Ang Isa na Kataas-taasan sa Ibabaw ng Lahat

12

05 Enero 2019

Kristianong Awitin | "Lahat ng Bagay ay Nasa Kamay ng Diyos" (Tagalog song)



Kristianong Awitin | "Lahat ng Bagay ay Nasa Kamay ng Diyos" (Tagalog song)


I
Minsan nasabi ng Diyos ang gayong mga salita:
Ang sinasabi ng Diyos ay maasahan, at ito ay mangyayari,
hindi mababago ng sinuman.
Hindi mahalaga kung itong mga salita ay nasabi na
o sasabihin pa lamang,
lahat ng ito'y matutupad, upang makita ng lahat:
Ito ang prinsipyo sa likod ng gawain ng mga salita ng Diyos.
Lahat sa sansinukob ay ipinapasya ng Diyos.
Ano ang wala sa mga kamay ng Diyos?
Anuman ang sinasabi ng Diyos ay mangyayari.
Sino ang maaaring magbago ng kalooban ng Diyos?
Maaaring ito ba ang tipan na ginawa ng Diyos sa lupa?

04 Enero 2019

Salita ng Diyos | Pagpapanumbalik sa Normal na Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa Isang Kamangha-manghang Hantungan


Kidlat ng Silanganan—Pagbigkas ng Diyos | Pagpapanumbalik sa Normal na Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa Isang Kamangha-manghang Hantungan


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Sa oras na ang gawain ng panlulupig sa tao ay makumpleto na, ang tao ay dadalhin sa isang magandang mundo. Ang buhay na ito ay magiging, walang duda, sa mundo pa rin, ngunit ito ay ganap na hindi magiging kagaya ng buhay ng tao sa ngayon. Ito ang buhay na kakamtin ng sangkatauhan matapos na ang sangkatauhan ay ganap nang malupig, ito ay magiging bagong simula ng tao sa mundo, at para sa sangkatauhan na magkaroon ng gayong buhay ay magiging katibayan na ang sangkatauhan ay nakapasok na sa isang bago at magandang kaharian. Ito ang magiging simula ng buhay ng tao at Diyos sa lupa. Ang saligan ng gayong kagandang buhay ay marahil, matapos ang tao ay malinis at malupig, siya ay susuko sa harap ng Lumikha. At kaya, ang gawain ng panlulupig ay ang huling yugto ng gawain ng Diyos bago pumasok ang tao sa kamangha-manghang hantungan.

03 Enero 2019

Filipino Variety Show | "Paano ba Talaga Darating ang Panginoon" | Have You Welcomed the Lord?


Filipino Variety Show | "Paano ba Talaga Darating ang Panginoon" | Have You Welcomed the Lord?


Sa mga huling araw, lalong umiigting ang pakiramdam ng mga Kristiyanong naghihintay sa pagbabalik ng Panginoong Jesus, ngunit paano nga ba talaga magbabalik ang Panginoon? Sinasabi ng ilan, "Darating ang Panginoong Jesus kasama ng mga ulap". Sinasabi naman ng iba, "Ang mga propesiyang humuhula sa Kaniyang pagbabalik ay sinasabi ring, "Narito, ako’y pumaparitong gaya ng magnanakaw" (Pahayag 16:15). "Datapuwa't kailangan muna siyang magbata ng maraming bagay, at itakuwil ng lahing ito" (Lucas 17:25). "Datapuwa't pagkahating gabi ay may sumigaw,Narito, ang kasintahang lalake; magsilabas kayo upang salubungin siya" (Mateo 25:6).

02 Enero 2019

Kidlat ng Silanganan | Mga Movie Clip | Ibunyag ang Misteryo Tungkol sa Biblia (2) "Natuklasan: Ang Kaugnayan ng Diyos sa Biblia"


Kidlat ng Silanganan | Mga Movie Clip | Ibunyag ang Misteryo Tungkol sa Biblia (2) "Natuklasan: Ang Kaugnayan ng Diyos sa Biblia"


Naniniwala ang mga pastor at elder ng mga relihiyon na lahat ng salita at gawain ng Diyos ay nasa loob ng Biblia, na kumpleto na ang pagliligtas ng Diyos at basta’t ibinabase ng mga tao sa Biblia ang kanilang paniniwala sa Panginoon at nananangan sila sa Biblia, maaari silang madala at makapasok sa kaharian ng langit. Talaga bang ganito ang nangyayari? Ang Diyos ba ang makapagliligtas sa atin, o ang Biblia?

01 Enero 2019

Tanong 1: Pinatototohanan n’yo na nagbalik na ang Panginoong Jesus, at na Siya ay nagpakita at gumawa sa China, naniniwala ako na ito ay totoo dahil ito ang ipinropesiya ng Panginoong Jesus sa Biblia: “Sapagka’t gaya ng kidlat na kumikidlat sa silanganan, at nakikita hanggang sa kalunuran; gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao” (Mateo 24:27). Pero palagay namin babalik ang Panginoon sa mga huling araw para dalhin tayo sa kaharian ng langit, o dapat man lang Niya tayong iangat sa mga ulap para salubungin Siya sa hangin. Tulad nga ng sinabi ni Pablo sa Biblia, “Kung magkagayon, tayong nangabubuhay, na nangatitira ay aagawing kasama nila sa mga alapaap, upang salubungin ang Panginoon sa hangin: at sa ganito’y sasa Panginoon tayo magpakailan man” (1Tesalonica 4:17). Pero bakit hindi pa dumarating ang Panginoon na tulad ng nakasaad sa Biblia? Ano ang kinalaman ng gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw sa pagdadala sa atin sa kaharian ng langit?

        Sagot: Maraming taong naniniwala na pagbalik ng Panginoon, iaangat Niya ang mga nananalig sa hangin para makasalubong sila. Ang sinasabi n’yo ay batay sa salita ni Pablo, hindi sa Panginoon. Wala tayong paraan para masabi kung ang salita ni Pablo ay nagmula sa ideya ng tao o pagliliwanag ng Banal na Espiritu. Ito ang sinasabi ng Panginoong Jesus sa pagpopropesiya tungkol sa Kanyang pagbalik: “Nguni’t tungkol sa araw at oras na yaon walang makakaalam, kahit ang mga anghel sa langit, kahit ang Anak, kundi ang Ama lamang” (Mateo 24:36). Sinabi ito ng Panginoon nang napakalinaw. Pagbalik Niya, walang makakaalam. Maliban sa Diyos, kahit ang mga anghel ay hindi ito malalaman. Ayon sa ideya n’yo, yaong mga nananalig sa Panginoon ay iaangat sa hangin para salubungin Siya sa ulap. May batayan ba para dito sa mga salita ng Diyos?

Makapangyarihang Diyos, ang Puso Ko'y Sa'Yo

 I Kaninong mga salita ang pinakamatamis, at pinalakas ang aking espiritu?