Ang Isa na Kataas-taasan sa Ibabaw ng Lahat

12

05 Oktubre 2017

Kidlat ng Silanganan | Si Kristo ng Huling Mga Araw ay Naghahatid ng Landas ng Walang-Hanggang Buhay



Kidlat ng Silanganan | Si Kristo ng Huling Mga Araw ay Naghahatid ng Landas ng Walang-Hanggang Buhay
I
Ang Diyos mismo ay buhay at katotohanan,
at ang buhay Nya't katotohanan magkaugnay.
Pag di nakamtan katotohanan N'ya, walang buhay.
Kung walang gabay at tulong ng Kanyang katotohanan,
mga titik at pangaral lamang ang sa tao'y naiwan,
tao'y naiwan sa kamatayan.
Ang buhay at katotohanan ng Diyos magkaugnay
at laging nariyan.
Kung di mo batid bukal ng katotohanan,
tustos ng buhay di nakakamtan.
Si Kristo ng mga huling araw dala'y buhay
taglay ang katotohanang nananatili't walang-hanggan.
Katotohanang dapat tahakin ng tao upang buhay ay kamtan.
Tanging daan sa pagkilala sa Diyos
at sa Kanyang pagsang-ayon.

04 Oktubre 2017

Kidlat ng Silanganan | Ang Diyos Mismo, ang Natatangi I

  karunungan-Pananampalataya
Kidlat ng Silanganan | Ang Diyos Mismo, ang Natatangi I

