Ang Isa na Kataas-taasan sa Ibabaw ng Lahat

12

21 Agosto 2017

Kidlat ng Silanganan | Ang Ikadalawampu’t-tatlong Pagbigkas

Kidlat ng Silanganan,Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos,Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos,panalangin

Kidlat ng Silangananpanalangin
Kidlat ng Silanganan | Ang Ikadalawampu’t-tatlong Pagbigkas
    Sa pagtawag ng Aking tinig, sa pagsiklab ng apoy mula sa Aking mga mata, sinusubaybayan Ko ang buong mundo, inoobserbahan Ko ang buong sansinukob. Nananalangin sa Akin ang buong sangkatauhan, tumitingala sila sa Akin, nagmamakaawang itigil Ko ang Aking galit, at isinusumpang hindi na kailanman sila magrerebelde laban sa Akin. Ngunit hindi na ito ang nakaraan; ito ay kasalukuyan. Sino ang makapapanumbalik sa Aking kalooban? Tiyak na hindi ang panalangin sa loob ng puso ng mga tao, ni hindi ang mga salita sa kanilang mga bibig? Kung hindi dahil sa Akin, sino ang makaliligtas hanggang sa kasalukuyan? Sino ang mabubuhay maliban sa pamamagitan ng mga salita ng Aking bibig? Sino ang hindi nagsisinungaling sa ilalim ng mapagmatyag Kong mga mata? Sa patuloy Kong paggawa ng bago Kong gawain sa buong mundo, sino na ang may kakayahang makatakas mula dito? Maaari kayang iwasan ito ng mga bundok sa pamamagitan ng kanilang taas? Maaari kayang itaboy ito ng mga tubig, sa pamamagitan ng kanilang pagkarami-raming kalakhan? Sa Aking plano, kailanma’y walang anumang nilalang ang basta-basta Kong hinahayaang lumisan, kaya wala kailanman kahit isang tao, o anumang isang nilalang, ang nakatakas mula sa pagdakma ng Aking mga kamay. Naitatanghal ngayon ang banal Kong pangalan sa buong sangkatauhan, at muli, umaangat sa buong sangkatauhan ang mga salitang may pagsalungat laban sa Akin, at laganap sa buong sangkatauhan ang mga alamat tungkol sa Aking pagiging. Hindi Ko hinahayaang gumagawa ang tao ng kanilang mga paghatol tungkol sa Akin, ni hindi Ko rin hinahayaang paghati-hatian nila ang Aking katawan, mas lalong hindi Ko hinahayaan ang kanilang mga panlalait laban sa Akin. Dahil kailanman ay hindi niya Ako ganap na nakilala, palagi nila Akong sinusuway at nililinlang, nabibigo silang mahalin ang Aking Espiritu o pahalagahan ang mga salita Ko. Mula sa bawat gawa at pagkilos niya, at mula sa saloobin niya tungo sa Akin, ibinibigay Ko sa tao ang “gantimpala” na nararapat sa kanya. Kaya, gumagawa lahat ang mga tao nakamasid sa kanilang “gantimpala,” at wala kahit isa ang gumawa kailanman nang may pagsasakripisyo. Ayaw ng mga tao ang gumawa ng walang pag-iimbot na pagtatalaga, ngunit nagagalak sila sa mga gantimpala na maaaring makuha ng walang kapalit. Kahit inilaan ni Pedro ang sarili niya sa harapan Ko, hindi ito para sa kapakanan ng gantimpala sa hinaharap, ngunit para ito sa kapakanan ng kasalukuyang kaalaman. Kailanman ay hindi pumasok sa tunay na pakikipag-ugnayan ang sangkatauhan sa Akin, ngunit paulit-uliti siyang nakikitungo sa Akin sa isang mababaw na paraan, sa gayo’y iniisip na makukuha niya ang pagsang-ayon Ko ng walang kahirap-hirap. Tumingin Ako sa kaibuturan ng puso ng tao, kaya natuklasan Ko sa kanyang kaloob-looban ang “isang mina ng maraming kayamanan,” isang bagay na kahit ang tao mismo ay walang kamalayan ngunit natuklasan Ko ito. At dahil dito, ititigil lamang ng mga tao ang banal-banalang pagpaparusa sa sarili kapag makakita sila ng “materyal na katibayan” at, nakaunat ang mga palad, inaamin ang maruming estado ng kanilang mga sarili. Sa gitna ng mga tao, marami pang mga bago at sariwang bagay ang naghihintay na “ilalabas” Ko para sa kasiyahan ng buong sangkatauhan. Hindi Ako titigil sa Aking gawain dahil sa kawalan ng kakayahan ng tao, ipagpapatuloy Ko siyang kukumpuniin at pananatilihin alinsunod sa Aking orihinal na plano. Ang tao ay parang isang puno ng prutas: Kung walang pagputol at pagpupungos, mabibigong mamunga ang puno at, sa katapusan, ang tanging makikita ninuman ay mga lantang sanga at nahuhulog na mga dahon, wala man lang itong prutas na mahuhulog sa lupa.

