Ang Isa na Kataas-taasan sa Ibabaw ng Lahat

12

20 Enero 2019

Kidlat ng Silanganan—Pagbigkas ng Diyos | Kabanata 56

Nakapagsimula na Akong gumawa ng mga pagkilos para parusahan yaong mga gumagawa ng masama, yaong mga gumagamit ng kapangyarihan, at yaong mga umuusig sa mga anak-na-lalaki ng Diyos. Mula ngayon, sinumang sumasalungat sa Akin sa kanilang puso, ang kamay ng Aking mga atas sa pamamahala ay mapapasakanila magpakailaman. Alamin ito! Ito ang pasimula ng Aking paghatol at walang awa ang ipakikita kaninuman at walang sinumang pakakawalan dahil Ako ang walang-damdaming Diyos na nagsasagawa ng katuwiran; makabubuti sa inyo na kilalanin ito.

19 Enero 2019

The bible tagalog movies | Paano Nagkaroon ng mga Pagkakamali sa Loob ng Biblia?


The bible tagalog moviesPaano Nagkaroon ng mga Pagkakamali sa Loob ng Biblia?


Maraming naniniwala na ang buong Biblia ay binigyang-inspirasyon ng Diyos , na lubos itong nagmumula sa Banal na Espiritu, at na walang mali ni isang salita. Umaayon ba sa mga tunay na pangyayari ang ganitong klaseng pananaw? Ang Biblia ay isinulat ng mahigit 40 awtor, ang mga nilalaman nito ay itinala at isinaayos ng tao, at hindi tuwirang inihayag ng Banal na Espiritu.

18 Enero 2019

Pagpapahayag ng Bumalik na Panginoong Jesus | Ang Ika-dalawampu’t-dalawang Pagbigkas

Pagpapahayag ng Bumalik na Panginoong Jesus | Ang Ika-dalawampu’t-dalawang Pagbigkas


Ang paniniwala sa Diyos ay hindi madaling gawin. Naguguluhan ka, tinatanggap ang lahat at iniisip na ang lahat ay kawili-wili, napakasarap! May mga ilan na pumapalakpak pa rin—wala talaga silang kaunawaan sa kanilang mga espiritu. Nararapat na maglaan ng panahon upang ibuod ang karanasang ito. Sa mga huling araw, lumilitaw ang lahat ng uri ng mga espiritu para gampanan ang kanilang mga papel, hayagang sinasalungat ang mga pasulong na hakbang ng mga anak ng Diyos at nakikibahagi sa pagsira sa pagtatatag ng iglesia. Kung babalewalain mo ito, binibigyan si Satanas ng mga pagkakataong gumawa, guguluhin nito ang iglesia, matataranta at magiging desperado ang mga tao, at sa mga malulubhang kalagayan, mawawalan ang mga tao ng mga pananaw. Sa ganitong paraan, mauuwi sa wala ang Aking paghihirap sa loob ng maraming taon.


17 Enero 2019

Tanong 3: Ano ang pagkakaiba ng mga salita ng Diyos na inihatid ng mga propetang katulad nina Isaias, Ezekiel, at Daniel mula sa Kapanahunan ng Kautusan, sa mga salitang ipinahayag ng Diyos sa laman?

