Ang Isa na Kataas-taasan sa Ibabaw ng Lahat

12

02 Disyembre 2017

Mga Salita ng Diyos Ang Katotohanang Kailanma’y Di-nagbabago




Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos Mga Salita ng Diyos Ang Katotohanang Kailanma’y Di-nagbabago


Salita ng Diyos ay totoo, kailan ma'y 'di magbabago.
Diyos ang naglalaan sa buhay, tanging gabay.
Halaga't kahulugan ng Kanyang salita nababatid ng isip at diwa nila,
kahit pa 'di tanggapin o kilalanin.
Kahit pa walang taong tumanggap ng salita N'ya,
kahalagaha't pagtulong N'ya sa tao'y 'di masusukat.
Salita ng Diyos ay totoo, kailan ma'y 'di magbabago.
Diyos ang naglalaan sa buhay, tanging gabay.

01 Disyembre 2017

Ang Tunay na Dahilan ng Hindi Epektibong Gawain

iglesia, kaligtasan, paggalang, panalangin, patotoo


Mga patotoo't karanasan ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Tunay na Dahilan ng Hindi Epektibong Gawain


Xinyi    Lungsod ng Xi’an, Lalawigan ng Shaanxi
  Sa aking kamakailang mga pagbisita sa mga iglesia, madalas kong narinig na sinasabi ng mga pinuno at manggagawa na ang ilang mga tao, matapos dumalo sa pagbabahaging kasama ako, ay naging negatibo, mahina at kulang sa paghahangad na magpatuloy sa paghahanap. Nadama ng iba na masyadong mahirap ang maniwala sa Diyos at hindi naunawaan ang Diyos. Sinabi ng ilan na ang kanilang kalagayan ay mainam bago sila nakipagkilala sa akin, ngunit sa sandaling nakita nila ako, labis nilang nadama ang pagkagipit at hindi komportable. … Nang marinig ko ang lahat ng ito, nanghina ang aking puso, at labis na nasaktan-sa tuwing nagkaroon ako ng pagbabahagi sa kanila ay mananatili ako sa loob ng ilang araw, at, upang malutas ang kanilang mga problema, nagpasiklab ako at nagbanggit ng di mabilang na mga sipi ng salita ng Diyos, na nagsasalita hanggang sa ang aking bibig ay natuyo, at sa lahat ng sandali ay iniisip na ang aking mga pagsisikap ay nagbunga ng mga magagandang resulta. Hindi ko naisip kailanman na ang mga bagay ay magiging ganito. Bakit ito nangyari? Inilagay ko ang tanong na ito sa aking mga saloobin nang nanalangin ako sa Diyos, “O Diyos, tiyak na ako ang may kasalanan sa lahat ng nangyari, ngunit hindi ko alam kung saan ako nagkamali. Hinihingi ko ang Iyong patnubay, upang higit kong malaman ang aking mga pagkakamali. Nakahanda akong maghintay na tanggapin ang Iyong pagliliwanag. 

29 Nobyembre 2017

Ang Diyos sa Laman Ang Gumagawa ng Panlulupig sa Buong Sangkatauhan

diyos, himno, sangkatauhan, sumasalamin, totoo

Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Diyos sa Laman Ang Gumagawa ng Panlulupig sa Buong Sangkatauhan

I
Gawain ng Diyos sa laman ay di-kagila-gilalas,
ni nababalot ng hiwaga.
Ito’y tunay at totoo, tulad ng isa at isa ay dalawa;
ito’y lantad at walang pandaraya.
Tunay ang nakikita ng tao,
gayundin ang nakamit nilang katotohanan at kaalaman.
Kapag matapos ang gawain,
kaalaman nila sa Kanya’y mapanibago,
at ang mga pagkaintindi ng tunay na naghahangad
sa Kanya’y mawawala.
Ito’y di lang epekto ng gawain Niya sa mga Intsik,
ngunit sumasalamin sa gawain Niyang paglulupig sa lahat,
sumasalamin sa gawain Niyang paglulupig sa lahat.