20 Agosto 2017

Kidlat ng Silanganan | Ang Ikadalawampu’t-dalawang Pagbigkas

Kidlat ng Silanganan,Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos,Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos,naniniwala


Kidlat ng Silanganan ,naniniwala


 Kidlat ng Silanganan | Ang Ikadalawampu’t- dalawang Pagbigkas

    Namumuhay ang tao sa gitna ng liwanag, ngunit hindi niya batid ang kahalagahan ng liwanag. Siya ay ignorante sa substansya ng liwanag, at sa pinagmumulan ng liwanag, at, higit pa rito, kung sino ang nagmamay-ari nito. Nang ipinagkaloob ko ang liwanag sa tao, Aking agarang sinusuri ang mga kondisyon sa tao: Dahil sa liwanag, nagbabago ang lahat ng mga tao, at dumarami, at lumilisan sa kadiliman. Tinitingnan ko ang bawat kanto ng sansinukob, at nakikita na ang mga bundok ay nalamon sa hamog, na ang tubig ay nagyelo sa gitna ng lamig, at iyon, ay dahil sa pagdating ng liwanag, tumitingin ang mga tao sa Silangan upang madiskubre pa nila nang mas makahulugan—ngunit, ang mga tao ay nananatiling hindi maka-unawa ng malinaw na direksyon sa gitna ng ambon. Dahil ang buong mundo ay nababalot ng hamog, kapag Ako ay tumitingin sa gitna ng mga ulap, ang Aking pag-iral ay hindi kailanman natutuklasan ng tao; naghahanap ang tao sa daigdig ng isang bagay, mukha siyang nangangalap, ninanais niya, tila, na maghintay sa Aking pagdating—ngunit hindi niya alam ang Aking araw, at maaari lamang madalas tumingin sa kislap ng liwanag sa Silangan. Sa lahat ng sangkatauhan, hinahanap ko ang mga tunay na nagnanais ng Aking sariling puso. Lumalakad Ako kasama ng lahat ng tao, at naninirahan sa lahat ng tao, ngunit ang tao ay ligtas at matiwasay sa lupa, at kaya’t walang tunay na nagnanais sa Aking puso. Hindi alam ng mga tao kung paano pangalagaan ang Aking nais, hindi nila nakikita ang Aking mga pagkilos, at hindi sila makagalaw kasama ng liwanag at mailawan ng liwanag. Kahit na hindi pinapahalagahan ng tao ang Aking mga salita, siya ay walang kakayahang mabatid ang panglilinlang ni Satanas; dahil ang tayog ng tao ay masyadong maliit, hindi niya kayang gawin kung ano ang nais ng kanyang puso. Hindi Ako tunay na minahal ng tao. Kapag pinupuri ko siya, pakiramdam niya ay hindi siya karapat-dapat, ngunit hindi ito nagdulot sa kanya na subukin Akong pasayahin. Payak na kanyang hinahawakan lamang ang istasyon na Aking ibinigay sa kanyang mga kamay at sinusuri ito; walang pakiramdam sa Aking pagmamahal, sa halip patuloy niyang pinasasaya ang kanyang sarili sa mga pagpapala ng kanyang istasyon. Ito ba ay hindi kakulangan ng tao? Kapag gumalaw ang mga bundok, maaari ba silang umiwas para sa kapakanan ng iyong istasyon? Kapag umagos ang tubig, maaari ba silang huminto sa harap ng iyong istasyon? Maaari bang ibaligtad ang langit at lupa ng iyong istasyon? Ako ay minsan nang naging maawain sa tao, nang paulit-ulit—ngunit walang taong nagmahal o nagpahalaga dito, nakinig lamang sila na para bang kuwento, o binasa ito na parang isang nobela. Ang Aking bang mga salita ay hindi talaga nakakaantig sa puso ng tao? Ang Aking bang mga binibigkas ay tunay na walang epekto? Maaari bang walang sinuman ang naniniwala sa Aking pag-iral? Hindi mahal ng tao ang kanyang sarili; sa halip, siya ay nakiisa kay Satanas upang lumaban sa Akin, at ginagamit si Satanas bilang isang “kasangkapan” upang paglingkuran Ako. Ako ay susuong sa lahat ng mga mapanlinlang na balak ni Satanas, at pipigilan ang mga tao sa lupa na tanggapin ang panlilinlang ni Satanas, upang hindi sila manlaban sa Akin dahil sa pag-iral ni Satanas.

19 Agosto 2017

Kidlat ng Silanganan | Ang Ikadalawampu’t-isang Pagbigkas

Kidlat ng Silanganan , Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos,  Ang Iglesia ng  Makapangyarihang Diyos,Pag-ibig

