lubhang nakatutuliro, nakatatakot na kalagayan. Sa mapanganib na kapaligirang ito, paulit-ulit siyang nanalangin sa Diyos at hiniling sa Diyos na ingatan siya upang siya ay makapanindigan at makapagpatotoo. Sa ilalim ng paggabay at pangunguna ng salita ng Makapangyarihang Diyos, napagtagumpayan niya ang masamang mga pakana ng pulisya at napaglabanan niya ang kanilang paulit-ulit na pagpapahirap.