24 Nobyembre 2017

Kidlat ng Silanganan | Ang Landas… (5)

karunungan, hanapin, Paniwala, pag-ibig, Diyos

Kidlat ng Silanganan | Ang Landas… (5)


   Dati ay walang nakakakilala sa Banal na Espiritu, at partikular na hindi nila nalalaman kung ano ang landas ng Banal na Espiritu. Kaya laging dinadaya ng mga tao ang kanilang mga sarili sa harap ng Diyos. Maaaring masabi na halos lahat ng mga tao na naniniwala sa Diyos ay hindi nakakakilala sa Espiritu, kundi mayroon lamang isang litóng uri ng paniniwala. Maliwanag mula rito na hindi nauunawaan ng mga tao ang Diyos, at kahit sinasabi nila na sila ay naniniwala sa Kanya, sa mga tuntunin ng diwa nito, batay sa kanilang mga pagkilos sila ay naniniwala sa kanilang mga sarili, hindi sa Diyos. Mula sa Aking pansariling tunay na karanasan, nakikita Ko na sumasaksi ang Diyos sa Diyos na katawang-tao, at mula sa labas, lahat ng mga tao ay napipilitang kilalanin ang Kanyang pagsaksi, at halos hindi masabi na sila ay naniniwala na ang Espiritu ng Diyos ay lubos na walang mali. Gayunpaman, Aking sinasabi na ang pinaniniwalaan ng mga tao ay hindi ang personang ito at ito ay partikular na hindi Espiritu ng Diyos, kundi sila ay naniniwala sa kanilang sariling pakiramdam. Hindi ba’t iyan ay paniniwala lamang sa kanilang mga sarili? Ang mga salitang ito na Aking sinasabi ay totoong lahat. Ito ay hindi pagtatatak sa mga tao, nguni’t kailangan Ko na liwanagin ang isang bagay—na ang mga tao ay madadala sa araw na ito, kung sila man ay malinaw o sila ay litó, ang lahat ng ito ay ginagawa ng Banal na Espiritu at ito ay hindi isang bagay na maaaring idikta ng mga tao. Ito ay isang halimbawa ng Aking binanggit noong una tungkol sa Banal na Espiritu na pinipilit ang paniniwala ng mga tao. Ito ang paraan na ang Banal na Espiritu ay gumagawa, at ito ay isang landas na tinatahak ng Banal na Espiritu. Kahit na sino ang pinaniniwalaan ng mga tao sa diwa ng nilalaman, pinipilit bigyan ng Banal na Espiritu ang mga tao ng isang uri ng pakiramdam upang sila ay maniwala sa Diyos sa kanilang sariling puso. Hindi ba ito ang uri ng paniniwala na taglay mo? Hindi mo ba nadarama na ang iyong paniniwala sa Diyos ay isang kakatwang bagay? Hindi mo ba iniisip na ito ay isang kakatwang bagay na ikaw ay hindi makatakas mula sa daloy na ito? Hindi mo ba pinagsikapang bulay-bulayin ito? Hindi ba’t ito ang pinakadakilang tanda at himala? Kahit na ikaw ay nagkaroon ng pag-uudyok na tumakas nang maraming ulit, laging mayroong malakas na pwersa ng buhay na umaakit sa iyo at ginagawa kang atubiling lumayo. At sa tuwing makakatagpo mo ito ikaw ay laging nasasakal at humahagulgol, at hindi mo alam kung ano ang gagawin. At mayroong ilang mga tao na sinusubukang lumisan. Subali’t kapag sinusubukan mong umalis, ito ay parang patalim sa iyong puso, at ito ay parang ang iyong kaluluwa ay kinuha sa iyo ng isang multo sa lupa kaya’t ang iyong puso ay bagabag at walang kapayapaan. Matapos iyon, wala kang magáwâ kundi patatagin ang iyong sarili at bumalik sa Diyos…. Hindi ka ba nagkaroon ng ganitong karanasan? Ako ay naniniwala na ang mga batang kapatirang lalaki at babae na nakakapagbukas ng kanilang mga puso ay magsasabing: “Oo! Napakarami ko nang naging mga karanasang ganito; hiyang-hiya akong isipin ang mga iyon!” Sa Aking sariling pang-araw-araw na buhay Ako ay laging masaya na makita ang Aking mga batang kapatirang lalaki at babae bilang Aking mga kaniig sapagka’t sila ay punô ng kawalang-malay—sila ay dalisay at lubhang kaibig-ibig. Parang sila ay Aking sariling mga kasama. Ito ang kung bakit Ako ay laging naghahanap ng pagkakataon na dalhin ang lahat ng Aking mga kaniig na sama-sama, upang pag-usapan ang tungkol sa aming mga