"Mga mahal na kapatid, umaasa akong makita ninyo ang pagpapakita ng Diyos sa mga salitang ito, at umpisahang sundan ang Kanyang mga yapak tungo sa bagong kapanahunan, at tungo sa isang magandang bagong langit at bagong lupa na inihanda para sa mga naghihintay sa pagpapakita ng Diyos." Mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
30 Setyembre 2017
Kidlat ng Silanganan | Ang Resultang Nakamit ng Pagkilala sa Diyos
Kidlat ng Silanganan | Ang Resultang Nakamit ng Pagkilala sa Diyos
Isang araw,
mararamdaman mo na ang Maylalang
ay hindi na isang palaisipan,
na ang Maylalang ay hindi kailanman nagtago sa iyo,
na ang Maylalang
ay hindi kailanman ikinubli ang Kanyang mukha sa iyo,
na ang Maylalang ay hindi kailanman malayo sa iyo,
na ang Maylalang ay hindi na ang Isa na
walang tigil mong inaasam sa iyong mga kaisipan
ngunit hindi mo maaaring abutin ng iyong mga damdamin,
na Siya ay talagang at tunay na nagbabantay sa iyong kaliwa at kanan,
nagtutustos ng iyong buhay, at tumatangan ng iyong tadhana,
tumatangan ng iyong tadhana.
Wala Siya sa malayong abot-tanaw,
ni inilihim Niya ang Kanyang Sarili sa itaas sa mga ulap.
Siya mismo ay nasa iyong tabi, namamahala sa lahat ng iyo,
Siya ay lahat ng bagay na tinataglay mo, at Siya ang tanging bagay na taglay mo.
Pinahihintulutan ka ng gayong Diyos na ibigin Siya mula sa puso,
29 Setyembre 2017
Kidlat ng Silanganan | Musical Drama "Chinese Gospel Choir 19th Performance"
Eastern lighting | Musical Drama "Chinese Gospel Choir 19th Performance"
Under a starry, quiet and peaceful night sky, a group of Christians earnestly awaiting the return of the Savior sing and dance to cheerful music. When they hear the joyful news “God has returned” and “God has uttered new words”, they are surprised and excited. They think: “God has returned? He has already appeared?!” With curiosity and uncertainty, one after another, they step into the journey of seeking God’s new words. In their arduous seeking, some people are questioning while others simply accept it. Some people look on without comment, while others make suggestions and search for answers in the Bible—they look but in the end it is fruitless…. Just when they become discouraged, a witness brings them a copy of the Age of Kingdom Bible, and they are deeply attracted to the words in the book. What kind of book is this really? Have they actually found the new words that God has uttered in that book? Have they welcomed the appearance of God?

28 Setyembre 2017
Kidlat ng Silanganan | Purihin ang Bagong Buhay
Kidlat ng Silanganan | Purihin ang Bagong Buhay
Purihin ang Bagong Buhay
Aleluya! Salamat at papuri sa ‘Yo!
Aleluya! Salamat at papuri sa Iyo, Makapangyarihang D’yos!
Kristo ng huling mga araw ay nagpakita, gumagawa at nangungusap sa tao.
Salita N’ya’y humahatol, dumadalisay, umaakay sa tamang pamumuhay.
Salita ng D’yos sa’ki’y bumago,
kaya ako ay may bagong buhay ng pagpupuri sa D’yos. (Aleluya!)
Sakit at kalituha’y wala na; pinalaya ang espiritu at umaawit. (Aleluya!)
Kaybuting maunawaan ang katotohanan. Daíg ang laman, kaylaya ko! (D’yos ay purihin!)
Mga paniwala’t ‘di pagkaunawa ay wala na, masuwaying disposisyon ko ay nabago.
Lumalakad ako sa daang maliwanag ng pantaong buhay; Pag-ibig ng D’yos ay napakahalaga at tunay na tunay! (D’yos ay purihin!)
D’yos ay ‘tinataas pag lasap pag-ibig N’ya.
Natikman ko na pag-ibig ng D’yos at kailanman ay ‘di na muling iiwan ang D’yos.
27 Setyembre 2017
Kidlat ng Silanganan | Dapat Ninyong Isaalang-alang ang Inyong mga Gawa
katotohanan-pananampalataya
Kidlat ng Silanganan | Dapat Ninyong Isaalang-alang ang Inyong mga Gawa
Sa paghusga sa mga kilos at gawa ng inyong buhay, kailangan ninyo lahat ang araw-araw na pagdaloy ng mga salita upang sustentuhan at maging bago muli kayo, dahil kayo ay masyadong may kakulangan, at ang inyong kaalaman at kakayahan upang makatanggap ay masyadong kakaunti. Sa inyong araw-araw na pamumuhay, nakatira kayo sa isang kapaligiran at palibot na walang katotohanan o mabuting pag-iisip. Kulang kayo sa puhunan para sa pag-iral at hindi nagkaroon ng batayan na malaman Ako o ang katotohanan. Ang inyong pananampalataya ay itinayo lamang sa isang hindi malinaw na pagtitiwala o sa mga ritwal ng relihiyon at kaalaman batay lamang sa doktrina. Araw-araw Kong minamasdan ang inyong mga pagkilos at sinusuri ang inyong mga intensyon at masamang bunga. Hindi ako kailanman nakatagpo ni isa na tunay na inilagay ang kanyang puso at espiritu sa Aking altar, na hindi kailanman nagalaw. Samakatuwid, hindi Ko nais na isiwalat nang walang kabuluhan ang lahat ng salita na nais Kong ipahayag sa sangkatauhan. Sa Aking puso, Ako ay nagpaplano lamang na kumpletuhin ang Aking hindi natapos na gawain at dalhin ang kaligtasan sa sangkatauhan na ililigtas ko pa lang. Gayon pa man, nais Ko para sa lahat na sumunod sa Akin upang makatanggap ng Aking kaligtasan at ang katotohanan ng Aking salita na ipinagkaloob sa tao. Umaasa ako na isang araw, kapag isinara mo ang iyong mga mata, makikita mo ang isang lupain kung saan ang samyo ay pupuno sa hangin at ang mga balon ng buhay na tubig ay dadaloy, hindi isang malamig, walang sigla na mundo kung saan ang mga kadiliman ng ulap ng kalangitan at mga alulong ay hindi kailanman magwawakas. |
26 Setyembre 2017
Kidlat ng Silanganan | Ang Tunay na Masunurin ay Tiyak na Makakamit ng Diyos
sumunod-katotohanan
Kidlat ng Silanganan | Ang Tunay na Masunurin ay Tiyak na Makakamit ng Diyos
