Ang Isa na Kataas-taasan sa Ibabaw ng Lahat

12

09 Marso 2019

Kidlat ng Silanganan | Mga Pagsasalaysay ng Salita ng Diyos | "Ang Diyos Mismo, Ang Natatangi X"(Pagpapatuloy ng Ikalawang bahagi)



Kidlat ng Silanganan | Mga Pagsasalaysay ng Salita ng Diyos | "Ang Diyos Mismo, Ang Natatangi X"(Pagpapatuloy ng Ikalawang bahagi)


Ang mga salita ng Diyos sa video na ito ay mula sa librong "Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao" Ang nilalaman ng video na ito: 2) Ang Pag-inog ng Buhay at Kamatayan ng Iba’t Ibang Tao na Mayroong Panampalataya

08 Marso 2019

Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw | "Ang Diyos Mismo, Ang Natatangi X" (Ikalawang Bahagi)


Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw | "Ang Diyos Mismo, Ang Natatangi X" (Ikalawang Bahagi)


Ang mga salita ng Diyos sa video na ito ay mula sa librong "Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao" Ang nilalaman ng video na ito:
1. Paano Pinamamahalaan at Pinangangasiwaan ng Diyos ang Espirituwal na Mundo
1) Ang Pag-inog ng Buhay at Kamatayan ng Mga Taong Hindi Sumasampalataya

    Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw.Binubuo ito ng lahat ng mga taong tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nilupig at niligtas ng Kanyang mga salita.

07 Marso 2019

Tanong 6: Sabi n’yo pag gusto ng mga tao na mapawalang-sala at malinis, kailangan nilang tanggapin ang paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Pa’no naman hinahatulan at nililinis ng Diyos ang mga tao sa mga huling araw? Sa nakalipas na mga taon na nanalig ako sa Panginoon, akala ko maganda kung dumating ang oras na hindi na nagkakasala ang mga tao. Noon, akala ko, hindi na magiging masaklap ang buhay!

Sagot: Tungkol sa kung pa’no hinahatulan at nililinis ng Makapangyarihang Diyos ang mga tao sa mga huling araw, basahin natin ang ilansa mga salita ng Makapangyarihang Diyos! “Nang ang Diyos ay naging katawang-tao sa panahong ito, ang gawain Niya’y ipahayag ang Kanyang disposisyon, sa pamamagitan nga ng paghatol. Gamit itong pundasyon, nagdadala Siya ng higit na katotohanan sa tao, nagpapakita ng mga paraan ng pagsasagawa, at sa gayon ay nakakamit ang Kanyang layunin ng panlulupig sa tao at pagliligtas sa tao mula sa kanyang masamang disposisyon. Ito ang nasa likod ng gawain ng Diyos dito sa Panahon ng Kaharian” (Punong Salita sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

    “Sa mga huling araw Si Cristo ay gumagamit ng sari-saring mga katotohanan upang mangaral, ibinubunyag ang diwa ng tao at Sinusur ang kanyang mga salita at gawa. Ang mga salitang ito ay binubuo ng iba’t-ibang mga katotohanan, gaya ng tungkulin ng tao, paano dapat sundin ng tao ang Diyos, paano dapat maging tapat ang tao sa Diyos, paano dapat isabuhay ng tao ang normal na pagkatao, gayundin ang karunungan at disposisyon ng Diyos, at iba pa. Ang mga salitang ito ay nakatuon lahat sa diwa ng tao at sa kanyang masamang disposisyon.

06 Marso 2019

Tanong 10: Maraming kapatid na nananalig sa Panginoon ang hindi pa nalilinawan at naniniwala rito: Tinubos tayo ng Panginoong Jesus mula sa ating mga kasalanan at itinuturing na Niya tayong natubos na mula sa kasalanan. Basta’t nagdurusa tayo at nagsasakripisyo para ikalat ang ebanghelyo ng Panginoon, at kumikilos tayo nang maayos at tumatayo ring mga saksi, pagdating ng Panginoon dapat tayong madala sa kaharian ng langit. Susundin natin ang Panginoon hanggang wakas, hindi natin Siya nilalabanan o tinatanggihan ang Kanyang pangalan, kaya bakit kailangan pa rin tayong sumailalim sa gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw?