simulain at mga plano. Nawa ang kalooban ng Diyos ay maisakatuparan sa atin upang lahat tayo ay tulad ng laman at dugo, walang mga hadlang at walang pagkakalayo. Nawa ay manalangin tayong lahat sa Diyos: “O Diyos! Kung ito ay Iyong kalooban, sumasamo kami sa Iyo na pagkalooban kami ng akmang kapaligiran upang matanto naming lahat ang mga inaasam ng aming mga puso. Nawa ay mahabag Ka sa mga kasama namin na bata at kulang sa katwiran, upang magugol namin ang bawa’t patak ng kalakasan sa aming mga puso!”Ako ay naniniwala na ito dapat ang kalooban ng Diyos dahil noong matagal na, ginawa Ko ang sumusunod na pagsamo sa harapan ng Diyos: “Ama! Kaming mga nasa lupa ay tumatawag sa Iyo sa lahat ng sandali, at umaasa na ang Iyong kalooban ay matatapos sa lalong madaling panahon sa lupa. Ako ay handang hanapin ang Iyong kalooban. Nawa ay gawin Mo ang nais Mo, at tapusin ang ipinagkatiwala Mo sa Akin sa lalong madaling panahon. Hangga’t ang Iyong kalooban ay maaaring matupad sa lalong madaling panahon, handa kahit Ako para Ikaw ay magbukas ng isang bagong landas sa gitna namin. Ang tangi Kong pag-asa ay na ang Iyong gawain ay matatapos sa lalong madaling panahon. Ako ay naniniwala na walang mga panuntunan ang makapipigil sa Iyong gawain!” Ito ang gawain na ginagawa ng Diyos ngayon. Hindi mo ba nakita ang landas na tinatahak ng Banal na Espiritu? Kapag Aking nakakatagpo ang nakatatandang mga kapatirang lalaki at babae, palaging may damdamin ng kaapihan na hindi Ko matukoy. Kapag kasama Ko lamang sila Aking nakikita na sila ay umaalingasaw sa lipunan, at ang kanilang relihiyosong mga paniwala, mga karanasan sa pagtangan sa mga bagay-bagay, ang kanilang mga paraan ng pagsasalita, ang mga salitang kanilang ginagamit, atbp., ay nakakainis lahat. Para bang sila ay punô ng karunungan at Ako ay laging nananatiling malayo sa kanila sapagka’t sa Aking sarili, ang Aking pilosopiya sa buhay ay kulang na kulang. Kapag kasama nila Ako pakiramdam Ko ay lagi Akong pagód at pinahihirapan, at kung minsan ito ay nagiging masyadong seryoso, masyadong mapang-api na halos hindi Ako makahinga. Kaya sa mapanganib na mga sandaling ito, binibigyan Ako ng Diyos ng pinakamahusay na paraan na makalabas. Marahil ito ay sarili Kong maling kuru-kuro. Ang pinahahalagahan Ko lamang ay kung ano ang pakinabang sa Diyos; ang pagsasakatuparan ng kalooban ng Diyos ang pinakamahalaga. Nananatili Akong malayo sa mga taong ito, at kung kinakailangan ng Diyos na pakitunguhan Ko sila, sa gayon, Ako’y susunod. Hindi naman na sila ay kasuklam-suklam, kundi dahil sa ang kanilang “karunungan”, mga paniwala, at mga pilosopiya sa buhay ay masyadong nakakainis. Ako ay narito upang tapusin ang ipinagkatiwala ng Diyos sa Akin, hindi para matuto sa kanilang mga karanasan sa pagtangan ng mga pangyayari. Natatandaan Ko na minsan ay sinabi ng Diyos sa Akin ang sumusunod: “Sa lupa, hanapin Mo ang kalooban ng Ama at tapusin kung ano ang ipinagkatiwala Niya sa Iyo. Lahat ng iba pa ay walang kinalaman sa Iyo.” Kapag iniisip Ko ito nakakaramdam Ako ng bahagyang kapayapaan. Ito ay sapagka’t lagi Kong nararamdaman na ang mga makalupang mga bagay ay masyadong masalimuot at hindi Ko lubos na malirip ang mga iyon—kailanman hindi Ko alam kung ano ang gagawin. Kaya hindi Ko alam kung ilang ulit Akong masyadong naguluhan dahil dito at kinamuhian ang sangkatauhan—bakit ang mga tao ay masyadong kumplikado? Anong mali sa pagiging mas simple? Nagpupumilit na maging marunong—bakit nag-aabala? Kapag nakikitungo Ako sa mga tao kalimitan ito ay batay sa pagsusugo ng Diyos sa Akin, at kahit na may ilang ulit na hindi ito ang kaso, sinong maaaring makaalam kung ano ang natatago sa kaibuturan ng Aking puso?

