Ang Isa na Kataas-taasan sa Ibabaw ng Lahat

12

18 Mayo 2019

Ang Sangkap ni Cristo ay Pagtalima sa Kalooban ng Ama sa Kalangitan (Sipi)


Salita ng Buhay | "Ang Sangkap ni Cristo ay Pagtalima sa Kalooban ng Ama sa Kalangitan" (Sipi)


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ang nagkatawang-taong Diyos ay tinatawag na Cristo, at si Cristo ay ang katawang-tao na isinuot ng Espiritu ng Diyos. Ang laman na ito ay hindi katulad ng kahit sinong taong galing sa laman. Ang pagkakaibang ito ay dahil si Cristo ay hindi nagmula sa laman at dugo kundi Siya ang pagkakatawang-tao ng Espiritu. Siya ay may kapwa normal na pagkatao at ganap na pagka-Diyos. Ang Kanyang pagka-Diyos ay hindi taglay ng kahit sinong tao. Ang Kanyang normal na pagkatao ang Siyang umaalalay sa lahat ng Kanyang karaniwang mga gawain sa katawang-tao, habang ang Kanyang pagka-Diyos ang nagsasakatuparan ng gawain ng Diyos Mismo.

17 Mayo 2019

Mga Movie Clip "Ginagamit ng Diyos ang Katotohanan Upang Hatulan at Linisin ang Tao sa mga Huling Araw"



Mga Movie Clip "Ginagamit ng Diyos ang Katotohanan Upang Hatulan at Linisin ang Tao sa mga Huling Araw"


Sa mga Huling Araw, nagkakatawang-tao ang Diyos upang isakatuparan ang gawain ng paghatol mula sa tahanan ng Diyos, kaya, pa’no nalilinis at naliligtas ang tao ng gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw? Ano’ng mga pagbabago ang madadala sa sarili nating disposisyon sa buhay matapos danasin ang paghatol at pagkastigo ng Makapangyarihang Diyos?  Ang pelikulang ito ng Paggising Mula sa Panaginip, ang magbibigay sa ‘yo ng lahat ng kasagutan!

16 Mayo 2019

Koro ng Ebanghelyo Tagalog Christian Songs | Dula-dulaan sa Entablado "Koro ng Ebanghelyong Tsino Ika-13 Pagganap"



Tagalog Christian Songs | Dula-dulaan sa Entablado "Koro ng Ebanghelyong Tsino Ika-13 Pagganap"


Lahat ng Tao’y Nabubuhay sa Liwanag ng Diyos


I
Ngayon, sa tuwa, kabanalan at pagkamatuwid ng Diyos
ay lumalaganap sa sansinukob at dinadakila sa gitna ng lahat ng sangkatauhan.
Siyudad ng kalangita’y tumatawa, sumasayaw kaharian sa lupa.
Sinong di magagalak? Sinong di maluluha?
Mga tao'y walang alitan; hindi nila ipinapahiya ang pangalan ng Diyos,
nabubuhay nang payapa sa liwanag Niya.
II
Ang lupa ay sa langit, langit at lupa’y nagkaisa. 

Pagpapanatili sa Mga Utos at Pagsasagawa sa Katotohanan


Sa pagsasagawa, ang mga utos ay dapat nakaugnay sa pagsasagawa sa katotohanan. Habang pinananatili ang mga utos, dapat isagawa ng isang tao ang katotohanan. Kapag isinasagawa ang katotohanan, hindi dapat labagin ng isang tao ang mga panuntunan ng mga utos o sumalangsang sa mga utos. Habang lalo mong isinasagawa ang katotohanan, mas lalo kang nananatili sa diwa ng mga utos. Habang lalo mong isinasagawa ang katotohanan, mas lalo mong maiintindihan ang salita ng Diyos gaya ng inihayag sa mga utos. Ang pagsasagawa ng katotohanan at pagpapanatili sa mga utos ay hindi magkasalungat na mga pagkilos, ngunit sa halip ay magkaugnay. Noong pasimula, pagkatapos mapanatili ng tao ang mga utos saka pa lamang niya maisasagawa ang katotohanan at kamtan ang pagliliwanag mula sa Banal na Espiritu. Ngunit hindi ito ang dating layunin ng Diyos.

15 Mayo 2019

Salita ng Buhay | Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VI Ang Kabanalan ng Diyos (III) (Ikalawang Bahagi)


Salita ng Buhay | Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VI Ang Kabanalan ng Diyos (III) (Ikalawang Bahagi)


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Bilang karagdagan sa sakim na paghahanap ng tao sa katanyagan at pakinabang, palagi nilang isinasagawa ang siyentipikong pagtuklas at malalimang pagsasaliksik, sa gayon walang-tigil na binibigyan-kasiyahan nila ang kanilang sariling materyal na mga pangangailangan at mga kahalayan; ano kung gayon ang mga kahihinantnan para sa tao? Una sa lahat wala ng anumang balanseng ekolohikal at, kasabay nito, ang mga katawan ng sangkatauhan ay nadungisang lahat at napinsala ng ganitong uri ng kapaligiran, at ang iba’t ibang nakakahawang sakit at mga salot ay lumaganap sa lahat ng dako. Ito ay isang sitwasyon na wala na ngayong kontrol ang tao,

Makapangyarihang Diyos, ang Puso Ko'y Sa'Yo

 I Kaninong mga salita ang pinakamatamis, at pinalakas ang aking espiritu?