Ang ilan sa huli kong tinalakay sa mga pagsasamahan ay tungkol sa gawain ng Diyos, disposisyon ng Diyos, at Diyos Mismo. Pagkatapos mapakinggan ang mga pagtalakay sa mga pagsasamahan na ito, naramdaman ba ninyo na nagkaroon kayo ng kaunawaan at kaalaman tungkol sa disposisyon ng Diyos? Gaano katinding kaunawaan at kaalaman? Maaari niyo ba itong lagyan ng numero? Nagbigay ba sa inyo ang mga pagsasamahang ito ng mas malalim na kaunawaan sa Diyos? Maaari bang sabihing ang kaunawaang ito ay isang tunay na kaalaman sa Diyos? Maaari bang sabihin na itong kaalaman at kaunawaan sa Diyos ay isang kaalaman sa kabuuang diwa ng Diyos, at ang lahat ng mayroon at kung ano Siya? Hindi, malinaw na hindi! Ito’y dahil nagbigay lamang ang mga pagsasamahang ito ng kaunawaan sa bahagi ng disposisyon ng Diyos, at kung ano ang mayroon at kung ano Siya—hindi ang lahat ng ito, o ang kabuuan nito. Ang mga pagsasamahan ay nagpaunawa sa inyo ng bahagi sa gawaing minsa’y ginawa ng Diyos, kung saan nakita ninyo ang disposisyon ng Diyos, at kung ano ang mayroon at kung ano Siya, pati na rin ang pamamaraan at pag-iisip sa likod ng lahat ng Kanyang ginawa. Ngunit isa lamang itong literal, sinabing kaunawaan sa Diyos, at, sa inyong puso, nananatili kayong hindi sigurado kung gaano karami rito ang totoo. Ano ang mga pangunahing tumutukoy sa kung mayroon bang anumang katotohanan sa inyong kaunawaan sa mga naturang bagay? Natutukoy ito sa pamamagitan ng kung gaano katindi ang mga salita ng Diyos at disposisyon na tunay ninyong naranasan sa panahon ng inyong aktwal na mga karanasan, at kung gaano karami ang nakita at nalaman ninyo sa panahon ng inyong aktwal na mga karanasan. “Ang ilang mga huling pagsasamahan ay nagpaunawa sa atin ng mga bagay na ginawa ng Diyos, ang mga pag-iisip ng Diyos, at bukod diyan, ang saloobin ng Diyos tungo sa sangkatauhan at ang mga basehan ng Kanyang mga pagkilos, pati na rin ang mga prinsipyo ng Kanyang mga pagkilos. At kaya natin nauunawaan ang disposisyon ng Diyos, at nalaman ang kabuuan ng Diyos.” May nagsabi ba ng mga naturang salita? Tama ba na sabihin ito? Ito’y malinaw na hindi. At bakit ko sinabi na ito’y hindi? Ang disposisyon ng Diyos, at kung ano ang mayroon at kung ano Siya, ay naipahayag sa mga bagay na Kanyang ginawa at ang mga salitang Kanyang sinabi. Maaaring makita ng tao kung anong mayroon at kung ano ang Diyos sa pamamagitan ng gawain na Kanyang ginawa at ang mga salitang Kanyang sinabi, ngunit ito lang ay para sabihin na ang gawain at mga salita ay nagpapaunawa sa tao ng bahagi ng disposisyon ng Diyos, at bahagi ng kung ano ang mayroon at kung ano Siya. Kung naisin ng tao na magkaroon pa ng mas marami at malalim na kaunawaan sa Diyos, kung gayon dapat ay mas maranasan ng tao ang mga salita at gawain ng Diyos. Bagama’t ang tao ay nagkakaroon lamang ng bahagyang kaunawaan sa Diyos kapag nakararanas ng bahagi ng mga salita o gawain ng Diyos, ito bang bahagyang kaunawaang ito ay kumakatawan sa tunay na disposisyon ng Diyos? Kumakatawan ba ito sa diwa ng Diyos? Syempre ito’y kumakatawan sa tunay na disposisyon ng Diyos, at sa diwa ng Diyos, walang duda diyan. Anumang oras o lugar, o sa kung anumang paraan gawin ng Diyos ang Kanyang gawain, o sa kung anumang anyo Siya magpakita sa tao, o sa kung anong paraan Niya ipahayag ang Kanyang kalooban, ang lahat na Kanyang ibinubunyag at ipinapahayag ay kumakatawan sa Diyos Mismo, sa diwa ng Diyos at kung ano ang mayroon at kung ano Siya. Ginagawa ng Diyos ang Kanyang gawain sa pamamagitan ng kung ano ang mayroon at kung ano Siya, maging sa Kanyang totoong pagkakakilanlan; ito ay talagang tunay. Ngunit, ngayon, ang mga tao ay may bahagya lang na pag-unawa sa Diyos sa pamamagitan ng Kanyang mga salita, at sa pamamagitan ng kung ano ang naririnig nila sa katuruan, at kaya sa partikular na lawak, ang kaunawaang ito ay maaaring sabihing panteoryang kaalaman lamang. Sa pagtingin sa iyong aktwal na kalagayan, maaari mo lang beripikahin ang kaunawaan o kaalaman sa Diyos na iyong narinig, nakita, o nalaman at naintindihan sa iyong puso ngayon kung ang bawat isa sa inyo ay mapagdaanan ito sa iyong mga aktwal na mga karanasan, at malaman ito nang paunti-unti. Kung hindi ko tatalakayin sa pagsasamahan ang mga salitang ito sa inyo, makukuha niyo ba ang tunay na kaalaman sa Diyos sa pamamagitan lamang ng inyong mga karanasan? Para gawin iyon, sa tingin ko, ay magiging napakahirap. Iyon ay dahil kinakailangan ng mga tao na taglayin muna ang mga salita ng Diyos para malaman kung paano makaranas. Gayun pa man, marami sa mga salita ng Diyos na kinakain ng tao, ganyan ang bilang ng maaari nilang aktwal na maranasan. Nangunguna ang salita ng Diyos sa daanan, at gagabayan ang tao sa kanyang karanasan. Sa madaling salita, para sa mga nagkaroon ng ilang tunay na karanasan, ang huling ilang mga pagsasamahan ang tutulong sa kanilang makamit ang mas malalim na pag-unawa sa katotohanan, at mas makatotohanang kaalaman sa Diyos. Ngunit para sa mga wala pang anumang tunay na karanasan, o sa mga nagsisimula pa lamang sa kanilang karanasan, o nagsisimula pa lamang na mapunta sa realidad, ito ay isang malaking pagsubok.

