Ang Isa na Kataas-taasan sa Ibabaw ng Lahat

12

09 Agosto 2018

Ano ang isang walang pananalig?

Buhay, katotohanan, Diyos, kaligtasan, Langit,


Mga nauugnay na salita ng Makapangyarihang Diyos:

  Masasabi ko na lahat ng hindi nagpapahalaga sa katotohanan ay mga taong hindi naniniwala at mga taksil sa katotohanan. Ang mga ganitong tao ay hindi kailanman makatatanggap ng papuri ni Kristo.

mula sa “Ikaw ba ay Tunay na Mananampalataya sa Diyos?” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

08 Agosto 2018

Latest Christian Full Movie 2018 "Sino Siya na Nagbalik" Lord Jesus Has Come Again (Tagalog Dubbed)




Si Kim Yeongrok ay isang masipag na pastor sa relihiyosong komunidad ng Korea. Dahil uhaw sa katotohanan, buong kasabikan niyang inantabayanan ang pangalawang pagdating ng Panginoong Jesus. Isang araw noong 2013, nabasa niya ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos sa Chosun Ilbo. Ang mga salitang ito, na puno ng kapangyarihan, ay nagkaroon ng agarang epekto sa kanya, at talagang naantig siya. Upang makatiyak na ang Makapangyarihang Diyos ang nagbalik na Panginoong Jesus, ang Tagapagligtas na matagal niyang hinintay, sinimulan niyang hanapin at siyasatin ang gawain at mga salita ng Makapangyarihang Diyos. … Habang isa-isa niyang nalulutas ang bawat pagdududa sa kanyang puso, talagang napakasaya ni Kim Yeongrok kaya sinimulan niyang magpatirapa: ang Makapangyarihang Diyos ang pangalawang pagdating ng Panginoong Jesus sa mga huling araw. Tahimik siyang dumating sa atin at matagal nang ginagawa ang paghatol simula sa bahay ng Diyos!

╭✿╮╭✿╮╭✿╮╭✿╮╭✿╮╭✿╮╭✿╮╭✿╮╭✿╮╭✿╮

Rekomendasyon:

Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan

07 Agosto 2018

Tagalog Christian Music Video | "Ang Panloob na Kahulugan ng Gawain ng Paglupig"





▬▬▬▬▬▬▬۩*•*۩▬▬▬▬▬▬▬▬
I
Ang panloob na kahulugan ng paglupig ng tao
ay ang bumalik sa Maylalang.
Ito’y para sa tao na talikuran si Satanas
at lubos na pagbalik sa Diyos.
Ito ang kumpletong kaligtasan ng tao.
Paglupig ay ang huling labanan.
Ito ang huling yugto ng matagumpay na plano ng Diyos.
Kung wala ito, walang taong maliligtas,
walang tagumpay na nakukuha laban kay Satanas,
walang taong pumapasok sa isang mabuting hantungan.
Sangkatauhan ay naghihirap sa impluwensiya ni Satanas.
Kaya ang pagkatalo ni Satanas ay dapat mauna
para madala ang kaligtasan ng tao.
Lahat ng mga gawain ng Diyos ay para sa kapakanan ng tao.

06 Agosto 2018

Ipinropesiya ng Panginoong Jesus Mismo na magkakatawang-tao ang Diyos sa mga huling araw at magpapakita bilang Anak ng tao para gumawa ng gawain.

krus, Langit, Espiritu, Jesus, Biblia



Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

  “Kayo rin naman ay mangagsihanda: sapagka't sa oras na hindi ninyo iniisip, ang Anak ng tao ay darating” (Lucas 12:40).

  “Sapagka't gaya ng kidlat, na pagkislap buhat sa isang panig ng silong ng langit, ay nagliliwanag hanggang sa kabilang panig ng silong ng langit; gayon din naman ang Anak ng tao sa kaniyang kaarawan” (Lucas 17:24-25).

  “Datapuwa't pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin siya” (Mateo 25:6).

  “Narito ako'y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng aking tinig at magbukas ng pinto, ako'y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya'y kasalo ko” (Pahayag 3:20).

  “Narito, ako'y pumaparitong gaya ng magnanakaw. Mapalad siyang nagpupuyat, at nagiingat ng kaniyang mga damit, na baka siya'y lumakad na hubad, at makita nila ang kaniyang kahihiyan” (Pahayag 16:15).

  “At ako'y lumingon upang makita ang tinig na nagsasalita sa akin. At nang ako'y lumingon ay nakita ko ang pitong kandelerong ginto: At sa gitna ng mga kandelero ay may isang katulad ng isang anak ng tao, na may suot na damit hanggang sa paa, at may bigkis ang dibdib na isang pamigkis na ginto. At ang kaniyang ulo at ang kaniyang buhok ay mapuputing gaya ng balahibong maputi ng tupa, gaya ng niebe; at ang kaniyang mga mata ay gaya ng ningas ng apoy; At ang kaniyang mga paa ay katulad ng tansong binuli, na gaya ng dinalisay sa isang lutuang-bakal; at ang kaniyang tinig ay gaya ng lagaslas ng maraming tubig. At sa kaniyang kanang kamay ay may pitong bituin: at sa kaniyang bibig ay lumabas ang isang matalas na tabak na may dalawang talim: at ang kaniyang mukha ay gaya ng araw na sumisikat ng matindi” (Pahayag 1:12-16).

05 Agosto 2018

Sino ang Unang Madadala Pagdating ng Panginoon?




<*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*>



Marami sa mga nananalig sa Panginoon ang naniniwala na basta’t sila ay nagsasakripisyo, nagpapakahirap, at nagsusumikap, siguradong mauuna silang madala. Pero may batayan ba ito sa mga salita ng Panginoon? Sabi ng Panginoong Jesus, "Datapuwa’t maraming mga una na mangahuhuli; at mga huli na mangauuna" (Mateo 19:30). "Dinirinig ng aking mga tupa ang aking tinig" (Juan 10:27). Malinaw na ang nagpapasiya kung mara-rapture ang isang tao o hindi ay kung naririnig nila ang tinig ng Panginoon. Yaong mga nakarinig muna sa Kanyang tinig at tumanggap sa Kanyang pagpapakita at gawain ay matatalinong dalaga, at sila ang unang mara-rapture.


************************************************************************
Magrekomenda nang higit pa:

Tagalog Kristiyanong Pelikula | "Ang Misteryo ng Kabanalan"

Makapangyarihang Diyos, ang Puso Ko'y Sa'Yo

 I Kaninong mga salita ang pinakamatamis, at pinalakas ang aking espiritu?