Sagot: Dahil sa pagkakaiba ng diwa ng Diyos na nagkatawang-tao sa diwa ng mga propeta, dumarating ang Diyos na nagkatawang-tao para gawin ang gawain ng Diyos samantalang ginampanan lang ng mga propeta ang tungkulin ng tao. Kaya likas na magkaiba ang kanilang gawain. Tingnan natin kung paano ito sinabi ng Makapangyarihang Diyos. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Ang mga propeta ng Lumang Tipan ay nagsipanghula, at katulad nito, kaya rin ni Jesus. Bakit ganito? Ang pagkakaiba rito ay batay sa kalikasan ng gawain. Upang maarok ang bagay na ito, hindi mo maaaring isaalang-alang ang kalikasan ng laman at hindi mo dapat isaalang-alang ang kalaliman o kababawan ng salita ninuman. Lagi mong dapat unang isaalang-alang ang kanyang gawain at ang mga bunga na nagagawa nito sa tao. Ang mga hula na sinalita ni Isaias sa panahong iyon ay hindi nagtustos ng buhay ng tao, at ang mga mensahe na natanggap niyaong gaya ni Daniel ay mga hula lamang at hindi ang paraan ng pamumuhay. Kung hindi dahil sa tuwirang pagbubunyag ni Jehovah, walang makagagawa ng gawaing yaon, dahil ito ay hindi posible para sa mga mortal. Si Jesus, din, ay maraming sinalita, nguni’t ang gayong mga salita ay ang paraan ng pamumuhay kung saan mula rito ang tao ay makahahanap ng isang landas upang magsagawa. Ibig sabihin, una, makapagtutustos Siya ng buhay ng tao, sapagka’t si Jesus ay buhay; ikalawa, maaari Niyang baligtarin ang mga paglihis ng tao; ikatlo, ang Kanyang gawain ay maaaring sumunod roon sa kay Jehovah upang ipagpatuloy ang kapanahunan; ikaapat, natatarok Niya ang mga pangangailangan ng tao sa loob at nauunawaan kung ano ang pagkukulang ng tao; ikalima, kaya Niyang maipasok ang isang bagong kapanahunan at wakasan ang dati. Iyan ang dahilan kung bakit Siya ay tinatawag na Diyos at Cristo; hindi lamang Siya iba kay Isaias kundi gayundin mula sa lahat ng iba pang mga propeta” (“Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Ministeryo ng Nagkatawang-taong Diyos at ng Tungkulin ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Mula sa salita ng Makapangyarihang Diyos, natatanto natin na ginagampanan ng Diyos na nagkatawang-tao ang Kanyang sariling ministeryo at ginagawa ang gawain sa ilalim ng pamamahala ng Diyos na kumakatawan sa gawain ng isang panahon, at ang salitang ipinapahayag Niya ay para sa buong sangkatauhan. Gayunman, mga propeta ang ginamit ng Diyos para gawin ang tungkulin ng tao nang gumawa Siya sa Kapanahunan ng Kautusan. Inihatid lang ng mga propeta ang salita ng Diyos sa pamamagitan ng inspirasyon ng Diyos na si Jehova sa paglalahad ng ilang propesiya, pagbibigay ng ilang babala sa mga tao o paggawa ng ilang manaka-nakang gawain.

16 Enero 2019

Kidlat ng Silanganan | "Bilangguang Walang Pader" | The CCP's Tracking Service for Christians


Kidlat ng Silanganan | "Bilangguang Walang Pader" | The CCP's Tracking Service for Christians


Ang crosstalk na Bilangguang Walang Pader ay nagsasalaysay ng kuwento ni Han Mei, nangibang-bansa at nagbalik-tanaw sa mapait niyang karanasan bilang isang Kristianong namumuhay noon sa ateistang Tsina. Si Han Mei ay inaresto ng mga pulis ng CCP dahil sa pangangaral niya ng ebanghelyo, pero kahit matapos siyang palayain, hindi pa rin niya nagawang takasan ang masamang kamay ng pamahalaan ng CCP. Sa kagustuhan nilang isuko niya ang kanyang pananampalataya, hindi sila tumigil sa pagbabantay at pagkontrol sa kanya: sinusubaybayan siya ng mga surveillance device, bugs, at biglaang pagdalaw, pagbuntot ng mga naka-sibilyang pulis, at sinusundan siya hanggang sa labas ng bayan niya.

Makapangyarihang Diyos, ang Puso Ko'y Sa'Yo

 I Kaninong mga salita ang pinakamatamis, at pinalakas ang aking espiritu?