03 Oktubre 2017

Kidlat ng Silanganan | Dapat Mong Malaman na ang Praktikal na Diyos ay ang Diyos Mismo

Kaalaman-katotohanan
Kaalaman-katotohanan
Kidlat ng Silanganan | Dapat Mong Malaman na ang Praktikal na Diyos ay ang Diyos Mismo
    Ano ang dapat mong malaman tungkol sa praktikal na Diyos? Ang Espiritu, ang Tao, at ang Salita na bumubuo sa Mismong Praktikal na Diyos, at ito ang tunay na kahulugan na Siya Mismo ang Praktikal na Diyos. Kung kilala mo lamang ang Tao—kung alam mo ang Kanyang mga gawi at pagkatao—subalit hindi alam ang gawa ng Espiritu, o kung ano ang ginagawa ng Espiritu sa katawang-tao, at nagbibigay-pansin lamang sa Espiritu, at sa Salita, at nananalangin lamang sa Espiritu, hindi alam ang gawa ng Espiritu ng Diyos sa praktikal na Diyos, ito ay nagpapatunay na hindi mo kilala ang praktikal na Diyos. Kabilang sa kaalaman sa praktikal na Diyos ang pag-kilala at pagdanas ng Kanyang mga salita, at pagkamkam sa mga patakaran at prinsipyo ng gawa ng Banal na Espiritu, at kung paano gumawa ang Espiritu ng Diyos sa katawang-tao. Samakatuwid, pati, kabilang ba dito ang pagkilala sa bawat pagkilos ng Diyos sa katawang-tao ay pinamumunuan ng Espiritu, at ang mga salita na Kanyang binibigkas ay direktang pahayag ng Espiritu. Kaya, kung nais mong makilala ang praktikal na Diyos, una mo dapat malaman kung paano gumagawa ang Diyos sa sangkatauhan at sa pagka-Diyos; dito, kapalit nito, patungkol sa mga pahayag ng Espiritu, na kung saan kinaabalahan ng lahat.

02 Oktubre 2017

Kidlat ng Silanganan | Ang Gawain sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ay Gawain Din ng Pagliligtas sa Sangkatauhan

Ebanghelyo-kaligtasan
 Ebanghelyo-kaligtasan
Kidlat ng Silanganan | Ang Gawain sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ay Gawain Din ng Pagliligtas sa Sangkatauhan

Kailangan lahat ng mga tao na maunawaan ang layunin ng Aking gawain sa lupa, iyon ay, ang pangwakas na layunin ng Aking gawain at kung ano ang antas na dapat kong makamit sa gawaing ito bago ito maging kumpleto. Kung ang mga tao, na lumalakad kasama Ako sa araw na ito, ay hindi maintindihan kung ano ang tungkol sa Aking gawain, sa gayon ay walang kabuluhan ang kanilang paglakad kasama Ako? Ang mga taong sumusunod sa Akin ay dapat alam ang Aking kalooban. Ako ay nagtatrabaho sa mundo nang may libo-libong taon na, at Ako ay gumagawa pa rin nito ngayon. Bagaman may mga karamihang natatangi na iba’t-ibang mga bagay na kasama sa aking gawain, ang layunin nito ay nananatiling hindi nagbabago. Halimbawa, bagaman Ako ay napupuno ng paghatol at pagkastigo sa tao, ito pa rin ay upang iligtas siya, upang mahusay na kumalat ang Aking Ebanghelyo at higit pang palawakin ang Aking gawain sa gitna ng mga bansang Gentil sa panahong ang tao ay naging kumpleto. Kaya ngayon, sa panahon na maraming mga tao ang lubos na nawalan ng pag-asa, Ako ay nagpapatuloy sa Aking gawain, pinagpapatuloy ang gawaing nararapat upang hatulan at kastiguhin ang tao. Sa kabila ng katotohanan na ang tao ay sawang-sawa na sa Aking sinasabi at hindi alintana ang katunayan na siya ay walang pagnanais na pahalagahan ang tungkol sa Aking gawain, ipinagpapatuloy Ko pa rin ang Aking tungkulin dahil ang layunin ng aking gawain ay nananatiling hindi nagbabago at ang Aking orihinal na plano ay hindi masisira. Ang pakay ng Aking paghatol ay upang gawin ang tao na mas mahusay na sumunod sa Akin, at ang pakay ng Aking pagkastigo ay upang payagan ang mga tao na magkaroon ng mas mahusay na pagbabago. Bagama’t ang gagawin Ko ay para sa kapakanan ng Aking pamamahala, hindi Ako kailanman gumawa ng anumang bagay na hindi mapapakinabangan ng tao. Iyon ay dahil gusto Kong gawin ang lahat ng mga bansa sa labas ng Israel na maging kasing masunurin gaya ng mga Israelita at gawin silang mga tunay na lalaki, kaya Ako ay may isang panghahawakan sa mga lupain sa labas ng Israel. Ito ang Aking pamamahala; ito ay ang gawain na Aking tutuparin sa mga lupain ng mga Hentil. Kahit sa ngayon, maraming mga tao ang hindi pa rin maunawaan ang Aking pamamahala dahil sila ay walang pakialam dito, sa halip basta nag-isip lamang ng kanilang mga kinabukasan at mga patutunguhan. Kahit ano pa man ang Aking sinasabi, ang mga tao ay walang malasakit sa Aking gawain, nakatutok lamang sa mga patutunguhan ng kanilang kinabukasan. Kaya kung ito ay magpapatuloy, paano lalawak ang Aking gawain? Papaano kakalat sa buong mundo ang Aking Ebanghelyo? Kailangan ninyong malaman na kapag ang Aking gawain ay lumalawak, Ikakalat ko kayo, at tatamaan kayo tulad ng kung papaano tinamaan ni Jehovah ang mga tribo ng Israel. Ang lahat ng ito ay gagawin upang ang Aking ebanghelyo ay lumawak sa buong mundo upang ang Aking gawain ay maaaring kumalat sa mga bansang Gentil. Kung kaya, ang Aking pangalan ay dadakilain ng mga parehong matatanda at mga bata at ang Aking banal na pangalan ay itataas sa pamamagitan ng mga bibig ng mga tao mula sa lahat ng mga angkan at mga bansa. Sa huling panahon, ang Aking pangalan ay dadakilain sa gitna ng mga bansang Gentil, gagawin ang Aking mga gawaing nakikita ng mga Hentil upang sila ay tawagin Akong Makapangyarihan sa lahat, at ipatupad ang Aking mga salita. Ipagbibigay-alam ko sa lahat ng tao na hindi lamang Ako Diyos ng mga Israelita, bagkus Diyos ng lahat ng mga bansang Gentil, pati na rin ng mga bansang Aking isinumpa. Pahihintulutan ko ang lahat ng mga tao na makita na Ako ang Diyos ng lahat ng nilalang. Ito ay ang Aking pinakadakilang gawain, ang layunin ng Aking gawain para sa mga huling araw, at ang tanging gawain na ipapatupad sa mga huling araw.

