Ang Isa na Kataas-taasan sa Ibabaw ng Lahat

12

02 Marso 2018

Cristianong Kanta | "Kung 'Di Ako Iniligtas ng D'yos" | Binigyan Ako ng Diyos ng Bagong Buhay

          

 Kidlat ng Silanganan | Cristianong Kanta | "Kung 'Di Ako Iniligtas ng D'yos" | Binigyan Ako ng Diyos ng Bagong Buhay


I

Kung 'di ako iniligtas ng Diyos, palaboy pa rin hanggang ngayon,
naghihirap, nagkakasala; bawa't araw walang pag-asa.
Kung 'di ako iniligtas ng Diyos, niyuyurakan pa rin ng d'yablo,
nabitag sa sala't layaw nito, mangmang sa kahihinatnan ng buhay ko.
Makapangyarihang Diyos ang nagliligtas sa akin, salita N'ya'y dinadalisay ako.
Sa paghatol at pagkastigo ng Diyos, tiwaling disposisyon ko'y nabago.
Lahat ng katotohanang binibigkas ng Diyos bigay sa 'ki'y bagong buhay.
Diyos nakita ko nang harapan, tunay N'yang pag-ibig naranasan.

Sa wakas natanto kong mapagmahal na kamay ng Diyos ang nanguna sa akin,
na marinig boses N'ya't maitaas sa harap ng trono N'ya,
makadalo sa piging ni Kristo't matamo, kadalisaya't pagkaperpekto.
Ang inaasam ng ilang taon ay natupad din, ang kaligtasan ng Diyos ay akin.

26 Pebrero 2018

Ang mga Nagmamahal sa Diyos ay Magpakailanmang Mamumuhay sa Loob ng Kanyang Liwanag

Kidlat ng Silanganan | Ang Kalooban ng DiyosAng mga Nagmamahal sa Diyos ay Magpakailanmang Mamumuhay sa Loob ng Kanyang Liwanag





    Ang substansya ng paniniwala sa Diyos ng karamihan ng tao ay ang paniniwala sa relihiyon: Ang mga ito ay hindi kayang umibig sa Diyos, at maaari lamang sundin ang Diyos tulad ng isang robot, hindi magawang tunay na maghangad para sa Diyos o sambahin Siya. Sila ay sumusunod lamang sa Kanya nang tahimik. Maraming tao ang naniniwala sa Diyos, ngunit kaunti lamang ang mga umiibig sa Diyos; iginagalang lamang nila ang Diyos dahil takot sila sa sakuna, o kaya hinahangaan nila ang Diyos dahil Siya ay mataas at makapangyarihan—ngunit sa kanilang paggalang at paghanga ay walang pag-ibig o tunay na matinding paghangad. Sa kanilang mga karanasan kanilang hinahanap ang mga detalye ng katotohanan, o kaya ibang hindi gaanong mahalagang misteryo. Karamihan ng tao ay sumusunod lamang, nangingisda sila sa maburak na tubig upang makatanggap lamang ng mga biyaya; hindi nila hinahanap ang katotohanan, at hindi rin sila tunay na sumunod sa Diyos upang makatanggap ng mga biyaya ng Diyos. Ang buhay ng lahat ng paniniwala ng tao sa Diyos ay walang kahulugan, ito ay walang halaga, at sa loob nito ay ang kanilang mga pansariling pag-iintindi at paghahangad; hindi sila naniniwala sa Diyos upang ibigin ang Diyos, ngunit para sa kapakanan ng pagiging mapalad.

24 Pebrero 2018

Mga Pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos | "Pagkilala sa Gawa ng Diyos sa Kasalukuyan"

              



Mga Pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos | "Pagkilala sa Gawa ng Diyos sa Kasalukuyan"


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Sa isang banda, tinatanggal ng pagkakatawang-tao ng Diyos sa noong mga huling araw ang lugar na pinanghahawakan ng malabong Diyos sa pagkaintindi ng tao, kaya naman wala na ang imahe ng walang katiyakang Diyos sa puso ng tao. Gamit ang Kanyang aktwal na salita at aktwal na gawa, kumilos Siya sa buong lupain, at ang gawaing Kanyang isinakatuparan kasama ng tao ay natatanging totoo at normal, nang sa gayon ang tao ay ganap na maunawaan ang katotohanan ng Diyos, at mawala nang tuluyan ang malabong Diyos sa puso ng tao. Sa kabilang banda, ginagamit ng Diyos ang mga salita na winika ng Kanyang katawang-tao upang gawing kumpleto ang tao, at upang maisakatuparan ang mga bagay-bagay. Ito ang gawain ng Diyos na Kanyang isasakatuparan sa mga huling araw."
Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw. Binubuo ito ng lahat ng mga taong tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nilupig at niligtas ng Kanyang mga salita. Lubos itong itinatag nang personal ng Makapangyarihang Diyos at pinamumunuan Niya bilang Pastol. Talagang hindi ito nilikha ng tao. Si Kristo ay ang katotohanan, daan, at buhay. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga't nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos.

23 Pebrero 2018

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Tunay na Kahulugan ng Pananampalataya sa Diyos

          

Kidlat ng Silanganan | Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Tunay na Kahulugan ng Pananampalataya sa Diyos


I
Maraming tao'ng naniniwala,

ngunit kaunti lang ang nakakaunawa sa pananampalataya sa Diyos,
paano ba sasabayan ang pintig ng Kanyang puso.
Maraming may alam sa mga salitang "Diyos" at "gawain ng Diyos,"
ngunit di Siya kilala at ang mga gawain Niya.
Kaya pananalig nila'y bulag.
Sila'y di seryoso dito dahil ito'y kakaiba.
Kaya kapos sila sa mga hinihingi ng Diyos.
Kung di mo kilala ang Diyos at gawain N'ya,
angkop ka bang gamitin N'ya?
Matutupad mo ba ang hangad ng Diyos?


22 Pebrero 2018

Cristianong Musikang Video | Lahat ng Bansa at Lahat ng Bayan Purihin ang Makapangyarihang Diyos

               


Cristianong Musikang Video | Lahat ng Bansa at Lahat ng Bayan Purihin ang Makapangyarihang Diyos



Ang Diyos na nagkatawang tao ay Diyos na Makapangyarihan,
nagpapalabas ng katotohanan tao’y dinadalisay at hinahatulan.
Ngayo’y nanaig ang Diyos mula sa impluwensiya ni Satanas,
nanlupig at nagkamit ng bayan.
Pinupuri namin ang Diyos, Marunong at Makapangyarihan,
si Satanas ay talunan.
Purihin ang Diyos na may matuwid na kalooban,
nabunyag nang lubusan.
Lahat ay purihin ang Diyos na Makapangyarihan,
Diyos na kaibig-ibig at praktikal.
Pinupuri namin ang Diyos na mapagpakumbaba’t
nakatago’t talagang kamahal-mahal.
Purihin Ka, Diyos na Makapangyarihan (Purihin ang Diyos)!
Ang lahat ay purihin Ka (purihin Ka)!
Purihin Ka, Diyos na Makapangyarihan! Ang lahat ay purihin Ka!

Makapangyarihang Diyos, ang Puso Ko'y Sa'Yo

 I Kaninong mga salita ang pinakamatamis, at pinalakas ang aking espiritu?