Ang Isa na Kataas-taasan sa Ibabaw ng Lahat

12

26 Mayo 2019

Tagalog Gospel Songs | Ang Kabuluhan ng Pagkakatawang-tao



Tagalog Gospel SongsAng Kabuluhan ng Pagkakatawang-tao



I
Ang pagkakatawang-tao ay pagiging tao ng Espiritu ng Diyos.
Ibig sabihi'y nagiging tao ang Diyos Mismo.
Ang Kanyang gawain sa katawang-tao
ay ang gawain ng Espiritu
na nagkakatotoo at ipinapahayag ng katawang-tao.
Wala maliban sa katawang-tao ng Diyos ang makakagawa
ng ministeryo ng Diyos na nagkatawang-tao.
Ang nagkatawang-taong Diyos lamang,
ang normal na pagkataong 'to,
ang makapagpapahayag ng maka-Diyos na gawain.

Tanging Yaong Mga Nagtutuon ng Pansin sa Pagsasagawa Ang Maaaring Gawing Perpekto


Sa mga huling araw, ang Diyos ay naging tao upang gawin ang gawain na kailangan Niyang gawin at upang gampanan ang Kanyang ministeryo ng mga salita. Siya ay dumating sa anyong tao upang gumawa sa kalagitnaan ng mga tao sa layuning gawing perpekto yaong mga tao na sumusunod sa Kanyang puso. Mula sa paglikha hanggang sa kasalukuyan ginagawa lamang Niya ang gawain sa panahon ng mga huling araw. Sa panahon lamang ng mga huling araw nagkatawang-tao ang Diyos upang gawin ang gayong kalaking gawain. Bagamat nagtititiis Siya ng mga kahirapan na mahihirapang tiisin ng mga tao, bagamat Siya bilang isang dakilang Diyos ay mayroong kababaang-loob na maging isang karaniwang tao, walang aspeto ng Kanyang gawain ang naantala, at ang Kanyang plano ay hindi itinapon na sa kalituhan kahit kaunti. Ginagawa Niya ang gawain alinsunod sa Kanyang orihinal na plano.

24 Mayo 2019

Tagalog Gospel Songs | Ang Unang Prayoridad ng Pananampalataya sa Diyos



Tagalog Gospel Songs | Ang Unang Prayoridad ng Pananampalataya sa Diyos



Unawain ang ginagawa ng Diyos,
umayon sa Kanyang salita,
sa pagtindig sa Kanyang panig.
Pananaw mo'y magiging tama. Magiging tama.
I
Lahat ng ginagawa mo'y dapat sukatin
ayon sa normal na kaugnayan sa Diyos.
Kung ang kaugnayan ay normal
ito'y gawin kung intensyon mo'y tama.
Para normal ang relasyon mo sa Diyos,
wag matakot na mawalan ka.
Unang prayoridad ng isang nananalig sa Kanya
relasyon sa Diyos, maging maganda.

23 Mayo 2019

Mga Pagsasalaysay ng Salita ng Diyos | "Tatlong Paalaala"


Mga Pagsasalaysay ng Salita ng Diyos | "Tatlong Paalaala"


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Bilang isang nananampalataya sa Diyos, dapat kang maging tapat sa Kanya lamang sa lahat ng mga bagay at makayang umayon sa Kanyang kalooban sa lahat ng mga bagay. Gayunman, kahit naiintindihan ng lahat ang doktrinang ito, ang mga katotohanang ito na pinaka-kitang-kita at pangunahin, sa ganang sa tao, ay hindi lubusang nakikita sa kanya, salamat sa kanyang iba’t ibang mga paghihirap, gaya ng kamangmangan, pagiging-katawa-tawa, at katiwalian. Samakatuwid, bago pagpasyahan ang inyong katapusan, kailangan munang sabihin Ko sa inyo ang ilang bagay, na sukdulang napakahalaga para sa inyo....Sa inyong mga buhay nakikita Kong karamihan sa inyong mga ginagawa ay walang kaugnayan sa katotohanan, kaya’t madalian Kong hinihingi na kayo ay maging mga tagapaglingkod ng katotohanan at huwag maging alipin ng kasamaan at kapangitan. Huwag yurakan ang katotohanan o dungisan ang alinmang sulok ng tahanan ng Diyos. Ito ang Aking paalaala sa inyo."

22 Mayo 2019

25. Ano ang gawain ng buhay na walang hanggan? Paano nakikilala ang gawain ng Banal na Espiritu?

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:


Kapag gumagawa ang Banal na Espiritu, nagagawa ng mga tao na aktibong pumasok; hindi sila walang kibo o pinipilit, ngunit mga maaagap. Kapag ang Banal na Espiritu ay gumagawa, ang mga tao ay nagagalak at handa, at sila ay nakahandang sumunod, at masayang magpakumbaba ng kanilang mga sarili, at bagamat sila ay nasasaktan at marupok sa loob, mayroon silang katatagan na makipagtulungan, nagtitiis silang may kagalakan, nagagawa nilang sumunod, at sila ay walang bahid ng kalooban ng tao, walang bahid ng pag-iisip ng tao, at tiyak na walang bahid ng mga pagnanasa at mga pagbubuyo ng tao. Kapag nararanasan ng mga tao ang gawain ng Banal na Espiritu, sila ay lalo pang banal sa loob. Isinasabuhay niyaong mga nagtataglay ng gawain ng Banal na Espiritu ang pag-ibig ng Diyos, ang pag-ibig ng kanilang mga kapatid, at nagagalak sa mga bagay na ikinagagalak ng Diyos, at kinasusuklaman ang mga bagay na kinasusuklaman ng Diyos.

Makapangyarihang Diyos, ang Puso Ko'y Sa'Yo

 I Kaninong mga salita ang pinakamatamis, at pinalakas ang aking espiritu?