Kidlat ng Silanganan ,Pag-ibig

          Kidlat ng Silanganan | Ang Ikadalawampu’t- dalawang Pagbigkas


    Namumuhay ang tao sa gitna ng liwanag, ngunit hindi niya batid ang kahalagahan ng liwanag. Siya ay ignorante sa substansya ng liwanag, at sa pinagmumulan ng liwanag, at, higit pa rito, kung sino ang nagmamay-ari nito. Nang ipinagkaloob ko ang liwanag sa tao, Aking agarang sinusuri ang mga kondisyon sa tao: Dahil sa liwanag, nagbabago ang lahat ng mga tao, at dumarami, at lumilisan sa kadiliman. Tinitingnan ko ang bawat kanto ng sansinukob, at nakikita na ang mga bundok ay nalamon sa hamog, na ang tubig ay nagyelo sa gitna ng lamig, at iyon, ay dahil sa pagdating ng liwanag, tumitingin ang mga tao sa Silangan upang madiskubre pa nila nang mas makahulugan—ngunit, ang mga tao ay nananatiling hindi maka-unawa ng malinaw na direksyon sa gitna ng ambon. Dahil ang buong mundo ay nababalot ng hamog, kapag Ako ay tumitingin sa gitna ng mga ulap, ang Aking pag-iral ay hindi kailanman natutuklasan ng tao; naghahanap ang tao sa daigdig ng isang bagay, mukha siyang nangangalap, ninanais niya, tila, na maghintay sa Aking pagdating—ngunit hindi niya alam ang Aking araw, at maaari lamang madalas tumingin sa kislap ng liwanag sa Silangan. Sa lahat ng sangkatauhan, hinahanap ko ang mga tunay na nagnanais ng Aking sariling puso. Lumalakad Ako kasama ng lahat ng tao, at naninirahan sa lahat ng tao, ngunit ang tao ay ligtas at matiwasay sa lupa, at kaya’t walang tunay na nagnanais sa Aking puso. Hindi alam ng mga tao kung paano pangalagaan ang Aking nais, hindi nila nakikita ang Aking mga pagkilos, at hindi sila makagalaw kasama ng liwanag at mailawan ng liwanag. Kahit na hindi pinapahalagahan ng tao ang Aking mga salita, siya ay walang kakayahang mabatid ang panglilinlang ni Satanas; dahil ang tayog ng tao ay masyadong maliit, hindi niya kayang gawin kung ano ang nais ng kanyang puso. Hindi Ako tunay na minahal ng tao. Kapag pinupuri ko siya, pakiramdam niya ay hindi siya karapat-dapat, ngunit hindi ito nagdulot sa kanya na subukin Akong pasayahin. Payak na kanyang hinahawakan lamang ang istasyon na Aking ibinigay sa kanyang mga kamay at sinusuri ito; walang pakiramdam sa Aking pagmamahal, sa halip patuloy niyang pinasasaya ang kanyang sarili sa mga pagpapala ng kanyang istasyon. Ito ba ay hindi kakulangan ng tao? Kapag gumalaw ang mga bundok, maaari ba silang umiwas para sa kapakanan ng iyong istasyon? Kapag umagos ang tubig, maaari ba silang huminto sa harap ng iyong istasyon? Maaari bang ibaligtad ang langit at lupa ng iyong istasyon? Ako ay minsan nang naging maawain sa tao, nang paulit-ulit—ngunit walang taong nagmahal o nagpahalaga dito, nakinig lamang sila na para bang kuwento, o binasa ito na parang isang nobela. Ang Aking bang mga salita ay hindi talaga nakakaantig sa puso ng tao? Ang Aking bang mga binibigkas ay tunay na walang epekto? Maaari bang walang sinuman ang naniniwala sa Aking pag-iral? Hindi mahal ng tao ang kanyang sarili; sa halip, siya ay nakiisa kay Satanas upang lumaban sa Akin, at ginagamit si Satanas bilang isang “kasangkapan” upang paglingkuran Ako. Ako ay susuong sa lahat ng mga mapanlinlang na balak ni Satanas, at pipigilan ang mga tao sa lupa na tanggapin ang panlilinlang ni Satanas, upang hindi sila manlaban sa Akin dahil sa pag-iral ni Satanas.

18 Agosto 2017

Kidlat ng Silanganan | Ang Ikadalawampung Pagbigkas

Kidlat ng Silanganan , Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos,  Ang Iglesia ng  Makapangyarihang Diyos,Pananampalataya

Kidlat ng Silanganan,ebanghelyo


                      Kidlat ng Silanganan | Ang Ikadalawampung Pagbigkas

Hindi masukat at hindi maarok ang kayamanan ng Aking sambahayan, gayunma’y hindi kailanman lumapit sa Akin ang tao upang tamasahin ang mga iyon. Wala siyang kakayahang tamasahin ang mga iyon sa kanyang sarili, ni protektahan ang sarili niya gamit ang sarili niyang mga pagsisikap; sa halip, palagi niyang nailalagay sa iba ang kanyang pagtitiwala. Sa lahat ng mga yaong tinitingnan Ko, wala kahit isa ang kailanma’y kusa at direktang naghanap sa Akin. Lumalapit silang lahat sa harap Ko sa panghihikayat ng iba, sumusunod sa karamihan, at ayaw nilang bayaran ang halaga o gumugol ng oras para pagyamanin ang kanilang mga buhay. Samakatuwid, walang sinuman sa gitna ng tao ang namuhay kailanman sa katotohanan, at namumuhay ang lahat ng mga tao ng mga buhay na walang kahulugan. Dahil sa mga gawi at kaugalian ng tao na matagal nang umiiral, umalingasaw ang amoy ng lupa sa mga katawan ng lahat ng mga tao. Bilang resulta, naging manhid ang tao; walang pandama sa kalagiman ng mundo, sa halip ay nagpapakaabala siya sa gawain ng pagtatamasa sa sarili sa malamig na mundong ito. Walang kahit kaunting init ang buhay ng tao, at walang kahit anong pantaong lasa o liwanag—gayunma’y sinanay niya ang kanyang sarili dito, nanatili siya sa habambuhay na kawalan ng halaga kung saan nagmamadali siyang gumagawa nang walang anumang napapala. Sa isang kisapmata, lumalapit ang araw ng kamatayan, at namamatay ang tao ng isang mapait na kamatayan. Kailanman, wala siyang natupad na anuman, o napalang anuman sa mundong ito—nagmamadali lamang siyang dumarating, at nagmamadaling umaalis. Sa Aking paningin wala sa mga yaon ang nakapagdala kailanman ng anuman, o nakakuha ng anuman, kung kaya nararamdaman ng tao na hindi patas ang mundo. Gayunman walang may gustong magmadali. Hinihintay lamang nila ang araw kung kailan ang Aking pangako mula sa langit ay biglang darating sa gitna ng tao, magpapahintulot sa kanila, sa panahon kung kailan sila ay naligaw, na minsan pa ay makita ang daan ng walang-hanggang buhay. Kaya, nakatutok ang tao sa bawa’t gawa at kilos Ko upang tingnan kung talagang natupad Ko ang pangako Ko sa kanya. Kapag siya ay nasa kalagitnaan ng kadalamhatian, o sa matinding sakit, o pinalilibutan ng mga pagsubok at malapit nang mahulog, isinusumpa ng tao ang araw ng kanyang kapanganakan upang mas mabilis niyang matakasan ang mga problema niya at makalipat sa mas magandang lugar. Nguni’t kapag lumipas na ang mga pagsubok, napupuno ng kagalakan ang tao. Ipinagdiriwang niya ang araw ng kapanganakan niya sa mundo at hinihiling na pagpalain Ko ang araw ng kanyang kapanganakan; sa panahong ito, hindi na binabanggit ng tao ang mga pangako ng nakaraan, malalim ang takot niya na sa ikalawang pagkakataon darating muli sa kanya ang kamatayan. Kapag itinataas ng mga kamay Ko ang mundo, sumasayaw sa kagalakan ang mga tao, hindi na sila nalulungkot, at umaasa silang lahat sa Akin. Kapag tinatakpan Ko ng Aking mga kamay ang Aking mukha, at itinutulak ang mga tao sa ilalim ng lupa, agad silang nahihirapan sa paghinga, at bahagya na silang makapanatiling buhay. Lahat sila ay sumisigaw sa Akin, takot na lilipulin Ko sila, sapagka’t gusto nilang lahat na makita ang araw kung kailan Ako ay maluluwalhati. Itinuturing ng tao ang araw Ko bilang pangunahin ng kanyang pag-iral, at ito ay dahil lamang sa mahigpit na pagnanais ng mga tao para sa araw kung kailan ang Aking kaluwalhatian ay darating kaya nakapanatiling buhay ang sangkatauhan hanggang ngayon. Ang pagpapalang ipinahayag ng Aking bibig ay na yaong mga ipinanganganak sa panahon ng mga huling araw ay napakapalad na makita ang buo Kong kaluwalhatian.