Ang gawain ng Banal na Espiritu ay nagbabago sa araw-araw, pataas nang pataas sa bawat hakbang; ang pagbubunyag ng bukas ay nagiging mas mataas kaysa sa ngayon, bawat hakbang ay umaakyat nang mas mataas. Ganoon ang gawain kung saan ginagawang perpekto ng Diyos ang tao. Kung hindi kaya ng taong makipagsabayan, kung gayon ay maaari siyang pabayaan sa anumang oras. Kung ang tao ay walang masunuring puso, kung gayon ay hindi siya makasusunod hanggang sa katapusan. Ang lumang kapanahunan ay lumipas na; ngayon ay isang bagong kapanahunan. At sa isang bagong kapanahunan, ang bagong gawain ay dapat gawin. Lalo na sa huling kapanahunan kung saan ang tao ay gagawing perpekto, gagampanan ng Diyos ang bagong gawain nang mas mabilis. Samakatuwid, kung walang pagsunod sa kanyang puso, mahihirapan ang tao na sumunod sa mga yapak ng Diyos. Ang Diyos ay nananahan hindi sa pamamagitan ng mga tuntunin, ni hindi rin Niya itinuturing ang anumang yugto ng Kanyang gawain bilang hindi nagbabago. Sa halip, ang gawain na ginawa ng Diyos ay laging mas bago at laging mas mataas. Ang Kanyang gawain ay nagiging higit pang praktikal sa bawat hakbang, higit pang ayon sa aktuwal na mga pangangailangan ng tao. Pagkatapos lamang maranasan ng tao ang ganitong uri ng gawain na maaari niyang makamit ang pangwakas na pagbabagong-anyo ng kanyang disposisyon. Ang kaalaman ng tao sa buhay ay lumalagong mas mataas, kaya gayon din ang gawain ng Diyos na nagiging mas mataas. Tanging sa paraang ito magagawa ng tao na maabot ang pagka-perpekto at maging karapat-dapat para gamitin ng Diyos. Sa isang dako, ang Diyos ay kumikilos sa ganitong paraan upang kontrahin at baligtarin ang mga paniwala ng tao, habang isang banda, upang akayin ang tao sa isang mas mataas at mas makatotohanang kalagayan, sa pinakamataas na antas ng paniniwala sa Diyos, upang sa bandang katapusan, ang kalooban ng Diyos ay matapos. Ang lahat yaong may isang suwail na kalikasan at may isang pusong mapanlaban ay pababayaan sa mabilis at makapangyarihang gawaing ito; tanging ang mga may masunuring puso lamang at gustong magpakumbaba ang susulong sa dulo ng daan. Sa ganoong gawain, ang lahat sa inyo ay dapat matutong pasailalim at isantabi ang iyong mga paniwala. Ang bawat hakbang ay dapat isagawa nang may pag-iingat. Kung kayo ay hindi maingat, tiyak na kayo ay magiging isa sa mga kinasusuklaman at tinatanggihan ng Banal na Espiritu at isang sumisira sa gawain ng Diyos. Bago sumailalim sa yugto ng gawaing ito, ang lumang mga tuntunin at mga kautusan ng tao ay hindi na mabilang at sila ay nadala, at bilang resulta, sila ay naging mayabang at nakalimutan ang kanilang mga lugar. Ang lahat ng ito ay mga balakid sa daan ng tao na tumatanggap sa bagong gawain ng Diyos at mga salungat sa tao na lumalapit upang makilala ang Diyos. Mapanganib para sa tao na hindi magkaroon ng pagsunod sa kanyang puso o ng isang matinding pagnanasa para sa katotohanan. Kung susundin mo lamang ang gawain at angkaraniwang mga salita, at hindi kayang tanggapin ang alinman sa isang mas malalim na sidhi, kung gayon ikaw ay isa sa nananatili sa lumang mga pamamaraan at hindi magawang sumabay sa gawain ng Banal na Espiritu. Ang gawain na ginawa ng Diyos ay naiiba sa lahat ng mga yugto ng panahon. Kung magpapakita ka ng mahusay na pagsunod sa isang bahagi, ngunit sa susunod na bahagi ay magpakita ng mas mababa o halos wala, kung gayon ay dapat kang talikdan ng Diyos. Kung patuloy kang sasabay sa Diyos habang Siya’y umaakyat sa hakbang na ito, kung gayon ay kailangan mong ipagpatuloy ang pagsabay kapag Siya ay aakyat sa susunod. Tanging gayong mga tao ang masunurin sa Banal na Espiritu. Dahil naniniwala ka sa Diyos, dapat kang manatiling tapat sa iyong pagsunod. Hindi maaaring basta ka lamang susunod kapag gusto mo at susuway kapag ayaw mo. Ang ganitong paraan ng pagsunod ay hindi inaayunan ng Diyos. Kung hindi mo kayang makasabay sa bagong gawain na Aking pinagsamahan at patuloy na hahawak sa dating kasabihan, gayon papaano magkakaroon ng paglago sa iyong buhay? Sa gawain ng Diyos, tutustusan ka Niya sa pamamagitan ng Kanyang salita. Kapag sinunod at tinanggap mo ang Kanyang salita, kung gayon ang Banal na Espiritu ay siguradong kikilos sa iyo. Ang Banal na Espiritu ay kumikilos nang eksakto sa paraan ng Aking pagsasalita. Gawin mo ang aking sinabi, at ang Banal na Espiritu ay agad na kikilos sa iyo. Ilalabas Ko ang isang bagong liwanag para makita ninyo at dadalhin kayo sa kasalukuyang liwanag. Kapag lumakad ka sa liwanag na ito, ang Banal na Espiritu ay agad na kikilos sa iyo. Ang ilan ay maaaring ayaw sumunod at sasabihin, “Hindi ko gagawin ang tulad ng sinasabi mo.” Kung gayon ay sasabihin Ko sa iyo ngayon na ito na ang dulo ng daan. Ikaw ay natuyo na at wala ng buhay. Samakatuwid, sa pagkaranas ng pagbabago ng iyong disposisyon, napakahalaga na makasabay sa kasalukuyang liwanag. Ang Banal na Espiritu ay hindi lamang kumikilos sa ilang mga tao na ginamit ng Diyos, ngunit mas higit pa sa iglesia. Siya ay maaaring kumikilos sa sinuman. Siya ay maaaring kumilos sa iyo ngayon, at pagkatapos mong maranasan ito, Siya ay maaaring sunod na kumilos sa iba. Sumunod ng maigi; mas sinusunod mo ang kasalukuyang liwanag, mas lalago ang iyong buhay. Sundin sila kung saan ang Banal na Espiritu ay kumikilos, kahit anumang uri ng tao siya. Kunin ang kanyang mga karanasan sa iyong sarili, at makatatanggap ka ng mas mataas pang mga bagay. Sa paggawa nito ay makikita mo ang mas mabilis na pag-unlad. Ito ay ang landas ng pagiging perpekto para sa tao at paraan para lumago ang buhay. Ang landas tungo sa pagiging perpekto ay maaabot sa pamamagitan ng iyong pagsunod sa mga gawain ng Banal na Espiritu. Hindi mo alam kung anong uri ng tao ang gagamitin ng Diyos upang gawin kang perpekto, ni sa pamamagitan ng kung anong tao, pangyayari, o bagay na dadalhin Niya sa iyo na pakinabangan at tutulungan kang makakuha ng ilang mga pananaw. Kung magagawa mong lumakad sa tamang daan na ito, ito ay nagpapakita na may dakilang pag-asa para sa iyo upang gawing perpekto ng Diyos. Kung hindi mo ito magagawa, ito ay nagpapakita na ang iyong hinaharap ay kapanglawan at isang kadiliman. Kapag lumakad ka sa tamang daan, mabibigyan ka ng pagbubunyag sa lahat ng mga bagay. Hindi alintana kung ano ang maaaring ibunyag ng Banal na Espiritu sa iba, kung magpapatuloy ka sa iyong karanasan sa batayan ng kanilang kaalaman, kung gayon ay magiging buhay mo ito, at magagawa mong tustusan ang iba dahil sa karanasang ito. Ang mga magtutustos sa iba sa pamamagitan ng ginayang mga salita ay mga walang karanasan; dapat matutunan mo ang paghahanap, sa pamamagitan ng pagliliwanag at paglilinaw sa iba, isang paraan ng pagsasagawa bago magsalita ng iyong sariling aktuwal na karanasan at kaalaman. Ito ay magiging malaking pakinabang sa iyong sariling buhay. Dapat mong maranasan sa paraang ito, sumusunod sa lahat na nanggagaling sa Diyos. Dapat mong hanapin ang isip ng Diyos sa lahat ng mga bagay at matuto ng mga leksiyon sa lahat ng mga bagay, na lumilikha ng paglago sa iyong buhay. Ang ganitong pagsasagawa ang magdudulot ng pinakamabilis na paglago. |
