Ang Isa na Kataas-taasan sa Ibabaw ng Lahat

12

16 Enero 2019

Kidlat ng Silanganan | "Bilangguang Walang Pader" | The CCP's Tracking Service for Christians


Kidlat ng Silanganan | "Bilangguang Walang Pader" | The CCP's Tracking Service for Christians


Ang crosstalk na Bilangguang Walang Pader ay nagsasalaysay ng kuwento ni Han Mei, nangibang-bansa at nagbalik-tanaw sa mapait niyang karanasan bilang isang Kristianong namumuhay noon sa ateistang Tsina. Si Han Mei ay inaresto ng mga pulis ng CCP dahil sa pangangaral niya ng ebanghelyo, pero kahit matapos siyang palayain, hindi pa rin niya nagawang takasan ang masamang kamay ng pamahalaan ng CCP. Sa kagustuhan nilang isuko niya ang kanyang pananampalataya, hindi sila tumigil sa pagbabantay at pagkontrol sa kanya: sinusubaybayan siya ng mga surveillance device, bugs, at biglaang pagdalaw, pagbuntot ng mga naka-sibilyang pulis, at sinusundan siya hanggang sa labas ng bayan niya.

15 Enero 2019

Mga Pagsasalaysay | Ang Diyos Mismo, ang Natatangi II Ang Matuwid na Disposisyon ng Diyos (Ikaapat na bahagi)


Mga Pagsasalaysay | Ang Diyos Mismo, ang Natatangi II Ang Matuwid na Disposisyon ng Diyos (Ikaapat na bahagi)


Ang mga salita ng Diyos sa video na ito ay mula sa librong "Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao" Ang nilalaman ng video na ito: Ang Tunay na Pagsisisi sa Puso ng mga Taga-Ninive ang Nagdulot sa Kanila ng Awa ng Diyos at Nagpabago sa Kanilang Sariling Kahihinatnan Ang Awa at Pagpaparaya ng Diyos ay Hindi Bihira—Ang Totoong Pagsisisi ng Tao ang Ganoon Ang Matuwid na Disposisyon ng Manlilikha ay Tunay at Malinaw Ang Tapat na Damdamin ng Manlilikha sa Sangkatauhan Ipinapahayag ng Manlilikha ang Kanyang Tunay na Nararamdaman sa Sangkatauhan

14 Enero 2019

Tagalog Christian Movies | Clip ng Pelikulang (4) "Talaga Bang Kinasihan ng Diyos ang Buong Biblia?"



Tagalog Christian MoviesClip ng Pelikulang (4) "Talaga Bang Kinasihan ng Diyos ang Buong Biblia?"


Halos lahat ng tao sa mga relihiyon ay naniniwala na "ang buong kasulatan ay ibinigay sa pamamagitan ng inspirasyon ng Diyos," at lahat ng nasa Biblia ay salita ng Diyos. Umaayon ba sa mga tunay na pangyayari ang ganitong klaseng pahayag? Ang Biblia ay patotoo lamang tungkol sa Diyos, isang talaan ng Kanyang gawain, at hindi ganap na binubuo ng Kanyang mga binigkas. Sa loob ng Biblia, tanging ang mga salita ng Diyos na si Jehova, mga salita ng Panginoong Jesus, mga propesiya ng Pahayag at mga salita sa mga propeta na ibinigay sa pamamagitan ng inspirasyon ng Diyos, ang salita ng Diyos.

13 Enero 2019

Tagalog praise and worship Songs | “Sinusundan Mo Ba ang Kasalukuyang Gawain ng Diyos”


Awit at Papuri | “Sinusundan Mo Ba ang Kasalukuyang Gawain ng Diyos”


I
Kung hindi mo kayang sundan ang liwanag ngayon,
kung gayon may agwat sa pagitan mo at ng Diyos,
ang ugnayang iyon ay maaaring naputol na,
ikaw ay walang normal na espirituwal na buhay.
Ang normal na relasyon sa Diyos ay naitatatag
sa pagtanggap sa mga salita ng Diyos ngayon.
Ikaw ba'y may normal na espirituwal na buhay
at tamang relasyon sa Diyos?
Sinusundan mo ba ang daloy ng Banal na Espiritu?
Nakalabas ka na ba mula sa kalagayang walang pag-unlad?

12 Enero 2019

Tanong 1: Pero sabi mo nagkatawang-tao ang Diyos sa mga huling araw para gawin ang gawaing paghatol. May batayan ba ito sa Biblia, o tinutupad ang anumang mga propesiya sa biblia? Kung walang batayan sa biblia, hindi natin dapat paniwalaan ito kaagad.

Sagot: Anumang malalaking insidente ng gawain ng Diyos ay iprinopesiya sa Biblia, at marami-rami rin ang mga propesiyang nauugnay sa pangalawang pagdating ng Panginoong Jesus at gawaing paghatol ng Diyos sa mga huling araw. Pero dapat nating maintindihan na sinasabi lang ng mga propesiya sa mga tao kung ano ang mangyayari. Paalala ang mga ito para maging mapagSalita ng Diyosmatyag ang mga tao at maghanap at magsiyasat nang mabuti sa mga huling araw, para hindi sila abandonahin o alisin ng Diyos. Iyan lang ang magagawa ng mga propesiya. Hindi tayo matutulungan ng mga propesiya na malaman ang gawain ng Diyos, o maintindihan ang katotohanan, o tulungan tayong sumunod sa Diyos, o dagdagan ang ating pagmamahal sa Diyos. Kaya ang pinakamabuting gawin natin ay ang direktang siyasatin ang mga salitang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos, at ang ginawa Niyang gawain, at mula sa mga ito ipasya kung talagang tinig at pagpapahayag ng Diyos ang mga ito. Iyan ang pinakamahalaga at pinakamatalinong hakbang. Mas makatotohanan ito at nakakatulong kaysa sa paghahanap ng batayan sa mga propesiya sa biblia. Alam nating lahat na noong dumating ang Panginoong Jesus para magsagawa ng gawain, unti-unti lang na nakilala ng mga alagad at nananampalataya na sumunod sa Kanya, sa pamamagitan ng Kanyang gawain at mga salita, na ang Panginoong Jesus ang Cristo, ang Tagapagligtas na iprinopesiyang darating. Alam na alam ng mga dakilang saserdote, kalihim, at Fariseo na nakakaalam sa mga kautusan at nag-aral sa Biblia na mga katotohanan at may kapangyarihan ang mga salita ng Panginoong Jesus, pero dahil namumuhi sila sa katotohanan, hindi lang sila tumangging sundin ang Panginoong Jesus, gumamit sila ng mga sulat at patakaran sa Biblia para kontrahin at kondenahin ang Panginoong Jesus, at sa huli ay ipinako Siya sa krus. Ipinapakita nito sa atin na hindi tayo maaakay o magagabayan ng Biblia para tanggapin ang pagbabalik ng Panginoon.

Makapangyarihang Diyos, ang Puso Ko'y Sa'Yo

 I Kaninong mga salita ang pinakamatamis, at pinalakas ang aking espiritu?