Ang Isa na Kataas-taasan sa Ibabaw ng Lahat

12

23 Mayo 2019

Mga Pagsasalaysay ng Salita ng Diyos | "Tatlong Paalaala"


Mga Pagsasalaysay ng Salita ng Diyos | "Tatlong Paalaala"


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Bilang isang nananampalataya sa Diyos, dapat kang maging tapat sa Kanya lamang sa lahat ng mga bagay at makayang umayon sa Kanyang kalooban sa lahat ng mga bagay. Gayunman, kahit naiintindihan ng lahat ang doktrinang ito, ang mga katotohanang ito na pinaka-kitang-kita at pangunahin, sa ganang sa tao, ay hindi lubusang nakikita sa kanya, salamat sa kanyang iba’t ibang mga paghihirap, gaya ng kamangmangan, pagiging-katawa-tawa, at katiwalian. Samakatuwid, bago pagpasyahan ang inyong katapusan, kailangan munang sabihin Ko sa inyo ang ilang bagay, na sukdulang napakahalaga para sa inyo....Sa inyong mga buhay nakikita Kong karamihan sa inyong mga ginagawa ay walang kaugnayan sa katotohanan, kaya’t madalian Kong hinihingi na kayo ay maging mga tagapaglingkod ng katotohanan at huwag maging alipin ng kasamaan at kapangitan. Huwag yurakan ang katotohanan o dungisan ang alinmang sulok ng tahanan ng Diyos. Ito ang Aking paalaala sa inyo."

22 Mayo 2019

25. Ano ang gawain ng buhay na walang hanggan? Paano nakikilala ang gawain ng Banal na Espiritu?

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:


Kapag gumagawa ang Banal na Espiritu, nagagawa ng mga tao na aktibong pumasok; hindi sila walang kibo o pinipilit, ngunit mga maaagap. Kapag ang Banal na Espiritu ay gumagawa, ang mga tao ay nagagalak at handa, at sila ay nakahandang sumunod, at masayang magpakumbaba ng kanilang mga sarili, at bagamat sila ay nasasaktan at marupok sa loob, mayroon silang katatagan na makipagtulungan, nagtitiis silang may kagalakan, nagagawa nilang sumunod, at sila ay walang bahid ng kalooban ng tao, walang bahid ng pag-iisip ng tao, at tiyak na walang bahid ng mga pagnanasa at mga pagbubuyo ng tao. Kapag nararanasan ng mga tao ang gawain ng Banal na Espiritu, sila ay lalo pang banal sa loob. Isinasabuhay niyaong mga nagtataglay ng gawain ng Banal na Espiritu ang pag-ibig ng Diyos, ang pag-ibig ng kanilang mga kapatid, at nagagalak sa mga bagay na ikinagagalak ng Diyos, at kinasusuklaman ang mga bagay na kinasusuklaman ng Diyos.

Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw | "Ang Diyos Mismo, ang Natatangi III" (Sipi 1)


Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw | "Ang Diyos Mismo, ang Natatangi III" (Sipi 1)


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ang awtoridad ng Diyos ay umiiral kahit ano pa ang mga kalagayan; sa lahat ng sitwasyon, ang Diyos ang nagdidikta at nagsasaayos ng bawat kapalaran ng tao at lahat ng bagay ayon sa Kanyang mga pag-iisip, Kanyang mga naisin. Hindi ito mababago sapagkat nagbabago ang mga tao, at ito ay hindi umaasa sa kalooban ng tao, hindi maaaring baguhin ng anumang pagbabago sa panahon, espasyo, at heograpiya, sapagkat ang awtoridad ng Diyos ay ang Kanyang pinakadiwa. Kahit pa kinikilala at tinatanggap ng tao ang dakilang kapangyarihan ng Diyos, at kahit pa nagpapasailalim dito ang tao, hindi binabago kahit kaunti lang ang katotohanan ng dakilang kapangyarihan ng Diyos sa kapalaran ng tao.

20 Mayo 2019

Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw | Ang Diyos Mismo, ang Natatangi IX (Ikatlong Bahagi)


Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw | Ang Diyos Mismo, ang Natatangi IX (Ikatlong Bahagi)


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ang lahat ng mga bagay ay hindi maaaring mahiwalay sa pamamahala ng Diyos, at wala ni isang katao ang maaaring maghiwalay ng kanilang mga sarili mula sa Kanyang pamamahala. Ang pagkawala ng Kanyang pamamahala at pagkawala ng Kanyang mga pagtutustos ay mangangahulugan na ang buhay ng mga tao, buhay ng mga tao sa laman ay maglalaho. Ito ang kahalagahan ng pagtatatag ng Diyos ng mga kapaligiran para sa kakayahang mabuhay para sa sangkatauhan. Hindi alintana kung anong lahi ka o kung anong piraso ng lupa ka nakatira, maging ito ay sa Kanluran o sa Silangan—hindi mo maihihiwalay ang iyong sarili mula sa kapaligiran para mabuhay na itinatag ng Diyos para sa sangkatauhan, at hindi mo maihihiwalay ang iyong sarili mula sa pangangalaga at mga pagtutustos ng kapaligiran para mabuhay na Kanyang itinatag para sa mga tao. Maging anuman ang iyong kabuhayan, anuman ang iyong inaasahan para mabuhay, at anuman ang iyong inaasahan upang tustusan ang iyong buhay sa laman, hindi mo maaaring ihiwalay ang iyong sarili mula sa patakaran ng Diyos at ng Kanyang pamamahala."

Kung nais mong makamit ang paraan ng pamumuhay, dapat mo munang malaman ang Salita ng Buhay 

19 Mayo 2019

Tagalog Worship Songs | Ang Pamamahala sa Tao ay Pagtalo kay Satanas



Tagalog Worship Songs | Ang Pamamahala sa Tao ay Pagtalo kay Satanas



I
Ang gawain ng Diyos, paghatol man o pagkastigo,
ay nakatuon kay Satanas; para iligtas ang tao.
Layon ng gawain na si Satanas ay labanan.
Di Siya titigil hanggang sa manalo.
Dahil tuon ng gawain ay kay Satanas,
at ang mga naging tiwali ay hawak nito,
kung di ito nilabanan ng Diyos,
o akayin ang taong layuan ito, di Niya sila matatamo.
Kung tao'y hawak ni Satanas, at di sila natamo,
ibig sabihin ay di pa ito natatalo.

Makapangyarihang Diyos, ang Puso Ko'y Sa'Yo

 I Kaninong mga salita ang pinakamatamis, at pinalakas ang aking espiritu?