25 Setyembre 2017
Kidlat ng Silanganan | Ang Sangkap ni Kristo ay ang Pagtalima sa Kalooban ng Ama sa Kalangitan
Kidlat ng Silanganan,Jesus
Kidlat ng Silanganan | Ang Sangkap ni Kristo ay ang Pagtalima sa Kalooban ng Ama sa Kalangitan
Ang Diyos na nagkatawang-tao ay tinatawag na Cristo, at si Cristo ay ang katawang-tao na isinuot ng Espiritu ng Diyos. Ang laman na ito ay hindi katulad ng kahit sinong taong galing sa laman. Ang pagkakaibang ito ay dahil si Cristo ay hindi nagmula sa laman at dugo; datapwat Siya ang pagkakatawang-tao ng Espiritu. Siya ay parehong may normal na pagkatao at ganap na pagka-Diyos. Ang Kanyang pagka-Diyos ay hindi taglay ng kahit sinong tao. Ang Kanyang normal na pagkatao ang Siyang umaalalay sa lahat ng Kanyang karaniwang mga gawain ng laman, habang ang Kanyang pagka-Diyos ang nagpapatupad sa mga gawain ng Diyos Mismo. Maging ang Kanyang pagkatao o pagka-Diyos, kapwa itong nagpapahinuhod sa kalooban ng Amang nasa langit. Ang sangkap ni Cristo ay ang Espiritu, iyon ay ang pagka-Diyos. Samakatuwid, ang Kanyang sangkap ay ang Diyos Mismo; ang sangkap na ito ay hindi gagambala sa Kanyang sariling gawain, at hindi rin Siya gagawa ng bagay na makasisira sa Kanyang sariling gawain. Sa makatuwid, ang Diyos na nagkatawang-tao ay siguradong hindi gagawa ng kahit anong gawain na makagagambala sa Kanyang sariling pamamahala. Ito ang dapat maintindihan ng lahat ng tao. Ang sangkap ng gawain ng Banal na Espiritu ay ang pagligtas sa tao at dahil sa kapakanan ng sariling pamamahala ng Diyos. Tulad nito, ang gawain ni Cristo ay ang iligtas ang tao alang-alang sa kalooban ng Diyos. Sapagkat ang Diyos ay nagkatawang-tao, Kanyang naisasakatuparan ang Kanyang sangkap sa loob ng Kanyang laman, nang sa gayon ang Kanyang katawang-tao ay maging sapat upang maisagawa ang Kanyang gawain. Samakatuwid, lahat ng gawain ng Espiritu ng Diyos ay napapalitan ng gawain ni Cristo sa oras ng Kanyang pagkakatawang-tao, at ang sentro ng lahat ng gawain sa buong panahon ng pagkakatawang-tao ay ang gawain ni Cristo. Ito ay hindi maaaring maihalo sa mga gawain ng kahit anong panahon. At mula nang nagkatawang-tao ang Diyos, Siya ay gumagawa sa pagkakakilanlan ng Kanyang katawang-tao; yamang din lamang na Siya ay nagkatawang-tao, tinatapos din Niya sa pagiging tao ang mga gawain na dapat Niyang gawin. Maging ito man ay ang Espiritu ng Diyos o si Cristo, Sila ay kapwa Diyos Mismo, at ginagawa Niya ang ministeryo na dapat Niyang gawin at ginagampanan ang ministeryong dapat Niyang gampanan. |
24 Setyembre 2017
Kidlat ng Silanganan | Sa Inyong Pananampalataya sa Diyos Dapat Kayong Sumunod sa Diyos
pananampalataya-sumunod
Kidlat ng Silanganan | Sa Inyong Pananampalataya sa Diyos Dapat Kayong Sumunod sa Diyos
Bakit ka ba naniniwala sa Diyos? Karamihan sa mga tao ay nalilito sa tanong na ito. Sila ay palaging may dalawang lubos na magkaibang pananaw tungkol sa praktikal na Diyos at sa Diyos na nasa langit, nagpapakita na sila ay naniniwala sa Diyos hindi para tumalima, nguni’t para makatanggap ng ilang mga pakinabang, o para makatakas sa paghihirap ng kapahamakan. Saka lamang sila medyo tumatalima, subali’t ang kanilang pagtalima ay may kundisyon, ito ay para sa kapakanan ng kanilang mga sariling adhikain, at ipinilit sa kanila. Bakit ka ba naniniwala sa Diyos? Kung ito ay para lamang sa kapakanan ng iyong mga adhikain, at iyong tadhana, mas mabuti pang huwag ka na lamang maniwala. Ang paniniwalang tulad nito ay panlilinlang-sa-sarili, paniniguro-sa-sarili, at pagpapahalaga-sa-sarili. Kung ang iyong pananampalataya ay hindi naitatag sa saligan ng pagtalima sa Diyos, sa kasukdulan ikaw ay parurusahan dahil sa iyong pagsalungat sa Diyos. Silang lahat na hindi hinahanap ang pagtalima sa Diyos sa kanilang pananampalataya ay sumasalungat sa Diyos. Hinihingi ng Diyos na hanapin ng mga tao ang katotohanan, na mauhaw sila sa mga salita ng Diyos, at kainin at inumin nila ang mga salita ng Diyos, at ito ay kanilang isagawa, upang makamit nila ang pagtalima sa Diyos. Kung ang iyong mga dahilan ay totoong ganoon, siguradong itatanghal ka ng Diyos, at tiyak na magiging mapagpala Siya tungo sa iyo. Walang sinuman ang kayang pagdudahan ito, at walang makapagbabago nito. Kung ang iyong mga adhikain ay hindi para sa kapakanan ng pagtalima sa Diyos, at mayroon kang ibang mga layunin, kung gayon ang lahat ng iyong sinasabi at ginagawa—ang iyong mga dasal sa harapan ng Diyos, at kahit ang bawa’t kilos mo—ay magiging pagsalungat sa Diyos. Maaaring ikaw ay may malumanay na pananalita at marahang pag-uugali, ang bawa’t kilos mo at pagpapahayag ay maaaring tama kung tingnan, maaaring lumilitaw ka bilang isa na tumatalima, subali’t pagdating sa iyong mga adhikain at mga pananaw tungkol sa pananampalataya sa Diyos, lahat ng iyong ginagawa ay pagsalungat sa Diyos, at masama. Ang mga taong nagpapakita na parang tumatalima gaya ng tupa, subali’t ang mga puso ay nagkakandili ng mga masasamang hangarin, ay mga lobo na nakadamit-tupa, sila ay direktang nagkakasala sa Diyos, at ang Diyos ay walang ititira kahit isa sa kanila. Ang Banal na Espiritu ang siyang magbubunyag sa bawa’t isa sa kanila, upang makita ng lahat na ang bawa’t isa sa kanila na mapagkunwari ay siguradong kamumuhian at itatakwil ng Banal na Espiritu. Huwag mag-alala: Ang Diyos ang siyang makikitungo at magpapasya sa kanila nang isa-isa. |
23 Setyembre 2017
Kidlat ng Silanganan | Para Kanino Ba Nabubuhay Ang Tao
Kidlat ng Silanganan | Para Kanino Ba Nabubuhay Ang Tao
Para Kanino Ba Nabubuhay Ang Tao
Noo'y 'di malinaw sa layon ng buhay, ngayo'y alam ko na.
Hinanap ko'y estado at kasikatan.
Mag-isang tinahak ang pansariling landas, nabuhay para sa 'kin lamang.