23 Nobyembre 2017

Kidlat ng Silanganan | Ang Landas… (4)

Kaharian, pag-ibig, buhay, hanapin,Diyos

Kidlat ng Silanganan | Ang Landas… (4)


  Na nakakaya ng mga tao na matuklasan ang kariktan ng Diyos, mahanap ang daan ng pagmamahal sa Diyos sa kapanahunang ito, at na sila ay handang tanggapin ang pagsasanay ng Kaharian ngayon—lahat ng ito ay biyaya ng Diyos at lalong higit pa, ito ay Siya na nagtataas sa sangkatauhan. Kapag iniisip Ko ito nadarama Ko nang matindi ang kariktan ng Diyos. Tunay na minamahal tayo ng Diyos. Kung hindi, sino ang makakatuklas sa Kanyang kariktan? Dito Ko lamang nakikita na ang lahat ng gawaing ito ay personal na ginagawa ng Diyos Sarili Niya, at ang mga tao ay ginagabayan at pinapatnubayan ng Diyos. Ako ay nagpapasalamat sa Diyos para dito, at nais Kong samahan Ako ng Aking mga kapatirang lalaki at babae sa pagpupuri sa Diyos: “Lahat ng kaluwalhatian ay suma-Iyo, ang pinakamataas na Diyos Sarili Niya! Nawa ang Iyong kaluwalhatian ay sumagana at mabunyag sa mga kasama namin na Iyong pinili at natamo.” Ako ay nakatamo ng pagliliwanag mula sa Diyos—bago ang mga kapanahunan tayo ay naitalaga na ng Diyos at nais na matamo tayo sa mga huling araw, sa gayon ay tinutulutan ang lahat ng mga bagay sa sansinukob na makita ang kaluwalhatian ng Diyos sa kabuuan nito sa pamamagitan natin. Sa gayon, tayo ang mga naibunga ng anim na libong taon ng planong pamamahala ng Diyos; tayo ang mga huwaran, ang mga halimbawa ng gawain ng Diyos sa buong sansinukob. Ngayon Ko lamang natuklasan kung gaano ang pag-ibig na tunay na iniuukol sa atin ng Diyos, at na ang gawaing ginagawa Niya sa atin at ang mga bagay na Kanyang sinasabi ay hinihigitang lahat yaong sa mga nakaraang kapanahunan nang milyong ulit. Kahit kay Israel at kay Pedro, ang Diyos ay hindi kailanman personal na gumawa ng napakalaking gawain at nagsalita ng napakarami. Ipinakikita nito na tayo, ang grupong ito ng mga tao, ay tunay na di-kapanipaniwalang pinagpala—di-maikukumparang mas pinagpala kaysa mga banal ng mga panahong nakaraan. Ito ang kung bakit laging nasasabi ng Diyos na ang mga tao sa huling kapanahunan ay pinagpala. Anuman ang sabihin ng iba, Ako ay naniniwala na tayo ang mga tao na pinakapinagpala ng Diyos. Dapat nating tanggapin ang mga pagpapala na ipinagkaloob sa atin ng Diyos; marahil ay mayroong ilan na dadaing sa Diyos, nguni’t Ako ay naniniwala na ang mga pagpapala ay nanggagaling sa Diyos at iyan ay nagpapatunay na ang mga iyon ang nararapat sa atin. Kahit na ang iba ay dumaing o hindi masayang kasama natin, Ako ay laging naniniwala na walang sinuman ang maaaring tumanggap o kumuha ng mga pagpapalang naibigay ng Diyos sa atin. Sapagka’t ang gawain ng Diyos ay isinasakatuparan sa atin at Siya ay nagsasalita sa atin nang mukhaan—sa atin, hindi sa iba—ginagawa ng Diyos anuman ang nais Niyang gawin, at kung ang mga tao ay hindi napapaniwala, hindi ba iyan ay paghingi lamang ng kaguluhan? Hindi ba iyan pagnanais ng kahihiyan? Bakit Ko sasabihin ito? Ito ay sapagka’t may malalim Akong karanasan dito. Gaya lamang ng gawaing ginagawa ng Diyos sa Akin na Ako lamang ang makatatanggap—magagawa ba ito ng iba? Ako ay mapalad na ipinagkakatiwala ito ng Diyos sa Akin—magagawa ba iyan nang basta-basta ng iba? Nguni’t Ako ay umaasa na ang Aking mga kapatirang lalaki at babae ay makakaunawa sa Aking puso. Ito ay hindi upang itaas