Ang Isa na Kataas-taasan sa Ibabaw ng Lahat

12

02 Marso 2019

Tanong 9: Tinatanggap natin ang gawain ng Diyos ng mga huling araw, ngunit paano natin mararanasan ang paghatol at pagkastigo ng Diyos upang matanggap natin ang katotohanan at buhay, tanggalin ang ating makasalanang kalikasan, at makamit ang kaligtasan upang pumasok sa kaharian ng langit?

Sagot: Paano mararanasan ang paghatol at pagkastigo ng Diyos upang matanggap ang katotohanan at buhay at tanggalin ang ating makasalanang kalikasan upang makamit ang kaligtasan at pumasok sa kaharian ng langit, Ang tanong na inilabas ninyo ay napakahalaga, dahil nauugnay ito sa malalaking usapin ng ating katapusan at hantungan. Upang hanapin ang aspetong ito ng katotohanan, dapat muna nating basahin ang ilang sipi ng salita ng Makapangyarihang Diyos:

“Ang tunay na pananampalataya sa Diyos ay nangangahulugan ng pagdanas sa mga salita at gawain ng Diyos na batay sa isang paniniwala na ang Diyos ang may tangan ng kapangyarihan sa lahat ng mga bagay. Sa gayon ikaw ay mapapalaya mula sa iyong tiwaling disposisyon makakatupad sa hangarin ng Diyos at makakikilala sa Diyos. Tanging sa ganoong paglalakbay maaaring masabing ikaw ay naniniwala sa Diyos”

(Punong Salita sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

01 Marso 2019

Ang Bumalik na Mga Salita ng Panginoong Jesus | Kabanata 88

Hindi talaga maguni-guni ng mga tao ang lawak kung gaano napabilis ang Aking tulin: Kamangha-mangha ito na naganap na di-maarok ng tao. Simula sa paglikha ng mundo, nakapagpapatuloy ang Aking tulin at hindi kailanman napatigil ang Aking gawain. Nagbabago araw-araw ang buong mundong sansinukob, at palaging nagbabago rin ang mga tao. Lahat ng mga ito ang Aking gawain, lahat Aking plano, at higit pa nga, Aking pamamahala—walang taong nalalaman o nauunawaan ang mga bagay na ito. Tanging kapag Ako Mismo ang nagsabi sa inyo, tanging kapag nakikipag-usap Ako sa inyo nang mukhaan may nalalaman kayo kahit kaunti; kung hindi, talagang walang sinumang nakakaalam ng kayarian ng Aking plano ng pamamahala. Gayon ang Aking dakilang kapangyarihan at higit pa ang Aking mga kamangha-manghang pagkilos, na walang makapagbabago. Kaya nga, kung ano ang sinasabi Ko ngayon ay nangyayari, at hindi ito basta mababago. Sa mga pagkaunawa ng tao wala kahit katiting na kaalaman sa Akin—lahat ng ito ay walang katuturang daldalan! Huwag isipin na tama na sa’yo o puno ka na! Sinasabi Ko sa'yo, malayo pa ang lalakbayin mo! Sa Aking buong plano ng pamamahala, maliit lang ang alam ninyo, kaya dapat kayong makinig sa sinasabi Ko at gawin anumang sinasabi Ko sa inyo na gawin. Kumilos ayon sa Aking nais sa lahat at tiyak na magkakaroon kayo ng pagpapala Ko; makatatanggap ang sinumang naniniwala, samantalang sinumang hindi naniniwala ay magkakaroon ng “wala” na ginuguni-guni niyang natupad sa kanya. Ito ang Aking pagkamakatuwiran, at, higit pa, ito ang Aking kamahalan, poot, at pagkastigo—hindi Ko pinalalagpas ang kaninumang puso o isip, ni ang kanilang bawat pagkilos.

Pagkarinig sa Aking mga salita karamihan sa mga tao ay natatakot at nanginginig na nakakunot ang noo. Nakagawa ba Ako ng mali sa'yo? Maaari ba na ikaw ay hindi isa sa mga anak ng malaking pulang dragon? Nagkukunyari kang mabait! At nagkukunyari na Aking panganay na anak! Iniisip mo ba na bulag Ako? Iniisip mo ba na hindi Ko maaaring kilalanin ang kaibahan ng mga tao? Ako ang Diyos na sumisiyasat sa kaloob-loobang puso ng mga tao: Ito ang sinasabi Ko sa Aking mga anak at kung ano rin ang sinasabi Ko sa inyo—ang mga anak ng malaking pulang dragon. Malinaw Kong nakikita ang lahat, na walang mali paanuman. Papaanong hindi Ko malalaman kung ano ang ginagawa Ko? Napakalinaw Ko tungkol dito!

