Ang Isa na Kataas-taasan sa Ibabaw ng Lahat

12

31 Mayo 2019

Ano ang matatalinong dalaga? Ano ang mangmang na mga dalaga?


Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Sa kasalukuyan, lahat niyaong sumusunod sa totoong mga salita ng Diyos ay nasa daloy ng Banal na Espiritu; yaong mga estranghero sa totoong mga salita ng Diyos ay nasa labas ng daloy ng Banal na Espiritu, at ang gayong mga tao ay hindi pupurihin ng Diyos. … "Ang pagsunod sa gawain ng Banal na Espiritu" ay nangangahulugan ng pagkaunawa sa kalooban ng Diyos sa kasalukuyan, ang magawang kumilos alinsunod sa kasalukuyang mga kinakailangan ng Diyos, ang magawang talimahin at sundin ang Diyos sa kasalukuyan, at pagpasok alinsunod sa pinakabagong mga pagbigkas ng Diyos.

30 Mayo 2019

Tagalog Christian Songs | "Dumako sa Sion na may pagpupuri"



Tagalog Christian Songs | "Dumako sa Sion na may pagpupuri"

I
Dumako sa Sion na may pagpupuri.
Nagpakita na ang tahanan ng Diyos.
Dumako sa Sion na may pagpupuri.
Inaawitan ng lahat banal Niyang pangalan; ito'y lumalaganap.
Makapangyarihang Diyos! 
Hari ng Sansinukob, Huling Cristo,
aming maliwanag at nagniningning na Araw, 
sumikat mula
sa pinaka-marilag na Bundok ng Sion sa sansinukob. 
Dumako sa Sion na may pagpupuri.

28 Mayo 2019

Tagalog Worship Songs | "Buong Sangnilikha Dapat Sumailalim sa Dominyon ng Diyos" | Authority of God



Tagalog Worship Songs | "Buong Sangnilikha Dapat Sumailalim sa Dominyon ng Diyos" | Authority of God


I
Lahat ng bagay nilikha ng Diyos,
kaya ginagawa Niya lahat ng nilalang
mapasailalim sa Kanyang paghahari,
at pasakop sa Kanyang kapamahalaan. 
Inuutusan Niya lahat ng bagay,
kinokontrol sila sa mga kamay Niya.
Mga buhay na nilalang, kabundukan,
mga ilog at tao dapat sumailalim sa Kanyang paghahari.
Lahat ng bagay sa himpapawid at sa lupa
dapat sumailalim sa Kanyang kapamahalaan.

27 Mayo 2019

Salita ng Diyos | Yaong Nagbago Ang Kanilang Disposisyon ay Yaong Mga Pumasok sa Realidad ng Katotohanan


Ang landas na dinadala ng Banal na Espiritu sa mga tao ay kunin muna ang kanilang mga puso mula sa lahat ng mga tao, mga pangyayari, at mga bagay, at patungo sa mga salita ng Diyos upang sa kanilang mga puso maniniwala silang lahat na ang mga salita ng Diyos ay lubos na walang pag-aalinlangan at ganap na totoo. Yamang naniniwala ka sa Diyos kailangan mong maniwala sa Kanyang mga salita; kung ikaw ay naniniwala sa Diyos sa loob ng maraming mga taon subalit hindi mo nalalaman ang landas na tinatahak ng Banal na Espiritu, ikaw ba ay isang mananampalataya talaga? Upang matamo ang buhay ng isang normal na tao at isang maayos na buhay ng tao kasama ng Diyos, kailangan mo munang paniwalaan ang Kanyang mga salita. Kung hindi mo pa natatapos ang unang hakbang ng gawain na ginagawa ng Banal na Espiritu sa mga tao, wala kang taglay na saligan.

26 Mayo 2019

Tagalog Gospel Songs | Ang Kabuluhan ng Pagkakatawang-tao



Tagalog Gospel SongsAng Kabuluhan ng Pagkakatawang-tao



I
Ang pagkakatawang-tao ay pagiging tao ng Espiritu ng Diyos.
Ibig sabihi'y nagiging tao ang Diyos Mismo.
Ang Kanyang gawain sa katawang-tao
ay ang gawain ng Espiritu
na nagkakatotoo at ipinapahayag ng katawang-tao.
Wala maliban sa katawang-tao ng Diyos ang makakagawa
ng ministeryo ng Diyos na nagkatawang-tao.
Ang nagkatawang-taong Diyos lamang,
ang normal na pagkataong 'to,
ang makapagpapahayag ng maka-Diyos na gawain.

Makapangyarihang Diyos, ang Puso Ko'y Sa'Yo

 I Kaninong mga salita ang pinakamatamis, at pinalakas ang aking espiritu?