Sa dasal sambit dati'y magagandang salita,
pero ang buhay ko ay hindi akma.
Pananampalataya ko'y sa bukas ipinagbahala,
katotohana't realidad sa akin ay wala.
Pananampalataya'y kulong sa ritwal at patakaran;
ako'y naiwang walang saysay.
Bigong mabuhay at di karapat-dapat sa pag-ibig ng Diyos.
Puso ay nagising ng Diyos ng pagsinta,
nagsasabi sa'kin na mahalin ko rin Siya,
Aking napagtanto nasaktan ko ang Kanyang puso,
ngayo'y iisa lang ang nais ko Oh Diyos,
ang mabuhay para sa'Yo."
Sa aking hindi pagsunod at kawalan ng konsensya, sarili'y kinapootan.
Hindi pinapansin, walang pag-aalala sa puso ng Diyos at mga salita Niya.
Sa kawalan ko ng konsensya, papaano pa ba mapapabilang na tao?
Ang hatol ng Diyos sa akin ay nagpapakita,
na kay Satanas ako ay napasamang lubha.
"Mundo ay puno ng bitag at kasamaan,
pero susundin pa rin ang katotohanan.
Puso ay nagising ng Diyos ng pagsinta,
nagsasabi sa'kin na mahalin ko rin Siya,
Aking napagtanto nasaktan ko ang Kanyang puso,
ngayo'y iisa lang ang nais ko Oh Diyos,
ang mabuhay para sa'Yo.
Oh aking Diyos, ako'y naligtas dahil mahal mo ako.
Isasaisip at hindi kakalimutan ang 'Yong mga ginawa.
Puso mo ay iingatan at katotohanan ay hahanapin.
Lubos kong iaalay ang aking sarili at buhay,
bilang ganti sa pagmamahal Mo, O Diyos ko.
"Puso ay nagising ng Diyos ng pagsinta,
nagsasabi sa'kin na mahalin ko rin Siya,
Aking napagtanto nasaktan ko ang Kanyang puso,
ngayo'y iisa lang ang nais ko Oh Diyos,
ang mabuhay para sa'Yo.
mula sa Sundan ang Kordero at Umawit ng Bagong mga Awit
Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw. Binubuo ito ng lahat ng mga taong tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nilupig at niligtas ng Kanyang mga salita. Lubos itong itinatag nang personal ng Makapangyarihang Diyos at pinamumunuan Niya bilang Pastol. Talagang hindi ito nilikha ng tao. Si Kristo ay ang katotohanan, daan, at buhay. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga't nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos.
22 Setyembre 2017
Kidlat ng Silanganan | Tungkol sa Pagpapatahimik sa Iyong Puso sa Harap ng Diyos
pananampalataya-buhay
Kidlat ng Silanganan | Tungkol sa Pagpapatahimik sa Iyong Puso sa Harap ng Diyos
Ang pagpapatahimik sa iyong puso sa harap ng Diyos ay isa sa pinakamahalagang mga hakbang sa pagpasok sa mga salita ng Diyos, at isang aral na ang lahat ng tao sa kasalukuyan ay mayroong kagyat na pangangailangan na pasukin. Ang mga paraan sa pagpasok upang mapatahimik ang iyong puso sa harap ng Diyos ay ang mga sumusunod:
1. Ilayo mo ang iyong puso mula sa panlabas na mga bagay, maging tahimik sa harap ng Diyos, at manalangin sa Diyos nang may isang nakatuong puso.
2. Kapag ang iyong puso ay tahimik na sa harap ng Diyos, kainin, inumin, at tamasahin ang mga salita ng Diyos.
3. Gawing ugali ang magnilay-nilay at magdili-dili sa pag-ibig ng Diyos at bulay-bulayin ang gawain ng Diyos gamit ang iyong puso.
Una magsimula sa panalangin. Maging matapat, at manalangin sa itinakdang oras. Kahit na gaano man kagipit sa oras, o gaano man kaabala, o anuman ang dumating sa iyo, manalangin araw-araw nang normal, at kumain at uminom ng mga salita ng Diyos nang normal. Hangga’t kinakain mo at iniinom ang mga salita ng Diyos, hindi mahalaga kung ano ang iyong kapaligiran, ang iyong espiritu ay nasisiyahan, at ikaw ay hindi rin nagagambala ng mga tao, mga pangyayari, o mga bagay sa iyong paligid. Kapag normal mong binubulay-bulay ang Diyos sa iyong puso, hindi ka magagambala ng kung ano ang nangyayari sa labas. Ito ang kahulugan ng pagkakaroon ng tayog. Magsimula muna sa panalangin: Ang pananalangin nang payapa sa harap ng Diyos ay pinakamabunga. Pagkatapos noon, kainin at inumin ang mga salita ng Diyos, at bulayin ang mga salita ng Diyos at subukang kamtin ang liwanag, hanapin ang landas na isasagawa, alamin kung ano ang mga layunin ng mga pagbigkas ng Diyos, at unawain nang walang paglihis. Karaniwan nang lumapit sa Diyos nang normal sa iyong puso, nilayin ang pag-ibig ng Diyos, at bulayin ang mga salita ng Diyos, nang hindi nagagambala ng panlabas na mga bagay. Kapag ang iyong puso ay payapa hanggang sa isang antas na nagagawa mong magnilay-nilay, nang upang, sa loob ng iyong sarili, nabubulay-bulay mo ang pag-ibig ng Diyos at tunay na lumalapit sa Diyos maging anuman ang iyong kinaroroonang kapaligiran, at sa huli ay iyong narating ang punto kung saan nagbibigay ka ng papuri sa iyong puso, at ito ay lalo pang mahusay kaysa sa pananalangin, kung gayon sa ganito makapagtataglay ka ng isang tiyak na tayog. Kung matatamo mo ang mga kalagayan na inilarawan sa itaas, kung gayon mapatutunayan nito na ang iyong puso ay tunay na payapa sa harap ng Diyos. Ito ang unang hakbang; ito ay isang karaniwang pagsasanay. Pagkatapos lamang na magawa nilang maging payapa sa harap ng Diyos saka pa lamang makikilos ang mga tao ng Banal na Espiritu, at nang niliwanagan at pinagliwanag ng Banal na Espiritu, sa gayon lamang nila nagagawang tunay na makipagniig sa Diyos, at nagagawang maunawaan ang kalooban at ang paggabay ng Banal na Espiritu—at sa ganito, makapapasok sila sa tamang landas sa kanilang espirituwal na mga buhay. Ang pagsasanay sa iyong sarili na mabuhay sa harap ng Diyos upang maabot ang isang tiyak na lalim nang upang magawa mong maghimagsik laban sa iyong sarili, upang hamakin mo ang iyong sarili, at upang mabuhay sa mga salita ng Diyos, ito ay ang tunay na pagpapatahimik sa iyong puso sa harap ng Diyos. Ang kakayahang hamakin ang sarili, isumpa ang sarili, at maghimagsik laban sa sarili ay ang resulta na nakakamit ng gawain ng Diyos, at hindi ito magagawa ng mga tao. Kaya ang pagsasagawa ng pagpapatahimik ng puso ng isang tao sa harap ng Diyos ay isang aral na dapat kaagad pasukin ng mga tao. Hindi lamang karaniwang napatatahimik ng ilang mga tao ang kanilang mga puso sa harap ng Diyos, kundi ang kanilang mga puso ay hindi tahimik sa harap ng Diyos maging kahit kapag sila ay nananalangin. Sa kabuuan ito ay masyadong malayo mula sa mga pamantayan ng Diyos! Kung ang iyong puso ay hindi maaaring maging tahimik sa harap ng Diyos maaari ka bang kilusan ng Banal na Espiritu? Kung hindi ka magiging tahimik sa harap ng Diyos, maaari kang magambala kapag lumapit ang sinuman, maaari kang magambala kapag ang mga tao ay nagsasalita, at ang iyong puso ay maaaring lumayo kapag ang iba ay gumagawa ng mga bagay, kaya ikaw ay hindi taong nabubuhay sa harap ng Diyos. Kung ang iyong puso ay tunay na tahimik sa harap ng Diyos hindi ka maaabala ng anumang nangyayari sa mundo sa mundo, at walang