28 Pebrero 2019

Tagalog Christian Movies | Mga Movie Clip | Ang Magandang Sagot ng Isang Kristiyano sa mga Pagkaunawa ng Isang Three-Self Pastor


Tagalog Christian MoviesMga Movie Clip |  Ang Magandang Sagot ng Isang Kristiyano sa mga Pagkaunawa ng Isang Three-Self Pastor



Inanyayahan ng CCP ang isang pastor ng Three-Self Church para subukang i-brainwash at kumbinsihin ang isang Kristiyano. Nagpasimula ang Kristiyano at ang pastor ng isang magandang debate bilang tugon sa mga haka-hakang sinabi ng Three-Self pastor. Paano lalabanan ng Kristiyanong ito ang pastor? Bakit mabibigo ang pagtatangkang ito ng CCP na mag-brainwashi at mangumbinsi?

    Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw.

27 Pebrero 2019

Mga Pagbigkas ng Bumalik na Panginoong Jesus | Kabanata 87

Dapat madaliin ang bilis at gawin ang nais Kong gawin. Ito ang Aking sabik na layunin para sa inyo. Puwede kaya na sa panahong ito hindi ninyo pa rin nauunawaan ang kahulugan ng Aking mga salita? Puwede kaya na hindi ninyo pa rin nalalaman ang Aking layunin? Nakapagsalita na Ako nang higit at higit pang malinaw, at nagsalita nang higit at higit pa, pero hindi pa ba ninyo nagagawa ang pagsisikap na subukang alamin ang kahulugan ng Aking mga salita? Satanas, huwag guni-gunihin na mawawasak mo ang Aking plano! Yaong mga gumagawa ng serbisyo para kay Satanas, iyan ay, ang supling ni Satanas (tumutukoy ito sa yaong mga naaangkin ni Satanas. Kaya tiyak na may buhay ni Satanas yaong mga naaangkin ni Satanas, kung kaya sinasabi na supling ni Satanas), nagmamakaawa sa paanan Ko, nananangis at nagngangalit ang mga ngipin, pero hindi Ko gagawin ang gayong kahangal na bagay! Mapapatawad Ko ba si Satanas? Madadala Ko ba ang pagliligtas kay Satanas? Imposible ito! Ginagawa Ko ang sinasabi Ko at hindi Ko kailanman pinagsisihan ito!

Anumang sabihin Ko ay nagsisimulang umiral, hindi ba gayon? Pero palagi pa rin ninyo Akong hindi pinagtitiwalaan, pinagdududahan ang Aking mga salita, at iniisip na nakikipagbiruan Ako sa inyo. Talagang katawa-tawa iyan. Ako ang Diyos Mismo!

26 Pebrero 2019

Mga Pagsasalaysay ng Salita ng Diyos | Ang Diyos Mismo, Ang Natatangi X (Ikatlong Bahagi)



Mga Pagsasalaysay ng Salita ng DiyosAng Diyos Mismo, Ang Natatangi X (Ikatlong Bahagi)


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Sa mga kasiyahan at kalungkutan ng pagkakahiwalay at pagkatapos ay muling nakasama ang tao, hindi kami nakakapagpalitan ng mga saloobin. Magkabukod sa langit sa itaas at sa ibaba sa lupa, hindi namin magawa ng tao na magtagpo nang palagian. Sino ang nakakalaya mula sa galimgim? Sino ang nakakapigil sa pag-alala sa nakaraan? Sino ang hindi masasabik na umasam sa pagpapatuloy ng masayang damdamin ng nakaraan? Sino ang hindi umaasa sa Aking pagbabalik? Sino ang hindi nagnanais sa muli Kong pakikiisa sa tao? Malalim ang pagkabagabag ng Aking puso, at matindi ang pag-aalala ng espiritu ng tao. Bagama’t pareho ang aming mga espiritu, hindi kami maaaring magkasama nang madalas, at hindi namin maaaring makita ang isa’t isa nang madalas....Kapag malakas ang kanilang pagmamakaawa, inilalayo Ko ang mukha Ko sa kanila, hindi Ko na kayang saksihan ito; gayunpaman, paanong hindi Ko maririnig ang tunog ng kanilang mga pag-iyak? Itatama Ko ang mga kawalan-ng-hustisya sa mundo ng tao. Personal Kong gagawin ang Aking gawain sa buong mundo, hindi Ko na hahayaan si Satanas na muling saktan ang Aking bayan, pagbabawalan Ko ang mga kaaway na gawin muli ang anumang gusto nila. Magiging Hari Ako sa lupa at ililipat Ko ang Aking trono doon, payuyukuin Ko ang lahat ng Aking mga kaaway sa lupa at ipakukumpisal ang kanilang mga krimeng nagawa sa Aking harapan. Tatapakan Ko ang buong sansinukob dahil sa magkahalong lungkot at galit Ko, walang isa mang itinitira, at sinisindak ang lahat ng Aking mga kaaway.

Makapangyarihang Diyos, ang Puso Ko'y Sa'Yo

 I Kaninong mga salita ang pinakamatamis, at pinalakas ang aking espiritu?