     Sa kabuuan ng mga kapanahunan, marami ang lumisan sa mundong ito sa kabiguan, at may pag-aatubili, at marami ang nakarating dito na may pag-asa at pananampalataya. Isinaayos Ko para marami ang dumating, at marami ang naitaboy Ko. Hindi mabilang ang mga tao na dumaan sa Aking mga kamay. Maraming espiritu ang itinapon sa Hades, marami ang namuhay sa laman, at marami ang namatay at muling ipinanganak sa mundo. Gayunma’y walang sinuman sa kanila ang kailanma’y nagkaroon ng pagkakataong tamasahin ang mga pagpapala ng kaharian ngayon. Napakarami ang ibinigay Ko sa tao, gayunma’y kakarampot ang kanyang natamo, sapagka’t ang pagsalakay ng mga pwersa ni Satanas ay iniwan siya na walang kakayahang tamasahin ang lahat ng mga kayamanan Ko. Nagkaroon lamang siya ng magandang kapalaran na matitingnan, nguni’t hindi niya kailanman ganap na natamasa. Hindi kailanman natuklasan ng tao ang kabang-yaman sa kanyang katawan na tatanggap sa mga kayamanan ng langit, kaya naiwala niya ang mga pagpapalang naipagkaloob Ko sa kanya. Hindi ba ang espiritu ng tao ang pinaka bahagi na nag-uugnay sa kanya sa Aking Espiritu? Bakit hindi kailanman nakipag-ugnayan ang tao sa Akin sa pamamagitan ng kanyang espiritu? Bakit nakalalapit siya sa Akin sa laman, nguni’t hindi niya kayang gawin ito sa espiritu? Sa katawang-tao ba ang tunay Kong mukha? Bakit hindi alam ng tao ang Aking nilalaman? Tunay bang hindi Ako kailanman nagkaroon ng anumang bakas sa espiritu ng tao? Ganap ba Akong naglaho mula sa espiritu ng tao? Kung hindi papasok ang tao sa espirituwal na kinasasaklawan, paano niya matatarok ang mga hangarin Ko? Mayroon ba sa mga mata ng tao ang direktang makatatagos sa espirituwal na kinasasaklawan? Marami ang mga panahon na Ako ay tumawag sa tao sa pamamagitan ng Aking Espiritu, gayunma’y kumikilos ang tao na parang nasaksak Ko siya, tumitingin sa Akin mula sa malayo, sa malaking takot na pangungunahan Ko siya tungo sa ibang mundo. Marami ang mga panahon na nagtanong Ako sa espiritu ng tao, gayunma’y nananatili siyang lubos na malilimutin, napakalaki ang takot na papasok Ako sa kanyang tahanan at sasamantalahin ang pagkakataon upang hubaran siya ng lahat ng mga ari-arian niya. Kaya pinagsasarhan niya Ako sa labas, iniiwan Ako na nakaharap sa walang-iba kundi isang malamig, mahigpit-ang-pagkakasarang “pinto.” Marami ang mga panahon na bumagsak ang tao at nailigtas Ko siya, nguni’t pagkagising agad niya Akong iniiwan at, hindi-nahipo ng Aking pagmamahal, saglit Akong sinusulyapan; hindi Ko kailanman napainit ang puso ng tao. Walang-pandama ang tao, isa siyang malupit na hayop. Kahit na napapainit siya ng Aking yakap, hindi siya kailanman naantig nito. Ang tao ay parang isang taong-bundok. Hindi niya kailanman pinahalagahan ang lahat ng pagmamahal Ko sa sangkatauhan. Ayaw niya Akong lapitan, mas gusto niyang manahan sa mga kabundukan, kung saan tinitiis niya ang banta ng mga mababangis na hayop—nguni’t ayaw pa rin niyang magkubli sa Akin. Hindi ko pinipilit ang sinumang tao: Ginagawa Ko lamang ang Aking gawain. Darating ang araw na mula sa kalagitnaan ng makapangyarihang karagatan, lumalangoy ang tao sa Aking kinaroroonan upang maari niyang matamasa ang lahat ng yaman sa mundo at iwan sa likuran ang panganib ng pagkalunod sa karagatan.