tao, pangyayari, o bagay ang makasasakop sa iyo. Kung mayroon kang pagpasok dito, kung gayon yaong mga negatibong mga kalagayan o lahat ng negatibong mga bagay, gaya ng mga pagkaintindi ng tao, pilosopiya sa buhay, abnormal na ugnayan sa mga tao, at mga kaisipan sa iyong puso ay mawawala sa likas na paraan. Sapagkat palagi mong binubulay ang mga salita ng Diyos, at ang iyong puso ay palaging lumalapit sa Diyos at sinasakop ng totoong mga salita ng Diyos, yaong mga negatibong mga bagay ay nahuhubad nang hindi namamalayan. Kapag sinakop ka ng mga positibong bagong bagay, ang mga negatibong lumang bagay ay hindi magkakaroon ng puwang, kaya huwag kang magtutuon ng pansin sa mga negatibong bagay. Hindi mo kailangang magsikap para kontrolin sila. Magtuon ng pansin sa pagiging tahimik sa harap ng Diyos, kumain at uminom nang higit pang mga salita ng Diyos at tamasahin ang mga ito, umawit pa ng mga himno ng pagpupuri sa Diyos, at hayaang magkaroon ng isang pagkakataon ang Diyos na gumawa sa iyo, sapagkat gusto ng Diyos sa kasalukuyan na personal na gawing perpekto ang mga tao, gusto Niyang makamit ang iyong puso, kinikilusan ng Kanyang Espiritu ang iyong puso, at kung ikaw ay mabubuhay sa harap ng Diyos na sinusunod ang paggabay ng Banal na Espiritu mapalulugod mo ang Diyos. Kung magtutuon ka ng pansin sa pamumuhay sa mga salita ng Diyos at higit pang ipakikisama ang tungkol sa katotohanan upang matamo ang pagliliwanag at paglilinaw ng Banal na Espiritu, kung gayon itong mga relihiyosong pagkaintindi, katuwirang pansarili at pagpapahalagang pansarili ay maglalahong lahat, at sa gayon ay malalaman mo kung paano gumugol para sa Diyos, malalaman kung paano iibigin ang Diyos, at kung paano mapalulugod ang Diyos. Yaong mga bagay sa labas ng Diyos ay saka makalilimutan nang hindi namamalayan. |
21 Setyembre 2017
Kidlat ng Silanganan | Ang Gawain ba ng Diyos ay Payak tulad nang Inaakala ng Tao?
Kaligtasan-katotohanan
Kidlat ng Silanganan | Ang Gawain ba ng Diyos ay Payak tulad nang Inaakala ng Tao?
Bilang isang tao na naniniwala sa Diyos, nararapat mong maunawaan na ngayon, sa pagtanggap ng gawain ng Diyos sa mga huling araw at ang lahat ng gawain ng plano ng Diyos sa iyo, ikaw ay nakatanggap ng malaking pagpaparangal at kaligtasan mula sa Diyos. Ang lahat ng gawa ng Diyos sa buong sansinukob ay nakatutok sa kalipunan ito ng mga tao. Inilaan Niya ang lahat ng Kanyang pagsisikap para sa inyo at inihandog ang lahat para sa inyo; Kanyang tinubos at ibinigay sa inyo ang lahat ng gawain ng Espiritu sa buong mundo. Iyan ang dahilan kung bakit Ko sinasabing, kayo ang mapalad. Higit pa rito, inilipat Niya ang Kanyang kaluwalhatian mula sa Israel, ang Kanyang piniling mga tao, sa inyo, nang sa gayon ay matupad ang layunin ng Kanyang plano na lubusang maihayag sa pamamagitan ninyo. Samakatwid, kayo ang makatatanggap ng pamana ng Diyos, at higit pa, ang mga tagapagmana ng kaluwalhatian ng Diyos. Marahil ay naaalala ninyo ang mga salitang ito: “Sapagka’t ang aming magaang kapighatian, na sa isang sangdali lamang, ay siyang gumagawa sa amin ng lalo’t lalong bigat ng kaluwalhatiang walang hanggan;” Sa nakaraan, narinig ninyo ang mga kasabihang ito, ngunit walang nakaunawa ng tunay na kahulugan ng mga salita. Ngayon, alam niyo na rin ang tunay na kahalagahan na mayroon ang mga ito. Ito ang mga salita na isasakatuparan ng Diyos sa mga huling araw. At ito ay mangyayari sa mga malupit na pinighati ng malaking pulang dragon sa lugar kung saan ito namamalagi. Ang malaking pulang dragon ay inuusig ang Diyos at ito ay kaaway ng Diyos, kaya sa lugar na ito, ang mga naniniwala sa Diyos ay isinasailalim sa panghihiya at pag-uusig. Iyon ang dahilan kung bakit ang mga salitang ito ay magiging katotohanan sa inyong kalipunan ng mga tao. Habang ang gawain ay naisasakatuparan sa lugar na tumututol sa Diyos, ang lahat ng Kanyang gawain ay sinasalubong ng labis na mga hadlang, at marami sa Kanyang mga salita ay hindi maisasakatuparan sa madaling panahon; kaya, ang mga tao ay pinino dahil sa mga salita ng Diyos. Ito rin ay bahagi ng paghihirap. Labis na nakakapagod para sa Diyos na isakatuparan ang Kanyang gawain sa lupain ng malaking pulang dragon, ngunit dahil na rin sa ganoong hirap na gumagawa ang Diyos ng larangan para sa Kanyang gawain upang ipahayag ang Kanyang karunungan at mga nakakamanghang gawa. Ginagamit ng Diyos ang pagkakataong ito upang lubusin itong kalipunan ng tao. Dahil sa pagdurusa ng tao, ang kanilang kakayahan, at lahat ng masasamang disposisyon ng mga tao sa maruming lugar na ito, ginagawa ng Diyos ang gawain Niya ng pagdadalisay at paglupig nang sa gayon, mula rito, Siya ay magkamit ng kaluwalhatian at makuha ang mga tao na maging saksi sa Kanyang mga gawa. Ito ang lubos na kahalagahan ng lahat ng paghahandog na ginawa ng Diyos para sa kalipunan ng taong ito. Ibig sabihin, ang Diyos ang gumagawa ng gawain ng panlulupig sa pamamagitan lamang ng yaong mga sumasalungat sa Kanya. Samakatwid, sa paggawa nito ay maaaring maihayag ang dakilang kapangyarihan ng Diyos. Sa ibang salita, yaon lamang nasa maruming lupa ang karapat-dapat na magmana ng kaluwalhatian ng Diyos, at ito lamang ang makapagbibigay ng katanyagan sa dakilang kapangyarihan ng Diyos. Ito ang dahilan kung bakit ko sinasabing ang kaluwalhatian ng Diyos ay nakamit sa maruming lupa at mula sa mga naninirahan doon. Ito ang kalooban ng Diyos. Ito ay katulad din sa yugto ng gawa ni Jesus; maaari lamang Siyang luwalhatiin sa kalagitnaan ng mga Pariseong umusig sa Kanya. Kung hindi dahil sa pag-uusig na iyon at ang pagkakanulo sa Kanya ni Hudas, hindi sana pinagtawanan o nakaranas ng paninirang-puri si Jesus, higit dito ay ang ipako sa krus, at hindi sana Siya nagkamit ng kaluwalhatian. Kahit saan man gumawa ang Diyos sa bawat panahon at kahit saan siya gumawa ng Kanyang tungkulin sa katawang-tao, Siya ay nagkakamit ng kaluwalhatian doon at nagkakamit ng mga ninanais Niyang makamit. Ito ang plano ng gawa ng Diyos, at ito ang Kanyang pamamahala. |
20 Setyembre 2017
Kidlat ng Silanganan | Clip ng Pelikulang Paghihintay (7)
Kidlat ng Silanganan | Clip ng Pelikulang Paghihintay (7)
Ibinunyag ng Panginoong Jesus ang mga hiwaga ng kaharian ng langit, at dumating ang Makapangyarihang Diyos upang ihayag ang lahat ng mga hiwaga ng 6,000-taon na pamamahala ng Diyos sa sangkatauhan! Mapagtatanto mo ba na ang Makapangyarihang Diyos ay ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus sa pamamagitan ng pagtingin sa mga hiwaga na ipinakita ng Makapangyarihang Diyos? Panoorin ang clip ng pelikula na ito!
Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw. Binubuo ito ng lahat ng mga taong tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nilupig at niligtas ng Kanyang mga salita. Lubos itong itinatag nang personal ng Makapangyarihang Diyos at pinamumunuan Niya bilang Pastol. Talagang hindi ito nilikha ng tao. Si Kristo ay ang katotohanan, daan, at buhay. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga't nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos.
Rekomendasyon:
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos
19 Setyembre 2017
Kidlat ng Silanganan | Clip ng Pelikulang Paghihintay (6)
Kidlat ng Silanganan | Clip ng Pelikulang Paghihintay (6)
Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia" (Apocalipsis 2:29). Narinig mo na ba ang Banal na Espiritu na magsalita sa mga iglesia? Ang mga salita bang sinabi ng Makapangyarihang Diyos at ng Panginoong Jesus ay nabigkas mula sa iisang Espiritu, mula sa iisang pinanggalingan? Ibubunyag ito sa iyo ng movie clip na ito!
Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw. Binubuo ito ng lahat ng mga taong tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nilupig at niligtas ng Kanyang mga salita. Lubos itong itinatag nang personal ng Makapangyarihang Diyos at pinamumunuan Niya bilang Pastol. Talagang hindi ito nilikha ng tao. Si Kristo ay ang katotohanan, daan, at buhay. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga't nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos.
Praise and Worship the Return of God | Musical Drama "Chinese Gospel Choir 19th Performance"
Under a starry, quiet and peaceful night sky, a group of Christians earnestly awaiting the return of the Savior sing and dance to cheerful music. When they hear the joyful news “God has returned” and “God has uttered new words”, they are surprised and excited. They think: “God has returned? He has already appeared?!” With curiosity and uncertainty, one after another, they step into the journey of seeking God’s new words. In their arduous seeking, some people are questioning while others simply accept it. Some people look on without comment, while others make suggestions and search for answers in the Bible—they look but in the end it is fruitless…. Just when they become discouraged, a witness brings them a copy of the Age of Kingdom Bible, and they are deeply attracted to the words in the book. What kind of book is this really? Have they actually found the new words that God has uttered in that book? Have they welcomed the appearance of God?
18 Setyembre 2017
Kidlat ng Silanganan | Clip ng Pelikulang Paghihintay (5)
Kidlat ng Silanganan | Clip ng Pelikulang Paghihintay (5)
Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia" (Apocalipsis 2:29). Narinig mo na ba ang Banal na Espiritu na magsalita sa mga iglesia? Ang mga salita bang sinabi ng Makapangyarihang Diyos at ng Panginoong Jesus ay nabigkas mula sa iisang Espiritu, mula sa iisang pinanggalingan? Ibubunyag ito sa iyo ng movie clip na ito!
Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw. Binubuo ito ng lahat ng mga taong tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nilupig at niligtas ng Kanyang mga salita. Lubos itong itinatag nang personal ng Makapangyarihang Diyos at pinamumunuan Niya bilang Pastol. Talagang hindi ito nilikha ng tao. Si Kristo ay ang katotohanan, daan, at buhay. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga't nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos.
17 Setyembre 2017
Kidlat ng Silanganan | Clip ng Pelikulang Paghihintay (4)
Kidlat ng Silanganan | Clip ng Pelikulang Paghihintay (4)
Papaano na nakita niyang nagpakita ang Panginoon ngunit ayaw pa ring tanggapin ang pangalawang pagdating ng Panginoon? Papaano na palagi siyang naghihintay at nag-aabang para sa pagdating ng Panginoon, ngunit sa panahon ng kanyang kamatayan ay iiwan ang isang habambuhay na pagsisisi? Sasabihin sa iyo ng movie clip na ito ang mga sagot.
Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw. Binubuo ito ng lahat ng mga taong tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nilupig at niligtas ng Kanyang mga salita. Lubos itong itinatag nang personal ng Makapangyarihang Diyos at pinamumunuan Niya bilang Pastol. Talagang hindi ito nilikha ng tao. Si Kristo ay ang katotohanan, daan, at buhay. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga't nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos.
15 Setyembre 2017
Kidlat ng Silanganan | Clip ng Pelikulang Paghihintay (3)
Kidlat ng Silanganan | Clip ng Pelikulang Paghihintay (3)
Anong uri ng tao ang dadalhin sa kaharian ng langit? Sinabi ng Panginoong Jesus, "Hindi ang bawa't nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit" (Mateo 7:21). Ngunit naniniwala ang ilang mga tao na ang kahulugan lamang ng pagsunod sa kalooban ng makalangit na Ama ay pagiging tapat sa pangalan ng Panginoon, masigasig na pagsisilbi sa Kanya, at pagtitiis sa pagdurusa ng pagpasan sa krus, at kung gagawin natin ang mga bagay na ito, kailangan lamang nating mag-abang at maghintay para sa ikalawang pagbabalik ng Panginoon nang tulad nito upang madadala sa kaharian ng langit. Alinsunod ba ang mga ideyang ito sa mga panuntunan ng Panginoon? Ipapaalam ng clip na ito sa iyo.
Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw. Binubuo ito ng lahat ng mga taong tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nilupig at niligtas ng Kanyang mga salita. Lubos itong itinatag nang personal ng Makapangyarihang Diyos at pinamumunuan Niya bilang Pastol. Talagang hindi ito nilikha ng tao. Si Kristo ay ang katotohanan, daan, at buhay. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga't nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos.
14 Setyembre 2017
Kidlat ng Silanganan | Clip ng Pelikulang Paghihintay (2)
Kidlat ng Silanganan | Clip ng Pelikulang Paghihintay (2)
Nahaharap sa ikalawang pagdating ng Panginoon, masyado ka bang matatakot sa mga bulaang Cristo na isasara mo ang pinto upang protektahan ang iyong sarili at maghintay para sa pagbubunyag ng Panginoon, o kikilos ka tulad ng matalinong birhen, at dinggin ang tinig ng Diyos at batiin ang pagbabalik ng Panginoon? Sasabihin sa iyo ng maikling video na ito kung paano salubungin ang ikalawang pagbabalik ng Panginoon.
Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw. Binubuo ito ng lahat ng mga taong tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nilupig at niligtas ng Kanyang mga salita. Lubos itong itinatag nang personal ng Makapangyarihang Diyos at pinamumunuan Niya bilang Pastol. Talagang hindi ito nilikha ng tao. Si Kristo ay ang katotohanan, daan, at buhay. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga't nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos.