Sagot: Maraming nananalig sa Panginoon ang naniniwala sa pinaniniwalaan mo: ‘Basta’t magsumikap lang ako at magpasan ng krus para sa Panginoon, magpakita ng ilang magagandang pag-uugali at magpatotoo nang maayos, magiging karapat-dapat akong maghintay sa pagbalik ng Panginoon at madala sa kaharian ng langit.’ Lubos na makatwiran ito para sa mga tao, pero kalooban ba iyan ng Diyos? Pinatutunayan ba iyan ng Kanyang mga salita? Kung hindi, tiyak na ang ideyang ito ng tao ay nagmumula sa mga haka-haka at imahinasyon ng tao. Kung gugunitain noong madalas ipaliwanag ng mga Fariseo ang mga banal na kasulatan sa mga sinagoga, mukhang mahigpit nilang sinusunod ang mga utos, patakaran, at kautusan, at sa tingin ng iba ay napakarelihiyoso nila at marangal ang kanilang pag-uugali. Pero bakit hibang nilang nilabanan at tinuligsa ang Panginoong Jesus at ipinako pa Siya sa krus? Nagpapatunay iyan na maaaring magsumikap ang mga tao para sa Panginoon at kumilos nang maayos sa publiko pero hindi ibig sabihin ay sinusunod at minamahal nila ang Diyos sa kanilang puso. Ang pagpapakita ng kabanalan ay hindi kumakatawan sa pusong pumupuri at nagpipitagan sa Diyos. Maaaring madalas ipaliwanag ng mga tao ang Biblia sa iba, pero hindi ibig sabihin ay naipapamuhay ang mga salita ng Panginoon o nasusunod ang paraan ng Diyos. Nakikita ng Diyos ang lahat ng nilolob ng isang tao—Siya lang ang makakakita sa niloloob ng kanilang puso. Ang pagpapakita at gawain ng Panginoong Jesus ay lubos na naglalantad sa mga diwa ng mga ipokritong Fariseo. Ang kakayahan ng mga Fariseo na gumawa at mangaral, magdusa at magsakripisyo ay talagang para sa sarili nilang katayuan at kabuhayan. Ipinaliwanag nila ang mga banal na kasulatan para lang purihin ang kanilang sarili, patatagin ang kanilang sarili, at sambahin at tingalain sila ng iba. Talagang hindi nila pinupuri o pinatototohanan ang Diyos. Ang Diyos ay banal at matuwid, at inilalantad ng Kanyang gawain ang lahat. Kaya, nang pumarito ang Panginoong Jesus para gumawa, lubos Niyang inihayag ang likas na pagka-anticristo ng mga Fariseo na pagkamuhi sa katotohanan at paglaban sa Diyos. Katunayan, malinaw sa ating mga nananalig sa Panginoon na matapos manalig ang isang tao sa Kanya, kahit masigasig nilang talikuran ang iba pang mga bagay at gumugol sila para sa Panginoon, gumawa nang husto, at magpakita ng ilang mabubuting pag-uugali, kahit habang gumagawa sila ay madalas silang magkasala at lumaban sa Diyos, at ginagawang kaaway ang Diyos. May ilang nagrereklamo sa Kanya kapag may dumarating na kalamidad, kapag may pag-uusig at paghihirap, at maaari pa nga nilang tanggihan at talikuran ang Diyos. Kahit kayang gumawa at mangaral ng mga pastor at elder ng mga relihiyon, katulad sila lalo na ng mga Fariseo, itinatanyag ang kanilang sarili para sambahin sila ng iba, nililinlang at kinokontrol ang mga piling tao ng Diyos, at itinatatag ang sarili nilang maliliit na kaharian. Sa pagharap sa gawain ng Diyos sa mga huling araw, hibang nilang tinutuligsa at nilalabanan ito, at kahit malinaw nilang alam na ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ang katotohanan, matigas pa rin ang kanilang ulo sa pagsuway sa Diyos. Ipinapakita nito na hangga’t likas na makasalanan ang mga tao, at hangga’t may masamang disposisyon sila na hindi pa nalulunasan, maaari nilang labanan at talikuran ang Diyos kahit kailan, kahit saan. Gaano man kabuti ang pag-uugali ng isang tao, hindi ibig sabihin ay talagang masusunod at masusundan nila ang Kanyang paraan. Gaano man karami ang nauunawaan ng isang tao ang Biblia, hindi iyon kapareho ng pag-unawa sa katotohanan at pagkilala sa Diyos. Gaano man magdusa at magsakripisyo ang isang tao kapag naglilingkod sila sa Diyos, hindi ibig sabihin ay isinasagawa nila ang kalooban ng Diyos.

05 Marso 2019

Kidlat ng Silanganan | Movie Clips | Paano Tumutugon ang mga Kristiyano sa "Pain na Pamilya" ng CCP


Kidlat ng Silanganan | Movie Clips |  Paano Tumutugon ang mga Kristiyano sa "Pain na Pamilya" ng CCP



Kapag hindi nagtagumpay ang CCP sa tangka nitong pilitin ang mga Kristiyano na talikuran ang Diyos sa pamamagitan ng malupit nilang pagpapahirap at pag- brainwash at pangungumbinsi, ginagamit nila ang mga miyembro ng pamilya bilang pain para subukan sila. Sa harap ng ganitong hamak na mga panloloko, paano naninindigan at nananatiling matwid ang mga Kristiyano, sa pagbubulaan sa mga ito?

Makapangyarihang Diyos, ang Puso Ko'y Sa'Yo

 I Kaninong mga salita ang pinakamatamis, at pinalakas ang aking espiritu?