ang Aking sariling mga katibayan-ng-kakayahan upang ipagyabang sa mga tao, kundi upang ipaliwanag ang isang usapin. Ako ay handang ibigay ang lahat ng kaluwalhatian sa Diyos at hayaan Siyang masdan ang bawa’t isa sa ating mga puso upang ang ating mga puso ay madalisay lahat sa harapan ng Diyos. Nais Kong ipahayag ang isang inaasam mula sa kaibuturan ng Aking puso: Ako ay umaasa na maging ganap na natamo ng Diyos, maging isang dalisay na birhen na isinakripisyo sa dambana, at lalong higit magkaroon ng pagkamasunurin ng isang tupa, nagpapakita sa gitna ng buong sangkatauhan bilang isang banal na espirituwal na katawan.  Ito ang Aking pangako, ang panunumpa na Aking itinalaga sa harap ng Diyos. Ako ay handang tuparin ito at suklian ang pag-ibig ng Diyos sa pamamagitan nito. Handa ka bang gawin ito? Ako ay naniniwala na ang Aking pangakong ito ay magpapalakas ng marami sa mga nakababatang kapatirang lalaki at babae, at magdadala sa maraming kabataan ng pag-asa. Aking nadarama na tila binibigyan ng Diyos ng tanging pagpapahalaga ang mga kabataan. Marahil ito ay Aking sariling pagkiling, nguni’t lagi Kong nadarama na ang kabataan ay may pag-asa para sa kanilang kinabukasan; tila gumagawa ang Diyos ng dagdag na gawain sa mga kabataan. Bagaman sila ay kulang sa panloob-na-pananaw at karunungan at silang lahat ay masyadong masisigla at mainitin-ang-ulo gaya ng isang bagong-silang na guya, Ako ay naniniwala na ang kabataan ay hindi lubos na walang silbi. Makikita mo ang kawalang-malay ng kabataan sa kanila at sila ay madaling tumanggap ng mga bagong bagay. Bagaman ang mga kabataan ay may disposisyong tungo sa kayabangan, kabagsikan, at pagiging dala ng emosyon, ang mga bagay na ito ay hindi nakaaapekto sa kanilang kakayahan na tumanggap ng bagong liwanag. Ito ay sapagka’t ang mga kabataan sa pangkalahatan ay hindi kumakapit sa lipás nang mga bagay. Iyan ang kung bakit nakikita Ko ang walang-hangganang pag-asa sa mga kabataan, at kanilang kasiglahan; ito ang pinagmumulan ng Aking pagiging malambot sa kanila. Bagaman hindi Ko kailanman inaayawan ang mas matatandang mga kapatirang lalaki at babae, hindi rin Ako interesado sa kanila. Gayunpaman, Ako ay taos-pusong humihingi ng paumanhin sa mas matatandang mga kapatirang lalaki at babae. Marahil ang Aking nasabi ay wala sa lugar o walang-pakundangan, subali’t Ako ay umaasa na kayong lahat ay maaaring magpatawad sa Aking kapabayaan, sapagka’t Ako ay napakabata at hindi masyadong nagpapahalaga sa Aking paraan ng pagsasalita. Gayunpaman, sa totoo lang, ang mas matatandang mga kapatirang lalaki at babae, matapos ang lahat, ay mayroong kanilang mga tungkulin na dapat nilang gampanan—sila ay hindi kailanman walang-silbi. Ito ay sapagka’t sila ay may karanasan sa pakikitungo sa mga pag-uugnayan, sila ay matatag sa kung paano tatanganan ang mga bagay-bagay, at sila ay hindi gumagawa ng ganoong karaming pagkakamali. Hindi ba ang mga ito ay kanilang mga kalakasan? Nais Ko na sabihin nating lahat sa harap ng Diyos: “O Diyos! Nawa ay magampanan naming lahat ang aming sariling mga tungkulin sa aming iba’t ibang mga katungkulan, at nawa ay magawa naming lahat ang aming sukdulang makakaya para sa Iyong kalooban!” Ako ay naniniwala na ito ay kalooban ng Diyos!

Makapangyarihang Diyos, ang Puso Ko'y Sa'Yo

 I Kaninong mga salita ang pinakamatamis, at pinalakas ang aking espiritu?