13 Setyembre 2017
Kidlat ng Silanganan | Clip ng Pelikulang Paghihintay (1)
Kidlat ng Silanganan | Clip ng Pelikulang Paghihintay (1)
Sa muling pagdating ng Panginoon, bababa kaya Siya na nasa mga alapaap, o darating kaya Siya nang palihim na tulad ng isang magnanakaw? Paano mo haharapin ang pangalawang pagdating ng Panginoon? Masyado ka bang natatakot na iligaw ng isang huwad na Cristo na tatanggi ka nang hanapin Siya, o gagawin mo ang bahagi ng matalinong birhen at maingat na dinggin ang tinig ng Diyos? Paano ba tayo dapat "mag-abang at maghintay" upang magagawa nating salubungin ang Panginoon sa Kanyang pagbabalik? Panoorin ang maikling video na ito!
Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw. Binubuo ito ng lahat ng mga taong tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nilupig at niligtas ng Kanyang mga salita. Lubos itong itinatag nang personal ng Makapangyarihang Diyos at pinamumunuan Niya bilang Pastol. Talagang hindi ito nilikha ng tao. Si Kristo ay ang katotohanan, daan, at buhay. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga't nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos.
12 Setyembre 2017
Kidlat ng Silanganan | Napakahalaga na Maunawaan ang Disposisyon ng Diyos
Kidlat ng Silanganan,katotohanan
Kidlat ng Silanganan | Napakahalaga na Maunawaan ang Disposisyon ng Diyos
|
Maraming mga bagay ang nais Kong makamit ninyo. Gayunman, ang inyong mga gawain at lahat ng inyong buhay ay hindi natutugunan nang buo ang Aking mga hinihingi, kaya dapat Akong maging prangka at ipaliwanag sa inyo ang Aking puso’t isipan. Sapagkat ang inyong kakayahang umintindi at magpahalaga ay lubhang mahina, kayo ay lubhang ignorante sa Aking disposisyon at kabuuan, ito ay isang bagay na nangangailangan ng madaliang pagbibigay-alam sa inyo. Gaano man ang iyong pagkakaintindi dati o handa ka man intindihin ang mga isyung ito, dapat ko pa ring ipaliwanag ito sa inyo nang detalyado. Ang isyung ito ay hindi sobrang iba para sa inyo, ngunit mukhang hindi ninyo maunawaan o hindi pamilyar ang kahulugang nilalaman nito. Marami ang may banaag ng pag-unawa at karamihan ay mababaw ang kaalaman sa isyung ito. Upang matulungan kayong isagawa ang katotohanan, iyan ay, upang mas mahusay na mailagay ang Aking mga salita sa inyong pagsasagawa, sa tingin ko ito ang usapin na dapat ninyo munang maunawaan. Kung hindi, ang inyong pananampalataya ay mananatiling walang katiyakan, mapagkunwari, at talagang nakulayan ng relihiyon. Kung hindi mo mauunawaan ang disposisyon ng Diyos, samakatuwid magiging imposible para sa iyong gawin ang trabahong gagawin mo para sa Kanya. Kung hindi mo malalaman ang kalooban ng Diyos, magiging imposible rin na mapanatili ang paggalang at takot sa Kanya, tanging pagsasawalang bahalang nakagawian at pagsisinungaling, at bukod dito, ang di-magbabagong kalapastanganan. Ang maunawaan ang disposisyon ng Diyos sa katunayan ay napakahalaga, at ang kaalaman ng diwa ng Diyos ay hindi maaaring makaligtaan, nguni’t walang puspusang nagsiyasat o nag-usisa sa problema. Malinaw na makikita na inyong lahat isinanatabi ang mga batas ng pangangasiwa na inilabas ko. Kung hindi ninyo mauunawaan ang disposisyon ng Diyos, madali kayong magkasala kung gayon sa Kanyang disposisyon. Ang gayong pagkakasala ay katumbas ng pagpapasiklab ng galit ng Diyos Mismo, at sa huli ay nagiging pagsuway laban sa mga administratibong kautusan. Ngayon dapat ay napagtanto mo na maaari mong maunawaan ang disposisyon ng Diyos kapag iyong nalaman ang Kanyang kabuuan, at upang maintindihanang disposisyon ng Diyos ay katumbas ng pag-unawa sa mga administratibong kautusan. Walang duda, karamihan sa mga batas ng pangangasiwa ay may kaugnayan sa disposisyon ng Diyos, ngunit ang kabuuan ng Kanyang disposisyon ay hindi pa naipapahayag sa loob nito. Inaatasan kayo nitong magkaroon ng karagdagang kaalaman ukol sa disposisyon ng Diyos.
11 Setyembre 2017
Kidlat ng Silanganan | Ang Tao ay Maliligtas Lamang sa Gitna ng Pamamahala ng Diyos
Kidlat ng Silanganan | Ang Tao ay Maliligtas Lamang sa Gitna ng Pamamahala ng Diyos
Ang bawat isa ay nararamdaman na ang pamamahala ng Diyos ay kakaiba, dahil sa palagay ng tao na ang pamamahala ng Diyos ay ganap na hindi nauugnay sa tao. Palagay nila na itong pamamahala ay ang gawa ng Diyos nang mag-isa, ay sariling tungkulin ng Diyos, at sa gayon ang sangkatauhan ay walang malasakit sa pamamahala ng Diyos. Sa ganitong paraan, ang pagliligtas ng sangkatauhan ay naging malabo at magulo, at ngayon ay walang iba kundi walang laman na retorika. Kahit na sumusunod ang tao sa Diyos upang maligtas at makapasok sa magandang patutunguhan, ang tao ay walang pag-aalala para sa kung paano nagagawa ng Diyos ang Kanyang gawa. Ang tao ay walang pagpapahalaga sa kung ano ang mga plano ng Diyos na gawin at ang bahagi na dapat niyang gawin upang mailigtas. Gaano iyon Kalunus-lunos! Ang pagliligtas ng tao ay hindi mapaghiwalay sa pamamahala ng Diyos, mas lalong hindi ito maaaring ihiwalay mula sa plano ng Diyos. Gayon man hindi iniisip ng tao ang pamamahala ng Diyos, at gayon ay mas lalong lumalayo mula sa Diyos. Dahil dito, ang dumadaming bilang ng mga tao ay nagiging mga tagasunod ng Diyos na hindi alam ang mga bagay na mayroong malapit na kaugnayan sa pagliligtas ng tao tulad ng kung ano ang paglikha, kung ano ang paniniwala sa Diyos, kung paano sumamba sa Diyos, at iba pa. Sa puntong ito, sa gayon, kailangan nating magkaroon ng pag-talakay patungkol sa pamamahala ng Diyos, upang ang bawat tagasunod ay malinaw na malaman ang kahalagahan ng pagsunod sa Diyos at paniniwala sa Kanya. Maaari rin silang pumili ng landas na dapat nilang lakaran nang mas tumpak, sa halip ng pagsunod lamang sa Diyos upang makakuha ng mga biyaya, o maiwasan ang sakuna, o maging matagumpay.