    Kasunod ng kaganapan ng mga salita Ko, unti-unting nabubuo ang kaharian sa mundo at unti-unting babalik sa pagiging-karaniwan ang tao, at sa gayon naitatatag sa mundo ang kahariang nasa Aking puso. Sa kaharian, mababawi ng buong bayan ng Diyos ang buhay ng normal na tao. Wala na ang nagyeyelong taglamig, napalitan na ng isang mundo ng mga lungsod sa tagsibol, kung saan tagsibol sa buong taon. Hindi na nahaharap ang mga tao sa madilim, mahirap na mundo ng tao, hindi na nila tinitiis ang maginaw na mundo ng tao. Hindi na nakikipag-away ang mga tao sa isa’t isa, hindi na makikipagdigma ang mga bansa sa isa’t isa, wala na ang patayan at ang dugong dumadaloy mula sa patayan; mapupuno ang lahat ng mga lupain ng kaligayahan, at punung-puno ng init sa pagitan ng mga tao ang lahat ng dako. Kumikilos Ako sa buong mundo, nasisiyahan Ako mula sa kaitaasan ng Aking trono, naninirahan Ako sa kalagitnaan ng mga bituin. At naghahandog sa Akin ang mga anghel ng mga bagong awitin at mga bagong sayaw. Hindi na sinasanhi ng kanilang kahinaan na umagos ang mga luha sa kanilang mga mukha. Hindi Ko na naririnig, sa Aking harapan, ang tinig ng pag-iyak ng mga anghel, at wala na ring nagrereklamo sa Akin ng kahirapan. Ngayon, lahat kayo ay nabubuhay sa harapan Ko; bukas, mamamalagi kayong lahat sa Aking kaharian. Hindi ba ito ang pinakadakilang pagpapala na ipinagkakaloob Ko sa tao? Dahil sa halagang binabayaran ninyo ngayon, mamanahin ninyo ang mga biyaya ng hinaharap at maninirahan sa gitna ng Aking kaluwalhatian. Ayaw ninyo pa rin bang makipag-ugnayan sa nilalaman ng Aking Espiritu? Nais ninyo pa rin bang paslangin ang inyong mga sarili? Nais ng mga tao na habulin ang mga pangakong nakikita niya, kahit na panandalian lamang ang mga iyon, nguni’t walang gustong tumanggap sa mga pangako ng hinaharap, kahit na ang mga ito ay para sa walang-hanggan. Ang mga bagay na nakikita ng tao ay ang mga bagay na lilipulin Ko, at ang mga bagay na hindi nakikita ng tao ang mga bagay na tutuparin Ko. Ito ang pagkakaiba sa pagitan ng Diyos at ng tao.
     Naitala ng tao ang araw Ko, nguni’t walang nakaalam kahit kailan sa eksaktong petsa, kaya maaaring mabuhay lamang ang tao sa kalagitnaan ng pagkatuliro. Dahil ang mga mahigpit-na-pagnanais ng tao ay umaalingawngaw patawid sa walang-hangganang kalangitan, at pagkatapos ay naglalaho, paulit-ulit na nawalan ng pag-asa ang tao, anupa’t siya ay nakabulusok sa kasalukuyan niyang mga kalagayan. Ang layunin ng mga pagbigkas Ko ay hindi upang habulin ng tao ang mga petsa, ni upang itulak siya sa kanyang sariling pagkawasak bilang resulta ng kawalan niya ng pag-asa. Nais Kong tanggapin ng tao ang Aking pangako, at nais Kong ang lahat ng mga tao sa buong mundo ay magkaroon ng bahagi sa Aking pangako. Ang gusto Ko ay mga nilalang-na-may-buhay na puno ng buhay, hindi mga bangkay na nakalublob sa kamatayan. Dahil nakasandal Ako sa mesa ng kaharian, uutusan Ko ang lahat ng mga tao sa lupa na tanggapin ang Aking pagsisiyasat. Hindi Ko pinapayagan ang anumang maruming bagay sa Aking harapan. Hindi Ko hinahayaan ang anumang panghihimasok ng tao sa Aking gawain; ang lahat ng mga nanghihimasok sa Aking gawain ay itinatapon sa mga piitan, at pagkatapos na sila’y mapakawalan dinadagsa pa rin sila ng sakuna, tinatanggap ang nakapapasong apoy ng lupa. Noong Ako ay nasa Aking nagkatawang-taong laman, kinasusuklaman Ko ang sinumang nakikipagtalo sa gawain Ko sa pamamagitan ng Aking laman. Marami ang mga panahon na napaalalahanan Ko ang lahat ng mga tao na wala Akong kamag-anak sa lupa, at sinumang nagtuturing sa Akin bilang isang kapantay, at hinahatak Ako sa kanila para magunita namin ang tungkol sa mga panahong nakaraan na kasama Ako, ay sasailalim sa pagkawasak. Ito ang Aking utos. Sa ganoong mga pangyayari hindi Ako kahit katiting man na magiging maluwag sa tao. Ang lahat ng mga yaong nanghihimasok sa Aking gawain at nag-aalok ng payo sa Akin ay kinakastigo Ko, at hindi Ko mapapatawad kailanman. Kung hindi Ako nagsasalita nang malinaw, hindi kailanman matatauhan ang mga tao, at hindi-nalalamang mahuhulog sa Aking pagkastigo—dahil hindi Ako kilala ng tao sa Aking laman.
Marso 20, 1992