01 Oktubre 2017

Kidlat ng Silanganan | Dapat Gumawa Ka ng Sapat na Kabutihan upang Paghandaan ang Iyong Hantungan

Kristyano-pananampalataya
Kidlat ng Silanganan | Dapat Gumawa Ka ng Sapat na Kabutihan upang Paghandaan ang Iyong Hantungan


Napakarami Kong nagawa kasama ninyo, at syempre, nakakapag-usap pati. Ngunit pakiramdam Ko na ang Aking mga salita at gawa ay hindi lubos na naabot ang layunin ng Aking gawain sa mga huling araw. Sapagkat sa mga huling araw, ang Aking mga ginawa ay hindi para sa kapakanan ng iisang tao o ilang mga tao lamang, nguni’t, upang mapatunayan ang Aking likas na disposisyon. Gayunman, sa napakaraming dahilan—marahil ang kakulangan ng oras o abalang iskedyul sa trabaho—hindi nakayanan ng mga tao na maging pamilyar sa Akin at sa Aking disposisyon kahit bahagya lamang. Kaya’t sumulong Ako sa Aking bagong plano, ang Aking huling gawain, upang ilatag ang bagong pahina nang sa gayon lahat ng nakakakita sa Akin ay mapapahampas sa kanilang dibdib at iiyak nang walang humpay sa Aking presensya. Sapagkat dadalhin Ko ang katapusan sa sansinukob at sa buong mundo, at pagkatapos noon, ihahatid Ko ang lahat ng Aking disposisyon sa sansinukob para lahat ng nakakakilala at maging ang hindi sa Akin ay “magpipista ang mga mata” at makikita ang Aking pagdating sa mga tao, maging sa lupa kung saan ang lahat ng bagay ay dumarami. Ito ang Aking plano, ang nag-iisa Kong “pangungumpisal” simula nang nilikha Ko ang sansinukob. Nais Kong bukas-loob ninyong pagmasdan ang Aking bawat galaw, sapagkat ang Aking tungkod ay muling lalapit sa sansinukob, lalapit sa lahat nang tumututol sa Akin.

Makapangyarihang Diyos, ang Puso Ko'y Sa'Yo

 I Kaninong mga salita ang pinakamatamis, at pinalakas ang aking espiritu?