10 Setyembre 2017
Kidlat ng Silanganan | Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan sa Buhay na Walang Hanggan
Kidlat ng Silanganan,sundin
Kidlat ng Silanganan | Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan sa Buhay na Walang Hanggan
Ang daan ng buhay ay hindi isang bagay na maaaring taglayin ng kahit na sino lang, ni hindi rin ito madaling makamtan ng lahat. Ito ay dahil sa ang buhay ay maaari lang magmula sa Diyos, na ibig sabihin, ang Diyos Mismo lang ang may taglay ng sangkap ng buhay, walang ibang daan ng buhay kung wala ang Diyos Mismo, sa gayon ang Diyos lang ang pinanggagalingan ng buhay, at ang walang hanggang umaagos na bukal ng buhay na tubig ng buhay. Simula nang Kanyang likhain ang mundo, maraming nagawa ang Diyos ukol sa kasiglahan ng buhay, maraming nagawa na nagbigay buhay sa tao, at nagbayad ng napakalaking halaga upang ang tao ay makamtan ang buhay, sapagkat ang Diyos Mismo ang buhay na walang hanggan, at ang Diyos Mismo ang daan upang ang tao ay mabuhay muli. Ang Diyos ay hindi kailanman nawawala sa puso ng tao, at naninirahan na kasama ng tao sa lahat ng mga panahon. Siya ang puwersang nagpapatakbo sa buhay ng tao, ang batayan ng pag-iral ng tao, at isang mariwasang lagak para sa pag-iral ng tao matapos ang kapanganakan. Siya ang nagsasanhi upang ang tao ay maipanganak muli, at tinutulungan siyang mahigpit na mabuhay sa kanyang bawat papel na ginagampanan. Salamat sa Kanyang kapangyarihan, at Kanyang di-mapapatay na puwersa ng buhay, nabuhay ang tao sa salinlahi hanggang sa susunod na salinlahi, sa buong panahon kung saan ang kapangyarihan ng buhay ng Diyos ay naging pangunahing salik sa pag-iral ng tao, kung saan binayaran ng Diyos sa halaga na walang karaniwang tao ang kailanma’y nagbayad. Ang puwersa ng buhay ng Diyos ay kayang manaig sa anumang kapangyarihan; bukod dito, nahihigitan nito ang alinmang kapangyarihan. Ang Kanyang buhay ay walang hanggan, ang Kanyang kapangyarihan ay pambihira, at ang Kanyang puwersa ng buhay ay hindi madaling madaig ng kahit na anong nilalang o puwersa ng kaaway. Ang puwersa ng buhay ng Diyos ay umiiral, at pinagniningning ang makinang na liwanag nito, sa kahit na saang panahon o dako. Ang buhay ng Diyos ay mananatiling di-nagbabago kailanman sa buong panahon ng mga kaguluhan sa langit at lupa. Lahat ng bagay ay lilipas, ngunit ang buhay ng Diyos ay mananatili pa rin, sapagkat ang Diyos ay ang pinagmulan ng pag-iral ng lahat ng bagay, at ang ugat ng kanilang pag-iral. Ang buhay ng tao ay nanggaling sa Diyos, ang pag-iral ng kalangitan ay dahil sa Diyos, at ang pag-iral ng mundo ay nagmumula sa kapangyarihan ng buhay ng Diyos. Walang bagay na nagtataglay ng kasiglahan ang kayang malampasan ang paghahari ng Diyos, at walang anumang bagay na may lakas ang kayang humiwalay sa nasasakupan ng awtoridad ng Diyos. Sa ganitong paraan, kahit na sino pa sila, lahat ay dapat magpasakop sa ilalim ng dominyon ng Diyos, lahat ay dapat mamuhay sa ilalim ng pamumuno ng Diyos, at walang kahit isa ang makatatakas sa Kanyang kontrol.
|
09 Setyembre 2017
Kidlat ng Silanganan | Isinasagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan
Kidlat ng Silanganan | Isinasagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan
Ang gawain sa mga huling araw ay upang pagbukud-bukurin ang lahat ayon sa kanilang uri, upang tapusin ang plano sa pamamahala ng Diyos, sapagkat ang oras ay malapit na at ang araw ng Diyos ay dumating na. Dadalhin ng Diyos ang lahat ng nakapasok sa Kanyang kaharian, iyon ay, lahat ng naging tapat sa Kanya hanggang katapusan, sa panahon ng Diyos Mismo. Gayunman, bago dumating ang panahon ng Diyos Mismo, ang gawain na ninanais gawin ng Diyos ay hindi upang magmasid sa mga gawa ng tao o magtanong tungkol sa mga buhay ng tao, kundi upang hatulan ang kanyang paghihimagsik, sapagkat dadalisayin ng Diyos ang lahat ng lalapit sa Kanyang luklukan. Lahat ng mga nagsisunod sa mga yapak ng Diyos hanggang sa araw na ito ay yaong mga nagsilapit sa luklukan ng Diyos, kaya lahat ng tatanggap sa huling gawain ng Diyos ang siyang dadalisayin ng Diyos. Sa ibang salita, ang lahat ng tatanggap sa huling gawain ng Diyos ang siyang hahatulan ng Diyos.
08 Setyembre 2017
Kidlat ng Silanganan | Siya Ang Ating Diyos
Kidlat ng Silanganan | Siya Ang Ating Diyos
Siya Ang Ating Diyos
Siya lang ang may alam ng ating iniisip.
Uri't diwa natin ay talos N'ya, tulad ng palad N'ya.
Tanging S'ya ang hukom sa taong tiwali at suwail.
Tanging S'ya ang magsasabi't gagawa sa atin sa ngalan ng Diyos.
S'ya lang ang nag-aangkin ng kapangyariha't dunong ng Diyos.
Tanging S'ya lamang ang nag-aangkin ng dangal ng Diyos.
Ang disposisyon ng Diyos at kung ano S'ya at mayro'n S'ya
ay ganap na hayag sa buo, sa buo Niyang katawan.
S'ya lang ang makapagdadala ng liwanag sa atin.
S'ya lang ang makapagtuturo ng tamang daan.
S'ya lang maghahayag mga hiwagang di-hayag ng Diyos,
Di-hayag ng Diyos mula sa paglikha hanggang ngayon.
S'ya lang ang magliligtas sa atin mula kay Satanas,
at mula sa tiwali ng ating, ng ating disposisyon.
S'ya lang ang magliligtas sa atin mula kay Satanas,
at sa tiwaling disposisyon, ng ating disposisyon.
Sa sandaling iyon, isip ay nagkamalay,
espiritu natin ay tila nabuhay:
Ang karaniwan at hamak na taong ito,
na namumuhay kasama natin at di natin tanggap -- sino Siya?
Di ba't S'ya ay asam natin araw at gabi,
Pinakahihintay: Panginoong Jesu-Cristo?
S'ya 'to! Talagang S'ya 'to! Siya ay ang ating Diyos!
S'ya ang katotohanan, daan, at buhay!
S'ya 'to! Talagang S'ya 'to! Siya ay ang ating Diyos!
S'ya ang katotohanan, daan, at buhay!
Tunay ngang katotohanan, daan, at buhay!

mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw. Binubuo ito ng lahat ng mga taong tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nilupig at niligtas ng Kanyang mga salita. Lubos itong itinatag nang personal ng Makapangyarihang Diyos at pinamumunuan Niya bilang Pastol. Talagang hindi ito nilikha ng tao. Si Kristo ay ang katotohanan, daan, at buhay. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga't nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)
Makapangyarihang Diyos, ang Puso Ko'y Sa'Yo
I Kaninong mga salita ang pinakamatamis, at pinalakas ang aking espiritu?
-
Tagalog church songs | Tabernakulo ng Diyos Nasa Mundo na Ⅰ Pagbalik ng Diyos , mga bansa'y nahati-hati na ng ha...
-
Dumadaloy ang Tubig ng Buhay Mula sa Trono | "Paano Hahanapin ang mga Yapak ng Gawain ng Diyos " Kapag nahaharap sa kalun...
-
I Palaging isinasailalim ng Diyos ang tao sa isang mahigpit na pamantayan. Kung ang iyong katapatan ay may mga kondisyon, di N...