   
                              Mula sa Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw (Mga Seleksyon)

Ang pinagmulan: Kidlat ng Silanganan | Ang Ikadalawampung Pagbigkas


                          Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos

17 Agosto 2017

Ang Ikalabing-siyam na Pagbigkas | Ang Ikalabing-siyam na Pagbigkas

Kidlat ng Silanganan , Mga Pelikula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos , Makapangyarihang Diyos , Ang Biblia , Cristo


Kidlat ng Silanganan ,panginoon




Kidlat ng Silanganan | Ang Ikalabing-siyam na Pagbigkas

     Ito ay marapat na pinagkakaabalahan ng sangkatauhan na kunin ang mga salita Ko bilang ang batayan ng kanyang pananatiling buhay. Dapat itatag ng tao ang indibidwal niyang kabahagi sa bawa’t isang bahagi ng mga salita Ko; ang hindi paggawa nito ay paghingi ng suliranin, paghahanap ng sarili niyang pagkawasak. Hindi Ako kilala ng sangkatauhan, at dahil dito, sa halip na dalhin niya ang kanyang buhay sa Akin upang ihandog bilang kapalit, ang tanging ginagawa niya ay pumarada sa harapan Ko na mayroong basura sa kanyang mga kamay, sinusubukang sa pamamagitan niyaon ay bigyan Ako ng kasiyahan. Nguni’t, malayo sa pagkakaroon ng kasiyahan sa mga bagay na tulad ng mga ito, patuloy Ako sa paghingi sa sangkatauhan. Gusto Ko ang handog ng tao, nguni’t kinapopootan Ko ang kaniyang mga panghuhuthot. Ang puso ng lahat ng mga tao ay puno ng kasakiman; parang inalipin ng diyablo ang puso ng tao, at hindi makalaya ang tao at maihandog ang kanyang puso sa Akin. Kapag nagsasalita Ako, nakikinig ang tao sa Aking tinig nang may pamimitagan; nguni’t kapag tumigil Ako sa pagsasalita, nagsisimula siyang muli sa sarili niyang “pakikipagsapalaran” at ganap na humihinto sa pag-intindi sa mga salita Ko, na parang pandagdag lamang ang mga salita Ko sa kanyang “pakikipagsapalaran.” Kailanman hindi ako naging maluwag sa sangkatauhan, at gayunman naging lubhang-matiisin din ako at may magandang kalooban sa sangkatauhan. At sa gayon, dahil sa Aking pagiging mapagpahinuhod, naging napakahambog ang mga tao, walang kakayahang kilalanin ang sarili at magmuni-muni, at sinasamantala nila ang Aking pagkamatiisin upang linlangin Ako. Walang kahit isa sa kanila ang taos-pusong nagmamalasakit sa Akin, at wala ni isa man ang tunay na nagpapahalaga sa Akin bilang isang bagay na sinisinta ng kanyang puso; ibinibigay lamang nila sa Akin ang pilit nilang pagpansin tuwing wala silang ginagawa. Ang pagsisikap na ginugol Ko sa tao ay wala nang kapantay. Ginawa Ko na sa tao ang kauna-unahang uri ng gawain, at bukod dito, ibinigay Ko sa kanya ang isang karagdagang pasanin, upang sa ganoon, mula sa kung ano ang mayroon Ako at kung ano Ako, maaaring matuto ang tao at magbago. Ginagawa Ko ito upang hindi maging isang tagagamit lamang ang tao, nguni’t gawin siyang tagagawa na may kakayahang talunin si Satanas. Kahit na maaaring wala akong hinihinging kahit ano sa tao, gayunman may mga pamantayan Ako para sa mga kahilingan Ko, sapagka’t may layunin Ako sa ginagawa Ko, at may mga prinsipyong alinsunod sa hakbang Ko: Hindi Ako, gaya ng naguguni-guni ng mga tao, padaskul-daskol na naglalaro, at hindi Ko rin, sa sinasadyang pagbabagu-bago, nilikha ang mga kalangitan at lupa at ang napakaraming mga bagay na nilikha. Sa Aking paggawa, dapat may bagay na makikita ang tao, bagay na matatamo. Hindi niya dapat aksayahin ang tagsibol na kapanahunan ng kanyang “kabataan,” o tratuhin ang sarili niyang buhay na parang kasuotang basta hinayaang mapuno ng alikabok; sa halip, dapat bantayan niya nang mahigpit ang kanyang sarili, kumukuha mula sa Aking pagpapala upang matustusan ang sarili niyang kasiyahan, hanggang, para sa Aking kapakanan, hindi na siya makababalik tungo kay Satanas, at para sa Aking kapakanan maglulunsad siya ng isang pag-atake laban kay Satanas. Hindi ba napakadaling gaya nito ang hinihiling Ko sa tao?
