Ang Isa na Kataas-taasan sa Ibabaw ng Lahat

12

13 Disyembre 2018

Ang mga Hindi Kaayon kay Kristo ay Tiyak na Kalaban ng Diyos

Mga Pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos Ang mga Hindi Kaayon kay Kristo ay Tiyak na Kalaban ng Diyos_compressed

Kidlat ng Silanganan—Pagbigkas ng Diyos | Ang mga Hindi Kaayon kay Kristo ay Tiyak na Kalaban ng Diyos


Ang lahat ng tao ay nais na makita ang tunay na mukha ni Jesus at nagnanais na makasama Siya. Naniniwala ako na wala sa mga kapatid na lalaki o kapatid na babae ang magsasabi na hindi niya gustong makita o makasama si Jesus. Bago ninyo nakita si Jesus, iyon ay, bago niyo pa nakita ang nagkatawang-taong Diyos, magkakaroon kayo ng maraming mga saloobin, halimbawa, tungkol sa hitsura ni Jesus, ang Kanyang paraan ng pagsasalita, ang Kanyang paraan ng pamumuhay, at iba pa. Gayunman, kapag nakita niyo na Siya, ang inyong mga saloobin ay mabilis na magbabago. Bakit ganoon? Nais ninyo bang malaman? Bagaman hindi maaaring balewalain ang pag-iisip ng tao, mas hindi maaaring kunsitihin ng tao na baguhin ang sangkap ni Kristo. Isinaalang-alang ninyo si Kristo bilang isang imortal, isang pantas, ngunit walang kumikilala kay Kristo bilang isang mortal na may maka-Diyos na sangkap. Samakatuwid, marami sa mga taong nananabik nang araw at gabi upang makita ang Diyos ay talagang kaaway ng Diyos at hindi kaayon sa Diyos. Hindi ba ito isang kamalian sa parte ng tao? Kahit ngayon, iniisip niyo pa rin na ang inyong paniniwala at katapatan ay magsisilbing karapat-dapat na makita ang mukha ni Kristo, ngunit pinapayuhan ko kayong sangkapan ang inyong sarili sa mas konkretong mga bagay!

12 Disyembre 2018

Salita ng Diyos | Ang Diyos Mismo, ang Natatangi V Ang Kabanalan ng Diyos (II) (Ikaapat na Bahagi)


Salita ng Diyos | Ang Diyos Mismo, ang Natatangi V Ang Kabanalan ng Diyos (II) (Ikaapat na Bahagi)


    Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ang pang-unawa ng kalooban ng Diyos at ang pagkilala sa kalooban ng Diyos ay nagbibigay ng hindi masukat na tulong sa pagpasok ng tao sa buhay. Umaasa ako na hindi ninyo isasawalang-bahala ito o makikita ito bilang isang laro; dahil ang pagkilala sa Diyos ay isang napakahalagang batayan at pundasyon para sa pananampalataya ng tao sa Diyos at ang paghahanap ng tao sa katotohanan at kaligtasan at isang bagay na hindi dapat ipagpamigay lamang.

11 Disyembre 2018

Movie Clips | Lumabas Sa Biblia (2) "Makapagtatamo ba Tayo ng Buhay na Walang Hanggan sa Pagkapit sa Biblia?"


Movie Clips | Lumabas Sa Biblia (2) "Makapagtatamo ba Tayo ng Buhay na Walang Hanggan sa Pagkapit sa Biblia?"


Sa mga huling araw, ginagawa ng Makapangyarihang Diyos ang Kanyang gawain at inihahatid ang daan tungo sa buhay na walang hanggan, at sa magtatamo lang tayo ng buhay na walang hanggan sa pagtanggap sa katotohanang ipinahayag ni Cristo sa mga huling araw. Subalit sinasabi ng mga pastor at elder ng mga relihiyon na ang buhay ay nasa loob ng Biblia, at na basta’t sumusunod tayo sa Biblia magtatamo tayo ng buhay na walang hanggan. Ang Biblia ba ang may buhay na walang hanggan, o si Cristo?

10 Disyembre 2018

Tanging Yaong mga Kilala ang Diyos at Kanyang Gawa ang Makapagbibigay-kasiyahan sa Diyos

Tanging Yaong mga Kilala ang Diyos at ang Kanyang Gawain ang Makapagbibigay-kasiyahan sa Diyos

Kidlat ng Silanganan—Pagbigkas ng Diyos | Tanging Yaong mga Kilala ang Diyos at Kanyang Gawa ang Makapagbibigay-kasiyahan sa Diyos


Ang gawain ng Diyos na nagkatawang-tao ay may dalawang bahagi. Nang una Siyang naging katawang-tao, di Siya pinaniwalaan ni kinilala ng mga tao, anupat ipinako si Jesus sa krus. Sa pangalawang pagkakataon din, di pa rin naniwala sa Kanya o kinilala man lang Siya, at minsan pang ipinako si Cristo sa krus. Hindi ba’t ang tao ay kaaway ng Diyos? Kung hindi Siya kilala ng mga tao, paano sila magiging matalik na kaibigan sa Diyos? At paano siya nagkaroon ng kakayanang magpatotoo sa Diyos? Ang pagmamahal sa Diyos, ang paglilingkod sa Diyos, ang pagluluwalhati sa Diyos—hindi ba ito mga mapanlinlang na kasinungalingan? Kung itutuon mo ang iyong buhay sa mga walang katunayan at di-praktikal na mga bagay na ito, hindi ba gumagawa ka nang walang kabuluhan? Paano ka magiging matalik na kaibigan ng Diyos kung hindi mo naman kilala kung sino ang Diyos? Hindi ba ang ganitong pagsisikap ay malabo at mahirap maunawaan? Hindi ba ito mapanlinlang? Paano ba maging matalik na kaibigan ng Diyos? Ano ba ang makabuluhang kahalagahan ng pagiging malapit sa Diyos? Maaari ka bang maging matalik na kaibigan ng Espiritu ng Diyos? Kaya mo bang makita kung gaano kadakila at kabunyi ang Espiritu?

08 Disyembre 2018

Salita ng Buhay | "Ang Kapanahunan ng Kaharian ay ang Kapanahunan ng Salita" (Unang bahagi)


 Salita ng Buhay | "Ang Kapanahunan ng Kaharian ay ang Kapanahunan ng Salita" (Unang bahagi)


    Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Sa Kapanahunan ng Kaharian, ginagamit ng Diyos ang salita upang ihatid ang isang bagong kapanahunan, upang baguhin ang paraan ng Kanyang gawain, at upang gawin ang gawain para sa buong kapanahunan. Ito ang panuntunan ng paggawa ng Diyos sa Kapanahunan ng Salita.

Makapangyarihang Diyos, ang Puso Ko'y Sa'Yo

 I Kaninong mga salita ang pinakamatamis, at pinalakas ang aking espiritu?