    Kapag nag-umpisang lumitaw ang banaag ng liwanag sa Silangan, sa panahong iyan itutuon ng lahat ng mga tao sa sansinukob ang kanilang pansin sa nabanggit na pangyayari tungo sa liwanag sa Silangan. Sa pagkakahimasmas mula sa pagkaidlip, pagmamasdan ng sangkatauhan ang pinagmumulan ng liwanag sa silangan, nguni’t dahil sa mga limitasyon ng kapangyarihan ng tao, walang sinuman ang makakakita sa lugar na pinagmumulan ng liwanag. Kapag ganap na nailawan ang lahat ng mga nasa sansinukob, babangon ang tao mula sa pagtulog at pananaginip, at doon lamang niya mapapagtanto na unti-unti nang dumarating sa sanglibutan ang Aking araw. Magdiriwang ang buong sangkatauhan dahil sa pagdating ng liwanag, at dahil dito hindi na siya mananatiling tulog, at hindi na magiging walang-saysay. Sa ilalim ng kaningningan ng Aking liwanag, magiging malinaw ang isip at pananaw ng buong sangkatauhan, at kaagad na mapupukaw sa kagalakan ng pamumuhay. Sa likod ng makapal na ulap, sinusubaybayan Ko ang sangkatauhan. Namamahinga ang lahat ng mga hayop; dahil sa pagdating ng banaag ng liwanag, namalayan ng lahat ng nilikha na papalapit ang isang bagong buhay. Dahil dito, gumapang din palabas ang mga hayop mula sa kanilang mga yungib, naghahanap ng pagkain. Siyempre, hindi rin naiiba ang mga halaman, at sa kaningningan ng liwanag kuminang na maningning ang berde nilang mga dahon, naghihintay upang ialay sa Akin ang indibidwal nilang bahagi sa panahong nasa lupa Ako. Hinahangad ng lahat ng mga tao ang pagdating ng liwanag, nguni’t takot silang lahat sa pagdating nito, nababahalang hindi na maitatago ang kanilang sariling kapangitan, dahil ganap na hubad ang tao, at walang panakip. Gaano karaming mga tao ang nabalot ng matinding takot dahil sa pagdating ng liwanag at nagulantang dahil sa paglitaw ng liwanag? Sa pagkakita sa liwanag, ilang tao ang napuno ng walang-hanggang panggigipuspos, kinasusuklaman ang sarili nilang karumihan, nguni’t, walang kapangyarihan upang baguhin ang katotohanan, kundi maghintay lamang sa Akin upang ipahayag ang kaparusahan. Ilang mga tao, na pinino ng pagdurusa sa kadiliman, sa pagkakita sa liwanag ay dagling nagulantang sa malalim na kahulugan nito, at sa gayon ay niyakap nila ang liwanag nang mahigpit, sa takot na mawala itong muli? Gaano karaming mga tao, ang sa halip na magulat sa biglaang paglitaw ng liwanag, ay nagpatuloy lamang sa pang-araw-araw na gawain, sapagka’t sila’y nabulag sa loob ng mahabang panahon, kaya hindi nila napapansin na dumating na ang liwanag, at hindi rin sila nasiyahan dito. Sa puso ng mga tao, wala Ako sa itaas, o sa ibaba. Para sa mga tao, hindi mahalaga kung totoo man Ako o hindi, na parang walang ikalulungkot ang buhay ng tao kung wala Ako, at kung totoo man Ako, wala silang matatamong kasiyahan. Dahil hindi Ako pinahahalagahan ng mga tao, iilan lamang ang mga kasiyahang naipagkakaloob Ko sa kanila. Nguni’t sa sandaling bigyan Ako ng sangkatauhan ng kahit katiting na pagsamba, kung gayon babaguhin Ko rin ang Aking pakikitungo sa kanila. Sa kadahilanang ito, magiging ganap lamang na mapalad ang mga tao na ialay ang kanilang mga sarili sa Akin at hingin ang mga bagay na nasa Aking kamay kapag natatarok na nila ang batas na ito. Tiyak na hindi lamang ang sariling mga kapakanan ng tao ang layunin ng pag-ibig niya sa Akin? Tiyak na hindi lamang sa mga bagay na Aking ibinibigay nakabatay ang kanyang pananampalataya sa Akin? Maaari kayang, maliban kung makikita niya ang Aking liwanag, hindi Ako kayang mahalin ng tao nang taos sa pamamagitan ng kanyang pananampalataya? Tiyak na ang kalakasan at sigla ng tao ay hindi tunay na para lamang sa mga kundisyon ng kasalukuyan? Maaari kayang kailangan ng tao ang tapang upang mahalin Ako?
  Sa pananalig sa Aking pag-iral, masunuring nagpapasakop ang napakaraming mga bagay na nilikha sa mga lugar na kinaroroonan nila, at sa kawalan ng Aking pagdisiplina, hindi sila nagpapasasa sa kalayaang mapabayaan. Samakatuwid, nagiging mga hangganan ang mga bundok sa pagitan ng mga bansa sa lupain, nagiging mga haramg ang mga karagatan upang panatilihing hiwalay ang mga tao sa pagitan ng mga lupain, at ang hangin ay nagiging siyang bagay na dumadaloy sa pagitan ng mga tao sa kalawakan sa lupa. Tanging ang sangkatauhan ang walang kakayahang sumunod sa mga hinihiling ng Aking kalooban; ito ang dahilan kung bakit sinasabi Ko na, sa lahat ng mga nilalang tanging ang tao lamang ang nabibilang sa kategorya ng mga suwail. Hindi kailanman ganap na nagpasakop ang tao sa Akin, at sa kadahilanang ito pinanatili Ko siya sa ilalim ng mahigpit na pagdisiplina. Kung mangyayari na lalawig ang Aking kaluwalhatian sa buong sansinukob sa kalagitnaan ng sangkatauhan, kung gayon nakatitiyak na Aking kukunin ang lahat ng Aking kaluwalhatian at ihahayag ito sa harap ng sangkatauhan. Sapagka’t sa karumihan ng tao hindi siya karapat-dapat na tumingin sa Aking kaluwalhatian, sa loob ng libu-libong taon hindi Ako nagpakita kailanman, nguni’t nanatili Akong nakatago; sa kadahilanang ito hindi kailanman naihayag sa sangkatauhan ang Aking kaluwalhatian, at laging nakalublob ang tao sa malalim na bangin ng kasalanan. Pinatawad Ko na ang hindi-pagkamatuwid ng sangkatauhan, nguni’t hindi alam ng mga tao kung paano pangalagaan ang kanilang mga sarili, at sa halip ay lagi nilang ibinubukas ang kanilang mga sarili sa kasalanan, pinahihintulutan nilang sirain sila ng kasalanan. Hindi ba kakulangan ito ng tao sa paggalang at pagmamahal sa sarili? Sa kalagitnaan ng sangkatauhan, mayroon bang isa na tunay na makaiibig? Ilang “katiting” ba ang maaring timbang ng katapatan ng tao? Hindi ba’t may mga hindi-purong mga bagay na nakahalo sa mga tinatawag niyang tunay? Hindi ba’t ang kanyang katapatan ay ganap na napalobo ng labu-labong kalituhan? Ang kinakailangan Ko ay ang hindi-nahahating pagmamahal ng tao. Hindi Ako kilala ng tao, at bagaman sinusubukan niya Akong makilala, hindi niya ibibigay sa Akin ang tunay at masigasig niyang puso. Mula sa tao hindi Ko sinisingil kung ano ang ayaw niyang ibigay. Kung ibinibigay niya sa Akin ang kanyang katapatan, tatanggapin Ko ito nang walang malumanay na pagtutol; nguni’t kung hindi niya Ako pinagkakatiwalaan, at umaayaw siyang ihandog ang kahit katiting ng sarili niya sa Akin, sa halip na lalo pang mayayamot dahil diyan, pasimpleng itataboy Ko na lamang siya sa ibang paraan at ipadadala siya sa lugar na kinababagayan niya. Ang tao ay pababagsakin ng dumadagundong na kulog sa kalangitan; tatabunan siya sa pagbagsak ng mga matataas na bundok; kakainin siya ng mga gutom na mababangis na hayop; at lulunurin siya ng dumadaluyong na mga karagatan. Sa pakikibahagi ng sangkatauhan sa gusot ng pagpapatayan ng mga magkakapatid, hahanapin ng lahat ng mga tao ang kanilang sariling pagkawasak sa mga kalamidad na lilitaw sa kalagitnaan ng sangkatauhan.
Lumalawak ang kaharian sa kalagitnaan ng sangkatauhan, nabubuo ito sa kalagitnaan ng sangkatauhan, ito ay tumatayo sa kalagitnaan ng sangkatauhan; walang puwersa ang maaaring magwasak sa Aking kaharian. Sa Aking mga tao na nasa kaharian ng kasalukuyan, sino sa inyo ang hindi tao na nakahalubilo sa mga tao? Sino sa inyo ang namamalagi sa labas ng kalagayan ng tao? Kapag inihayag sa sangkaramihan ang tanda ng bago Kong panimula, ano kaya ang reaksyon ng sangkatauhan? Nakita ninyo mismo ng inyong sariling mga mata ang estado ng sangkatauhan; tiyak na hindi na kayo umaasa pa na magpakailanmang magtitiis sa mundong ito? Lumalakad Ako ngayon sa kalagitnaan ng Aking bayan, naninirahan Ako sa kalagitnaan ng aking bayan. Ngayon, yaong may tunay na pag-ibig sa Akin, ang taong gaya nito ay mapalad; mapalad yaong mga nagpapasakop sa Akin, sila ay tiyak na mananatili sa Aking kaharian; mapalad yaong mga nakakakilala sa Akin, sila ay tiyak na hahawak ng kapangyarihan sa Aking kaharian; mapalad ang mga yaong naghahangad sa Akin, tiyak na makaliligtas sila mula sa mga gapos ni Satanas at matatamasa nila ang pagpapala sa Akin; mapalad ang mga yaong kayang talikuran ang kanilang mga sarili, tiyak na papasok sila sa Aking pag-aari, at mamanahin ang gantimpala ng Aking kaharian. Aalalahanin Ko ang mga yaong gumagawa para sa Aking kapakanan, yayakapin Ko nang may kagalakan ang mga yaong gumugugol para sa Aking kapakanan, bibigyan Ko ng mga kasiyahan ang mga yaong naghahandog sa Akin. Pagpapalain Ko ang mga yaong nasisiyahan sa Aking mga salita; tiyak na sila ang magiging mga haligi na magtataas sa ituktok ng Aking kaharian, tiyak na magkakaroon sila ng walang-kapantay na gantimpala sa Aking bahay, at walang maihahalintulad sa kanila. Tinanggap na ba ninyo ang mga pagpapalang ibinigay sa inyo? Hinanap na ba ninyo ang mga ipinangako sa inyo? Sa ilalim ng paggabay ng Aking liwanag, tiyak na makakawala kayo mula sa pagkasakal ng mga puwersa ng kadiliman. Sa gitna ng kadiliman, tiyak na hindi ninyo maiwawala ang ilaw na gumagabay sa inyo. Tiyak na kayo ang magiging panginoonng lahat ng nilalang. Tiyak na kayo ay magiging mananagumpay sa harap ni Satanas. Sa pagbagsak ng kaharian ng malaking pulang dragon, tiyak na tatayo kayo sa kalagitnaan ng napakaraming tao upang sumaksi sa Aking tagumpay. Tiyak na magiging matatag at matibay kayo sa lupain ng Sinim. Sa pamamagitan ng mga pagdurusang tinitiis ninyo, mamanahin ninyo ang pagpapalang nagmumula sa Akin, at tiyak na sisinagan ng Aking kaluwalhatian ang lahat sa loob ng sansinukob.
Marso 19, 1992 Mula sa Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw (Mga Seleksyon)
Ang pinagmulan: Kidlat ng Silanganan | Ang Ikalabing-siyam na Pagbigkas
                           
                      

                                 







Makapangyarihang Diyos, ang Puso Ko'y Sa'Yo

 I Kaninong mga salita ang pinakamatamis, at pinalakas ang aking espiritu?